You are on page 1of 10

Pangalan: Mary Mae Mortejo Taon/Seksyon: BSED-F 1-4

Rosemarie M. Pastor

ARALIN 3- Mga Layuning Edukasyong Sekundarya

Pagbuo ng Layunin sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino

INTRODUKSYON

- Bilang isang guro at nagpapadalubhasa sa pagtuturo, kailangan nating


matutunan kung papaano gumawa o bumuo ng layuning sa pagtuturo ng
assignaturang Filipino. Ang paksa na ito ay nakatuon sa Pagbuo ng layunin
sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino kung saan sakop nito ang: (1) Domeyn
ng Layunin Pampagkatuto; at (2) Paggawa ng Banghay Aralin.

Pangkalahatang Layunin
1. Naisa-isa ang mga Domeyn ng Layunin Pampagkatuto
2. Nasunod-sunod ang anim na lebel ng Herarkiya ng Pag-iisip ayon kay Benjamin
Bloom.
3. Natukoy ang Kaibahan ng Blooms Taxonomy 1959 at Andersons Taxonomy 2001
4. Naorganisa ang Herarkiya ng Pamdamdaming Domeyn ni David Krathwohl
5. Nasunod- sunod ang Saykomotor na Herarkiya ni Elizabeth Simpson 1972
6. Nakagawa ng sariling Banghay Aralin

GAWIN NATIN

- Bilang isang estudyante noong hayskul balik tanawin ang mga layunin
Pampagkatuto na itinuro o ginawa ng iyong mga guro sa pagkatuto ng
asignaturang Filipino. Ilahad ito sa hindi baba sa limang pangungusap.

TALAKAYIN

LAYUNIN
 Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na
inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
 Makikita rin dito ang mga estratehiya na nararapat gamitin at ilapat ng mga
guro sa pagtuturo.

DALAWANG PANGUNAHING HAKBANG SA PAGBUO NG MGA LAYUNIN


PAMPAGTUTURO

1. .Kailangang tukuyin ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto.


2. Ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang pagganap

ay namamasdan o ang pagsasagawa ay nakikita .


MGA DAPAT TANDAAN SA PAGLALAHAD NG MGA LAYUNIN
 Ang gawi o kilos ay nakapukos sa kung ano ang gagawin ng mga mag-
aaral matapos ang leksyon.

 Ang gampanin ay ilalahad sa paraang makikita o ang bunga ng


pagganap.
 Dapat ding isaalang-alang kung sa anong kalagayan gagampanan ang
gawain.
 Dapat ding banggitin ang sukat o antas ng pagganap ng Gawain

ABCD FORMAT

A- udience – ito ay tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung


sino ang gagawa ng mga Gawain o task.

B- ehavior – itoy paglalarawan ng mga nakikita o namamasid na gawi o kilos


na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral bilang bunga o resulta ng
kanilang pagkakahantad sa isang pagtuturo.

C- ondition- itoy paglalarawan ng uri ng pagtataya o ebalwasyong gagamitin


upang makatiyak kung mayroon masteri sa itinakdang kilos o gawi sa
pagkatuto.

D- egree – itoy paglilinaw hinggil sa pinakamababang sukat o antas ng


pagganap sa Gawain bilang ebidensya ng masteri.

Halimbawa

(a) Ang bawat pangkat (b) ay nakasusulat (c) ng isang sanaysay na naglalahad (d) ng

hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling pambansang bayani si Jose

Rizal.

MGA LAYUNIN SA PAMPAGKATUTO SA FILIPINO

1. PANGKABATIRAN (COGNITIVE)
- mga layunin na lumilinang sa mga kakayahan at kasananayang pangkaisipan ng
mga mag-aaral. Karamihan sa kabatirang pagkonibtibo ay napaloob sa Blooms
Taxonomy ni Benjamin Bloom at nirebisa ito ng kanyang estudyante na si Anderson
noong 2001. Karaniwang kilala bilang Blooms Taxonomy, ang balangkas na ito ay
ginagamit ng mga henerasyon ng mga guro ng K-12 at mga guro sa kolehiyo sa
kanilang pagtuturo.

Anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip ayon kay Benjamin Bloom.

1. Kaalaman- tumutukoy sa simpleng pag-gunita sa mga natutuhang impormasyon.

2. Komprehensyon- binibigyan din ang pag-gunita sa mga natutuhang impormasyon

3. Aplikasyon- paggamit sa natutuhan sa ibat-ibang paraan o tesksto.

4. Analisis- pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyon ng natutuhan


upang Makita ang kabuuan.

5. Sintesis- kailangan pag-ugnayin ang ibat-ibang impormasyon upang makalikha ng


bagong kaalaman.

6. Ebalwasyon- nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwang ng mga


inilahad na mga krayterya.

2. PANDAMDAMIN (AFFECTIVE)

-nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin, emosyon,


kawilihan at pagpapahayag ng mga mag-aaral.

Ito ay may limang kategorya ayon kay David Krathwohl


1. Pagtanggap- pakikinig sa guro sa klase
2. Pagtugon- nagtatanong ng mga bagong ideya
3. Pagpapahayag – pagbibigay importansya ng tao sa isang bagay.
4. Pag-oorganisa- nakikita ang pangangailangan maibalanse ang kalayaan at
responsibilidad
5. Karakteresasyon- naipapakita ang tiwala sa sarili habang nagsasagawa ng mga
gawain nang hindi nakadepende sa iba.

3.SAYKOMOTOR (PSYCHOMOTOR)

-nanggaling sa dalawang salita na Psycho o mag-isip at motor ay galaw. Napaloob


ditto ang mga layuning makalilinang sa kasanayang motor at manipulatibo ng bawat
mag-aaral.

1. Perception- sinisimulang tantiyahin ng mga mag-aaral ang mga bagay-bagay kung


paano gawin
2. Seth- pagkakaroon ng paghahandang pisikal, mental, at emosyonal.
3. Guided Response- sinusubukan na matutunan ang saykomotor sa pamamagitan ng
panggagaya.
4. Mechanism- paulit na pag-eensayo ay unti-unti ng naisasagawa ng nais na
matutuhan ng tama at maayos.
5. Complex Overt Response- matagumpay ng maisasagawa ang ninanais na
pagkatutong saykomotor.
6. Adaptation- naisasagawa na ng mag-aaral ang natutunan sa kahit anumang
pagkakataon.
7. Origination- ditto lumalabas ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral, nakabubuo na
ng sariling teorya.

BANGHAY-ARALIN
- isang balangkas ng mga layunin, paksang aralin, kagamitan at mg hakbang
na sunod-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng mga layunin at napipintong
bunga nito.

- maaaring tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa pagtuturo ng


isang tapik para sa isang tiyak na oras o panahon.

Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.

I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Pamaraan
IV. Takdang Aralin

May tatlong uri ng kayarian ang pang araw-araw na banghay ng pagtuturo:

I. Masusing Banghay ng Pagtuturo


II. Mala-susing Banghay
III. Maikling Banghay

I. Masusing Banghay ng Pagtuturo


- ito'y ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mga mag-aaral. Ginagamit
din ito ng mga datihan nang guro kapag naatasang magpakitang turo. Sa ganitong
anyo ng banghay, nakatala pati ang tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot
ng mag-aaral.

II. Mala-susing Banghay


- ito'y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na
mayroon pang bahagi ang Gawaing Guro at Gawaing Mag-aaral binabanggit na
lamang nang sunod-sunod ang gagawin ng guro sa klase.

III. Maikling Banghay


- ito'y talagang maikli lamang. Sa banghay na ito, sapat ng banggitin kung
anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya'y banggitin ang suno-sunod na
hakbang sa maikling pangungusap.

Mga Pormat sa mga Banghay na Pagtuturo


Masusing Banghay ng Pagtuturo
I. Mga Layunin
1.
2.
3.

II. Paksang Aralin


1.
2.
3.

III. Mga Kagamitan


1.
2.
3.

IV. Pamaraan
Unang gawain
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Takdang Oras Mga Hakbang Mga Hakbang
Mode (Inaasahang/Pares) 1. 1.
2. 2.
3. 3.

Ikalawang gawain
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Takdang Oras Mga Hakbang Mga Hakbang
Mode (Inaasahang/Pares) 1. 1.
2. 2.
3. 3.

V. Sariling Ebalwasyon at mga Puna sa Itinuturong Aralin


Unang Gawain
Ikalawang Gawain
Mala-masusing Banghay
I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Pamaraan

Takdang oras Pagkasunod-sunod ng mga Hakbang Kagamitan


1. Pagkuha ng atensyon
2. Paglahad ng Aralin
3. Pagpapaliwanag
4. Paglalahat
5. Pagsasanay
6. Pagsasara/Ebalwasyon

IV. Ebalwasyon ng Boung Liksyon

Maikling Banghay
I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A. Pambungad: Pagtiyak sa isang tiyak na problema, isyu, o tapik
B. Paglilinaw
C. Pag-iimbistiga
D. Pagsasara - Lagom, Integrasyon, Paglalapat

IV. Ebalwasyon

ANALISAHIN

1. Ano-ano nga ba ang mga layunin sa pagbuo ng pampagtuturo sa asignaturang Filipino?

2. Ano-ano ang mga pangunahing hakbang sa pagbuo ng mga layunin sa pampagtuturo?

3. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa paglalahad ng mga layunin?

4. Ano-ano ang mga layunin sa pampagkatuto sa Filipino?

5. Ano ang ibig sabihin ng banghay-aralin?

6. Sa anong dahilan kung bakit kailangang bumuo ang isang guro ng isang banghay-aralin?

7. Ano ang magiging resulta kung ang isang guro ay mayroong pagpaplano sa kaniyang magiging klase?
PAHALAGAHAN NATIN

Ang pagbuo ng layunin sa pagtuturo ng assignaturang Filipino ay mahalaga upang magkaroon ng


malinaw na direksyon ang pagtuturo, mapanatili ang pagkakaisa at pagkakakilanlan ng mga mag-aaral sa
bansa, at matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na magkaroon ng kahusayan sa paggamit ng
wikang Filipino, maging sa pag-unawa nito. Sa kabilang banda, mabubuti ang kasanayan sa paggamit ng
wikang Filipino, lalo na sa pagbabasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita nito. Matutugunan din ang
pangangailangan ng mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan at kasaysayan ng wika ta kultura ng
bansa, pati ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mapanatili at paunlarin ang kanilang
pagkakakilanlan bilang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtuturo tungkol sa kultura, tradisyon at
kasaysayan ng bansa.

Sa ganitong paraan, makatutulong ang mga ito sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
Asignaturang Filipino at sa paglago ng kanilang kakayahang magamit nang epektibo ang wikang Filipino
sa pang-araw-araw na buhay at sa mga susunod na landas sa kanilang buhay.

INANGIN NATIN

Pangalan:_________________________________________________________

Kurso at Taon:____________________________________________________

Tasahin

TAMA AT MALI

TAMA O MALI
1. Ang audience ay tumutukoy kung kanino nakatuon ang pagtuturo at kung sino ang gagawa ng gawain.
TAMA

2. Pangkabatiran ay nauukol sa layuning pandamdamin sa paglilinang ng mga saloobin at emosyon ng


mag-aaral. MALI

3. Si Elizabeth Simpson ang gumawa ng anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip.


MALI

4. Ang pangkabatiran, pandamdamin at saykomotor ay mga layunin sa pagkatuto sa asignaturang


Filipino. TAMA

PAGPIPILIAN

5. Naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na inaasahang maipakita ng mga
mag-aral. A
A. Layunin B. Saykomotor C. Banghay-aralin
6. Napaloob dito ang mga layuning makakalinang sa kasanayang motor. C
A. Pandamdamin B. Pangkabatiran C. Saykomotor

7. Tanawin bilang isang iskrip na sinusunod ng guro sa pagtuturo ng isang topik para sa tiyak na oras o
panahon. B
A. Layunin B. Banghay-aralin C. Domeyn pampagkatuto

8. Paglilinang ng mga saloobin, emosyon at pagpapahayag ng mga mag-aaral. A


A. Pandamdamin B. Saykomotor C. Pangkabatiran

Sanaysay
9-10 Bilang isang guro sa hinaharap bakit kailangan natin gumawa ng layunin sa pagkatuto ng ating mga
estudyante.

Sanggunian:

https://www.studocu.com/ph/document/mindanao-state-university-iligan-institute-of-technology/
beed-language-education/mga-layuning-pampagtuturo/39495534

https://www.scribd.com/presentation/373679462/Mga-Domeyn

https://www.youtube.com/watch?v=mFJsMW6523c

https://www.youtube.com/watch?v=ujWO1t12xyY

https://www.scribd.com/document/514741775/Pagbuo-ng-Layunin-sa-pagtuturo-ng-asignaturang-
Filipino

https://www.scribd.com/document/514741775/Pagbuo-ng-Layunin-sa-pagtuturo-ng-asignaturang-
Filipino
https://www.slideshare.net/NylamejYamapi/banghay-aralin-74246892

You might also like