You are on page 1of 5

PPTTP 10

Name: Christine Mae B. Calanza Date: May 30, 2021


Grade & Section: Grade 11-C COOKERY Score: __________

PP 1: Bakit higit na nagiging matagumpay ang isang pananaliksik na sumunod sa


tamang proseso ng pagsulat?

- Dahil ang pagsunod sa tamang sistematikong proseso ng pagsulat ay makakatulong upang


maayos na maisakatuparan ang pananaliksik o pag-aaral. Higit na makakatulong ang prosesong ito
upang maging malinaw ang mga hakbang na gagawin sa ginagawang pag-aaral.

PP 2: Ano pang ibang mahahalagang gawain sa pang-araw-araw ang nangangailangan ng tamang


proseso?

- Isa na rito ang pagluluto, na kinakailangang ang pagsunod sa paraan ng pagluluto at


tamang sukat at dami ng mga kasangkapang ilalagay. Pwede rin ang simpleng pagligpit ng
higaan na dapat talagang isakatuparan ang paggawa ng tamang proseso, at sa paglalaba dahil sa
paglalaba hindi mo naman pwedeng unahin ang pagbabanlaw kung wala pang nalalabhan, dapat
unahin muna ang paglalaba sa mga damit bago ang pagbabanlaw.

PP 3: Ang pananaliksik na hindi dumaan sa tamang proseso ay maituturing pa rin bang isang
pananaliksik? Pangatwiranan ang sagot.

- Hindi na ito matatawag pang isang pananaliksik kung wala kang sinusunod na proseso
sapagkat ang proseso ay isa sa mahahalagang katangian ng isang pananaliksik na magbibigay
tagumpay sa ginagawa mong pag-aaral.

Sanayin Natin!

Gawain 1:
Panuto: Magtala ng mga nakikitang akademiko at di-akademikong gawain na sumasailalim sa proseso
upang maisakatuparan. Kopyahin lamang ang talahanayan na makikita sa ibaba sa iyong papel.
PPTTP 10
Akademikong Gawain Di-Akademikong Gawain
(Mga gawaing hinggil sa pag-aaral na (Mga gawaing maaring hindi hinggil sa
iyong nagawa sa loob ng silid-aralan) pag-aaral na iyong nagawa sa labas ng
silid-aralan)

1. PANANALIKSIK
1. PAGLULUTO
2. PAGTUTURO
2. PAGLALABA
3. PAGSASADULA
3. PAGSASAING
4. PAGLILINIS NG SILID AKLATAN
4. PAGHAHANDA SA
5. PAGGAWA NG PROYEKTO HAPAGKAINAN
TULAD NG DIORAMA
5. PAGLILINIS NG PINGGAN

Gawain 2:
1. 2. Sa bahaging ito, humahanap ang mananaliksik ng paksang iikutan ng kanyang pag-aaral.
Kapag nakapamili na siya ng paksa ay kanya naman itong lilimitahan sa pamamagitan ng
pagtuklas ng mga tanong na magsisilbing gabay sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.

2. 1. Kapag natukoy na ang suliranin at lawak ng pananaliksik, maaari na niyang itakda ang disenyo
ng pag-aaral at kaukulang metodo kung paano ito matatamo.
PPTTP 10
3. 4. Isinasagawa sa bahaging ito ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa nakatakdang pamamaraan ng pag-aaral.

4. 5. Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon. Kasunod nito,
pwede na rin niyang isulat ang Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon.

5. 3. Sa bahaging ito ng pananaliksik, dapat matiyak ng mananaliksik na maibabahagi niya ang mga
mahahalagang konklusyon na nakuha niya mula sa ginawang pagsusuri ng datos.

Gawain 3: Kapag nasa Katwiran, Ipaglaban Mo!

1. Hindi, dahil hindi nya muna sinuri ang nasabing resulta bago ibahagi sa kanyang
pangkat.

2. Hindi, sapagkat tanging opinion lamang ni Maria ang nasunod at ginamit nya sa
paggawa ng pananaliksik kaya hindi ito maituturing na matibay na pananaliksik.

3. Oo, sapagkat nasunod lahat ng pangkat ni Tomas ang proseso ng pananaliksik.

Subukin Natin!

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang at piliin lamang ang titik ng iyong
sagot.

1. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain. Samakatuwid, alin sa mga sumusunod


ang ginagawa ng isang mananaliksik?
A. Sumusunod sa mga napapanahong pagbabago sa teknolohiya.
B. Isinasakatuparan ang pananaliksik nang may wastong pamamaraan at
hakbang.
C. Sumasangguni sa mga pinagkakatiwalaang kasamahan.
D. Agaran at mabilis na nailalabas ang resulta ng isang pananaliksik.

2. Ang sumusunod ay mga nagaganap sa pagsusuri ng datos maliban sa isa. Alin ang hindi
kabilang sa pangkat?
A. Ang mananaliksik ay bumubuo ng bagong kaalaman mula sa mga nakalap na
datos.
B. Binibigyan ng interpretasyon ng mananaliksik ang mga naging sariling
tugon.
C. Isinusulat ng mananaliksik ang resulta at diskusyon sa naging pag-aaral.
D. Itinatala ng mananaliksik ang mga napansing hamon sa pagsasagawa nito.
PPTTP 10
3. Sa paanong paraan nalilinang ng pananaliksik ang isang Pilipinong may
kapakipakinabang na literasi?
A. Nalilinang nito ang kakayahan niyang mangalap, kumilatis at sumuri ng
impormasyon.
B. Napauunlad nito ang kaniyang kakayahan sa pakikipagtalastasan.
C. Nagkakaroon siya ng tiwala sa kapwa dahil sa pananaliksik.
D. Nakatutulong ito upang higit na maging malawak ang kaniyang pang-unawa.

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat ginagawa sa pangangalap ng datos?


A. maging masinop sa pangangalap ng datos
B. maging subhektibo sa resulta ng pananaliksik

C. habaan ang pasensiya sa pagsasagawa ng interbyu


D. sakaping maging tapat sa resulta ng pananaliksik

5. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangang ibahagi ang pananaliksik maliban
sa isa. Alin ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Upang masipat kung may mga dapat pang pagbutihin sa ginawa.
B. Upang maipakita ang kakayahan ng isang mananaliksik
C. Upang maging inspirasyon sa mga nais magsagawa ng pananaliksik.
D. Upang maibahagi ang solusyon sa mga suliranin na pinag-aralan nito.

6. Matapos makalap ang mga tugon ng mga mag-aaral hinggil sa pag-urong ng araw ng
pasukan, isinumite ng isang mananaliksik ang kaniyang gawa sa mga pamunuan ng isang
pribadong paaralan. Anong mahalagang hakbang ang kaniyang nilaktawan?
A. pamimili ng paksa C. pagsusuri ng datos
B. pangangalap ng datos D. pagbabahagi ng pananaliksik

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI produkto ng pagsusuri ng datos?


A. larawan C. palatanungan
B. talahanayan D. information sheet

8. Bakit kinakailangang unahin ang pagpili ng paksang pag-aaralan?


A. dahil ito ang pinakamadaling hakbang na gawin
B. dahil hindi ito nangangailangan ng mahabang panahon
C. sapagkat napagtitibay nito ang magiging resulta ng pananaliksik
D. sapagkat dito matutukoy kung ano ang sasaliksikin

9. Ang pananaliksik ay isang masalimuot na proseso.


A. Tama, dahil sumasailalim ito sa masusing panunuri.
B. Tama, dahil hindi lahat ay kaya itong gawin.
C. Mali, dahil higit sa dalawang tao naman ang gumagawa nito.
D. Mali, dahil marami na ang nakagawa nito.
10. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga ng hindi pagsunod sa tamang
proseso ng pananaliksik?
A. di-mapagkakatiwalaang resulta C. limitadong paksang pag-aaralan
PPTTP 10
B. obhektibong resulta D. isang lehitimong pag-aaral

You might also like