You are on page 1of 17

lOMoARcPSD|29545113

Pagbasa at Pagsusuri (Mods 6)

History (Rizal High School)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|29545113

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Pangangalap ng Datos

CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 10: Pagsulat ng Reaksyong Papel :

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Liway D. Cruz
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Inagan Elisa N. Lajera
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado Veronica O. Peroja
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape Jr.
Eugenio S. Adrao Ramonito O. Elumbaring
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Celedonio B. Balderas, Jr. Lourdes T. Bermudez
Lualhati O. Cadavedo Alona A. Encinares
Gemma G. Cortez Regin Rex P. Tosco
Leylanie V. Adao Marissa O. Aguirre
Cesar Chester O. Relleve Gladys A. Delos Reyes
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro


Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pangangalap ng Datos

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Alamin

Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may mga pagdaraanang pagsubok na huhubog


sa iyong kakayahan upang matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos ng
aralin.

Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad


ang sariling tekstong isinulat. F11 EP IIId-36

Layunin:
A. Naipaliliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng pangangalap ng datos;
B. Nasusuri ang iba’t-ibang paraan ng panangalap ng datos;
C. Naiisa-isa ang pinaghanguan ng datos at;
D. Nakakukuha ng angkop na datos para sa pagsulat.

Subukin

Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang


sagot at isulat sa iyong malinis na sagutang papel.

1. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di tuwiran na nagmula sa isipan ng isang


indibidwal.
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

2. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan nang mga itatanong.
A. binalangkas B. di binalangkas C. di-malaya D. malaya

3. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na


mahalaga kaysa sa nakahandang katanungan.
A. follow-up B. observation C. open-ended D. stuructured

4. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at


mobile platforms.
A. e-trail C. people trail
B. paper trail D. text-trail

5. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang


ispesipikong sagot.
A. follow-up C. open-ended
B. structured D. unstructured

3 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at


nilalaman ng buong saliksik.
A. datos B. interbyu C. sanggunian D. sarbey
7. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa
pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran B. tuwiran C. structured D. unstructured

8. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumentong pampubliko man o pampribado.
A. e-trail B. paper trail C. people trail D. text trail

9. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o


sipi.
A. awtor B. bibliograpi C. paksa D. talaan ng nilalaman

10. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?


A. larawan ng may-akda C. pangalan
B. pamagat ng aklat D. taon ng paglathala

11. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor C. kard ng paksa
B. kard katalog D. kard ng pamagat

12. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone C. recorder
B. papel at ballpen D. lahat ng nabanggit

13. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.


A. pag-iinterbyu C. pagtatanong
B. pagsasarbey D. pananaliksik

14. Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol


sa paksa ng iyong pananaliksik.
A. feature interview C. formal interview
B. non-featre interview D. structured interview

15. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng


panayam maliban sa:
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C. magtakda lamang ng oras ng panayam
D. hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

4 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Aralin
Pangangalap ng Datos
4
Sa iyong nakaraang aralin ay natutuhan mo ang angkop na gamit ng mga cohesive
devices sa pagbuo ng pahayag. Ngayon ay inaanyayahan kitang sagutin ang
maikling pagsasanay upang matukoy natin ang iyong naging kasanayan sa
nakaraang aralin.

Balikan

Piliin ang ginamit na cohesive device sa bawat pangungusap. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa


larangan ng paggawa ng pelikula.
A. bagong milenyo C. mabilis
B. kasabay nito D. sa larangan

2. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
A. artista C. nag-shooting
B. bagkus D. rally

3. Bilang kongklusyon, marapat na tangkilikin ang pelikulang Pilipino.


A. bilang kongklusyon C. pelikula
B. Pilipino D. tangkilikin

4. Mahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito mahusay rin ang
pagkikritiko nila.
A. mahusay B. manonood C. pagkikritiko D. patunay nito

5. Marahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang


karapatan ng mga nasa industriyang ito.
A. karapatan B. maisabatas C. marahil D. uunlad

5 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Tuklasin

Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:


(Bahagi ng isang panayam)
Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Brgy.
Chairman tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulay” sa
buong Distrito ng Masipag.

(Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay


huli sa oras na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit,
hindi man lang nakuhang magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang
magbabalangkas ng kaniyang mga itatanong. Hindi nakahanda subalit pinilit niyang
humarap upang makakuha ng datos na kaniyang kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!

Brgy. Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo. Kanina
pa po kami nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo
makararating sa sinabing oras. Kung maaari po sana ay bukas na tayo
magsagawa nitong panayam.

Thea: Paumanhin po Kapitan!

Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na


ating napag-usapan.

Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras


at pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?

2. Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung


saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinyon patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng
6 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.


https://kingessays.com/reaction-paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring


isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng


ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap
mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay
ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng


impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan


nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang paraan ng pagkuha ng datos, subukin natin
kung kaya mo ng paunlarin ang iyong kasanayan.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba ayon sa iyong pagka-unawa sa ating naging
talakayan.

1. Ano-ano ang tatlong paraan na maaaring maging batayan sa pagkuha ng


datos? Isa-isahin at ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

2. Bakit sinasabing ang pagsasarbey ang pinakamadaling paraan sa pagkuha


ng datos? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Ihambing ang pagkakaiba ng binalangkas at di-binalangkas na uri ng


panayam?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4.Kung ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik, alin sa tatlong paraan ng


pagkuha ng datos ang iyong pinakamalimit na magagamit? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Paano mo masasabing naging matagumpay ang isang panayam? Ilarawan.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isaisip

Sa yugtong ito, marahil ay naunawaan mo na kung paano magkaroon ng mabisang


teksto mula sa makabuluhang pagkalap ng datos o impormasyon.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang mga kailangang materyales sa pagkuha ng datos?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ang mga paraan upang makakuha ng datos mula sa people trail, paper
trail at e-trail.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Paano makatutulong ang angkop na pagkalap ng datos sa pagsulat ng


teksto?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

8 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

4. Bakit mahalaga ang mga kasanayan sa pagkalap ng datos?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Paano isinasagawa ang panayam, pagkuha ng impormasyon sa


pamamagitan ng papel at ng elektronikong tala?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isagawa

Ngayong nalaman mo na ang iba’t ibang paraan ng pangangalap ng datos, maaari


mo na itong subukang ilapat.

I-sarbey Mo!

1. Bumuo ng 5 katanungan tungkol sa opinyon ng ilang indibidwal


pagbubukas ng klase sa gitna ng Covid 19.

2. Magsagawa ng interbyu sa limang (5) magulang hinggil sa kanilang opinyon


sa pagbubukas ng klase sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Maaaring
makipanayam sa kanila sa pamamagitan ng virtual o pakikipanayam gamit
ang telepono o cellular phone.

3. Magtala ng apat (4) na sanggunian na maaari mong gamitin upang


makakuha ka ng impormasyon para sa pananaliksik tungkol sa “Epekto ng
Pandemya sa Edukasyon.”

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang
papel.

1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor C. kard ng paksa
B. kard katalog D. kard ng pamagat

2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone C. recorder
B. papel at bolpen D. lahat ng nabanggit

9 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

3. Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.


A. pag-iinterbyu C. pagsasarbey
B. pagtatanong D. pananaliksik

4. Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol


sa paksa ng iyong pananaliksik.
A. feature interview C. non-feature interview
B. formal interview D. structured interview

5. Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng


panayam maliban sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C. magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin

6. Ito ay uri ng datos na tuwiran o di-tuwiran na nagmula sa isipan ng isang


indibidwal
A. panayam B. paper trail C. people trail D. sarbey

7. Ito ay isang panayam kung saan malaya ang estilo ng pagtatanong nang
walang kopya o listahan ng mga itatanong
A. binalangkas C. di binalangkas
B. di-malaya D. malaya

8. Ito ay katanungang nabuo habang isinasagawa ang panayam at higit na


mahalaga kaysa sa inihandang katanungan
A. follow-up C. open-ended
B. observation D. stuructured

9. Tumutukoy sa impormasyong nakukuha mula sa digital storage, media at


mobile platforms.
A. e-trail C. people trail
B. paper trail D. text-trail

10. Ito ay isang uri ng pagtatanong na maaaring sagutin ng oo at hindi o isang


espisikpikong sagot.
A. follow-up C. structured
B. open-ended D. unstructured

11. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at


nilalaman ng buong saliksik.
A. datos C. sanggunian
B. interbyu D. sarbey

10 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

12. Ang nag-iinterbyu ay nagtatanong ng walang labis at walang kulang ayon sa


pagkakasunod-sunod nito sa kanyang listahan.
A. di-tuwiran C. tuwiran
B. structured D. unstructured

13. Ito ang tawag kung ang impormasyon ay nakuha mula sa mga opisyal na
dokumento pampubliko man o pampribado.
A. e-trail C. people trail
B. paper trail D. text trail

14. Ito ay inilalagay sa baba ng teksto sa pahinang kinasusulatan ng lagom o


sipi.
A. awtor C. paksa
B. bibliograpiya D. talaan ng nilalaman

15. Ang mga sumusunod ay makikita sa sanggunian maliban sa?


A. larawan ng may-akda C. pangalan ng may-akda
B. pamagat ng aklat D. taon ng paglathala

Karagdagang Gawain

Ngayong alam mo na ang iba’t-ibang paraan ng pangangalap ng datos maaari mo


pang paunlarin ang iyong kasanayan bilang paghahanda sa iyong pananaliksik.

Kumalap ng datos tungkol sa epekto ng teknolohiya sa gitna ng Covid-pandemic


2019 sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan na nakatala sa ibaba.
Pagkatapos ay sumulat ng maikling talata kaugnay sa nakalap na mga
impormasyon:

a. Paper Trail
b. E-Trail

11 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Susi sa Pagwawasto

A D
B A
B B
C D
A B
B A
A B
A B
B C
A A
D C B
A D A
B A A
D B B
B B A
Tayahin Pagyamanin Subukin

12 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Sanggunian
Online Supplementary Reading Materials

https://www.academia.edu/30277619/PANGANGALAP_NG_DATOS_new

https://www.slideshare.net/RainierAmparado/kabanata-3-pamamaraan-
atpinagkunan-ng-mga-datos

Online Instructional Materials

https://www.youtube.com/watch?v=F5-1eVF1OGU

https://www.youtube.com/watch?v=jfzSmMH2c4Q

https://www.youtube.com/watch?v=cLIFeS4Igtg

https://www.youtube.com/watch?v=s4hAGpEH2kE

13 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 6

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|29545113

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


14 CO_Q3_PPIITTP SHS
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph *
Module 6
blr.lrpd@deped.gov.ph

Downloaded by Rio Fionah Lopez (riofionah.lopez@deped.gov.ph)

You might also like