You are on page 1of 1

PAGKILALA AT PAGPAPATUNAY NG PAGTATAPOS

PARA SA PUNONG GURO


Kagalang-galang na Pansangay na Tagapamanihala ng Sangay ng mga Paaralan sa
Lalawigan ng Bulacan,_
Dr. Norma P. Esteban, EdD., CESO V;
Ikinararangal ko pong iharap sa inyo ang mga sumusunod :
6 na lalaki at 8 babae mula Accountancy Business and Management Strand
3 babae at 10 lalaki mula sa General Academic Strand
4 na lalaki at 9 na babae mula sa Humanities and Social Sciences Strand
10 lalaki at 4 na babae mula sa Information and Communications Technolgy
Strand- Technical Drafting
na may kabuuang bilang na 54 na mga batang magsisipagtapos sa Banga High
School sa taong Panuruan 2022-2023.
Kasiya-siya po nilang natupad ang lahat ng mga kinakailangan sa pagtatapos ng
Kurikulum Pang-Sekondarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon para sa mga
paaralang Sekondarya ng Republika ng Pilipinas kaya’t hinihiling kop o ang
pagpapatunay at pagtitibay ng kanilang pagtatapos.

PARA SA TAGAMASID PANSANGAY/TAGAMASID PAMPUROK


Batay sa pagpapatunay ng inyong Punongguro Gng. Gloria M. Villanueva, na
kasiya-siya ninyong natupad ang lahat ng mga kinakailangan sa pagtatapos ng
kurikulum pang Sekondarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon para sa mga
paaralang Sekondarya ng Republika ng Pilipinas, at sa bisa ng kapangyarihan
iginawad sa akin ng Pansangay na Tagapamanihala ng Sangay ng mga Paaralan sa
Lalawigan ng Bulacan, ay pinatutunayan ko ang inyong pagtatapos ngayong ika- 12
ng Hulyo 2023, dito sa Banga High School at tuloy ipagkakaloob ko ang katibayan
ng inyong pagtatapos.

Binabati ko kayong lahat!

You might also like