You are on page 1of 2

Jenny Juniora Ajoc Setyembre 22, 2018

Section 75 - BSN 124

Ang Misteryo ng Buhay: Pagtuklas sa Balangkas

Kakaiba ang mararamdamang ginhawa kapag nagkakasundo kayo ng sansinukob. Gaya

ng sinabi ni Max Ehrmann sa Desiderata, “maging malinaw man o hindi sa iyo, tiyak na ang

daigdig ay mamumukadkad sa iyo tulad ng inaasahan”. Ang buhay para sa akin ay hindi naging

madali, ngunit masasabi ko na ito’y mapayapa.

Naalala ko ang panahong ako’y malubhang nalulumbay. Ang dahilan ko, akala ko

pinagkait na ako ng mundo. Ang pagkaabala ko sa aking apila ay kumakain sa akin, at mula pa

nang ako ay naulila, pinilit ako ng aking sitwasyon na isuko ang isang normal na buhay

pagkabata. Upang gawing mas masahol pa, ang kahirapan ay tila palaging isang sumusunod na

anino. Nadama ko ang pagiging abandonado at nag-iisa sa mundong ito, at ninais kong umalis.

Pinagmasdan ko ang buhay ng ibang tao, ang mga kaibigan ko, nang lumitaw and matinding

galit at paninibugho. Dinemanda ko ang katwiran ng Panginoon, at nagpakumbaba nang

matanggap ko ito. Sa aklat ng Job, nabanggit na may balangkas ang Diyos para sa lahat. Ang

lahat ng mga pangyayari’y may layunin at dahilan. Ang ating kalikasan bilang tao ay hindi

maaaring maunawaan ang pagkilos ng Diyos. Sa buhay ko, nalinawan ako sa mga pangyayari’t

balangkas ng mga ito. Naunawaan ko ang bahagi ko sa Kanyang dakilang plano, at dahil dito,

pinahalagahan ko ang biyaya ng buhay. Hindi ko lubusang nauunawaan ang lahat ng bagay,

ngunit sa palagay ko ay nasasaakin na iyon, at ang tanging tungkulin ko na lamang ay upang

patotohanan na posible na magtiwala sa Kanya sa gitna ng suliranin - hindi lamang sa

pamamagitan ng mga salita, kundi mas mabuti kung sa pamamagitan ng paggawa.


Bilang isang Nursing student, masasabi ko na hindi kami maaaring pagkatiwalaan sa

buhay ng isang tao kung kami mismo’y hindi naiintindihan ang halaga nito; “Sensitivity is key,”

ang laging wika ng aming propesor sa TFN. Nang basahin ko ang “Isang Karaniwang Misteryo”,

napagtanto ko na bawat isa sa atin ay may karapatan sa respeto at paninindigan, isang katwiran

na kadalasang kinakaligtaan pagdating sa hindi pa isinisilang na mga sanggol. Nakikita ko ang

pagkakamali rito - sa perspektibong madali lamang balewalain ang buhay ng isang tao, kabilang

na ang atin. Oo, isang suliranin ang hindi ginustong pagbubuntis, ngunit hanggang sa maaari,

ituon ang pansin sa nakakamanghang kagandahan at kataka-takang pagsibol ng panibagong

buhay.

You might also like