You are on page 1of 26

1 2 3

4 5 6
Ang pagtatalo ng Bahagi
ng katawan ni Iking
Si Iking ay napakasipag at masayahin
na bata. Walang tigil itong nag-aaral
sa kanilang tahanan. Pagkatapos mag
aral agad siyang lumabas upang mag
bisikleta naman.
Isang araw ay nagkasakit ito
at sa kanyang pagtulog nag
usap usap ang mga bahagi ng
kanyang katawan.
“Sinasabi ko na nga ba!
Nagkasakit si Iking dahil di
kayo kumikilos ng tama!’’
ang galit na sabi ng utak.
“Hindi ko kasalanan yan ako
nga itong tumutulong kay
Iking upang makapag
bisikleta, tumakbo at
maglakad. Sisihin niyo nga si
kamay, wala naman
ginagawa si kamay.’’
“Mas lalo naman kami ni
kamay, kami nga itong
tumutulong kay Iking upang
magsulat at humawak ng
mga bagay bagay. Sisihin niyo
si mata.’’ sagot sa kanila ni
kamay.
“At paanong kasalanan ko?
Ang ginagawa ko lang naman
ay tumingin sa kapaligiran,
kung hindi dahil sa akin
malamang naaksidente na si
Iking. Baka si ilong ang may
sala?’’ paliwanag ni mata.
“Hindi ako, tinutulungan ko
nga si Iking na amuyin ang
mga bagay bagay sa kanyang
kapaligiran. Mabango man
ito o mabaho.’’ paliwanag ni
ilong.
“Wala ako kinalaman diyan,
ako nga ang tumutulong kay
Iking na kainin ang kanyang
pagkain upang siya ay
lumakas. Wag ako ang sisihin
niyo.’’
“Huwag niyo naman kami
sisihin ng kakambal kung
tainga, nakikinig lang naman
kami ng paborito niyang
musika. huhuhu’’
“Wahhhhh!! Nahihilo na ako,
sino ba talaga ang may
kasalanan kung bakit
nagkasakit si Iking? Sino ba
ang dapat nating sisihin?.’’
Gulong gulo na si utak ng
dumating si puso.
“Itigil niyo na yan mga kasama
lahat tayo ay may mahalagang
ginagampanan sa katawan ni
Iking. Kung isa sa atin ay
mawawala tiyak na mas lalong
malulungkot si Iking at
mahihirapan.’’ naisip si utak at
mga bahagi ng katawan ni Iking.
Naisip nila na mali ang magsisihan at mula noon nagtulungan ang bawat isa para sa ikabubuti ni Iking.

You might also like