You are on page 1of 5

ARALIN 1: KAHON NI PANDORA

Mitolohiyang Griyego - Ang mitolohiyang Griyego ay koleksiyon ng mga kuwentong kinatatampukan


ng mga diyos at diyosa.

Paksa ng iba't ibang mitolohiya ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba't
ibang kapangyarihan ng mga nasabing nilalang at pamumuhay bilang ordinaryong tao na minsa’y
nagkakamali at nagagapi ng kahinaang tulad ng mga mortal.

ANG KAHON NI PANDORA


- Isinulat ng makatang si HESIOD, na kasabayan ni Homer noong mga taong 700 BC.
- Tinalakay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga kasamaan sa mundo.

ARALIN 1.1: PANDIWA


Pandiwa - Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos, kaganapan, o karanasan.
URI:
KATAWANIN: Ang pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos
at nakatatayo na itong mag-isa. (Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain o pangyayari)
• Nabuhay si Pandora.
• Nag-utos si Zeus.
• Umuulan
• Lumilindol
PALIPAT: Ang pandiwa kung may tuwirang layong tumatanggap sa kilos.
Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa,
sa mga, kay, o kina
Sumasagot sa tanong na ano o kanino.

• Si Hephaestos ay lumilok ng babae.


• Siya ay kanilang sinuutan ng damit at koronang ginto.
• Sumuway si Prometheus sa kagustuhan ni Zeus.
UrKaPal
GAMIT:
AKSYON: Nagpapahayag ito ng kilos na ginawa, ginagawa, o gagawin pa lamang. Madaling matukoy
ang aktor o tagaganap ng kilos na maaaring tao, hayop, o bagay. Karaniwang mabubuo ang mga
pandiwang ito sa tulong ng mga panlapi.
• Naglakbay si Persyus patungo sa tahanan ng mga diyos.
• Sumalungat si Medusa sa lahat ng gusto ni Athena.

PANGYAYARI: Nagsasaad ito ng kilos ng isang kaganapan na resulta ng isang pangyayari. Maaaring
kakitaan ng sanhi at bunga.
• Nalunod ang mga tao sa matinding pagbaha.
• Tumindig ang kanilang mga balahibo nang mamasdan ang nagliliyab nitong korona.

KARANASAN: Nagsasaad ito ng kilos ng isang personal na karanasan o damdamin/emosyon.


Madaling matutukoy ang aktor na nakararamdam.
• Umiyak si Bea.
• Nanghilakbot ang lahat nang marinig ang mga sigaw.
GamitAksyonPangyayariKaranasan
GAPK

ARALIN 2: ANG PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


Ang Israel, bansa sa Kanlurang Asya, matatagpuan sa timog-silangan ng Dagat Mediterranean.
- Bansa sa Gitnang Silangan na kinikilalang Holy Land ng iba’t ibang sekta sa mundo.
- Sa Herusalem, namuhay at nangaral si Hesus, ang mga parabula Niya’y dito ang tagpuan.

- Ginamit ni Hesus sa kanyang mga parabula ang pagkasal ng binata at dalagang Hudyo noong unang
siglo

Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating maghanda at


magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o oras man ng Kanyang muling pagparito.

-Hango sa Mateo 25:1-13

ARALIN 2.1: PANG-UGNAY (PANGUKOL / PANGATNIG)

PANGUKOL - Ito ay mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita
sa pangungusap.

- Alinsunod sa / Alinsunod kay - Laban sa / Laban kay


- Ayon sa / Ayon kay - Para sa / Para kay

- Hinggil sa / Hinggil kay - Tungkol sa / Tungkol kay

- Kay / kina - Ukol sa / Ukol kay

PANGATNIG - Ito ay mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o
payak na pangungusap.

PAMUKOD - May pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan. NI, MALIBAN

PANDAGDAG - Nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag AT, SAKA, PATI

PANALUNGAT - Ginagamit upang sumalungat sa una. DATAPWAT, KAHIT, BAGKUS, BAGAMA’T,


HABANG, NGUNIT, SUBALIT, PERO

PANUBALI o NAGBIBIGAY-KONDISYON - pagbabakasakali o pag-aalinlangan KUNDI, KUNG, KAPAG,


SAKALI

PANANHI - Ginagamit upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa tanong
na bakit. DAHIL SA, PAGKAT, SAPAGKAT, PALIBHASA, UPANG

PANLINAW - Ginagamit upang linawin o magbigay-linaw KAYA, SAMAKATUWID, SA MADALING


SALITA

ARALIN 3: ANG APAT NA BUWAN KO SA ESPANYA

-Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob ng nang mahigit tatlong daang taon.

-Umaabot sa mahigit 50,000 Overseas Filipino Workers o OFW ang naghahanapbuhay at naninirahan
sa bansang ito partikular sa Madrid at Barcelona.

-Maliban sa mga OFW, mayroon ding higit-kumulang 300,000 Pilipinong may dual citizenship.

Rebecca, 16, magulang ay OFW Lungsod ng Madrid, Seville, Toledo, at


Valencia

Barcelona, Espanya – walong taon Tuwing Sabado at Linggo sila’y


magkakasama

Pagbabago ng school calendar – bakasyon

Pagbabago ng school calendar – bakasyon

KLIMA AT PANAHON:

Abril-Hunyo: nakaranas ng katamtamang panahon

Hulyo (hanggang Agosto): tag-init

Panahon kung kailan dinarayo ng mga turista


KULTURA AT TRADISYON:

Reina Sofia sa Madrid, pinakatanyag na museo

Obra ni S. Dali, P. Picaso, J. Miro, A. Tapies, atb.

National Art of Catalonia, isa pang museo.

Bullfight – pakikipagtagisan ng lalaki sa toro

Flamenco – isang sayaw na kahanga-hanga ang bilis ng paa

TAHANAN AT GUSALI

Ang mga gusaling naitayo noong gitnang panahon

Palacio Real sa Madrid

Toledo Ancient Rooftop sa Toledo

Toledo Ancient Rooftop sa Toledo

Isang UNESCO World Heritage Site

Disenyo ni Antoni Gaudi, 1883

WIKA

Spanish o Castillian, wika ng mga Espanyol

Iba pang wika: Galician, Catalan, at Basque

Kakaunti sa mga Espanyol ang nakapagsasalita ng Ingles

Baño, calle, ventana, coche, at iba pa.

RELIHIYON O PANANAMPALATAYA

Nasa humigit kumulang 80% - 90% ng populasyon ang Katoliko

May iba pa rin namang relihiyon

Hindi napupuno na ang simbahan

PAGKAIN & IBA PANG KAUGALIAN

El Desayuno: almusal – kapeng may gatas at tinapay

10:00 –11:00 – tapas (pagkaing nakalagay sa platito)

Sa kanila natin namana ang pagkain sa pagitan ng agahan at tanghalia


La comida – tanghalian, pinakamalaki nilang kain

Hindi nawawala ang tinapay

Paella, gambas, cochinillo asado

Naglalaan sila ng dalawa – tatlong oras para sa pananghalian

Siesta – sandaling pagtulog

Nagsasara ang mga establisyemento, mula ika-1- ika-4 n.h.

Sa Barcelona at Madrid ay bukas ang mga supermarket

5:00 – 5:30 – La merienda

Karaniwang tinapay na may palaman

9:00 – La Cena

Pritong itlog, ensaladang gulay

Minatamis: Leche flan

Maglalakad-lakad sa paseo o bar

ISPORTS

Soccer o football ang tanyag na laro

Ang Real Madrid, koponan ng soccer na may tinatayang 228 milyong tagasuporta

KASUOTAN

Higit na pormal kaysa sa atin

Ang mga kabataan sa Madrid ay naka-tshirt at pantalong maong

Ang mga matatandang babae ay nakablusa at palda o bestida

Ang kalalakihan nama’y naka-slacks at short/long sleeve

Sa loob ng simbahan ay pormal ang pananamit

At sa kanilang pamamasyal sa gabi ay pormal pa rin

You might also like