You are on page 1of 7

Ang maling pagpagkakabahagi ng impormasyon sa mga mamayan ay nagdulot ng

masamang epekto. Hindi nagging Maganda ang kinalabasan ng naging headline ng


mga ibang balita kaya’t itoy nagdulot ng ‘ fake news’ . Hindi naipaliwanag ng maiigi ang
proyekto na balak gawin ng ating LTFRB

Jeepney, ‘di ipe-


phaseout — LTFRB chief

Iginiit muli ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB)


Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi magkakaroon ng phaseout ng mga traditional
jeepney sa bansa pagkatapos ng deadline ng public utility jeepney (PUJ) franchise
consolidation.

Binigyang-diin ni Guadiz, kailangang maisagawa ang franchise consolidation bago


sumapit ang Disyembre 31 ngayong taon.

Gayunman, papayagan pa rin aniyang pumasada ang mga jeepney sa Disyembre.

“Kailangan pong tapusin ang consolidation sa December 31. Ang hinihingi lang po
namin sa kanila ay ‘yung tinatawag na substantial compliance. Ibig sabihin, ‘pag kayo
po ay nag-file at compliant na po kayo kahit hindi pa po tapos ay considered na po
kayong consolidated, kaya po pwede po kayong tumakbo ng inyong ruta,” paliwanag ni
Guadiz sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Huwebes.

Paglilinaw ng opisyal, hindi magkakaroon ng transport crisis sa bansa.

“To give you a hypothetical example, sa isang ruta 50 ang lumalayag na jeepney, iyong
40 nag-consolidate so may sampu pa doon na hindi pa nagko-consolidate. Eh, ang
kailangan mong jeep ay 50 so ‘yung sampu ‘yun, pwede pang bumyahe hanggang sa
hindi natatapos ang consolidation ng 40. So what does that mean? Yes, technically
hindi ka na puwedeng bumiyahe pero to prevent a vacuum in certain areas, we will
temporarily allow you hanggang hindi tapos ang consolidation ng 40. The moment na
natapos na ‘yon, and they are able to fill up the vacuum, iyong sampu, they will have to
stop traversing the route. Ibig sabihin, hindi na po sila puwedeng bumyahe. So in sum,
kapag iyong ruta mo ay consolidated na, mayroon nang mga tumatakbo, palagay ko po,
you have to consolidate now or you have to stop plying your route,” aniya.

Kinontra rin ni Guadiz ang naiulat na kailangang palitan ng driver ang kanilang unit
kapag nakasunod na sila sa franchise consolidation.

“Hindi po totoo na within 3, 6, or 9 months ay kailangan ka na pong magbago ng unit,


wala pong katotohanan ‘yon, pawang kasinungalingan po ‘yon,” dagdag pa ng opisyal.
2 schools in Pangasinan receive bomb
threats
By Claire Lacanilao
Published February 19, 2024 5:52 PM

Nagkaroon ng hindi Magandang epekto ang nagkalat ng maling impormasyon kayat ito
ay nagdulot ng ikakabulabog ng mga studyante sa Pangasinan . silay nabahal dahil sa
kumalat na maling balita na mayroon daw nag-tanim ng bomba sa paaralan
Ilang paaralan sa Laguna at Pangasinan,
nakatanggap ng bomb threat

Dalawang paaralan sa Pangasinan ang nakatanggap ng banta ng bomba na matapos ay natuklasan ng


awtoridad bilang isang biro lamang.

Una, ang Mangaldan National High School ay nakatanggap ng banta noong Pebrero 18, 2023, isang
Linggo, sa pamamagitan ng social media page ng isang konsehal.

Sinuri ng Explosive Ordnance Division at Canine Group ng Mangaldan PNP ang paaralan at hindi nila
natagpuan ang anumang bomba, na kinumpirma rin ng administrasyon ng paaralan.

Hindi maiwasang mag-alala ang mga magulang at mag-aaral na nakatira malapit sa paaralan sa posibleng
panganib sa kaligtasan.
“Siyempre, natakot kami kasi baka kung ano mangyari sa amin, buti nalang nalaman namin yun kaya
natakot kami na baka may bomba talaga,” ang sabi ni Drexel Suarez, isang mag-aaral sa grade 11.

“Maganda mahigpitan para hindi kami mag-alala sa mga anak [namin], siyempre nakakaniyerbiyos kapag
andoon kami sa bahay,” sabi ni Juvy Quinto, isang magulang.

Bilang tugon sa insidente, ipinatupad ng paaralan ang isang patakaran na "Walang Visitor Pass, Walang
Pumasok."

Samantala, ang araw pagkatapos noong Pebrero 19, 2024, ang mga klase sa Pangasinan National High
School sa Lingayen ay naantala matapos din na tumanggap ng banta ng bomba ang paaralan.

Agad na ipinawalang-bisa ng mga awtoridad ang mga klase sa lahat ng antas.

Walang bomba ang natagpuan sa pagsusuri.

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga insidente upang matukoy ang pinagmulan
ng mga banta.

Ayon sa pulisya, layunin ng mga biro na ito na lumikha ng kaguluhan at takot sa publiko, at payo nila na
kung sino man ang nakatanggap ay agad na makipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP).

“Makipag-ugnayan [ang publiko] sa PNP agad para mai-handle ng maayos, kasi isang intention ng mga
gumagawa nito [ng bomb threat] is to create public panic or fear na ma-instill sa ating mga mamayan to
affect their daily activities,” sabi ni PLTCOL. Roldan Cabatan, ang Punong ng Mangaldan Police Station.
REFERENCE:

https://balita.net.ph/2023/11/16/jeepney-di-ipe-phaseout-ltfrb-chief/

#google_vignette

Ilang paaralan sa Laguna at Pangasinan, nakatanggap ng bomb threat | SONA

(youtube.com)

2 schools in Pangasinan receive bomb threats (gmanetwork.com)

You might also like