You are on page 1of 22

TEKSTONG

REPERENSYAL
Presentasyon ng ikaapat na grupo
TAGAPAG- ULAT
DANIELYN LUMAJEN MARY HOPE OMBEGA BEATRINE DIESTRO
(ESTUDYANTE) (ESTUDYANTE) (ESTUDYANTE)

JANINEAMORIN JOHN LAWRENCE PACLIBAR JESSE CALDERON


(ESTUDYANTE) (ESTUDYANTE) (ESTUDYANTE)

HONNIE LOU DELA CRUZ RHEAMAE MARTIZANO


(TAGAPAGSALAYSAY) (GURO)
PANALANGIN
PAGBABALIK
ARAL
TEKSTONG
REPERENSYAL
LAYUNIN
Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng isang
tekstong sanggunian sa iba pang mga
teksto.

Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri


at pagpapahalaga sa tekstong binasa.

Naisusulat nang may damdamin at


saloobin ang isang tekstong sanggunian
tungkol sa sariling kultura.
ANG
TEKSTONG
REPERENSYAL
KAHULUGAN
ANO NGA BA ANG TEKSTONG REPERENSYAL?
Ang tekstong sanggunian o reperensiyal ay ang mga tala ng
impormasyon, kaalaman, o kaisipan na nagmula sa anumang
publikasyon tulad ng aklat at sa iba pang babasahin.

Kadalasan, gumagamit ang mga ito ng mga marka o footnote


upang itulay ang mga mambabasa sa iba pang karagdagang
impormasyon na maaaring mabasa, masuri, at makuha.

Ito ay hinango sa mga kalipunan, sakop, o saklaw ng


kaalaman ng tao naumaako ng mga antas ng kahulugan at
pagsasakonteksto ng diwa. Nagkakaroon ito ng maraming
hubog ng kaisipan, pagkaunawa, at kaugnayan sapagkat
naipaliliwanag sa iba’t-ibang konteksto.

Ang kahulugan ng ekspresyon ng isang tekstong reperensiyal


ay kung ano ang nilalaman at sino ang tumukoy nito.
KLASIPIKASYON
NG
TEKSTONG
SANGGUNIAN
PRIMARYANG SECONDARYANG
SANGGUNIAN SANGGUNIAN
Tuwiran ang paglalahad ng mga Di tuwiran ang paglalahad ng
impormasyong nagmula mismo sa impormasyon sapagkat hinango,
taong kasangkot at nakasaksi nito. kinuha ang impormasyon mula sa
Nagbibigay ang primaryang iba. Masasabi rin na ang
sanggunian ng firsthand evidence sekondaryang sanggunian ay
tungkol sa isang tao, pangyayari, nagbibigay ng komento,
bagay, at likhang sining na interpretasyon, talakay, buod,
pinatutungkulan ng isang pagsusuri paglalarawan, at pagsusuri ng isang
o pag-aaral. primaryang sanggunian
MGA URI NG
TEKSTONG
REPERENSYAL
ITO AY ISANG TAUNANG PAGKALAP
NG MGA IMPORMASYON, PANGYAYARI,
KATOTOHANAN, PETSA, AT
ESTADISTIKA. ISINASAGAWA ITO
UPANG MAGKAROON NG MABILIS NA
PAGHAHAMBING O PAGTUTULAD NG
MGA KAGANAPAN SA BAWAT TAON.
ITO AY ISANG PINAIKLING PAGBUBUOD NG
MAHAHALAGANG NILALAMAN NG ISANG
AKLAT, ARTIKULO, O IBANG BABASAHIN NA
KINAPAPALOOBAN NG
PINAKAPANGUNAHING PINUPUNTO NG

AC
PAKSA. MAAARI ITONG NAGPAPALIWANAG,

AN
NAGTUTURO, NAGPAPAHIWATIG, AT
NAGBIBIGAY-KAALAMAN NA NAKASULAT

M
MULA SA PUNTO DE VISTA NG MAY-ARI.

AL
ABSTRAK
TINATAWAG DIN ITONG TALAHULUGAN. ITO AY NAGLALAMAN
DIKSIYONARYO NG TALA NG MAIKLING PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA SALITA
NA NAKAAYOS AYON SA PA-ALPABETONG AYOS.

ITO AY SISTEMATIKONG
LISTAHAN NG MGA GAWA NA
ISINULAT NG ISANG TIYAK NA
MAY AKDA, LISTAHAN NG MGA
GINAMIT NA BABASAHIN TULAD
NG SANGGUNIANG AKLAT,
BI

LISTAHAN ITO NG MGA TAO,


PAHAYAGAN, MAGASIN, JOURNAL,
BL

LUGAR, ORGANISASYON,
AT IBA PA. KOMPANYA, INSTITUSYON, AT
IY

IBA PA NA NAGHAHATID NG
O
G

IMPORMASYON AT
RA

MAHALAGANG DETALYE NA
PI

NAKASULAT AYON SA
YA

PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA
TITIK NG ALPABETO.

DIREKTORYO
TAUNAN ITONG
PAGDODOKUMENTO NG MGA
NAIPONG KAALAMAN,
IMPORMASYON, LARAWAN, AT
ESTADISTIKA NG MGA
PANGYAYARI O KAGANAPAN SA
ISANG PARTICULAR NA PAKSA NA
NAGLALAHAD AT NAGBIBIGAY NAUUKOL SA ISANG BANSA O
ITO NG MGA TOTOONG ISANG INSTITUSYON.
IMPORMASYON SA
PARTICULAR NA PAKSA NA

K
O
MADALING MAUNAWAAN.

BO
SISTEMATIKO ITONG

AR
ISINAAYOS PARA SA MABILIS
AT MADALING PAG-ACCESS.

YE
HANDBOOK
TEKSTONG SANGGUNIAN
IMPORMASYON
KAALAMAN
KAISIPAN

HINANGO O NAGMULA

PRIMARYA SECONDARYA
(TEKSTO)

DIKSIYONARYO HANDBOOK ALMANAC DIRECTORY


WIKANG KARANIWAN
MULA SA BLOG NA TINTA NG HARAYA NI JOMAR ADAYA
Ang esensya ng wika ay panlipunan. Dumadaloy ito sa panlipunang
diskurso ng mga taong kabilang sa speech community.
Naipahahayag natin ng madali at maayos ang mga damdamin at
kaisipan dahil sa wikang likas sa dilang bawat isa. Nagiging
karaniwan ito sa patuloy na paggamit. Ang salitang karaniwan ay
maiaangkla natin sa nakamihasnan o popular na ginagamit. Sa kaso
ng ating bansa, matagal ng dumadaloy ang lingua franca na siyang
ginagamit sa buong kapuluan – ang wikang Filipino. Ang lingua
franca ayon kay Ronald Wardhaugh (2006) ay wikang ginagamit sa
araw-araw ng mga taong may magkakaibang inang-wika upang sila
ay magkaunawaan. Ang wikang Filipino bilang lingua franca ay
dumaan sa mahabang yugto ng pagpapanday at tinanggap ng mga
Pilipino lalo’t higit ng mga nasa hanay ng masa. Sa dila ng masang
Pilipino tunay na masisilayan ang wikang karaniwan o maituturing na
popular. Sa mga rehiyon, kahit may umiiral na sariling wika o
diyalekto, hindi maitatanggi na karaniwan pa rin nilang ginagamit
ang lingua franca upang makaugnay.
Ayon pa kay Pamela Constantino sa kaniyang sanaysay na “Tagalog,
Pilipino, Filipino: May Pagkakaiba ba?” ang pinakabuod ng konsepto ng
Filipino bilang batay sa mga wika ng PIlipinas ay ang pagiging pambansang
lingua franca nito. Sa pakikipagkomunika ng bawat Pilipino sa isa’t-isa lalo
na sa mga siyudad, gumagamit siya ng wikang alam din ng kaniyang kapwa-
Pilipino, Tausug, Kalinga atbp. Ang wikang ito ang nagsisilbing
pangalawang wika at lingua franca sa bansa.

Halimbawa, sa isang tipikal na pasalitang diskurso, sa jeep, mapapansin ang


isa pang punto ng wikang karaniwan. Suriin ang pag-uusap ng pasahero at
driver:
Pasahero: “Manong! Magkano po Cubao?”
Driver: “Otso lang!”
Kung gagamitin natin sa pagsusuri ang punto de bista ng semantika,
lumalabas na tila itinatanong ng pasahero ang halaga ng lugar na Cubao, na
binigyang tugon naman ng driver. Ang pagbigay tugon ng driver ay
nangangahulugan na nagkaunawaan naman sila subalit lihis sa kahulugang
pansemantika.
Iba naman ang karaniwang wika sa kaso ng mga elite o
mga nakaaangat sa buhay. Gamitin natin na halimbawa
ang artikulong nalathala sa Manila Bulletin noong taong
2011 na naging usap-usapan at nagpataas sa kilay ng
ilang maka-Filipino. Isinulat ito ni James Soriano na
estudyante mula sa isang pribadong pamantasan. Ayon
sa kanya:

“Filipino was a chore, like washing the dishes; it was not


the language of learning. It was the language we used
to speak to the people who washed our dishes… Filipino
was the language of the world outside the classroom. It
was the language of the streets: it was how you spoke to
the tindera when you went to the tindahan, what you
used to tell your katulong that you had an utos, and how
you texted manong when you needed sundo na….”
Malinaw sa kanyang pahayag na hindi karaniwan sa kanyang dila ang wikang Filipino. Sa halip,
wikang Ingles ang tunay na dumadaloy sa kanyang kamalayan. Kilatisin natin ito nang mabuti
dahil marami ang siguradong muling magtataas ng kilay at magbibigay ng komento sa
argumentong ito. Ating balikan ang teoryang behaviorist ni B. F. Skinner na nagsasabing ang
bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan na matuto. Ang gawi at kilos ay
maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kaniyang kapaligiran. Kung gayon, ang
mga itinuturing nating elite o nakakaangat sa buhay ay karaniwang sagana sa mga bagay na
tutugon sa kanilang pangangailangan at ang wikang karaniwan o popular sa kanilang speech
community ay wikang Ingles. Kaya hindi kataka-taka kung ang isang James Soriano ay
makabuo ng konseptong nakasalig sa kanyang nakamulatan at nakamihasnan. Gayon man,
hindi pa rin mawawaglit sa kanilang pag-iral ang paggamit ng wikang Filipino upang umayon
sa hinihingi ng pagkakataon at makipag-ugnayan sa kapwa. Ito ay sa kadahilanang higit na
nakararami ang masang Pilipino na patuloy na ginagamit ang lingua franca – Wikang Filipino.

Samakatuwid, ipinapakita lamang nito na ang sinasabi nating wikang karaniwan, sa anumang
antas ng buhay, ay wikang ginagamit upang madaling magkaunawaan.
Ayon sa mga eksperto sa wika, ang tao ay likas na di-malay
(unconscious) sa paggamit niya ng wika sa pasalitang anyo, lalo na
kaswal na estilo. Hindi tayo gramatikal kapag nagsasalita. Higit
nating pinagtutuunan ng pansin ang paghahatid ng mensahe sa
madling paraan at madaling maunawaan, tulad na lamang ng
halimbawa ng diskurso sa loob ng jeep sa bandang unahan.
Sa kabuuan, ang pinakatinutumbok ng ating tinalakay na wikang
karaniwan ay yaong wika na ginagamit at nauunawaan ng
nakararami. Tandaang mas madalas o karaniwan tayong magsalita
kaysa sa magsulat. Kaya’t ang karaniwang wika ay maiuugnay sa
pasalitang anyo na nakadepende sa sitwasyong pandiskurso. Ang
problema nga lang, karamihan sa atin, kapag nagsulat na ay parang
nagsasalita pa rin. Magkaiba ang wika sa pasalita at pasulat na
anyo. Gayon man, kapwa nagkikita pa rin ang dalawa sa iisang
layunin-ang umuugnay.
BUOD
SALAMAT SA
PAKIKINIG!
Huwag mag-atubiling magtanong ng anumang mga
katanungan!

You might also like