You are on page 1of 1

January 29, 2024

________________________________
________________________________
________________________________

Minamahal naming mga Magulang at Tagapagtaguyod ng ating mga Mag-aaral:

Pagbati po ng Kapayapaan!

Ang mga panahon ng Semana Santa ay muli na naman po nating gugunitain. Ito po ang mga dakilang araw na ating
aalalahanin ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Sa mga panahong ito, tayo po
ay inaanyayahan ng ating Inang Simbahan na maglaan ng ating mga sarili sa Pananalangin, Pag-aayuno at Pagkakawang gawa, mga
maliliit na bagay na maaaari nating gawin upang maibalik natin sa ating Panginoong Hesus ang papuri at pasasalamat sa Kanyang
ginawang pagliligtas sa atin.

Kaugnay po nito ay magkakaroon ang ating paaralan ng “LAKBAY PANALANGIN” (Visita Iglesia) kung saan tayo po ay
maglalakbay sa ilang piling mga Simbahan sa Tagaytay City at mga karatig na lugar nito sa darating na ika- 15 ng Marso 2024 araw
ng Biyernes. Ang halaga (amount) po na ating pagbabayaran ay P1,000 (Isang Libong Piso) ilalaan po ito sa mga sumusunod na
gastusin: Transportation/ VAN, Donasyon sa mga Simbahan, Stipend ng Pari, Choir Instructor, Booklet/ Dasalan (Station of the
Cross). Mangyari po lamang na magbayad sa CASHIERS OFFICE upang kayo ay mabigyan ng kaukulang resibo. Ang deadline po ng
Payment ay sa Marso 12, 2024. Maari pong sumama ang mga magulang ng ating mga anak, ang halaga po ng babayaran ay ang
katulad na amount sa studiyante.

Ang oras po ng alis sa Marso 15, 2024 ay sa ganap na ika 5:00 ng UMAGA. Ang kasuotan po ng mga mag-aaral ay ang latest
FOUNDATION T-Shirt and Proper maong pants with I.D. Pinapayuhan po na magdala ang mga mag-aaral ng baong pera, snacks at
pack lunch (para sa tanghalian).

Maraming Salamat po sa inyong patuloy na pag suporta sa mga mabubuting adhikain ng ating Paaralan. Kung mayroon po
kayong mga katanungan ay maaari pong magtungo sa Gurong Tagapayo ng inyong mga anak.

Lubos na gumagalang:

G. James Michael D. Pascasio G. John Emmanuel Y. Abin G. Exequiel B. Gathalian


School CYM Coordinator School Activity Coordinator Discipline Coordinator

Kasama:

Gng. Irene F. Arzobal Gng. Ana L. Rosales G. Charles Matthew P. Cacalda


Guidance/ SWAFO Coordinator School Cashier School Academic Coordinator

Binigyang Pansin:

G. Lucien Estalilla Ansay


Principal/ Cluster III Supervisor
_____________________________________________________________________________________________________

PARENT/GUARDIAN CONSENT & WAIVER FORM

Ibinibigay ko ang aking KAPAHINTULUTAN na SUMAMA ang aking anak na si ________________________________


__________________________ (Grade and Section) sa nasabing LAKBAY PANALANGIN.

Hindi ko pinapayagan ang aking anak na lumahok sa nasabing LAKBAY PANALAGIN.

___________________________________
Lagda ng magulang sa ibabaw ng Pangalan

You might also like