You are on page 1of 4

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang
lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw


ba’y maligaya sa iyong paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia
sa banda roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng
hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano
ang masasabi mo sa iyong halimuyak?”

“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong


Saging, kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag
malakas ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa
narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong


matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.
Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa
iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang
bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili
kaninuman pagkat maligaya!”

Aral:

 Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos na


may kanya-kanyang katangian. Huwag maging mainggitin sa iba.
 Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito
upang makatulong sa kapwa.
 Ang sikreto sa masaya at payapang pamumuhay ay ang pagiging
kuntento. Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin mo
kung anong meron ka at matutong maging masaya para sa iba.

Konklusyon
Magandang hapon sa inyong lahat. Ako po si Ciarwena Pangcoga at ang
nakatakdang paksa sa akin ay magbigay ng halimbawa ng ekokwento.

Bago ko isasalaysay ang napili kong ekokwento, suriin muna natin ng maikli kung
ano ba ang ekokwento. Ang ekokwento ay isang uri ng kwento na hango sa
kalikasan at ng tao. Maaari itong halaw sa tunay na karanasan at pangyayari o
imahinasyon lamang.

Ang aking isasalaysay sa inyo na halimbawa ng isang ekokwento ay


pinamagatang, “ang aral ng damo”.

Mga aral
 Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha \ na may
kanya-kanyang katangian. Huwag maging mainggitin sa iba.

Isa sa mga likas na katangian ng tao ay ang pagiging mainggitin sa kung


ano ang meron ang ibang tao. Kadalasan, hindi pinapahalagahan kung ano
ang meron tayo kasi masyado tayong ukopado sa pagnanais na makuha
kung ano ang meron ng mga taong nasa itaas.

 Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito upang


makatulong sa kapwa.

 Ang sikreto sa masaya at payapang pamumuhay ay ang pagiging kuntento.


Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin mo kung anong
meron ka at matutong maging masaya para sa iba.

Konklusyon

You might also like