You are on page 1of 1

Ang Aral ng Damo - Maikling Kwento

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay


ngang ang lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan
"G. Punongkahoy, ikaw ba'y maligaya?" tanong ng anghel "Hindi," ang
sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak.

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat "Bb. Bulaklak.


ikaw ba'y maligaya sa iyong paligid?" "Hindi ako maligaya sapagkat wala
akong halimuyak. Masdan mo any gardenia sa banda roon. Siya'y
umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-
halina!"

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito.


"Ano ang masasabi mo sa iyong halimuyak?" "Ako'y hindi nasisiyahan.
Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y natatanaw ko.
Ang kanyang mga piling ay hinog na!"

Ang anghel ay lumapit sa saging, nagmagandang-araw at nagtanong, "G.


Saging, kumusta? Ikaw ba'y nasisiyahan sa iyong sarili?" "Hindi. Ang
aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag
malakas ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang
matulad sa narra!"

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, "Anong palagay mo sa iyong


matibay na puno?" "Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang
kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito'y nagsisilbing
proteksiyon!" pakli ng narra

Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo


para sa iyong sarili?" "Masaya ako!" sagot ng damo "Ayaw kong
mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng matibay na
puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili Kaninuman pagkat
maligaya!"

You might also like