You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ika-Limang Baitang

Ika-Apat na Markahan – Modyul 2: Natatalakay ang mga naunang pag-aalsa ng


Makabayang Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jean Rean M. Laurente
Editor: Rose B. Impuesto
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 5
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Natatalakay ang mga naunang pag-aalsa ng
mga makabayang Pilipino
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Modyul
para sa araling Natatalakay ang mga naunang pag-aalsa ng mga Makabayang
Pilipino!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 Modyul ukol sa Naunang


Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng mga gawain sa bawat modyul na ito, ikaw ay inaasahang
nakatatalakay ang mga naunangg pag-aalsa ng mga makabayang Filipino.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang K kung katotohanan at WK kung walang


katotohonan ang mga sumusunod na mga pangungusap.
_______1. Painalitan ng mga Espanyol ang mga datu at Maharlika bilang
pinakamataas na pinuno sa pamayanan.
_______2. Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang
pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744.
_______3. Nahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino sa
dalawang pangunahing dahilan lamang, panrelihiyon at
pangkabuhayan.
_______4. Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay
humantong sa tahasang pagtutol ng mga Filipino.
_______5. Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga
patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga
sa kanila gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly,
at kalakalang galyon.

BALIK-ARAL
Ano-ano ang mga lokal na pangyayari tungo sa pag-usbong ng
pakikibaka ng bayan?

ARALIN

Pag-aalsang Naganap sa Panahon ng Kolonyalismo


Sa pagpapatupad ng kolonyalismong Espanyol ang mga gobernador-
heneral at mga paring namalakad sa pamahalan at simbahan ay naging
malupit at mahigpit sa kanilang pamumuno sa mga Filipino.
Ang hindi makatarungang pamumuno ng ito ng mga Espanyol ay
humantong sa tahasang pagtutol ng mga Filipino. Ilan sa kanilang mga
tinutulan ay ang pagpalit ng relihiyon, mataas na buwis, sapilitang paggawa,
diskriminasyon sa lipunan, at malupit na pamamalakad ng mga prayle at
pinunong Espanyol. Ang mga pag-aaklas na ito ay nilahukan ng mga
katutubong buhat sa iba`t ibang sector ng lipunan at mga liblib na lugar sa
Pilipinas, at maging mga binyagang-Katoliko na nakaranas ng kalupitan ng
mga Espanyol. Ang pag-aalsa ni Lapu-lapu, hari ng Mactan, laban kay
Ferdinand Magellan ang kauna-unahang naitalang pagpapakita ng pagtutol
ng mga Filipino sa pananakop ng mga Espanyol.

Mahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino sa tatlong


pangunahing kadahilanan-politikal, panrelihiyon, at ekonomiko.

A. Pag-aalsang Politikal

Painalitan ng mga Espanyol ang mga datu at Maharlika bilang


pinakamataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga baybaylan at katalonan ay
tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong espiritwal.
Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga datu at baybaylan upang
manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang nasasakupan.

Pangyayari Taon Sanhi at Bunga


Pag-aalsa ni 1574 - Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila
Lakandula ni Gobernardor-Heneral Miguel Lopez de
Legazpi na malibre sa pagbabayad ng
buwis at polo ang mga kaanak ni
Lakandula, ang huling hari ng Maynila.
- Tinanggal ang mga pribilehiyong ito nang
palitan si Legazpi ni Guido Lavezares
bilang gibernador-heneral ng Pilipinas.
Pag-aalsa ng 1587- - Ninais ng mga datu-sa pangunguna nina
mga Datu ng 1588 Magat Salamat, Martin Pangan, Juan
Tondo Banal, at Pedro Balangit-na mabawing
(Pagsasabwatan muli ang kanilang Kalayaan at
sa Tondo) karangalan.
- Maagang natuklasan kaya ipinapatay o
ipinatapon sa ibang bahagi ng bansa (
hal. sa Mexico ang mga nadakip na
pinuno)

B. Pag-aalsang Panrelihiyon

Dahil sa pagpapalaganap ng mga Espanyol sa kristiyanismo, maraming


Filipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag
bilang mga Kristiyano. Halimbawa nito ay ang may 30 babaylan sa Bohol
noong 1611 ay binasag ang kanilang mga anito at dambana at pinalahok pa
sa katekismo ang kanilang mga anak.
Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas ang
pinamunuan ni Francisco Dagohoy sa Bohol noong 1744. Simula nang
magpataw ng mga bagong patakarang pang-ekonomiya ang mga Espanyol ay
mahigpit na itong tinutulan ni Dagohoy. Higit na nagpaalab sa galit ni
Dagohoy ay ang hindi pagpapahintulot ng isang prayleng Jesuit na bigyan ng
Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid na constable na namatay sa
pagtugis sa isang tulisan. Dahil dito hinimok ni Dagohoy ang iba pang
Boholano na mag-aklas laban sa mga Espanyol. Tumagal ang pag-aalsa
hanggang 1829.
Ang mga susunod natin tatalakayin ay ang iba pang pag-aalsang
isinagawa ng mga katutubo bilang protesta sa Kristiyanismo. Marami sa
kanila ang pinugutan, itinuhog ang ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga
Espanyol sa mga indio bilang babala sa maari nilang sapitin kung sila ay
lalaban sa Simbahan.
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa 1601 - Pagputol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng
ng mga hilagang Luzon sa Kristyanismo alinsunod
Igorot s autos ni Gobernador-Heneral Francisco
de Tello de Guzman.
- Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na
ipasailalim ang mga Igorot.

Pag-aalsa 1621 - Pinamunuan ni Datu Bancao ng Carigara


ni Bancao na lumaban sa Simbahang Katoliko ng
Leyte.
- Katuwang ang babaylan na si pagali (na
gumamit umano ng ‘mahika’) ay nagtayo ng
mga dambana para sa mga anito, at
hinikayat ang ilang bayan na sumapi sa
kanila at makilahok sa pag-aalsa.
Pag-aalsa 1621- - Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo
ni Tamblot 1622 sa pamumuno ng dating babaylan na si
Tamblot. Isinagawa ito sa unang araw ng
pista ni St. Francis Xavier.
- Nasupil ang kanilang pag-aalsa pagsapit ng
Bagong Taon 1622
Pag-aalsa 16-25- - Pinamunuan nina Miguel Lanab ng
ng mga 1627 Cagayan at Alababan ng Apayao
Itneg - Pinugutan ng ulo ang dalawang
misyonerong Dominican at hinikayat ang
mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga
imahen ng santo, at sunugin ang mga local
na simbahan bilang protesta sa sapilitang
pagbibinyag sa kanila sa Krisyanismo
- Nasupil noong 1627 sa utos ni Gobernador-
Heneral Fernando de Silva
Pag-aalsa 1663 - Pinangunahan ni Tapar ng Ilo-ilo na
ni Tapar sa naghahangad na magtayo ng bagong
Panay sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton
kung saan ay kikilalanin siya bilang “Diyos
na makapangyarihan”
- Agad na nasupil at pinapatay ang mga
lumahok sa rebelyon
Pag-aalsa 1718 - Pinamunuan ni Francisco Rivera na ninais
ng mga na matawag na “Papa Rey” (Papa o `pope,`
Magtangaga at hari)
ng Cagayan - Pinigilan niya ang mga katutubo ng
Tuguegarao na ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa Kristiyanismo at hinimok
ang pagsasauli sa mga prayle ng ibinigay
nilang mga rosary at iskapularyo.
- Marami sa mga kasapi ang tumalikod sa
marahas na pamumuno ni Rivera, at agad
ding nasupil ang rebelyon ng mga
sundalong Espanyol
Pag-aalsa 1744- - Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de
ni Dagohoy 1829 barangay, dahil sa pagtutol ng kura na
sa Bohol bigyan ng marangal na libing ang kanyang
konstableng kapatid.
Pag-aalsa 1840- - Nagalit si Apolinario dela Cruz o Hermano
ni 1841 Pule dahil tinanggihan siyang maging pari
Apolinario at kilalanin ang kaniyang samahang
dela Cruz Cofradia de San Jose
sa tayabas - Dinakip at pinatawan ng kamatayan
C. Pag-aalsang Ekonomiko

Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga patakarang


pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng
pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly, at kalakalang galyon.
Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego Silang. Ang pag-
aalsa ni Diego Silang sa Ilocos ay bunsod ng malabis na pagbabayad ng
tributo sa mga Espanyol. Sa pag-aalsa noong Disyembre 14, 1762 ay
matagumpay nilang napababa sa pwesto ang gobernadora at obispo ng Vigan,
at agad na idineklara ang Malayang Ilocos. Ipinapatay siya ng mga Espanyol
sa kaniyang kaibigang si Miguel Vicos. Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglalaban ng asawa hanggang sa ito ay madakip at bitayin noong
Setyembre 10, 1763.
Ang ilan pang pag-aalsang may motibong ekonomiko ay ang mga
sumusunod:
Pangyayari Taon Sanhi at Bunga
Pag-aalsa ni 1596 - Kasama ang kaniyang kapatid,
Magalat tinutulan ni Magalat, isang rebelde
mula Cagayan, ang di-makatuwirang
paniningil ng buwis ng mga Espanyol.
- Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga
indio na nakilahok sap ag-aalsa ni
Magalat.
Pag-aalsa ni 1643 - Pinamunuan ni Pedro Ladia-isang Moro
Ladia sa na taga-Borneo na naniniwalang mula
Malolos, siya sa lahi ni Lakandula
Bulacan - Kinumpiska ang kaniyang mga ari-
arian ng mga Espanyol na nagtulak sa
kaniya na mag-alsa laban sa mga
mananakop.
- Dinakip at dinala sa Maynila kung saan
siya sinentensyahan ng kamatayan.
Pag-aalsa ni 1649-1650 - Pinamunuan ng Waray na si Agustin
Sumuroy Samuroy ang pag-aaklas laban sa polo
y servicio sa Samar. Taliwas sa
patakaran ng polo. Ang mga Waray ay
ipinadala sa pagawaan ng barko sa
Cavite, malayo sa kanilang tirahan.
-
Pag-aalsa ni 1660-1661 - Pinamunuan ni Francisco Maniago ng
Maniago Mexico, Pampanga
- Pagtutol ng mga Kapampangan sa
sapilitang paggawa sa mga galyon at
sapilitang paggawa sa mga galyon at sa
hindi pagbabayad ng pamahalaan sa
mga biniling palay mula sa mga
magsasaka.
- Nasupi ni Gobernador-Heneral
Sabiniano Manique de Lara gamit ang
“divine and rule policy”
Pag-aalsa ni 1660-1661 - Pinamunuan ni Andres Malong
Malong sa - Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga
San Carlos, Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-
Pangasinan libong katutubong nagtatrabaho sa
pagawaan ng barko.
- Kinalaban ang mga opisyal na Espanyol
lamang at hindi ang kaparian o ang
Simbahan
- Agad nasupil ng mga Espanyol
Pag-aalsa ni 1661 - Pinamunuan nina Don Pedro Almazan-
Almazan sa isang mayamang pinuno ng Laoag na
San Nicolas, kinoronahan noong 1660 bilang Hari ng
Laoag, Ilocos-at Juan Magsanop-Pinuno ng
Ilocos Norte Bacarra, Bangu
- Nagsagawa ng mga pag-aalsa bilang
pagsuporta sa ipinaglalaban ni Malong
ng Pangasinan.
- Matapos niyang ipapugot ang ulo ng
mga prayleng Dominican na si Jose
Arias, nadakip si Almazan, ibinigti sa
plaza, at tuluyang natigil ang rebelyon
Pag-aalsang 1745-1746 - Malawakang pag-aalsa ng mga
Agraryo sa magsasaka ng rehiyon ng katagalugan,
Katagalugan sa pangunguna ng mga lalawigan ng
Batangas, Laguna, at Cavite dulot ng
pangangamkam ng mga prayle sa
kanilang lupa.
- Hindi nagtagumpay, bagkus ay walang
lupang naibalik sa mga magsasaka
Pag-aalsa ni 1762-1763 - Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis
Diego Silang at pagnanais na playasin ang mga
at Gabriela Espanyol. Pinatay ng kaniyang
Silang kaibigang si Miguel Vicos.
- Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang
ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si
Gabriela at binitay.
Pag-aalsang 1807 - Pinamunuan ng isang Pedro Ambaristo
Basi sa kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte
- Nag-ugat sa paghihigpit ng mga
Espanyol sa produksiyon at pagbebenta
ng basi-isang uri ng alak mula sa tubo.
- Ipinagbawal ang pribadong produksiyon
ng alak. Dahil dito, napilitan ang mga
Ilocano na bumili ng basis a
pamahalaan sa higit na mataas na
halaga.
- Makalipas ang ilang lingo ng pag-aalsa,
nasupul din agad ito ng mga Espanyol.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay I

Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang na pag-aalsa ang mga sumusunod.


Isulat ang PP-kung Pag-aalsang Politikal, PR-kung Pag-aalsang Panrelihiyon
at PE-kung Pag-aalsang Ekonomiko.
____________1. Pag-aalsang Apolinario de la Cruz
____________2. Pag-aalsang Basi
____________3. Pag-aalsa ni Bancao
____________4. Pag-aalsa ng mga Itneg
____________5. Pag-aalsa ni Lakandula

Pagsasanay 2
Hanapin at bilugan ang mga salita o pariralang may kaugnayan sa pag-
aalsa ng mga makabayang Pilipino.

P A N R E L I H I Y O N A K B
A J O R B E B U W I L P P O U
N A R D F T A E B O P A I L A
G B L A B R I B I Q R G A O K
E T A Y O A W T H U A K L N R
K A L A K A L A N G Y A I Y I
O W L B N N X Y Q A L M P A S
N O E E O B F S L E A B L T
O B Q A G G S Z B Y U L I I I
M U Y B H A A O I A N S Y
I I M E R I K O S N R U O M A
Y E S T O T A Z B A U U D O N
A B E P O L I T I K A L B P I
P A G A A L S A N G B A S I S
M A T A A S N A B U W I S L M
S R J E L O E A L O N Y A O O
Pagsasanay III
Panuto: Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang ipinakita sa bawat
sitwasyon? Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Katalinuhan Kasipagan Katapatan Katapangan


Pagkakaisa Pagkamatiisin Pagmamahal sa kalayaan

1. Lumaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang


armas._______________
2. Sumapi ang mga tao mula sa iba`t ibang lalawigan sa lihim na
samahang itinayo ni Magat Salamat. ______________
3. Hinarang ng mga kasama ni Maniago ang daraanan ng mga pagkain
para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay
ang kanilang mga hinihiling. _________________
4. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga
Espanyol.
5. Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga
patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila
gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly, at kalakalang
galyon. Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego
Silang._____________________

PAGLALAHAT
Panuto: Kumpletuhin ang pahayag sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salita sa
patlang.

Ang hindi makatarungang pamumuno ng mga Espanyol ay humantong


sa tahasang pagtutol ng mga Filipino. Ilan sa kanilang mga tinutulan ay ang
___________________,______________________,________________
____________________________________________________.

Mahahati ang mga pag-aalsang isinagawa ng mga Filipino sa tatlong


pangunahing kadahilanan -___________________,__________________,
________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ang iyong sagot sa patlang.
Tanong: Sino sa mga katutubong Pilipino ang nag-alsa laban sa mga
Espanyol ang higit mong hinangaan? Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang dahilan ang pag-alsa ni Diego Silang?
A. Hindi makatwirang paniningil ng buwis ng mga Kastila
B. Labis polo y servicios
C. Pagpalit ng mga Espanyol sa kanyang kinagisnang relihiyon
D. Wala sa nabangggit ay tama
2. Tumutukoy sa malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyon ng
katagalugan, sa pangunguna ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna, at
Cavite dulot ng pangangamkam ng mga prayle sa kanilang lupa.
A. Pag-aalsa ni Malong sa San Carlos, Pangasinan
B. Pag-aalsa no Almazan sa San Nicloas, Laoag Ilocos Norte
C. Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan
D. Pag-aalsa ni Basi
3. Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga
___________________________na ipinatupad ng mga banyaga sa kanila
gaya ng pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopoly, at kalakalang
galyon
A. Patakarang Pangkabuhayan
B. Patakarang Panrelihiyon
C. Patakarang Pampulitika
D. Lahat ng sagot ay tama
4. Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Magalat?
A. Di-makatwirang paniningil ng buwis ng mga Espanyol.
B. Pagpatay ng mga Espanyol sa mga indio na nakilahok sa pag-aalsa ni
Magalat.
C. Sapilitang pagpalit ng relihiyon
D. Titik A at B
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo?
A. Panrelihiyon
B. Ekonomiko
C. Panrelihiyon
D. Lahat ng nabanggit ay tama
pahina 185-190.
Kayamanan/Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan 5 •
Inc. pp. 232-236
Panlipunan 5: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group,
Gabuat, M. A. P., Mercado, M. M., & Jose, M. D. D. L. (2016). Araling •
Sanggunian
Pagsasanay III
Paunang Pagsubok
1. Katapangan
1. K
2. Pagkamatiisin
2. K
3. Katalinuhan
3. WK
4. Pagkakaisa
4. K
5. Pagmamahal sa
5. K
Kalayaan
Pagsasanay I
Paglalahat
1. PR
mataas na buwis, sapilitang
2. PE
paggawa, diskriminasyon sa
3. PR
lipunan, at malupit na
4. PR
pamamalakad ng mga prayle
5. PP
at pinunong Espanyol.
politikal, panrelihiyon, at
Pagsasanay II
ekonomiko.
Panapos na Pagsusulit
1. A
2. C
3. A
4. A
5. D
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like