You are on page 1of 2

Francesca: Magandang umaga, Mickaela!

Mickaela: Magandang umaga, Francesca!

Both: Magsisimula na ang programa. Magandang umaga, USHS!

Francesca: Nararamdaman ko na isang payak at magandang araw ito ngayon, Mickaela.


Sana’y ganun din ang nararamdaman ng ating mga kapwa mag-aaral.

Mickaela: Sang-ayon ako diyan, Francesca. Upang tayo’y makapagsimula na, nais po namin na
ang lahat ay manahimik at tumindig nang maayos.

Francesca: Bago ang lahat, nararapat lamang na simulan natin ang programang ito sa
pamamagitan ng isang panalangin na pangungunahan ni Angela Antonio.

Mickaela: Kasunod naman nito ang pag-awit ng Lupang Hinirang na pangungunahan nina
Blessie, Sophia, Raleigh, Chloe, Sam, Nhia, Aosmond, William, at Shane, na kukumpasan ni
Chelsie Bartolome.

Francesca: Samantala, pangungunahan naman tayo ni Lanz Barata para sa Panunumpa sa


Watawat ng Pilipinas at Alena Austria para sa Panatang Makabayan. Bigyan natin sila ng isang
masigabong palakpakan.

Mickaela: Maraming salamat sa lahat ng aming nabanggit.

Francesca: Ngayon, ating tawagin ang bise presidente ng USHS Cultural Group, Ivan
Sambrano, upang ibigay ang kanyang pambungad na pananalita. Salubungin natin siya ng
isang masigabong palakpakan!

Francesca: Maraming salamat, Ivan, sa isang kamangha-manghang pananalita. Hmm.. Partner,


alam mo ba ang ating pagdiriwang sa programang ito?

Mickaela: Oo naman, partner! Sa programang ito, ating ipinagdiriwang ang unang araw ng
Pambansang Buwan ng mga Sining, ang buwan ng pagdiriwang ng artistikong kahusayan at
pagbibigay-pugay sa kahalagahan at iba't ibang anyo ng kultura at pamana ng Pilipino.

Francesca: Tumpak ka diyan, partner! Para naman bigyan tayo ng kapaki-pakinabang na


impormasyon kaugnay sa ating pagdiriwang sa buwan ng Pebrero, narito sina Niña Pangilinan
at Leyjie Evangelista. Sila ay salubungin natin ng isang masigabong palakpakan!

Mickaela: Maraming salamat, Leyjie at Niña, sa masusi at makabuluhang impormasyon na


inyong ibinigay. Dahil dito, marami akong nakuhang kaalaman ukol sa ating pagdiriwang sa
buwan ng Pebrero.

Francesca: Ako rin! Sana’y may nakuha ring aral dito ang ating kapwa mag-aaral. USHS, gising
pa ba kayo?!

Mickaela: Naku, inaantok pa ata sila, partner.

Francesca: Oo nga eh. Siguro ay kailangan na nila ng pampagising. Kung ganon, narito ang
USHS Band at USHS Dance Troupe upang maghandog ng isang bukod-tanging pagtatanghal.
Bigyan naman natin sila ng isang malakas na palakpakan!

Mickaela: Wow! Maraming salamat, Band at Dance Troupe. Siguro naman ay gising na sila.

Francesca: Syempre naman! Talaga namang kamangha-mangha ang pagtatanghal na


ipinamalas ng Band at Dance Troupe. Basta Cul-Gro, maaasahan!

Mickaela: Tama ka diyan! Sa puntong ito, amin nang binubuksan ang entablado para sa
anumang anunsyo.

Francesca:
If meron announcement: Salamat po sa lahat ng inyong ipinaabot na mga anunsyo.
Ngayon, ating tawagin ang presidente ng USHS Cultural Group, Belle Reyes, upang ibigay ang
kanyang pangwakas na pananalita. Bigyan natin siya ng isang masigabong palakpakan!

Mickaela: Maraming salamat sa napaka-gandang mensahe, Belle. Bago natin tapusin ang
programa, inaanyayahan ko muli sina Blessie, Sophia, Raleigh, Chloe, Sam, Nhia, Aosmond,
William, at Shane, upang pangunahan ang CLSU Hymn na kukumpasan muli ni Chelsie
Bartolome.

Francesca: Maraming salamat muli. Maaari na po tayong bumalik sa ating mga silid-aralan.
Salamat sa pakikinig!

You might also like