You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
“Kaugnayan ng Iba’t-ibang Ideolohiya sa mga
Malawakang Kilusang Nasyonalista”

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
0
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Himaya G. Tumubo, Roberto S. Arpon
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:
Tagalapat: Marilou T. Ramirez
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD
CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE
EPS - LRMDS
Alma L. Carbonilla, EdD
EPS – Araling Panlipunan

Alamin
Masaya bang isispin na ngayon ay maaari at Malaya na nating nagagawa ng may
responsibilidad ang mga bagay na dapat nating gawin? Salamat sa kalayaang naibigay
sa atin ng ating mga lider na marubrob ang diwa ng nasyonalismo. Nabatid mo sa ating
nakaraang aralin ang naging karanasan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa
ilalim ng kolonyalista at imperyalistang mga Kanluranin. Sa pagkakataon namang ito,
ay pag-aaralan mo ang kaugnayan Kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa mga
malawakang kilusang nasyonalista.

Marahil naitatanong mo sa iyong sarili, “Ano ang mga iba’t-ibang ideolohiya sa


mga malawakang kilusang nasyonalista? Paano tumugon ang ating mga kapwa Asyano
sa Timog at Kanlurang Asya sa iba’t-ibang ideolohiya at sa mga malawakang kilusang
nasyonalista? Nakaapekto ba sa mga tao at paglaya ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya ang iba’t-ibang ideolohiya at sa mga malawakang kilusang
nasyonalista? Maipaliliwanag ang kasagutan sa mga katanungang ito, sa susunod mong
gawain.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


*Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng
nasyonalismo at kilusang nasyonalista at epekto ng mga digmaang
pandaigdig(Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig)sa pagtatag ng sistemang
Mandato sa Kanlurang Asya – AP7TKA-IIIf- 1.14

2
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming Makabayan. Nagbigay daan ito


para ang mga Asyano ay natutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C. Makisalamuha sa mga mananakop
D. Maging lagging handa sa panganib

2. Ano ang ibig sabihin ng satyagraha.


A. Alituntunin
B. Batas
C. Non – Violence
D. Violence

3. Alin sa mga sumusunod na ideolohiya kung saan ito ay nakapokus sa paraan ng


pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan?
A. Ideolohiyang pang-relihiyon
B. Ideolohiyang pang-ekonomiya
C. Ideolohiyang pampolitika
D. Ideolohiyang pambatas

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig?
A. Sinakop ng Italy ang Albania
B. Simula ng Trench Warfare
C. Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia
D.Sinakop ng Germany ang Hilagang France
5. Alin sa mga sumusunod ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German
Nazi sa mga Jew o Israelite?

A. Amritsar Massacre
B. Holocaust
C. Rebelyong Sepoy
D. Sistemang Mandato

6. Sino ang namuno sa pakikipaglaban ng bansang Sri Lanka upang makamit ang
kasarinlan nito?
A. Colonel Thomas Edward Lawrence
B. Don Stephen Senanayake
C. Muhamad Ali Jinnah
D. Swarmi Dayadand Saraswati

7. Aling bansa sa Kanlurang Asya, ang HINDI kinilala ang demokrasya, Kalayaan, mga
karapatang pantao, malayang eleksiyon, at malayang pananalita?
A. India
B. Israel
C. Iraq
D. Saudi Arabia
3
8. Ano ang itinatag noong 1906, upang mabigyang proteksiyon ang mga Karapatan at
kapakanan ng mga Muslim laban sa mga paniniwalang Hindu?
A. Federal Democratic Republic
B. India National Congress
C. Kilusang Zionismo
D. Muslim League

9. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?


A. Dahil sa layunin nilang palakasin ang Judaism
B. Sa kagustuhan nilang magsama-samang muli ang mga Hudyo
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D. Dahil sa pananakop ng ibang lupain

10. Ito ay isang paniniwala kung saan ang kapangyarihan ay nasa lakas ng
nagkakaisang mamamayan.
A. Demokrasya
B. Komunismo
C. Sosyalismo
D. Pasismo

Karahasan at Epekto ng mga Digmaang


Aralin Pandaigdig at ang malawakang kilusang
1 nasyonalista sa mga bansa sa Timog at
kanlurang Asya

Balikan
Gawain 1.Balikan mo!
Panuto: Isulat sa patlang kung ang pahayag tumutukoy sa Aggressive o Defensive na
nasyonlismo.

______________1. Mapusok na nasyonalismo


______________2. Anyo ng nasyonlismo na ginagamit ng Pilipinas
______________3. Mapagtangol na nasyonalismo
______________4.Anyo ng nasyonalismo na ginagamit ng Hapon

Tuklasin
Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan
at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga pamprosesong tanong at
ang susunod na Gawain.

4
Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig

Ang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista sa mga bansa sa


Timog at Kanlurang Asya, upang matamo ang kalayaan sa kamay ng mga imperyalistag
ay mas nasubok nang maganap ang Una at Ikalawan. Digmaang pandaigdig. Ito ay
mahalagang kaganapan sa Asya dahil sa naging malaking epekto nito sa pamumuhay
ng mga Asyano.

Unang Digmaang Pandaigdig


Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig,ang higit nag udyok sa
mga Asyano na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga bansa sa timog at kanlurang
Asya.Ito rin ang nagtulak sa mga asyano upang higit na ipaglaban ang kalayaang
minimithi para sa kani- kanilang bansa, sa pangunguna ng kanilang mga lider
nasyonalista.
Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig
Cental Power – Ang alyansa ng mga bansang Germany, Austria-Hungary.
Allies – Binubuo ng mga bansang France,England at Russia.

Kaganapan sa Unang Digmaang Pandaigdig


Taon Pangyayari
 Pagpatay kay Arcduke Franz Ferdinand
 Nagdeklara ng digmaan ang Australia sa Serbia
1914  Sinakop ng Germany ang Belgium
 Nagdeklara ng Digmaan ang Great Br itain sa Germany
 Simula ng Trench Warfare
1915  Pinalubog ang barkong Lusitania
1916  Natalo ang Germany sa sa Siege of Verdum
1917  Pinatalsik ng Czar ng Russia
 Nagdeklara ang U.S ng digmaan laban sa Germany
1918  Paglagda ng Russia sa kasunduan sa Brest-Litovsk
 Armstice sa westerm from
1919  Kasunduan sa Versailles – isang kasunduang naghuhudyat sa
pagtatapos ng unang digmaang Pandaigdig

Nakasentro man sa Europe ang Digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya.Tulad sa


India, ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig
ng Allies.Nagpadala sila ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na
Ingles.Kaalinsabay nito ay nagkaisa ang mga kilusang Muslim at Hindu.
Pansamantalang isinantabi nila ang hindi pagakakasundo dahil kapwa nila
hinangad na mabigyan ng karapatang mamahala sa kani- kanilang sarili.
Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan
ayon sa Satyagraha(Non- violence)

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, Lumakas ang bansang India ang


kilusang Nasyonalismo na naging daan upang magkaisa ang pangkat Hindu at Muslim.
Nagkaroon ng demonstrasyon, boykot at hindi pagsunod sa mga kautusan ng Ingles sa
bansang India, na siya namang naging dahilan upang bigyan ito ng autonomiya.
Ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang pagpasok ng mga kanluraning
bansa sa kanlurang Asya, at dahil din sa pagbagsak ng imperyong
Ottoman.Natuklasan ang mina ng langis sa kanlurang Asya noong 1914, dahilan
upang mas maging interesado ang mga kanluraning bansa rito at magtatag ng
Mandato.

5
IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Nagsimula sa Europe ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre
1939. Taong 1942 isang kasunduan ang pinangungunahan ng United States, ang
Tehran Conference. Ang kasunduan ay nagsasaad na kapwa lisanin ng Russia at Great
Britain ang bansang Iran upang maging malaya at makapagsarili ito.Mayo 1946 nang
simulang lisanin ng Russia ang kaniynag Tropa subalit hindi rin ito naisakatuparan
bagkus nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis. Itinituring itong hindi pagkakaunawaan
na dinidinig ng security council ng United Nations(UN).Ito ay nagbigay daan sa cold war
na kinasasangkutan ng United States at ng kanyang mga kaalyado, kontra sa Russia
kasama rin ang kanyang kaalyadong bansa.

Isa ang bansang India na kolonya noon ng England ang naapektukhan matapos
ang digmaan dahil minsan na rin niyang binigyan ng supporta ang England sa
pakikipagdigmaang ginawa nito. Si Gandhi at ang kaniyang mga kasamahan ay
nagprotesta tungko dito dahil ayaw nila ng digmaan.Sa pagtatapos ng digmaan lalong
sumidhi ang ipinaglalaban ng mga taga – India para sa kalayaan, ngunit ito ay nagging
daan upang muling hindi magkaisa ang mga Indian.Sa paglaya ng India noong 1947
nahati ito sa dalawang pangkat ang pangkat ng Hindu at ng Muslim.Ang India para sa
mga Hindu at Pakistan naman para sa mga Muslim.
Maituturing na nag pinakamamahalagang pangyayaring naganap sa Asya ay ang
pagtatapos Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil dito inasahang makamit ang
kalayaang minimithi ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Kaganapan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Petsa Kaganapan Kaganapan
Marso 1939  Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia
Abril 1939  Sinakop ng Italy ang Albania
Agosto 1939  Kasunduang Nazi – Soviet
Setyembre 1939  Sinakop ng Germany ang Poland(BLITZKRIEG)
Abril 1940  Sinalakay ng Germany ang Norway at Denmark
Mayo 1940  Sinakop ng Germany ang Belgium at Netherlands at
Luzemburg
Hunyo 1940  Sinakop ng Germany ang Hilagang France
Agosto 1940  Tinangkang sakupin ng Germany ang Great Britain subalit
nabigo
Abril 1941  Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at Greece
Hunyo 1941 –  Tinangkang sakupin ng Germany ang Soviet Union subalit
Enero 1943 nabigo.

Kaugnayan ng Iba’t-ibang
Aralin
Ideolohiya sa mga Malawakang
2
Kilusang Nasyonalista
Iba’t-ibang Ideolohiya at ang mga Malawakang Kilusang Nasyonalista sa Timog at
Kanlurang Asya

6
Bakit iba’t-ibang ideolohiya ang sinusunod ng mga bansa? Paano ang mga
ideolohiyang ito ay nakatulong o nakaapekto sa pagkakaroon ng mga Kilusang
Nasyonalista? Paano ang mga ito ay angsilbing instrument sa paglaya ng mga bansa?
Ang mataas na uri ng pagpapahalaga at mga kasagutan sa mga suliranin at
pangangailangan ng mamamayan ay ipinahahayag ng mga ideolohiya. Naaayon din ang
mga ito sa kultura at kasaysayan ng bansa. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang
pangunahing kategorya – ang ideolohiyang pang ekonomiya at ideolohiyang pampolitika.
Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa mga patakarang
pangkabuhayan ng bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
Samantala, ang ideolohiyang pampolitika ay nakapokus sa paraan ng pamumuno at sa
paraan ng pagpapatupad ng mamamayan. Nauugnay ang political na ideolohiya sa mga
kilusan para sa panlipunang pagbabago. Hinihikayat nito ang mga tao na kumilos ayon
sa ninanais nilang mga pagbabagong kaayusan.
Sa pangkalahatan, iba’t-ibang ideolohiya ang nabuo sa Asya. Ito ay ang
Demokrasya, Sosyalismo, Komunismo, at Pasismo. Pag-aralan natin ang piling
kaso ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Timog Asya

India at Pakistan
Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging Malaki ang impluwensiya ng
demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Sa India, sa ilalim ng pananakop ng mga
British, maraming Indian ang naging aktibo sa muling pagbuhay ng kaisipan at
tradisyong Hindu. Hindi matanggap ng mga Indian ang pagbalewala at pag-alis sa
kanilang mga nakagisnang kultura Hinimok ni Swarmi Dayanand Saraswati, isang
nasyonalista, ang muling pagbasa ng mga veda upang maging batayan ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga Indian. Hinangad din ng mga Indian ang pagkakaroon ng
konstitusyon na magbibigay sa kanila ng mas Malaki at malawak na pagkakatong
makalahok sa pamamahala sa bansa.Pinangunahan ni Bal Gangadhar Tilak ang
tinawag na militanteng nasyonalismo. Nagsagawa sila ng marahas na pagkilos laban sa
mga British mula 1905 hanggang 1914. Samantala, may mga Indian naman na
nagpamalas ng moderating nasyonalismo sa pamumuno ni Mohandas Gandhi. Siya ay
naging pangulo ng All India National Congress na naitatag noong 1885.
Noong 1935, nagbigay ang Great Britain sa India ng isang bagong konstitusyon
na nagkaloob ng isang lehislatibong bicameral at pederal, sanggunian ng mga estado at
ng kapulungan. Tinanggihan ito ng mga Indian at Muslim. Upang mabigyang proteksyon
ang kanilang mga Karapatan at kapakanan, itinatag ang Muslim League noong 1906. Ito
ay sa pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Naging masigla ito sa kanilang mga
Gawain hiniling niya noong 19477 ang isang hiwalay na bansang Muslim. Ito ay
nagbigay-daan sa pagbuo ng bansang Pakistan na naihayag ang kasarinlan kasabay ng
India noong Agosto 14, 1947.

Sri Lanka at Maliit na Estado sa Timog Asya


Pinamunuan ng Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente ng
India sa loob ng isa’t kalahating dantaon (1796 – 19 47). Noong 1915, itinatag nila ang
Ceylon National Congress na unang partidong political. Namuno ito upang ipaglaban
ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinamunuan
ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng Kasarinlang Sri-Lanka,” ang
pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko.
Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.
Samantala, sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People
Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang katulad ng EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong
1986. Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag ng Nepalese Constituent Assembly na
lalansagin ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng eleksiyon sa Asemblea. Noong Mayo
28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.

7
Kanlurang Asya

Israel
Natagpuan ng mga Hudyo ang Kalayaan at oprtunidad sa pamamagitan ng United
States. Naging instrumental ang pamahalaan ng US sa pagtulong sa mga Hudyo.
Sa pagtatapos ng ika-19 na dantaon, sumibol ang mga pagkilos upang ang mga
Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Itinatag ang Kilusang Zionismo sa Basel,
Switzerland noong 1897 ni Theodor Herzl (1860 – 1940), isang Austro-Hungarian.
Nagsimula ang kilusan sa pagbabalik ng mga Hudyo sa kanilang “lupaing pangako.”
Libo-libong migranteng Hudyo ang pumunta sa Palestine at doon ay muling nanirahan.
Ikinagalit ito ng mga Paletisniang Arab. Kaya noong 1921, inayos ng mga British ang
usaping tungkol dito na nagdulot ng paghahati sa Palestine. Nagkaroon ito ng dalawang
estado – isa para sa mga Hudyo at ang isa ay para sa mga Arab. Ipinangako sa bawat isa
ang kani-kanilang kasarinlan. Subalit ang bawat isa ay hindi nasiyahan. Ang panahon
ng partisyong ito (1920 - 1948) ay naging puno ng madudugong labanan sa pagitan ng
mga Hudyo at Arab.
Ang kasukdulan ng mapait na nakaraan ng mga Hudyo ay ang ginawang
pagpatay sa milyon-milyong mga Hudyo na nasa Europe noong panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig (1939 – 1944). Isinagawa ito ng Nazi Germany sa pamumuno ni
Adolf Hitler. Ang pangyayaring ito ay tinawag na holocaust, ito ay naging rallying point
ng mga Hudyo at ng kanilang mga tagasuporta.

Iraq
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Iraq at Palestine ay
naipasailalim sa pamamahala ng Great Britain. Dahil sa hindi maayos na pamumuno at
kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga kilusang Makabayan noong huling
bahagi ng ika-19 na dantaon. Sumiklab ang mga nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad
at nahirapan ang mga hukbong British sa paggapi sa mga ito. Upang mahikayat na
pumanig sa kanila, pumayag ang British sa hiling ng mga nasyonalistang Iraqi. Ang
kahilingang ito ay ang ipinagkaloob naman ang kasarinlan at itinatag nila ang Kaharian
ng Iraq at iniluklok si Faisal bilang hari. Noong Agosto 23, 1921, si Faisal ay naluklok
bilang hari. Ipinagkaloob naman ang kasarinlan ng Iraq noong 1932. Gayunpaman,
kontrolado pa rin ng mga kanluraning kompanya ang industriya ng langis pagkaraang
matuklasan ito noong 1927.
Nagpatuloy ang kaguluhan sa Iraq. Mula nang mamatay si haring Faisal I noong
1933 hanggang dekada 1960, tagpo ng magkakasunod at madudugong kudeta ang Iraq.
Sa mahabang panahon, nakilala ang Iraq na “Republika ng Takot” dahil ang mga
pagbabago ng pamahalaan ay madalas na humahantong sa karahasan. Ilang ulit na
nagpalit ng mga administrasyon sa bansa at nangyayari ito gamit ang karahasan,
pananakot, o pakikipagdigmaan. Hindi nila kinikilala ang demokrasya, kalayaan, mga
karapatang pantao, malayang eleksiyon, at malayang pananalita sa kanilang bansa.
Naging malakas na puwersa ang military sa bansa. Bagaman, umaasa pa rin ang mga
Iraqi at ang sandaigdigan na maghahari pa rin ang kapayapaan, demokrasya, at
paggalang sa mga karapatang pantao sa bansang ito.

Saudi Arabia
Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng buwis, naghangad ng kasarinlan ang
mga Arab mula sa mga Turk. Noong 1744, nagsanib ang puwersa nina Muhammad Ibn
Saud, isang pinunong Arab at Muhammad Ibn Abd -al-Wahhab, isang kleriko upang
makapagtatag ng alyansang political. Ito ang naging pundasyon ng dinastiyang
namumuno ngayon sa Saudi Arabia. Noong Unang Digmaang Pandaigdig, tumulong si
Haring Abdul Aziz at ang mga nasyonalistang Arab sa mga British sa pakikipaglaban sa
mga Ottoman Turk, nangako ang Great Britain na ipagkaloob ang kanilang kasarinlan.
Pinag-isa ni Colonel Thomas Edward Lawrence ang nagdidigmaang mga tribung Arab.
Pinamunuan niya ang mga ito sa paggapi sa mga puwersang Turk-German.

8
Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz Ibn
Saud. Sinakop niya ang Riyadh noong 1902 at ginawa niyang lider ang sarili ng kilusang
Makabayan ng mga Arab. Noong 1932, inihayag niya ang sarili bilang Hari ng Saudi
Arabia.

Suriin
Gawain 3: Venn Diagram
Panuto: Sa bilang na 1 at 3 ibigay ang mga sanhi at bunga ng una at ikalawang
digmaang pandaigdig. Sa bilang na 2 ibigay ang epekto ng digmaan. Isulat ito sasa
gutang papel.

Unang Digmaan Ikalawang Digmaan

1 2 3

Gawain 4: Fact or Opinion


Panuto: Isulat sa iyong worksheet kung ang sumusunod na mga pahayag ay fact o
opinion at isulat ang iyong dahilan kung bakit ito ang iyong sagot.

Statement tungkol sa ideolohiya Fact o Dahilan


Opinion
1.Ang ideolohiya ay lipon ng mga kaisipang pinaniniwalaan at
pinanghahawakan ng maraming tao na kumikilos ayon sa mga
ideya, simulain, prinsipyo, o paniniwala na napapaloob dito.
2.Ang ideolohiyang pampolitika ay nakasentro sa paraan ng
mamamayan.
3.Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakasentro sa mga
patakarang pangkabuhayan ng bansa at paraan nang
paghahati ng kayamanan nito sa mamamayan.
4. Sinasabing paraan nang pamumuhay ang demokrasya at
maaaring ipahayag sa iba’t-ibang anyo tulad ng aspektong
political,pangkabuhayan, at panlipunan.
5.Naniniwala ang mga sosyalista sa mga pagpapahalagang
pagkakapantay-pantay, panlipunang katarungan,
pagtutulungan, pag-unlad, Kalayaan, at kaligayahan.

9
Pagyamanin
Gawain 5: Ayusin Mo!
Panuto: Ayusin ang mga pangyayari o kaganapan sa Una at Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.Iayos ng may pagkasunod- sunod ayon sa mga pangyayari.

Unang Digmaan

_________1. Pagpatay kay Arcduke Franz Ferdinand.


_________2. Nagdeklara ang U.S ng digmaan laban sa Germany
_________3. Pinalubog ang barkong Lusitania
_________4. Natalo ang Germany sa sa Siege of Verdum

Ikalawang Digmaang Pandaigdig


_________1. Sinakop ng Germany ang Poland (BLITZKRIEG)
_________2. Tinangkang sakupin ng Germany ang Soviet Union subalit nabigo
_________3. Sinakop ng Germany ang Czechoslovakia.
_________4. Sinakop ng Germany ang Belgium at Netherlands at Luzemburg

Gawain 6: Iugnay MO!

Kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa mga Malawakang


Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Demokrasya Sosyalismo Komunismo

Gawain 7: Pagkilala sa mga Larawan


Panuto: Punuan ng mga naaangkop na mga impormasyon na hinihingi sa bawat kahon
hinggil sa mga kilalang tao na nasa larawan.

TIMOG ASYA
Larawan Bansa Kilusang Ideolohiya Ebidensiya Epekto
Nasyonalista

10
KANLURANG ASYA
Larawan Bansa Kilusang Ideolohiya Ebidensiya Epekto
Nasyonalista

Odorhet zelrh

Silaaf

Mamahdum
nib dusa

Mudmhaam – Ibn
– dulba - hbaaw

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang pagakakaiba ng mga ideolohiyang isinulong ng mga kilalang pinuno?
2. Naging epektibo ba ang mga kilusang nasyonalismo na itinatag ng kilalang mga
personalidad? Sa paanong paraan?
3. Paanong ang nasyonalismo ay nakapagdulot ng transpormasyon sa kanilang
bansa?

Gawain 8: Digma, Pic!

11
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensaheng ipinapakita sa mga larawan?


2. Mula sa mga laraawan ano – ano ang nagging kaganapan sa mga bansa sa Timog at
kanlurang Asya bago ang una at at ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Isaisip
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno sa Araling
Panlipunan. Isulat ito sa iyong sagutang Kuwaderno sa Araling Panlipunan.

1. Ano ang nagiging unang mithiin ni Gandhi para pangunahan ang pag aalsa at
ipagtanggol ang bansang India?
2. Ano-ano ang nagiging dahilan bakit sumiklab ang dalawang digmaan pandaigdig?
3. Nakakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao at bansa sa timog at kanlurang
Asya ang pagpapakita ng damdaming nasyonalismo?
Pamprosesong mga Tanong:
1. Paano ang ibat-ibang ideolohiya ay nakaapekto sa pagkakaroon ng
malawakang kilusang nasyonalista?
________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sa kasaysayan ng Timog at Kanlurang Asya, anong ideolohiya ang higit na
nakaapekto sa pagkakaroon ng malawakang kilusang nasyonalista. Bakit?
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Aling bansa sa Kanlurang Asya, ang HINDI kinilala ang demokrasya, Kalayaan, mga
karapatang pantao, malayang eleksiyon, at malayang pananalita?
A. India
B. Israel
C. Iraq
D. Saudi Arabia
2. Kailan naihayag ang kasarinlan ng bansang India na kasabay rin nito ang pagbuo ng
bansang Pakistan?
A. Agosto 14, 1947
B. Disyembre 24, 2007
C. Mayo 14, 1948
D. Pebrero 4, 1948
3. Ano ang itinatag noong 1906, upang mabigyang proteksiyon ang mga Karapatan at
kapakanan ng mga Muslim laban sa mga paniniwalang Hindu?
A. Federal Democratic Republic
B. India National Congress
C. Kilusang Zionismo
D. Muslim League

12
4. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?
A.Dahil sa layunin nilang palakasin ang Judaism
B.Sa kagustuhan nilang magsama-samang muli ang mga Hudyo
C. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
D.Dahil sa pananakop ng ibang lupain

5. Ito ay isang paniniwala kung saan ang kapangyarihan ay nasa lakas ng nagkakaisang
mamamayan.
A. Demokrasya
B. Komunismo
C. Sosyalismo
D. Pasismo

6. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming Makabayan. Nagbigay daan ito


para ang mga Asyano ay natutong:
A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
B. Pagiging mapagmahal sa kapwa
C. Makisalamuha sa mga mananakop
D. Maging lagging handa sa panganib

7. Alin sa mga sumusunod na ideolohiya kung saan ito ay nakapokus sa paraan ng


pamumuno at sa paraan ng pagpapatupad ng mamamayan?
A. Ideolohiyang pang-relihiyon
B. Ideolohiyang pang-ekonomiya
C. Ideolohiyang pampolitika
D. Ideolohiyang pambatas

8. Alin sa mga sumusunod ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German


Nazi sa mga Jew o Israelite?
A. Amritsar Massacre
B. Holocaust
C. Rebelyong Sepoy
D. Sistemang Mandato

9. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagsiklab ng unang digmaang Pandaigdig?


A. Pagpatay kay Arcduke Franz Ferdinand
B. Paglagda ng Russia sa kasunduan sa Brest-Litovsk
C. Pinatalsik ng Czar ng Russia
D. Pinalubog ang barkong Lusitania

10. Alin sa sumusunod na pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig ang totoo?


A. Nagpatuloy ang hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at Hindu
B. Nagkakaisa ang Central Powers at Allies
C. Nagkakaisa ang mga kilusang Muslim at Hindu.
D. Nagpahayag si Gandhi ng suporta sa mga mananakop.
11. Ano ang ibig sabihin ng satyagraha.
A.Alituntunin
B.Batas
C.Non – Violence
D.Violence

12. Isang kasunduan na naghudyat sa pagtatapos ng unang digmaang pandaigdig.


A.Treaty of Paris
B.Treaty of Versailles
C. Treaty of Tordesillas
D. Treaty of Westphalia
13
13. Ang unang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay daan para sa mga kanluranin na
sakaupin ang Kanlurang Asya.Aling pahayag sa ibaba ang mas angkop kung bakit
naging interesado ang mga kanluranin na sakupin ang Kanlurang Asya.
A. Natuklasan nila na may malaking mina ng Langis ang Kanlurang Asya
B. May maraming Depositong Ginto ang Kanlurang Asya
C. Napakayaman ang Ekonomiya ng Kanlurang Asya.
D. Malawak ang Lupain ng Kanlurang Asya

14. Bakit maituturing na ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isa sa


pinahamahalagang nangyayari sa kasaysayan ng Asya?
A. Dahil sa Pakikipag laban ni Gandhi
B. Maraming ari – arian ang nawasak at nawala
C.Dahil Maraming tao ang nagbuwis ng buhay para sa kalayaan
D. Dahil dito inaasahang makamit ang kalayaang minimithi ng mga bansa sa timog
at kanlurang Asya

15. Sa paglaya ng India noong 1947 nahati ito sa dalawang pangkat ang mga Hindu at
Muslim,Ang India Para sa mga Hindus at Pakisatan naman ay para sa
________________.
A. Kristiyano
B. Buddismo
C. Muslim
D. Taoismo

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Picture Collage


Sa kasalukuyang panahon, magsaliksik ng limang personalidad na taga-Timog at
Kanlurang Asya na naging instrument sa pagbabago ng kanilang bansa. Humanap ng
kanilang larawan at ng kanilang mga inilunsad na gawaing naging instrument sa
pagbabago. Ipakita ito sa pamamagitan ng isang picture collage. Kinakailangang
magpakita ito ng sumusunod.

Kraytirya Puntos
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon ng mga ideya 5 puntos
Pagkamalikhain 5 puntos

1. Manood – suri(Film/Video/Documentary Review)


Manood ng may pagsusuri tungkol sa isang Pilikula, video, dokumentaryo na
nagpapakita ng nasyonalismong asyano. Sagutin sa isang malinis na papel ang mga
kasunod na tanong para sa isang malayang talakayan.

(Mga mungkahing Pelikula, Video o dokumentaryo: “Mahatma Gandhi” “Pearl Harbor” at


“Arab- Israeli Conflict”

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang mensahe nais ipahiwatig ng pelikula, Video o dokumentaryo?
2. Nakakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at kanlurang
Asya ang kanilang pagpapakita ng Nasyonlaismo?Patunayan

14
15
ISBN: 978-971-9601-47-0
Unang Edisyon, 2014
Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral
Araling Asyano
Araling Panlipunan 7: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba
Sanggunian:
AYUSIN MO
Tayahin
WW1 ww2
1. C 11.C 1.1 1.2
2. A 12.C 2. 3 2.4
3. D 13.A 3.2 3.1
4. B 14.D 4.4 4.3
5. A 15.C
6. A
7. C .
8. B
9. A
10. B
Subukin
1. C
2. C
3. C
4. B
5. B
6. C
Balikan Mo 7. C
8. B
1. Aggressive 9. B
2. Aggressive 10.B
3. Deffensive
4. Deffensive
Susi sa Pagwawasto
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Here the birds sing Merrily,
Are visions you’ll never forget
The liberty forever Stays, Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,


Here the Badjaos roam the seas Every valleys and Dale
Here the Samals live in peace Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the Tausogs thrive so free
All of them are proud and true
With the Yakans in unity Region IX our Eden Land

Region IX
Our..
Eden...
Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach A poem lovely as a tree.
with the LORD.
A tree whose hungry mouth is prest
In the beach, there were two (2) sets Against the earth’s sweet flowing
of footprints – one belong to me and breast;
the other to the LORD.
A tree that looks at God all day,
Then, later, after a long walk, I And lifts her leafy arms to pray;
noticed only one set of footprints.
A tree that may in Summer wear
“And I ask the LORD. Why? Why?
A nest of robins in her hair;
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
Upon whose bosom snow has lain;
And the LORD replied “My son, My Who intimately lives with rain.
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Poems are made by fools like me,
sand, because it was then that I But only God can make a tree.
CARRIED YOU!

You might also like