You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Impig, Sipocot, Camarines Sur 4408
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: cbsua.sipocot@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 881-6681

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Maikling Kuwento at
Nobelang Filipino

LIT 103

Ipinasa Kay:

Prof. Mia N. Eborda


Associate Professor III

Ipinasa Ni:

John O. Esguerra
BSED 3A-FILIPINO

Ika-15 ng Desyembre 2022


WEEK 13
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG NOBELA

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
Ang layunin at kahalagahan ng nobela ay maaaring maakses sa mga link sa website na
nakasaad sa learning resources at maaring manaliksik o gumamit ng mga aklat bilang
sanggunian, video na nagpapakita at nagpapaliwanag sa paksa.

 Ilagay sa concept cluster ang katangian ng nobela.

Mapukaw ang
damdamin ng
mga
mambabasa.
Mapukaw ang
Gumising ng
kaalaman ng
diwa at
tao sa pagsulat
damdamin.
ng nobela.

Magbigay KATANGIAN Manawagan sa


inspirasyon sa talino ng guni-
mambabasa. NG NOBELA guni.

Magbigay-aral Magbigay-aral
tungo sa pag- tungo sa pag-
unlad ng unlad ng
buhay at buhay at
lipunan. Magsilbing lipunan.
daan tungo sa
pag-unlad ng
buhay at
lipunan.
LAYUNIN AT
KATANGIAN NG
NOBELA
Layunin:
Matapos ang talakayan, ang
mga mag-aaral ay inaasahang…
natutukoy ang mga layunin ng
nobela sa pamamagitan ng
pagsusuri ng isang
nobela; at
natatalakay ang mga katangiang
taglay ng isang nobela.
NOBELA
Ang nobela ay isang
mahabang kathang
pampanitikan na naglalahad ng
mga
pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa
kabila. Ito rin ay isang maka-
sining na pagsasalaysay
ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkaka-ugnay.
Layunin ng Nobela:
1. Gumising ng diwa at
damdamin.
2. Manawagan sa talino ng
guni-guni.
3. Mapukaw ang damdamin ng
mambabasa.
4. Magbigay-aral tungo sa pag-
unlad ng buhay at lipunan.
5. Magsilbing daan tungo sa
pagbabago ng sarili at lipunan.
6. Magbigay inspirasyon sa
mambabasa.
7. Mapukaw ang kaalaman ng
tao sa pagsulat ng nobela
LAYUNIN AT
KATANGIAN NG
NOBELA
Layunin:
Matapos ang talakayan, ang
mga mag-aaral ay inaasahang…
natutukoy ang mga layunin ng
nobela sa pamamagitan ng
pagsusuri ng isang
nobela; at
natatalakay ang mga katangiang
taglay ng isang nobela.
NOBELA
Ang nobela ay isang
mahabang kathang
pampanitikan na naglalahad ng
mga
pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa
kabila. Ito rin ay isang maka-
sining na pagsasalaysay
ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkaka-ugnay.
Layunin ng Nobela:
1. Gumising ng diwa at
damdamin.
2. Manawagan sa talino ng
guni-guni.
3. Mapukaw ang damdamin ng
mambabasa.
4. Magbigay-aral tungo sa pag-
unlad ng buhay at lipunan.
5. Magsilbing daan tungo sa
pagbabago ng sarili at lipunan.
6. Magbigay inspirasyon sa
mambabasa.
7. Mapukaw ang kaalaman ng
tao sa pagsulat ng nobela
WEEK 14
PANAHON NG PAG-UNLAD NG NOBELANG FILIPINO SA PANAHON NG
KASTILA

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
Ang kasaysayan at pag-unlad ng nobelang Filipino sa panahon ng Kastila ay maaaring
maakses sa mga link sa website na nakasaad sa learning resources at maaring
manaliksik o gumamit ng mga aklat bilang sanggunian, video na nagpapakita at
nagpapaliwanag sa paksa.
 Gumawa ng tuwirang paghahambing sa Nobela sa panahong ito at sa
kasalukuyang panahon.

PANAHON NG KASTILA KASALUKUYANG PANAHON

 Ang paksain ay tungkol sa  Tumalakay ang mga nobela ng


relihiyon, Kabutihang-asal, mga paksain tungkol sa reporma,
nasyonalismo, at pagbabago. pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya,
 Nahati sa dalawang uri ang nobela pang-araw-araw na pamumuhay.
sa panahong ito; Nobelang  Nagbalik ang nobela sa
Panrelihiyon at Nobelang romantisismo na nailathala sa
Mapaghimagsik. liwayway at nasa pamantayang
 Nakilala ang kauna-unahang komersyal.
nobelang salin sa tagalog, ang
Barlaan at Josaphat na isinalin ni
Padre Antonio de Borja noong
1712.
WEEK 15
PANAHON NG PAG-UNLAD NG NOBELANG FILIPINO SA PANAHON NG
AMERICANO

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
Ang kasaysayan at pag-unlad ng nobelang Filipino sa panahon ng Amerikano ay
maaaring maakses sa mga link sa website na nakasaad sa learning resources at
maaring manaliksik o gumamit ng mga aklat bilang sanggunian, video na nagpapakita
at nagpapaliwanag sa paksa.
 Pumili ng isang nobelang nalathala sa panahong ito at gumawa ng pansariling
pagsusuri tungkol sa paksa at pamamaraan nito ilagay sa talahanayan.

PAMAGAT MANUNULAT
Ang Magmamani Teofilo E. Sauco
TAGPUAN TAUHAN
Ito ay nangyari sa Tiaong, Baliwag, Bulacan Inkong Pinong - siya ang matandang
kung saan matiwasay ang lugar kagaya ng nagtitinda ng mani na siyang pinagbilinan ng
katiwasayan ng mga karakter sa nobela. isang babae nooy may dalang sanggol at
pinangalanan niyang Ninay. Siyay isang
mapagmahal na itinuring na ni Ninay na tunay
niyang ama.
Ninay - siya ang saggol na inihabilin kay
Inkong Pinong ng isang babae. Siya ay isang
maglalako ng mani at dalagitang nakabibighani
na kahit sinumang binata’y napapatulala sa
kanya taglay na kakaibang kagandahang hatid.
Luis - siya ang binatang dalawangngpu’t
limang taon gulang. Isang mayaman na
nagmamay-ari ng ilang malalaking bahay
paupahan sa lungsod ng maynila. Siya ang
tanging anak ng kanyang mga magulang at
ulila na kaya ipinamana sa kanya lahat ng
kayamanan ng kanyang mga magulang. Siya
rin ang nag-uugnay kay Ninay at sa kanyang
ina sapagkat naging Katipan ng ina ni Ninay si
Luis ng halos tatlong taon at kalaunay naging
asawa din ni Ninay.
Tentay/ Vicenta Gomez - siya ang babaeng
minsang na ring nasawi sa pag-ibig. Naging
mananayaw siya sa Cabaret minsang naging
katipan ni Luis na siya namang naging asawa
ng kanyang anak na si Ninay.
Napagdisesyonan din nyang maging isang
Madre.
Padre Ventura/Ventura Villaronan- siya ng
kura Paruko ng Baliwag, bulakan. Siya rin ang
lalaking minsang minahal ni tentay ngunit
nasawi rin sa pag-ibig kaya ipinangako sa
sariling magpare siya. Siya rin ang lihim na
ama ni Ninay.
PANANALITA TEMA
Naging mahinahon lamang ang takbo sa Pag-ibig sa Pamilya
kuwento ng nobelang nabasa.
DAMDAMIN PANANAW
Matapos basahin ang nobela, ito ay nag-iwan Ang may-akda ay gumamit ng pangatlong
ng kasiyahan sa damdamin ng mga pananaw.
mambabasa dahil sa kasiya-siyang wakas.
SIMBOLO MGA TEORYANG GINAMIT SA NOBELA
Ang simbolo na nasa nobela ay ang “mani” Teoryang Klasisismo
 Ang nobela ay naging ukol sa
dalawang taong nag-iibigan sa
magkaiba ang estado ang buhay ngunit
naging maayos ang pagtatapos ng
nobela.
Teoryang Feminismo
 Si Ninay ay sumasagisag sa babaeng
ipinamayagpagang mabubuti at
magandang katangian ng katauhan.
BANGHAY NG NOBELA
Panimula
Sa tahimik na lugar ng Tiaong, Baliwag, Bulacan nakatira si Inkong Pinong na isang maglalako
ng mani na sa isang iglap ay biglaang pinagbilinan ng sanggol ng babaeng di niya kilala isang
gabi. Tinawag niya ang sanggol na Tinang.
Paunlad na Pangyayari
Naging tanyag si Ninang sa kanyang nayon dahil sa paglalako ng mani at dahil na rin sa
maamo at gandang nagbibigay ng parang mahikang nagpapatulala sa mga binatang tagaroon
at dahil sa itinataglay na kagandahan at kabutihang asal, palaging nauubos ang kanyang
nilalakong mani na siyang ipinambibili narin niya ng pasalubong sa kay Intong Pinong habang
si Tentay na kanyang ina ay umuunlad din dahil kay Luis na siyang sumagip sa kanya.
Kasukdulan
Nadiskubre ni Tentay na ang ang babaeng maglalako ng mani na siyang iniibig ni Luis ay
kanya palang anak at ang pareng nagkumpisal sa kanya’y siyang lalaking minahal niya noon at
siya ring ama ni Ninang.
Kakintalan
Halu- halong emosyon ang nadama ko sa pagbasa ng nobelang “ang magmamani”. Sa simula
ng nobela ay nainis ako sa ina dahil iresponsable siya sa pagbibigay ng kanyang anak sa
matanda. Nang lumaki na si Ninay, natuwa na ako lalong lalo na nang magkakilala si Ninay at
Luis ngunit nanghinayang din ako dahil sa maagang edad ay nagpakasal na sila, di na
masyadong naranasan ni Ninay ang kalayaan ng pagiging single. Ang wakas ay nag iwan ng
magaang pakiramdam sa akin sapagkat kahit madaming nangyaring di maganda, naging
masaya parin ang wakas nito.
Wakas
Pagkaraan ng panahon matapos pumanaw ang ina ni Ninay, naging maganda ang pagsasama
ni Luis at Ninay. Si Inkong Pinong ay hindi na ipinagtatrabaho sa lupa. Inihabilin na lamang ni
Luis ito sa taga Baliwag din. Dumadalaw din ang magasawa sa Baliwag at paminsan-minsay
nagpipiknik sila sa ilog malapit sa kubo Inkong Pinong at naging masaya ang kanilang
pamumuhay

WEEK 16
PANAHON NG PAG-UNLAD NG NOBELANG FILIPINO SA PANAHON NG
HAPON

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
Ang kasaysayan at pag-unlad ng nobelang Filipino sa panahon ng Hapon ay
maaaring maakses sa mga link sa website na nakasaad sa learning resources at
maaring manaliksik o gumamit ng mga aklat bilang sanggunian, video na nagpapakita
at nagpapaliwanag sa paksa.
 Pumili ng isang nobelang nalathala sa panahong ito at gumawa ng pansariling
pagsusuri tungkol sa paksa at pamamaraan nito ilagay sa talahanayan.

PAMAGAT MANUNULAT
Tatlong Maria Jose Esperanza Cruz
MGA TAUHAN PAKSA
Maria Fe Pag-iibigan at Pamilya
Maria Esperanza
Maria Caridad
Donya Pilar
Andres
SIMBOLISMO MENSAHENG NAKATAGO SA NOBELA
Ang pagsisilang ni Caridad ng isang sanggol Pagtuligsa ng uri ng pamumuhay na
sa panahon ng ikalawang Republika. ipinaranas ng mga Amerikano. Ang
Sumasagisag ito sa panibago at masiglang paninirahan sa lungsod ay itinumbas sa
hinaharap para sa mga Pilipino. pagtangkilik sa kalakaran ng buhay na maka-
at mala- Amerikano. Ito ay isang masamang
klase at estilong pamumuhay na hindi dapat
tangkilikin at tularan.
PAMAMARAAN
Masasalamin ang husay ni G. Cruz sa pagsulat ng nobelang “Tatlong Maria” kung saan
maayos ang banghay ng kuwento sapagkat naisalaysay ng malinaw at maayos ang maliit o
malaking tagpo man sa kuwento. Kung mababasa ito ng iba ay maiisip din nilang sila ay
parang nasa lugar na ginaganapan ng mga pangyayari. Nakuha rin ng manunulat ang
atensyon ko sapagkat ang ilan sa mga tagpo ay sumasalain sa tunay na buhay o nangyari na
rin sa aming pamilya. Ang kuwento ay nagbigay ng aral sa mga mambabasa, ano man ang
nasa kuwento ay hindi na natin dapat gawin sa tunay na buhay dahil tiyak na makakasira ito sa
pagsasamahan ng pamilya.
BUOD
Sina Maria Fe at Esperanza ay magkapatid habang si Maria Caridad ay kapatid lamang sa
Ama. Ang Ina ng dalawang Maria ay pumanaw na. Si Donya Pilar ay ang Ina ni Caridad.
Pantay-pantay ang pagmamahal ni Donya Pilar sa tatlong maria. Ikakasal dapat si Caridad kay
Andres. At pumunta ang dalawa. Hindi para dumalo ng kasal. Kundi para tutulan ang kasal. At
sabihing paghatian na ang ari- arian na naiwan ng kanilang Ama. Nang hindi matuloy ang
kasal. Niyaya ng dalawang Maria si Caridad upang pumuntang Maynila. Kung saan sila ay
puro pagsasaya. May ipinakilalang milyonaryong lalaki kay Caridad. At nagkagusto ito sakanya
ngunit ayaw ni Maria Caridad. Isang araw ay sinadya ni Andres si Caridad sa Maynila upang
sabihin na ang kanyang Inang si Donya Pilar ay nanghihina na. Sumama si Caridad pabalik ng
lalawigan. Sa sobrang saya ni Donya Pilar ay ipinakasal niya ang dalawa, si Maria Caridad at
Andres. Di kalaunan ay pumanaw na rin si Donya Pilar. Masaya silang namuhay ng simple.
Nagtatrabaho si Andres sa kanilang bukirin. Ngunit, isang araw ay may isang estranghero ang
kumatok sa kanilangan tahanan para sabihinna sila ay kinakailangan ng umalis sa loob ng
sampung araw. Nalaman nilang ibinenta pala ni Maria Fe ang lupa. Kung kaya’t sinadya nilang
puntahan si Maria Fe sa Maynila upang kausapin ukol dito. Ngunit bigo ring bumalik ng
lalawigan. Nang magbago ang kapalaran. Ang dalawang Maria naman ang nahirapan. Bumalik
sila ng lalawigan. Pinatawad at tinanggap naman sila ng buong puso ni Caridad.

WEEK 17
PANAHON NG PAG-UNLAD NG NOBELANG FILIPINO SA PANAHON NG
REPUBLIKA AT KASALUKUYANG PANAHON

EXPLORE (TASKS/ACTIVITIES)
Ang kasaysayan at pag-unlad ng nobelang Filipino sa panahon ng republika at
kasalukuyang panahon ay maaaring maakses sa mga link sa website na nakasaad sa
learning resources at maaring manaliksik o gumamit ng mga aklat bilang sanggunian,
video na nagpapakita at nagpapaliwanag sa paksa.
 Pagsusuri sa mga tauhan ng nobelang “SA MGA KUKO NG LIWANAG” ni
Edgardo M. Reyes

 SURING TAUHAN: Ilarawan ang katangian ng mga tauhan sa nobelang sa mga


Kuko ng Liwanag.

TAUHAN KATANGIAN
 Mangingisdang taga-Marinduque na
Julio pumunta sa Maynila upang hanapin
ang kanyang kasintahang si Ligaya.
 Nagpapahiwatig ng pagiging matiisin
at matiyaga sa buhay na kakapit sa
patalim upang makapagpatuloy sa
buhay.
 Kasintahan ni Julo na lumuwas sa
Ligaya Paraiso Maynila dahil pinangakuan siyang
bibigyan ng trabaho ngunit naging
biktima ng prostitusyon.
 Nagsisimbolo ng sobrang
mapagmahal at mapagmalasakit
ngunit na naging biktima sa kanyang
pagiging inosente at mapagpaubaya.
 Isang Intsik na bumili kay Ligaya sa
Ah Tek prostitution den; nagkagusto siya kay
Ligaya kaya pinakasalan niya.
 Makasarili at sakim kagaya ni Misis
Cruz.
 Matalik na kaibigan ni Julio na laging
Pol tumutulong sa kanyang mga
problema.

 Mabuting kaibigan at mapagmahal na


anak ngunit matatakutin at walang
katiyakan, nagsisimbolo ng tunay na
pagkakaibigan, siya masipag ngunit
laging takot sumubok ng mga bagay.
Nagsisimbolo sa mga taong gahaman at
Misis Cruz mapanlinlang na hindi magdadalawang isip
manapak at magpaikot ng isang tao upang
makuha ang nais.
Mapagmahal at maalaga, para sa akin ang
Perla kanyang karakter ay nagsisimbolo sa kawalan
ng pag-asa at pagkakataon ng dahil sa
kahirapan.
Maalaga sa pamilya at simpleng tao lamang,
Atong nagsisimbolo ng mga tao na-abuso at naging
biktima ng hustisya.
Handang magsakripisyo ngunit laging
Bobby napupunta sa maling sitwasyon, matapang
ngunit bumabagsak sa maling desisyon dahil
sa pagiging desperado.
Puno ng talento at hangad lamang ang
Benny simpleng buhay, hangad lamang ang isang
payak na buhay ngunit naging biktima pa rin
ng karahasan.
Masikap at madiskarte, para sa akin siya ay
Imo isang masipag na tao at patuloy na
nagsusumikap upang umangat sa buhay.
tuso at mapang-isa sa kapwa, manloloko at
Mga Kapatas mapanlamang na tao sa lipunan.

You might also like