You are on page 1of 1

“ ANG ARAL NG DAMO “

May anghel na galling sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat
ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan. “G. Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?”
tanong ng anghel. “Hindi.” Ang sagot sa tinig na walang sigla, ‘sapagkat ako’y walang
bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak uupang magsiyasat. “Bb. Bulaklak, ikaw ba’y
maligaya sa inyong paligid?” “Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak.
Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang
bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”.

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang
masasabi mo sa inyong halimuyak?” Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga.
Naiinggit ako sa saging ! Iyon, siya’y natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog
na!” Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang araw at nagtanong, “G. Saging,
kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa inyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad sa narra! Pag malakas
ang hangin lalo’t may bagyo , ako’y nababali ! nais ko sanang matulad sa narra!”
Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na
puno?” “Sa ganang akin, huso ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!: paikli ng narra. Ang anghel ay
nahgpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili kaninuman
pagkat maligaya!”

You might also like