You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA'T-IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

PANGALAN: Regine P. Fegarido


PANGKAT/BAITANG: 11 - Sionil Jose
GURO: Gng. Lorna D. Ramos

Panuto: Piliin ang tamang sagot at bilugan ito.

1. Ito ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot


ang mga katanungan ng isang mananaliksik at isang mahalagang proseso ng pagsisiyasat na
nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang mga bagay-bagay.
A. Teorya
B. Pananaliksik
C. Panayam
D. Suliranin

2. Ang katangiang ito ng isang pananaliksik ay nangangahulugan na ang konklusyon ay


kailangang nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan o naobserbahan
ng isang mananaliksik.
A. Sistematik
B. Mapanuri
C. Kontrolado
D. Empirikal

3. Alin sa mga ito ang hindi kasama sa mga katangian ng pananaliksik?


A. Orihinal na akda
B. Sistematik
C. Mapanuri
D. Nanghuhusga

4. Ang balangkas na ito ay nangangahulugang isang gabay sa mga magkakaugnay na mga


konsepto, teorya at kahulugan.
A. Pumapaksang Balangkas
B. Balangkas Teoretikal
C. Balangkas ng Pagsusuri
D. Balangkas Konseptwal

5. Ang balangkas na ito ay naglalaman ng mga konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral


na isinasagawa.
A. Balangkas Konseptwal
B. Balangkas Teoretikal
C. Patalatang Balangkas
D. Balangkas ng Pangungusap

6. Bakit natin kailangan ang pananaliksik?


A. Upang matutong magbasa at sumulat.
B. Upang makipag-argumento.
C. Upang makakuha o makatuklas ng mga kaalaman.
D. Upang sabihin ito sa iba.

7. Alin dito ang hindi isang halimbawa ng pananaliksik?


A. Pananaliksik Tungkol Sa Epekto Ng Paninigarilyo
B. Persepsyon ng mga Guro ng Vicente Malapitan Senior High School sa Pagpapatupad ng
K-12
C. Ang Paborito kong Kulay ay Dilaw
D. Pag-gamit ng Wikang Filipino vs. Pag-gamit ng Wikang Ingles sa larangan ng Pagtuturo at
Pagkatuto

8. Ano ang pagsusuri ng pananaliksik?


A. Ang pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang-kasagutan ang paksa o problemang
nilalayong sagutin ng isang pananaliksik.
B. Ang pagtingin sa mga pahina nito.
C. Pagbabasa ng mga nilalaman ng pananaliksik.
D. Pag-gawa ng mga katanungan sa iba.

9. Ano ang kahulugan ng layunin sa pananaliksik?


A. Itinuturo nito ang mga proseso sa loob ng isang pananaliksik.
B. Dito isinasaad ang mga dahilan kung bakit ginawa ang isang pananaliksik o kung ano ang
ibig matamo ng isang mananaliksik pagkatapos maisagawa ang kanyang pag-aaral.
C. Tinutukoy nito kung saan niya dadalhin ang kanyang ginawang pananaliksik.
D. Wala sa nabanggit

10. Alin sa mga halimbawa ang hindi kabilang sa layunin ng pananaliksik?


A. Magluto ng Adobo
B. Makatulong upang malaman ang gamot para sa COVID-19.
C. Malaman ang dahilan kung bakit marami ang nakakaranas ng Teenage Pregnancy.
D. Malaman kung gaano karami ang populasyon sa mundo.

11. Ano ang kahulugan ng gamit sa pananaliksik?


A. Papel at Ballpen
B. Palakihin ang mga problema o isyu sa balita.
C. Gamitin ito upang isaad ang iyong opinyon.
D. Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na
magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
12. Ano ang kahulugan ng metodo sa pananaliksik?
A. Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa.
B. Pagbilang kung gaano karami ang nakalap na datos.
C. Pag-gawa ng proseso ng pananaliksik.
D. Wala sa nabanggit

13. Alin dito ang isang halimbawa ng metodo?


A. Pag-gawa ng mga katanungan
B. Chismis galing sa mga kapitbahay
C. Pagbibilang
D. Experimental Analysis

14. Ano ang kahulugan ng etika sa pananaliksik?


A. Nagpapakita ng kalinisan sa loob ng pananaliksik.
B. Nagsasaad ng mga bawal at maaaring gawin.
C. Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba't-ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik.
D. Wala sa nabanggit

15. Mahalaga ba sa ating buhay na matutunan at mapag-aralan natin ang tungkol sa


pananaliksik?
A. Oo
B. Hindi
C. Pwede
D. Ewan

16. Ito ay isang taong gustong sumisayat at humanap ng kasagutan sa mga problema o isyung
kanyang nakikita o nararanasan, at naatasang kumalap ng mga impormasyong kanyang
gustong malaman.
A. News Reporter
B. Detective
C. Mananaliksik
D. Siyentista

17. Lahat ng nabanggit ay nararapat isaalang-alang ng isang mananaliksik maliban sa isa, ano
ito?
A. Etikal na konsiderasyon
B. Oras at panahon
C. Paglalaro
D. Lugar at mga kagamitan

18. Lahat ay tungkulin ng isang mananaliksik maliban sa isa, ano ito?


A. Responsable
B. Matiyaga
C. Maingat
D. Makalat

19. Lahat ay katangian ng etika ng pananaliksik maliban sa isa, ano ito?


A. Pagiging kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga nag-partisipa.
B. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.
C. Pagki-kwento ng mga karanasan sa mga mambabasa ng iyong pananaliksik.
D. Pag-iwas at hindi pag-gamit ng plagiarism.

20. Lahat ay mga bume-benepisyo at maaaring makinabang sa pananaliksik maliban sa isa,


ano ito?
A. Estudyante
B. Gobyerno
C. Siyentista
D. Mga Matatanda

You might also like