You are on page 1of 14

Ang pagtatalo ng

bahagi ng katawan
ni Iking
Si Iking ay napakasipag at masayahing
bata. Walang tigil ito nag aaral sa
kanilang tahanan pagkatapos mag-aral
agad siyang lumalabas upang maglaro
naman.
Isang araw ay nagkasakit ito at sa
kanyang pagtulog ay nag-usap
usap ang mga bahagi ng kanyang
katawan.
Utak :
Sinasabi ko
na nga ba
magkasakit
si Iking dahil
hindi kayo
kumikilos ng
tama.
- Ang galit na sabi ng utak
Paa: Hindi ko
kasalanan iyan,
ako nga itong
tumutulong kay
Iking upang
maglakad at
tumakbo. Sisihin
niyo nga si
Kamay wala
naman siyang
ginagawa.
Kamay: Mas lalo
naman kami ni
kamay kami nga
itong tumutulong
kay Iking upang
magsulat at
humawak ng
bagay-bagay.
Sisihin niyo si Mata.
- Sagot sa kanila ni Mata
Mata: At paanong
kasalanan ko ang
ginagawa ko lang
naman ay tumingin
sa kapaligiran at
kung hindi sa akin
malamang
naaksidente na si
Iking. Baka si Ilong
ang may sala
-Paliwanag ni Mata
Ilong: Hindi ako!
tinulungan ko nga
si Iking na amuyin
ang mga bagay-
bagay sa
kanyang
kapaligiran,
mabango man ito
o mabaho.
-Paliwanag ni ilong
Bibig: Wala
akong
kinalaman diyan
ako nga ang
tumutulong kay
Iking upang siya
ay lumakas. Wag
ako ang sisihin
niyo.
Tenga: Huwag
niyo naman
kami sisihin ng
kambal kung si
Tenga nakinig
lang naman
kami ng
paboritong
niyang musika.
Huhuhuhu.
Utak: Ahhhhh
ahhhhhh nahihilo
na ako sino ba
talaga ang may
kasalanan kung
bakit nagkasakit
si Iking? Sino ba
ang dapat
nating sisihin?
Narrator: Gulong gulo na si Utak ng dumating si Puso.
Puso: Itigil niyo na
iyan mga kasama
lahat tayo ay may
mahalagang
ginagampanan sa
katawan ni Iking.
Kung isa sa atin
ang mawawala
tiyak na mas lalong
malulungkot si Iking
at mahihirapan.
Narrator: Nag-
isip si Utak at
ang mga bahagi
ng katawan ni
Iking. Naisip nila
na mali ang
magsisihan at
mula noon
nagtulungan ang
bawat isa para
sa ikabubuti ni
Iking.

You might also like