You are on page 1of 1

Paglalahad

Bilang GURONG TAGAPAYO, malugod ko pong inilalahad sa inyo ang


mga mag-aaral na magtatapos sa Junior High School sa Paaralang Sekundarya
ng Macatoc na binubuo ng 55 mga lalaki at 60 mga babae na may kabuuang
bilang na 115, matagumpay nilang natugunan ang mga kahingian ng
Kagawaran ng Edukasyon para K to 12 Basic Education Curriculum, kaya
hinihiling ko sa aking kapwa GURONG TAGAPAYO na patunayan ang kanilang
pagtatapos sa Junior High School ngayong ika-2 ng Abril taong 2019.

Pagtanggap

Bilang GURONG TAGAPAYO at batay sa paglalahad ng aking kapwa


Gurong Tagapayo, aking pinatutunayan na ang mga mag-aaral na
magsisipagtapos sa Junior High School ay matagumpay na nakatugon sa mga
kahingian ng Kagawaran ng Edukasyon para sa K to 12 Basic Education
Curriculum, kaya hinihiling ko sa Tagapamanihala ng mga Paaralan,
SERVILLANO A. ARZAGA, CESO V sa pamamagitan ng kanyang kinatawan, ang
PUNONGGURO, DR. VICTOR D. GARDOCE, na pagtibayin ang kanilang
pagtatapos sa Junior High School ngayong ika-2 ng Abril taong 2019.

Pagpapatibay

Sa kapangyarihang iginawad sa Tagapamanihala ng mga Paaralan sa


Sangay ng Oriental Mindoro, SERVILLANO A. ARZAGA, CESO V na akin
ngayong kinakatawan bilang PUNONGGURO, batay sa paglalahad at
pagpapatunay ng inyong mga GURONG TAGAPAYO na matagumpay ninyong
natugunan ang inyong kahingian ng Kagawaran ng Edukasyon sa K to 12 Basic
Education Curriculum, kaya sa araw na ito ika-2 ng Abril taong 2019, aking
pinagtitibay ang inyong pagtatapos sa Junior High School.

You might also like