You are on page 1of 3

Lesson Plan in Filipino 3

I. Layunin
Sa katupusan nang aralin, inaasahang ang mag-aaral ay:
1. Mabigyang kahulugan ang tula.
2. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa paksa.
3. Makasulat ng sariling tula.

II. Paksang Aralin


Paksa:
1. Pamagat: Sili ni Seli
2. May-akda: Floreda B. Cardinoza
3. Anyo: Tula

III. Panlinang na Gawain


A. Tukoy-Alam
Panuto: Magbigay ng iyong sariling opinyon sa larawan na iyong makikita. Ibahagi ito sa klase.

B. Paglalahad
Ngayon may babasahin tayong tula na ang pamagat ay “Sili ni Seli” na isinulat ni Floreda B. Cardinoza.
Makining ng Mabuti dahil babasahin ko ito ng malakas.
“Sili ni Seli”
Ni: Floreda B. Cardinoza

Ang aking inang si Seli


Nagtanim sa bukid ng Sili
Tubig pandilig mula sa poso
Kagalaka’y nadama ng puso.

Ayaw ng kaibigan kong iwan


Kaya sinabi ko sa kaniya’y ewan
Sili ni nanay dapat mabenta
Isakay dapat ito sa vinta.

Binalot ni nanay sa tela


Habang ang ulan ay tila
Kabayaran ni nanay na pera
Pambaon sa eskwela ni Pira.

 Nagustuhan ba ninyo ang tula?


 Para kanino ang tula?
 Anong pahayag ang naglalarawan sa ina? Magbigay ng isa.
Bago natin talakayin ang nilalaman ng tula. Basahin muna ninyo nang sabay-sabay ang tula.
C. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungang sumusunod:
 Tungkol saan ang tulang iyong napakinggan?
 May damdamin ba ng pag-ibig ang inilahad dito?
 Basahin ang saknong kung saan makikita ang damdaming nakalahad.
 Makatotohanan ba ang nilalaman ng tula? Patunayan.

D. Pagpapayamang Gawain
Sa loob ng sampung minuto magsalaysay ng sa isang pangyayari sa inyong buhay kung saan
ipinaramdam ng inyong ina ang pagmamahal niya sa inyo bilang anak. Isulat ito sa iyong kwaderno.
IV. Paglalahat
 Anong aral ang makukuha sa nasabing tula?
 Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong ina?
V. Karagdagang Pagsasanay
 Gumawa ng sariling tula tungkol sa pagmamahal mo sa iyong ina. Ibahagi ito sa susunod na
pagkikita.
RUBRIKS SA PAGSULAT NG TULA
5 4 3 2 1
Malalim at Makabuluhan ang May ilang bahagi Mababaw ang Walang
makabuluhan ang mensahe ng tula ng tula ang hindi mensahe ng tula nagawang tula
mensahe ng tula makabuluhan
May kaugnayan May kaugnayan May ilang bahagi Marami sa bahagi Walang
ang tula sa ang tula sa ng tula ang ng tula ang nagawang tula
knoseptong konseptong walang walang
ibinigay ng guro ibinigay ng guro kaugnayan sa kaugnayan sa
konseptong konseptong
ibinigay ng guro ibinigay ng guro.
Maayos at Malinaw na Hindi gaanong Magulo ang Walang
malinaw ang paghahatid ng malinaw ang paghahatid ng nagawang tula
paghahatid ng tula sa paghahatid ng tula sa mga
tula sa tagapakinig tula sa taga tagapakinig.
tagapakinig pakinig

You might also like