You are on page 1of 3

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

MAHABANG PAGSUSULIT SA IKA-APAT NA MARKAHAN


FILIPINO 10
S.Y. 2022-2023
PANUTO. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Anong buwan at taon bumalik ang ating pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal sa
sarili niyang bayan?
A. Oktubre 1898 B. Oktubre 1887 C. Hulyo 1888 D. Hulyo 1897
2. Ano ang tamang kahulugan ng El Filibusterismo (literal na pilibusterismo) na kung saan ito
ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal?
A. Ang kaharian ng kasakiman C. Ang Paghahari ng kasakiman
B. Ang Paghahari ng mga tulisan o banyagang mga prayle D. Ang Pagdadalamhati ng mga
Pilipino
3. Kailan nilisan ni Rizal ang pilipinas, dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga
mahal sa buhay? Ginawa niya ito para sa kapakanan at kaligtasan ng kapwa niya Pilipino at sa
pagmamahal niya sa sariling bayan na lubusan ng nasadlak sa pagdurusa at pighati.
A. Pebrero 3, 1887 B. Pebrero 3, 1889 C. Pebrero 3, 1888 D. Pebrero 3,
1886
4. Bakit ginawa ng ating pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal ang pagbuo o paglikha
ng nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. Upang mapatunayan niya na isa Siyang tanyag na matalino sa kanyang bayan.
B. Para magkaroon ng magandang marka sa mata ng tao.
C. Upang mapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.
D. Magkaroon ng kita sa kanyang mga ginawang nobela.
5. Ano ang tamang pangalan ng sasakyan na pinag-ganapan ng tuggalian ng mga tauhan sa
kabanata 1-5?
A. Bapor B. Tabo C. Bapor Tabo D. Wala sa nabanggit
6. Sino ang naulila dahil sinakop ng tulisan o banyagang prayle ang kanyang lupain, dahil hindi
siya sumunod sa mga patakarang pinapairal ng mga prayle?
A. Simoun B. Basilio C. Kabisang Tales D. Hermana Penchang
7. Alin sa papilian ang pwedeng gawin ng mga kabataang mag-aaral ngayon sa kasalukoyan sa
pamamagitan ng mga pangyayari sa EL Filibusterismo na iniyong nabasa at nalaman?
A. Mahalin ang sariling bayan,at kapwa Pilipino tulad ng ginawa ng ating pambansang bayani
ng pilipinas na si Jose Rizal.
B. Hayaan ang mga prayle na manatili saating bayan.
C. Maging tapat sa salita.
D. Maghiganti laban sa mga dayuhan.
8. Sino si Jose Rizal sa kwentong El Filibusterismo?
A. Simoun B. Basilio C. Kabisang Tales D. Wala sa nabanggit
9. Sino ang may nais ng kapayapaan at iniiwasan ang digmaan?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
A. Basilio B. Simoun C. Hermana Penchang D. Padre Kamora
10. Ito ang pina kasaklap na nangyari sa buhay ni basilio ng lumisan o namatay ang kaniyan
ina,siya ay labis ang pag ulila,Sino ang ina ni Basilio?
A. Si Juli B. Si Hermana Penchang C. Si Sisa D. Wala sa nabanggit
11. Sino ang naghahangad ng digmaam at nais na makipag sapalaran si basilio sa mga tulisan o
prayle upang maipaglaban ang baying inaapi?
A. Si Basilio B. Si Simoun C. Si Kapitan Tiyago D. Si Juan de Letran
12. Sino ang ama ni juli na kasintahan ni basilio?
A. Kabisang Tales B. Tandang Selo C. Kapitan Tiyago D. Wala sa nabanggit
13. Sino ang tauhan na mag-aalahas sa ikapitong kabanata?
A. Kabisang Tales B. Kapitan Tiyago C. Simoun D. Basilio
14. Ano ang nais ni Simoun kay Basilio kung bakit niya ito kinakausap patungkol sa mga
nangyayari sa lipunan, sa pagdudusa sa kahirapan at pagdadalamhati ng mga sangkatauhan sa
kanilang bayan?
A. Lumaban upang magkaroon ng Kalayaan.
B. Hayaan ang mga prayle para sa kaligtasan ng bawat isa.
C. Makipag sapalaran upang magkaroon ng digmaan laban sa mga dayuhan.
D. Maghiganti dahil sa ginawa ng mga ito sa ina ni Basilio.
15. Sa iyong palagay kaya ba nating gawin ang mga dinanas ni basilio sa gitna ng
paghihirap,lumaban sumikap nagtiis para lang makaahon sa kahirapan hanggang sa
magtagumpay at mailigtas ang sariling bayan?
A. Hindi sapagkat hindi kami magkatulad ng sitwasyon.
B. Oo, dahil ang pagmamahal sa sariling bayan ay hindi basihan kung ano mang paghihirap ang
iyong mararanasan.
C. Hindi, sapagkat itataya mo ang buhay mo para lang sa bagay naiyan.
D. Oo, pero parang di ko kaya.
16. Ano ang nais ni Basilio na mangyari mula sa mga sinasabi ni Simoun sa kaniya?
A. Maging mapayapa kahit na ginawang baliw ang kaniyang ina hanggang sa mamatay.
B. Maghiganti laban sa mga tulisan na walang ginawa kundi ang mang-api.
C. Umiwas nalang dahil sa walang laban.
D. Kalimutan ang mga nangyari.
17. Bakit nagpa alila si juli kay Hermana penchang?
A. Upang matubos ang kaniyang ama sa pagkakautang.
B. Dahil gustong makapag aral.
C. Makatulong sa pamilya.
D. Mai-ahon sa kahirapan ang mga mahal niya sa buhay.
18. Bakit ayaw ni Juli pag-aralan ang mga binibigay sa kaniya ni Hermana Penchang na mga
babasahin tulad ng manalangin ng pang-kastilang linggwahe?7
A. Sapagkat siya ay tunay na Pilipino ayaw niyang magpasakop sa mga kaugalian ng mga
prayle.
B. Dahil hindi niya maintindihan.
C. Sadyang tinatamad lang siya.
D. Galit saiya dahil sa pang-aapi nito sa kaniyang pamilya.
19. Kanino nagpa-alila si Juli?
A. Maria Clara B. Hermana Penchang C. Padre Kamora D.
Ibarra
20. Bakit nagdurusa sila Kabisang Tales at Juli?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
A. Dahil sa kasakiman ng mga tulisan at prayle. C. Dahil ginigipit sila ng mga prayle.
B. Dahil sa utang na hindi nila nabayaran. D. Dahil ayaw ni Tandang Selo kay Juli.
21. Sino si Placido Penitente?
A. Mangangalakal B. Mag-aaral C. Tambay D. Mangingisda
22. Paano nagtuturo sa klase si Padre Millon?
A. Palaging galit sa klase. C. Nababagot ang mga mag-aaral sa kanyang
klase.
B. Mahilig magpatawa sa klase. D. Hindi nagtuturo sa klase.
23. Ang mga sumusunod ay ang pagkakaiba ng buod sa iba pang teskto, maliban sa;
A. Ang buod ay pinaikling lagom ng isang talumpati, kuwento, tula, dula, o isang buong nobela
na gamit ang sariling pananalita.
B. Maikli ngunit malaman ito at nagpapahayag ng pinakadiwa ng isang teksto.
C. Nagpapahayag ng akdang binasa sa pinakamaikling paraan.
D. Dahil ito ay maingat ang seleksiyon.
24. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan sa pagbubuod, maliban sa;
A. Ang buod ay pinaikling lagom ng isang talumpati, kuwento, tula, dula o isang buong nobela
na gamit ang sariling pananalita.
B. Maikli ngunit malaman ito at nagpapahayag ng pinakadiwa ng isang teksto.
C. Nagpapahayag ng akdang binasa sa pinakamaikling paraan.
D. Basahing maingat ang seleksiyon.
25. Ano ang pamagat ng Kabanata 13?
A. Placido Penitente C. Isang Bahay ng mga Estudyante
B. Klase sa Pisika D. Los Baños
26. Ano ang pamagat ng Kabanata 12?
A. Placido Pinente C. Isang Bahay ng mga Estudyante.
B. Klase sa pisika D. Los Baños
27. Saan nag-aaral si Placido Penitente?
A. Unibersidad ng Santo Tomas C. Philippine Normal University
B. Unibersidad ng Pilipinas D. Osmeña Colleges
28. Alin sa mga sumusunod ang pamagat ng Kabanata 14?
A. Isang Bahay ng mga Estudyante C. Los Baños
B. Klase sa Pisika D. Placido Pinetente
29. Ano ang pamagat ng Kabanata 11?
A. Los Baños C. Placido Pinetente
B. Klase sa Pisika D. Isan Bahay ng mga Estudyante
30. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang pamagat ng Kabanata 10?
A. Klase sa Pisika C. Kayamanan at Karalitaan
B. Isang Bahay ng mga Estudyante D. Los Baños

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like