You are on page 1of 1

 ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG PAGKILOS

Sinasabi dito na ayon daw kay AGAPAY, ikaw bilang tao ngayon, at sa mga susunod na panahon ay
nakasalalay sa mga kilos at pagpapasya na iyong ginagawa at gagawin pa sa mga susunod na araw
hanggang sa ikaw ang mamatay.

sinasabing ang kilos ang nagbibigay patunay na ang tao ang nagcocontrol at may pananagutan sa sarili.

gawin ko lang na makatotohanan ang sinasabi patungkol sa kilos, sinasabing baliw at wala sa sarili ang
isang tao kapag ang kanyang kilos ay hindi naaayon sa tama, sya ay walang control at pananagutan sa
sarili dahil nagkakaroon ng diperensya sa pag iisip kaya't napapatunayan sa kilos nito na hindi nya
macontrol ang kanyang sarili.

--- ISIP - KILOS LOOB - PANANAGUTAN

Bibigyan ko kayo ng isang scenario upang mabigyan ng mas maayos na interpretasyon ang tatlong
sinasabi sa modyul.

May nakita kang nagnanakaw ng gamot sa grocery, ginagamit ang isip upang tukuyin ang pangyayari
maaaring maisip mong para ito sa kanyang pamilya na may sakit, sa kabilang banda maiisip mo ring
mali ang kanyang ginagawa.

Sa kilos loob magdedesisyon ka kung hahayaan mo sya o isusumbong sa guard o kahera

pagkatapos mo magdesisyon bilang kilos loob, papasok dito ang pananagutang kilos. kung siya ay
hahayaan mo konsensya mo bilang tao at pananagutan mo ito sapagkat nasa batas na bawal
magnakaw, sa kabilang banda pananagutan din kapag sinumbong mo sya sapagkat hindi sya
makakapag dala ng gamot para sa kanyang may sakit na pamilya at maaari pang makulong ang tao na
yon.

You might also like