You are on page 1of 7

Aralin

2 KATANGIAN AT ETIKA NG PANANALIKSIK

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Sa pagtatapos ng aralin inaasahan sa mga mag-aaral na:
A. Nakikilala ang katangian at etika ng pananaliksik;
B. Naisasabuhay ang mga katangian at etika sa pagsulat ng pananaliksik at;
C. Nakasusulat ng orihinal at makabuluhang pananaliksik.

SUBUKIN (5 ITEMS MULTIPLE CHOICE)


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.

1. Ito ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu,
pangyayari, teorya at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan, at bigyang solusyon.
a. Pag-iimbestiga c. Pag-uulat
b. Pagtalakay d. Pananaliksik

2. Ang katangian ng pananaliksik na hindi nagpapatangay sa sinabi lamang ng iba bagkus ay


inaalam muna niya ang katotohanan ng bawat pahayag.
a. Dokumentado c. Masusi
b. Masipag d. Obhektibo

3. Ito ay katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa pagbibigay ng konklusyon batay sa datos.


a. Dokumentado c. Napapanahon
b. Emperikal d. Sistematiko

4. Sa pagsulat ng pananaliksik ay kinakailangang siguraduhin na ang mga magsusulat nito ay hindi


nagmamanipula ng mga datos na nakalap at walang pagkiling sa kalalabasan ng mga datos.
a. Analitikal c. Kontrolado
b. Emperikal d. Obhetibo

5. Kinakailangan na sariling likha ng manunulat ang pananaliksik at nangalap lamang siya ng mga
kaugnay na pag-aaral at literatura sa mga pangunahing sanggunian.
a. Analitikal c. Masipag
b. Dokumentado d. Orohinal

TUKLASIN

PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita.


Mga salita:
Dokumentado Kritikal Masinop Obhetibo
Emperikal Malinis Napapanahon Sistematiko

D I N O M A S I N O P A E Z
O A M A C H E J S H Z I Y M
K J E M P I R I K A L O U A
U E Y K X A A D P V J B P L
M R C B U G P L Y S D H K I
E K R I T I K A L W X T W N
N Z I P S L T F N B U E N I
T C F K D F G C T A O H E S
A E G Q Z J N M Q V H B S D
D S I S T E M A T I K O V W
O B H E T I B O S R O H N Q

SURIIN (PAGTALAKAY SA ARALIN)

Inaasahan kong mayroon ka nang kaalaman ukol sa Pananaliksik. Sa pagkakataong ito, ating
palalawakin at palalalimin ang iyong ideya sa pagbuo ng iyong sinimulang Mungkahing
Paksa/Konseptong Papel sa nakaraang markahan.

Basahing mabuti ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pagbuo ng isang makabuluhang Pananaliksik.

Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematiko. Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na


nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong
matuklasan ang bagay na hinahanapan ng kasagutan.
Ang pananaliksik ay kontrolado. Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin.
Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula
sa resulta ng isinasagawang pag-aaral. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag,
kinikilala at pinipili ang mga baryabol.
Ang pananaliksik ay empirikal. Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto
na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong
haypotesis. Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

Ang pananaliksik ay pagsusuri. Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at


kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga
bilang na ginamit samantalang ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay
ng kuru-kuro o interpretasyon. Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na pagsusuri
sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon. Ang mga
datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam,
sarbey, at iba pa. Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat nang mabuti upang mabigyan ng
interpretasyon.

Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang kinikilingan. Ang anumang resulta ng pag-
aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik. Ang
mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang
naging resulta ng pag-aaral. Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa resulta ng anumang
pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging matapat at obhektibo.

Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis. Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay
pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi
pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang. Ang haypotesis ay tumutukoy
sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral. Ipinakilala ng haypotesis ang
kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.

Orihinal na akda ang pananaliksik. Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang
nakagawa sa nasabing pananaliksik.

May sistema ang pananaliksik. Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay
may sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras, panahon at salapi kung ang gawain ay nasa
ilalim ng nararapat na proseso. Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik ay isang
gawaing may proseso o sistema - hindi ito natatapos na minamadali. Ang pananaliksik ay
sumusunod sa maayos at makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon sa suliranin o anumang bagay na hinahanapan ng kasagutan.

Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan. Kung magsaliksik, siguraduhing may
mababasa kang impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man, magasin, o di kaya’y sa internet.

Hindi magastos ang paksa. Hangga’t maaari, pumili ng paksa na hindi gugugol ng malaking
halaga. Ngunit isaalang-alang din ang kalidad ng gagawing pag-aaral.

Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-kamay. Sa ikagaganda, ikahuhusay at
ikadadali ng anumang pag-aaral, mahalaga na ang datos ay madaling mahanap. Ang mahalaga sa
pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan ang mga katanungang inihanda.

Makatotohanan ang pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang siyentipikong gawain, marapat


lamang na ilahad ang totoong kinalabasan ng pag-aaral batay sa isinagawang pagsusuri at
istadistikong analisis. Sa madaling sabi, hindi dinoktor ang mga datos upang mapabuti ang resulta
ng pananaliksik. Mababa man sa inaasahan o kinalabasan ang pagsusuring ginawa, kailangang
Etika ng Pananaliksik

Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at pag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa


ng iba. Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat at mapanindigan niya ang
anumang produktong ginawa niya sa lahat ng oras. Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian
dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa rin ng mananaliksik na ipakilala at ipabatid sa kanyang
mambabasa ang pinagmulang sanggunian ng anumang datos na isinama niya sa kanyang ginawang
pananaliksik. Sa pagsasaalang -alang ng batas batay sa Intellectual Property Rights, kailangan ang
mahigpit na pagsunod sa mga probisyon nito upang makaiwas.

Paggalang sa karapatan ng iba. Kung gagamitin bilang respondent ang isang pangkat ng mga
tao anuman ang antas na kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang paggalang o respeto sa
kanilang karapatan. Hindi maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan kung wala silang
pahintulot.

Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential. Kinakailangang alamin ang lahat ng datos
at detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan na confidential. Nasa sariling
pamamaraan ng mananaliksik kung paano niya ilalahad ang kabuuan

Pagiging matapat sa bawat pahayag. Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating


pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring
baguhin ang anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang pansariling interes o
pangangailangan ng ilang tao.

Pagiging obhektibo at walang kinikilingan. Ang isang mananaliksik ay dapat walang


kinikilingan. Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang pananaliksik nang
walang pagkiling kaninuman. Dapat ay maging pantay siya sa lahat. Kinakailangang maibigay
kung ano talaga ang nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon at iba pang may
kinalaman sa kanyang ginawang sulating pananaliksik.

PAGYAMANIN
Ngayong matapos mong basahin ang ilang mahahalagang impormasyon kaugnay sa paksa na atin
tinalakay. Sagutan ang sumusunod na gawain.

GAWAIN 1:
Panuto: Gamit ang akronim. Ibigay ang mahahalagang kaisipang nakalap mula sa paksang tinalakay.
Gamit ang mga titik sa salitang PANANALIKSIK. Isulat ito sa maayos at buong pangungusap.

P
A
N
A
N
A
L
I
K
S
I
K

GAWAIN 2:
1. Magsaliksik ng iba pang katangian ng pananaliksik.

2. Magsaliksik ng iba pang etika ng pananaliksik.

3. Magsaliksik at magbigay ng halimbawang pananaliksik ng iyong sagot sa bilang dalawa.

ISA-ISIP

PANUTO: Punan ang mga pahayag sa ibaba upang mabuo ang diwa nito.
Matapos ang pagtalakay sa araling ito:

Natutuhan ko na…

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Napatunayan ko na…

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Dahil dito…
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ISAGAWA
Pagkatapos mong malaman ang mga katangian at etika ng pananaliksik, ilahad kung ano ang iyong
napagtanto sa kahalagan nito sa pagsulat ng isang mabisang pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng kahon.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________

TAYAHIN

PANUTO: Tukuyin kung anong katangian ng pananaliksik ang ipinahihiwatig ng bawat bilang. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Maingat na sinuri, inalisa at hinabi ni Ynna ang mga nakalap na datos bago siya magbigay ng
mga pahayag upang ito ay mapatunayan muna.

2. Ang mga mag-aaral ng ICT ay maingat na naghanap ng mga kagamitan na kanilang


kakailanganin sa ginagawa nilang pananaliksik. Ang mga impormasyon at datos na kanilang
ilalagay dito ay nagmula sa mga kagamitan na kanilang nakalap.
3. Bago ilagay ni Jewel ang mga impormasyon at datos na kaniyang nakalap ay sinigurado muna
niyang hindi ito basta galing sa opinion o kuro-kuro lamang ng ibang na pinapanigan ng
manunulat.

4. Sinabi ni Jake sa kaniyang mga kagrupo na kinakailangan nilang sumunod sa lohikal na hakbang
at proseso sa pagsulat ng pananaliksik.

5. Sa pagsulat ng konklusyon, ito ay kinakailangang nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa


tunay na naranasan at/ o naobserbahan ng mga mananaliksik.

SANGGUNIAN

Atienza, G.C. et. Al., (2006) Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:
Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Quezon City: Mutya Publishing House, Inc.

Cantillo, MI. M. et. Al., (2016) Sikay: Aklat sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: St. Bernadette Publishing House Inc.

Dayag, A. M. et. Al., (2016) Pinagyamang Pluma 11 (K to 12): Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

You might also like