Professional Documents
Culture Documents
Ang Aral NG Damo
Ang Aral NG Damo
May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.
"Hindi," ang sagot sa tinig na walang sigla, "sapagkat ako'y walang bulaklak."
Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. "Bb. Bulaklak, ikaw ba'y
maligaya sa iyong paligid?"
"Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda
roon. Siya'y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-
halina!"
Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. "Ano ang
masasabi mo sa iyong halimuyak?"
"Ako'y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya'y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!"
"Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas
ang hangin lalo't may bagyo, ako'y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!"
"Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis.
Ang mga ito'y nagsisilbing proteksiyon!" pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. "Kumusta ka ? Ano ang nanaisin mo para sa iyong
sarili?"
"Masaya ako !" sagot ng damo . "Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga.
Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko'y ako'y ako... hindi nananaghili kaninuman
pagkat maligaya!"