You are on page 1of 5

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

PANIMULANG PAGTATAYA
FILIPINO 10
S.Y 2023-2024
PANUTO. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Anong buwan at taon bumalik ang ating pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal sa
sarili niyang bayan?
A. Oktubre 1898 B. Oktubre 1887 C. Hulyo 1888 D. Hulyo 1897
2. Ano ang tamang kahulugan ng El Filibusterismo (literal na pilibusterismo) na kung saan ito
ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal?
A. Ang kaharian ng kasakiman C. Ang Paghahari ng kasakiman
B. Ang Paghahari ng mga tulisan o banyagang mga prayle D. Ang Pagdadalamhati ng mga
Pilipino
3. Kailan nilisan ni Rizal ang pilipinas, dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga
mahal sa buhay? Ginawa niya ito para sa kapakanan at kaligtasan ng kapwa niya Pilipino at sa
pagmamahal niya sa sariling bayan na lubusan ng nasadlak sa pagdurusa at pighati.
A. Pebrero 3, 1887 B. Pebrero 3, 1889 C. Pebrero 3, 1888 D. Pebrero 3,
1886
4. Bakit ginawa ng ating pambansang bayani ng pilipinas na si Jose Rizal ang pagbuo o paglikha
ng nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. Upang mapatunayan niya na isa Siyang tanyag na matalino sa kanyang bayan.
B. Para magkaroon ng magandang marka sa mata ng tao.
C. Upang mapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at
karapatan ng bayan.
D. Magkaroon ng kita sa kanyang mga ginawang nobela.
5. Ano ang tamang pangalan ng sasakyan na pinag-ganapan ng tuggalian ng mga tauhan sa
kabanata 1-5?
A. Bapor B. Tabo C. Bapor Tabo D. Wala sa nabanggit
6. Sino ang naulila dahil sinakop ng tulisan o banyagang prayle ang kanyang lupain, dahil hindi
siya sumunod sa mga patakarang pinapairal ng mga prayle?
A. Simoun B. Basilio C. Kabisang Tales D. Hermana Penchang
7. Alin sa papilian ang pwedeng gawin ng mga kabataang mag-aaral ngayon sa kasalukoyan sa
pamamagitan ng mga pangyayari sa EL Filibusterismo na iniyong nabasa at nalaman?
A. Mahalin ang sariling bayan,at kapwa Pilipino tulad ng ginawa ng ating pambansang bayani
ng pilipinas na si Jose Rizal.
B. Hayaan ang mga prayle na manatili saating bayan.
C. Maging tapat sa salita.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
D. Maghiganti laban sa mga dayuhan.
8. Sino si Jose Rizal sa kwentong El Filibusterismo?
A. Simoun B. Basilio C. Kabisang Tales D. Wala sa nabanggit
9. Sino ang may nais ng kapayapaan at iniiwasan ang digmaan?
A. Basilio B. Simoun C. Hermana Penchang D. Padre Kamora
10. Ito ang pina kasaklap na nangyari sa buhay ni basilio ng lumisan o namatay ang kaniyan
ina,siya ay labis ang pag ulila,Sino ang ina ni Basilio?
A. Si Juli B. Si Hermana Penchang C. Si Sisa D. Wala sa nabanggit
11. Bakit sinabing ang kabataan ang pinuno ng kinabukasan ni Nurudeen Olaniran?
A. Dahil nakasalalay sa kanila ang pagbabago ng ating bansa.
B. Dahil ang kabataan ay malakas kaysa sa mga matatnda.
C. Dahil nakapag-aral ang mga kabataan.
D. Dahil ang kabataan ang nagbibigay saysay sa bayan.
12. Bilang mag-aaral, paano mo papatunayan na ang kabataan ay ang pinuno ng kinabukasan?
A. Pagsunod sa utos ng mga magulang.
B. Pagiging mabuti sa kapwa.
C. Pagkakaroon ng sapat sa kaalaman at pagmamahal sa sariling bayan.
D. Pagkakaroon ng matibay na edukasyon.
13. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang tula ni Nurudeen Olaniran, papalitan mo ba
ang kanyang salitang ginamit?
A. Oo, dahil pangit ang mga salitang kanyang ginamit.
B. Oo, dahil mas maganda kung ang gagamitin ay mga karaniwang salita.
C. Hindi dahil ang mga salitang ginamit ay mga matatalinghaga na lalong naghihikayat sa mga
mambabasa na basahin ang tula.
D. Hindi, dahil nakatatamad mag-isip ng mga salita.
14. Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Sukat B. Saknong C. Tugma D. Paksa
15. Paano mo nasasabing ang iyong binasang tula ay may tugma?
A. May tunog sa bawat dulo ng pantig. C. Mayroong pinagsama-samang taludtod.
B. Mayroong buto, laman, diwa at kaluluwa. D. Mayroong elihiya.
16. Ilang pantig mayroon ang “Mahal ko ang aking kaibigan.”?
A. 12 B. 9 C. 15 D. 10
17. Sino ang sumulat ng maikling kwento na pinamagatang “Ang Carousel’’?
A. Reynaldo V. Cuaño C. Nurudeen Olaniran
B. Mullah Nassreddin D. Ibrahim Gulistan
18. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng limang bahagi ng maikling kuwento?
A. Hindi tinapos ng may akda ang kuwento.
B. Pagiging makasariling kapakanan.
C. Pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ng mag-asawa.
D. Walang solusyon ang problema.
19. Bakit hindi nagkaroon ng magandang wakas ang akdang “Ang Carousel”?
A. Hindi tinapos ng may akda ang kuwento.
B. Pagiging makasariling kapakanan.
C. Pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ng mag-asawa.
D. Walang solusyon ang problema.
20. Paano hinalintulad ng may akda ang kanyang maikling kuwento sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
A. Upang gisingin ang mga taong natutulog sa katutuhanan.
B. Sa pamamagitan ng pagiging maunlad ng sariling bayan.
C. Dahil ito ay kawili-wili sa mambabasa.
D. Sapagkat lagi silang nag-aaway sa walang kabuluhang dahilan.
21. Si Anton Pavlovich Chekhov ang isa sa pinaktanyag na manunulat sa bansang Rusya.
Ang ‘Pagkatapos ng Teatro’ ang isa pinakapopular niyang akda bilang isang manunulat. Saan
ipinanganak si Chekhov?
A. Tula B. Moscow C. Taganrog D. Samara
22. Ang paglikha na ipinipresenta ang buhay na walang masisilip na komentaryo ng awtor-
walang kompleksidad, at lahat ng kaabsurdahan- at pag-iwas sa lantad na mga paliwanag at
solusyon sa mga suliranin ng buhay. Ito ay isang teknik ni .
A. Tolstoy B. Chekhov C. Lorca D. Giraudoux
23. Batay sa maikling kuwentong ‘Pagkatapos ng Teatro’, paano tinatanaw ni Anton
Chekhov ang buhay o ang mga pangyayari sa buhay ng tao?
A. Payak ang buhay ng tao. Tayo ang gumagawa ng kompleksidad sa ating buhay.
B. Ang paggamit ng isang bagay o sitwasyon at pag-uugnay nito sa sitwasyon ng
pangunahing tauhan.
C. Ang buhay ng tao ay isang gulong ng palad. May pagkakataon na tayo ay nasa ibabaw
ng kaligayahan at nasa ilalim ng kalungkutan.
D. Wala sa mga nabanggit.
24. Sa pagbabasa ng maikling kuwento na isinulat ni Chekhov, sa iyong palagay, bakit
pinamagatang ‘Pagkatapos ng Teatro ang kuwentong ito?
A. Sapagkat nagbago ang buhay ng pangunahing tauhan matapos ang panunuod ng
pagtatanghal.
B. Dahil umusbong ang kaguluhan sa buhay ng pangunahing tauhan.
C. Dahil mula sa napanuod na teatro na nagsimula ang kuwento o suliranin ng tauhan, ang
teknik ng pagpapamagat gamit ang bagay na lumutang sa akda.
D. Sapagkat binago ng pagtatanghal ang daloy ng kuwento sa buhay ng mga tauhan.
25. Sa anong petsa ipinanganak si Leo Tolstoy na isang tanyag na manunulat sa bansang
Rusya?
A. Agosto 28, 1829
B. Agosto 28, 1928
C. Agosto 28, 1828
D. Agosto 28, 1929
26. Ano ang unang nalimbag na akda ni Leo Tolstoy?
A. Boyhood B. Childhood C. Sevastopol Tales D. Youth
27. Ang akdang ito ay nagsasalaysay ng pananaw ni Tolstoy at karanasan sa gitna ng
digmaan, ano ito?
A. Boyhood B. Childhood C. Sevastopol Tales D. Youth
28. Ang mga sumusunod ay ang mga pinakamahalaga at dakilang nobela ni Leo Tolstoy,
maliban sa:
A. After Theater
B. Anna Karenina
C. The Death of Ivan Illych
D. War and Peace

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
29. Noong 1875-1878, dumanas ng depresyon at sikolohikal na krisis si Tolstoy. Ito ang
naging daan upang mabago ang kanyang pilosopiya at sining. Ano ang naging ugat ng kanyang
depresyon?
A. Ang mga naging problema sa kanyang buhay.
B. Umuugat sa kanyang hindi pagkatagpo sa katanggap-tanggap na kahulugan ng kanyang
buhay.
C. Kawalan ng pag-asa na masolusyonan ang mga dagok sa buhay.
D. Wala sa nabanggit.
30. Sa nobelang ‘Ang Kamatayan ni Ivan Illych’, ano ang naging trabaho ng pangunahing
tauhan?
A. Abogado B. Arkitek C. Guro D. Karpintero
31. Nakasalalay sa katiwasayan ang kapayapaan, sa kabilang dako maaring ito’y makatwiran
o hindi makatwiran.
A. Maaring B. Makatwiran C. Ito’y D. Sa kabilang dako
32. Sa palagay pa nga ni Rizal ay nabawasan ang paglalasing ng mga Pilipino sa kabila ng
isang daang taong pakikisama sa isang lahing mahilig sa pag-inom.
A. Sa kabila B. Mahilig C. Sa palagay pa nga D. Nabawasan
33. Tumakbo ang atleta sa palaro. Alin sa pangungusap ang simuno?
A. Tumakbo B. ang C. atleta D. palaro
34. Natakot ang mga mamayan sa batas military. Ang pangungusap ay nasa gamit ng
angkop na pandiwa bilang .
A. Karanasan B. Aksiyon/Kilos C. Pangyayari D. Pananaw
35. Kumukulog ang langit. Ang pangunngusap ay nasa gamit ng angkop na pandiwa bilang

A. Karanasan B. Aksiyon/Kilos C. Pangyayari D. Pananaw


36. Naglaro ang mga bata. Alin sa pangungusao ang simuno?
A. Naglaro B. ang C. mga D. bata
37. Nangangamba ako sa aking pagkaparito sa baybay dagat,
isang walang sangang punong-kahoy at pinanghihinayangang
walang bulaklak, malambot, luad
para sa uod ng aking pagkabigo.
Paano itinatangi ng persona ang kanyang kausap ayon sa ikalawang saknong ng tula?
A. Inilalarawan niya ito bilang taong puno ng pag-ibig
B. Isang taong walang pakiramdam/pakialam
C. Isang magandang dilag D. Walang puso at isip
38. Sa kuwento ng ‘Kung Bakit Kulay Bughaw ang Kulay ng Langit’, paano pinalakas ang
isang bansa ng pananaliksik na siyentipiko gaya ng nagawa ni Sir James Jeans?
A. Sa pagpapaunlad ng mga inprastruktura at pagpapalawig ng ekonomiya.
B. Sa pagpapalakas ng armas at sandata para sa giyera.
C. Nagiging kanlungan ng karunungan ang isang bansa na may kultura ng pananaliksik.
D. Nagiging mayaman ang gobyerno at mga tao.
39. Paano nabigyan ng halaga ang pagbanggit sa detalye ng kuwento na ‘… ng mga paring
isinako at nilunod. Mga kalansay na’y mahigpit pa ring tangan ng krus habang ang kanilang
bukung-bukong ay nakatali ng kadena at bolang bakal,’ sa kasaysayan ng Istanbul?
A. Ang pagiral sa mga komunidad na ito ng masamang gawi ng pamumuhay.
B. Nagbago ang uri ng pamumuhay ng mga taga-Istanbul, maaring makita na lamang
silang bakas ng nakaraan.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
C. Binabanggit ang bahagi ng kasaysayan kung saan ang kanilang mga bayani ang
nagbuwis ng buhay para sa kanilang pagsasarili.
D. Wala sa nabanggit.
40. Sa Pagbagsak ng Troy, paano nagkakaugnay-ugnay ang Polladium, si Athena, at ang
kabayong kahoy?
A. Ang kabayong kahoy na diumano’y sagisag ng kapayapaan ang naging deklarasyon ng
pagtaksil na digmaan ng mga Griyego laban sa mga Trojan.
B. Ang mga ito ay simbolo ng kapangyarihan at tagumpay. Ginamit ito ng mga Griyego
bilang handog diumano kay Athena ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay pain pala ito upang
pataksil silang malusob ng mga Griyego.
C. Ginagabayan ang mga Trojan ng Polladium. Lumikha ng isang higanteng kabayong
kahoy.
D. Walang ugnayan ang Polladium, si Athena, at ang kabayong kahoy.

Inihanda ni:
G. ROMY RENZ C. SANO
Guro sa Filipino

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like