You are on page 1of 3

Sumer

Ang matabang lupang taglay ng Tigris at


Euphrates ang nagbigay daan sa pag-
usbong ng kabihasnang Sumer (3000 BCE),
ang itinuring na pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
Subalit ‘di rin nagtagal ang naturang
pamayanan. Dito nagsimula ang pag-
usbong ng iba’t ibang lungsod tulad ng Ur,
Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish.

Epic of Gilgamesh
Pinapaniwalaang si Gilgamesh ay isinilang at
naging Hari sa Uruk noong 2700 BCE. Isa ang
epiko ni Gilgamesh sa kauna-unahang literatura
sa buong mundo.

Ang mga Akkadian ay mga Semitic


Nomads (mula timog-kanlurang Asya)
galing ng Arab Peninsula na
pinamumunuan ni King Sargon na tinawag
na Sargon the Great dahil sa siya ang
kauna-unahang nakapagtatag ng isang
imperyo.

Babylon-
Ang mga Amorites ay galing sa lahi ni
Canaan anak ni Ham sa bibliya. Sila ang
namuno sa Babylon at ginawa itong
kapital ng Mesopotamia at itinaguyod ang
Babylonia. Ang isa sa mga namuno sa
empiryo ng Babylon ay si King Hammurabi
(1792-1750 BCE) na kilalang kilala sa pag
gawa ng listahan ng mga batas na
tinatawag na "Code of Hammurabi". (An eye
for an eye and tooth for a tooth)
Noong 1750 BCE tuluyang natapos na ang
kulturang Sumer nang sakupin sila ng
mga Elamites sa tulong ng mga Amorites.
Assyria-
Humina at bumagsak ang Empiryong Babylonia sa
pagkamatay ni Hammurabi. Sa kadahilanang ito
noong 1595 BCE sinakop ng mga Hittites ang
Babylon at nagpaunlad ng mga makabagong
kagamitan sa pakikipaglaban. Hindi kalaunan ay
nilisan din ito ng mga Hittites na pinalitan naman
sila ng mga Kassites at pinagpatuloy ang kulturang
Babylonia. Nabuo naman ang empiryong Assyria
sa pamumuno ni Ashur-uballit I noong 1365 BCE
sa mga nasasakupan ng mga Hittites at Kassites.
Mga 1220 BCE patuloy na nasakop ni Haring
Tukulti-Ninurta I ang Babylon. Nagkaroon ng
panibagong dinastiya na mamumuno sa Empiryo
ng Assyria noong 722 BCE at ito si Sargon II.
Sinusubukan nyang gayahin si Sargon the great ng
Akkadian kaya hinati nya ang empiryo sa mga
probinsya at pinanatili ang kapayapaan.
Nagsimula ang pagbagsak ni Sargon II ng subukan
nyang makipag alyansa sa mga Chaldeans ngunit
tinanggihan sila ng mga ito. Nakipag alyansa ang
mga Chaldeans sa mga Elamites para makuha ang
Babylonia.

Chaldea-
626 BCE ng makuha ng pampublikong opisyal na
si Nabopolassar ang Babylonia sa tulong ng mga
Elamites, Medes, mga mamamayan sa Babylon at
mga Egyptians. Ang mga Chaldeans ay
naninirahan din sa Sumer noon. Sinubukan ni
Nabopolassar na kunin ang Assyria ngunit sya ay
nabigo. Ang anak nya na si Nebuchadnezzar II
ang naghari sa Empiryo ng Babylonia na
tinatawag na din na Neo-Babylonian Empire o
Chaldean Empire. Sa tulong ni King Cyaxares ng
Media noong 614 BCE napaliit nila lalo ang teritoryo
ng mga Assyrian. Si Nebuchadnezzar II din ang
nagpatayo ng "Hanging Gardens of Babylon" para
sa iregalo sa kanyang asawa na si Amytis.
Persia-
Habang papahina ng papahina ang mga Assyrians
ganun naman ang paglakas ng mga Iranian tribes
sa Caucasus o Sentrong Asya. Nagtipon sila at sila
ngayon ang tinatawag na mga Persians hanggang
sa nagkaisa sila sa pamumuno ni Cyrus II noong
550 BCE. Nagiong matagumpay ang pananakop ni
Cyrus II sa Medes at Babylonia kaya sya tinawag
na Cyrus the great dahil napasakamay ng mga
Persians ang Mesopotamia. Pinagpatuloy ni
Cambyses II, Darius I at Xerxes I ang pamumuno sa
empiryo ng Persia hanggang sa mahigitan nila
ang nagawa ng mga Assyrians dahil nasakop nila
ang mga parte ng Egypt, kabuuan ng Asia minor at
papasok sa Greece na nasa Europa.

You might also like