You are on page 1of 1

“ANG PUSA AT ANG DAGA”

Ni Donata B. Sebastian
Hindi dating magkagalit ang pusa at ang daga noong araw. Magiliw silang nagbabatian
pag silay nagkakasalubong, Hindi gaya ngayon na hinahabol ng pusa ang daga pag sila’y
nagkikita.
Isang umaga ay napansin ng inang pusa na nilalagnat ang kuting na kaniyang kaisa-isang
anak.
Sa pakiwari ng inang pusa ay may-kabigatan ang pakiramdam ng anak kaya’t dapat tumawag ng
manggagamot. Matapos na makapaghanda ng pagkain, ang inang pusa ay tumungo sa bahay ng
inang daga na kaniyang kaibigan.
“Magandang umaga. kaibigan,” ang bati ng inang pusa.
“Magandang umaga naman. Aba, kaibigan, maagang-maaga ka!” ang salubong ng inang
daga.
“Oo nga. Paano’y nilalagnat ang anak kong si Kuting. Tatawag ako sa Doktor. Nguni’t
wala akong mapag-iiwanan sa kaniya, Maari bang doon muna kayo sa amin ng iyong anak na si
Bubuwit habang hindi pa ako dumarating?
Iyon lamang pala! Ako’y nakalaang tumulong sa iyong pangangailangan”.
Noon din ay ginising ng inang daga ang kaniyang anak na si Bubuwit.
“Gumising ka anak. Dadalawin natin si Kuting”
“Ayaw ko pang bumangon. Inaantok pa ako”
“May pagkain doon,” ang gayak ng ina sa anak,
“Masarap daw ang pagkaing inihinanda ng ina ni kuting.”
Nang marinig ni Bubuwit ang masarap na pagkain ay agad nang bumangon at humandang
sumama sa kaniyang ina.
Si Kuting ay tawag nang tawag sa kaniyang ina nang ang tatlo’y dumating sa bahay,

“Narito ako anak,” ang masuyong aliw ng inang Pusa sa naglalambing na anak, “Aalis
muna ako sandali upang tumawag ng manggagamot,”
“Wala akong kasama rito. Huwag mo akong iwan”
At umiyak ang may sakit na si kuting.
Magiliw na niyapos ng inang pusa si Kuting. “Narito si Bubuwit at ang kaniyang ina. Maiiwan sila
rito habang ako’y wala. Maglaru-laro kayo ni Bubuwit at nang ikaw ay malibang, “ang aliw ng
ina.
“Ayaw ko kay Bubuwit, Siya ay magnanakaw,” ang tutol ni Kuting.
“Ssss! Masama iyon.” Ang saway nang inang pusa.” Huwag kang magsasalita nang
ganoon,”
Sa wakas nahimok na rin si Kuting kaya’t pumayag nang paiwan. Hindi pa nalalayo ang inang
pusa ay naidlip nang muli si Kuting.
Ang malikot namang si Bubuwit ay tumungo agad sa kusina. Maraming lutong pagkain siyang
nakita, at saka may gatas, tinapay, at itlog, May mainit na lugaw na para kay Kuting Marahil.

“Nanay! Nanay!” ang masiglang tawag ni Bubuwit, “Tingnan mo! Tingnan mo!”

You might also like