You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa FlLIPINO 7

I. LAYUNIN
Naisusulat ang mga patunay na angf kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito (F7PU-Ia-b-1
II. PAKSANG-ARALIN
A. PAKSA: Pagsulat ng mga patunay na ang Kuwentong-Bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito.
B.KAGAMITAN: Kuwentong-Bayan “Isang Aral Para sa Sultan” at “Si Monki, si Makil, at
mga Unggoy” Teksto: “Ang Lanao Del Sur”
C.SANGGUNIAN: https://youtu.be/DZLJ15ZiqVs?si=FxvsDT3CxdZ1WemU
https://youtu.be/6GLdspubejc?si=E-6C1j4tRg12bZbe3

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. Pagganyak

Gawain 1: ILARAWAN MO
Panuto: Gamit ang pantulong biswal, paano
mo mailalarawan ang LANAO DEL SUR.
Isulat ang mga salitang naglalarawan sa
pisara.
Mga paglalarawan na isusulat sa pisara.

1. May malalaking lawa


2. Maganda
3. Tahimik at payapa ang kapaligiran
4. Madaming Muslim
5. Pangkat-etniko tinatawag na Maranao

Mag—aaral: Maaaring mula rito an gating


tatalakaying akda.

Mahusay! Ano kaya ang kaugnayan ng lugar


na ito sa ating talakayan? Ang Kuwentong-Bayan ay mga kuwentong oral na
nagmula sa tradisyon ng isang komunidad. Ito’y
Tama! dito nga nagmula an gating naglalaman ng mga aral, karanasan at kultura ng
tatalakayin, ang Kuwentong-Bayan ng mga isang grupo ng tao.
Maranao.

Alam nyo ba ano ang kuwentong-bayan? Karaniwang ipinapasa ito mula sa henerasyon
Ano nga ulit ito? hanggang henerasyon sa pamamagitan ng
salaysay o pakikipag-usap.

Tama, bukod doon ano pa? Ang mga Kuwentong-Bayan ay naglalaman ng


mga elemento ng mitolohiya, kasaysayan, at
pakikipagsapalaran na nagbibigay-diin sa mga
pangunahing aral o moralidad.
Mahusay, may karagdagan pa ba?
Magaling! Kayo ay mayroon ng sapat na
kaalaman tungkol sa kuwentong-bayan.
Natitiyak kong magiging madali lamang para
sainyo ang ating tatalakayin sa araw na ito.

A. Paglalahad
Muli, magandang araw sa bawat isa.
Kahapon ay ating binasa ang mga
Kuwentong-Bayan mula Mindanao at
ngayong araw ay ating sisimulan ang Naisusulat ang mga patunay na ang
panibagong aralin. Maari po bang basahin kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
ang layunin. kaugalian ng lugar na pinagmulan nito

B. Paglinang ng Kasanayan

Alam niyo ba na may mga pahayag na


ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan.
Makatutulong ang mga pahayag na ito
upang tayo ay makapagpatunay at an gating
paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa mga tagapakinig.
Karaniwang ang mga pahayag na ito ay
dinurugtungan din ng datos o ebidensya na
lalo pang makapagpapatunay sa
katotohanan ng inilahad. May dokumentaryong ebidensya – ang mga
ebidensyang magpapatunay na maaaring
Ano-ano kaya ang mga pahayag na nakasulat, larawan,o video.
ginagamit sa pagbibigay ng patunay?
KKapani-paniwala – ipinakikita ng salitang ito na
ang mga ebidensya, patunay, at kalakip na
ebidensya ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay.

Taglay ang matibay na konklusyon – iusang


katunayang pinalakas ng ebidensya, pruweba, o
impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

Nagpapahiwatig – hindi direktang makikita,


maririnig o mahihipo ang ebidensya subalit sa
pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.

Nagpapakita – salitang nagsasaad na ang isang


bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.

Nagpapatunay/katunayan – salitang nagsasabi o


nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa
ipinapahayag.

Pinatutunayan ng mga detalye – makikita mula sa


mga detalye ang patunay sa isang pahayag.
Mahalagang masuri ang mga detalye para makita
ang katotohanan sa pahayag.
Mahusay klas! Natutuwa ako sapagkat alam
ninyo ang mga pahayag sa pagbibigay
patunay.

Ngayon ay dumako tayo sa pagsuri sa isang


teksto tungkol sa Lanao Del Sur.

Gawain 2: ANO ANG IYONG PATUNAY?


Panuto: Basahin ang teksto at suriing
mabuti. Pagkatapos basahin ay sagutin ang
mga katanungan gamit ang mga pahayag na
nagpapatunay.

Pakibasa ng sabay-sabay ang mga gabay


na tanong.
Mga Gabay naTanong
1. Batay sa binasa,ano-ano ang mga
magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao
sa buhay ng mga Meranao?
2. Anong ebidensya mula sa binasa ang
magpapatunay na malikhain at may katutubong
sining ang mga Meranao?
3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri
ng panahong umiiral sa Lanao Del Sur?
Iyan ang mga tanong na inyong sasagutin
mamaya pagkatapos ninyong basahin ang
teksto upang aking masukat kung mayroon
na ba kayong kaalaman sa pagsuri at
pagbibigay patunay gamit ang mga
ebidensya at impormasyon.

Nauunawaan po ba ang gagawin? Opo Ma’am

(Babasahin ng mga mag-aaral ang teksto)

Tapos na po bang basahin ang teksto?? Opo ma’am tapos na po


Naunawaan po kaya ito?

Mabuti, kung ganoon ay pakibasa ng unang


katanungan at ilahad ang kasagutan sa
pamamagitan ng paggamit ng mga pahayag
na nagpapatunay.
1. Batay sa binasa,ano-ano ang mga
magpapatunay na mahalaga ang Lawa ng Lanao
sa buhay ng mga Meranao?

Ang mga bangkang nagyayot ang siyang


nagdadala ng mga paninda at ito rin ang
pangunahing transporatsyion sa mga bayan ng
Lanao.

2. Anong ebidensya mula sa binasa ang


magpapatunay na malikhain at may katutubong
sining ang mga Meranao?

Makikita sa kanilang kagamitang panseremonya at


iba pang kagamitan angmga ukit o tinatawag
nilang okir kung saan ang pinakikilala ay ang
sarimanok at makukulay na nagas o nakaukit na
hugis ahas na madalas makita sa hawakan o
puluhan ng kanilang kampilan.

3. Ano-ano ang mga patunay na maganda ang uri


ng panahong umiiral sa Lanao Del Sur?

Hindi masyadong mainit at lihis din sila sa mga


bagyo kaya hindi sila gaanong nasasalanta ng
mga bagyong dumaraan sa ating bansa.
Mahusay! Sa pagsagot ninyo sa mga
katanungan, natitiyak kong mayroon kayong
naunawaan sa tekstong inyong nabasa.
Tama ba ako? Opo

Subukin natin ang inyong galling sa pag-


uugnay.
D. Paglalahat Ang pagbibigay patunay sa isang
kuwentong-bayan ay mahalaga upang
Ano ang kahaalagahan sa pagbibigay mapatunayan ang katotohanan ng kuwento
patunay sa isang kuwentong-bayan? at mapaanatili ang kaniyang integridad sa
pamamagitan ng dokumentasyon at
ebidensiya. Ito’y nagbibigay-linaw at
kredibilidad sa mga oral na tradisyon,
nagpapalalim sa ating pag-unawa sa
kasaysayan at kultura.
Paano mapapahalagahan ang mga
kuwentong-bayan gamit ang mga pahayag Sa pamamgitan ng wastong paggamit ng
na nagpapatunay? mga pahayag na nagpapatunay,
mapapahalagahan at mapatutunayan ang
kahalagahan ng kuwentong-bayan,
nagbibigay daan sa masusing pagsusuri at
pag-unawa ng kultura at kasaysayan.

C. Paglalapat

Ngayon ay aking aalamin kung talagang


mayroon kayong natutunan sa ating
talakayan.

Gawain 3: I-UGNAY MO
(Pangkatang Gawain)
Panuto:
Mga Hakbang na Gawain:
1. Magpangkat hanggang sa apat na grupo
2. Pakinggan ang isa pang halimbawa ng
kuwentong-bayan sa Mindanao na
pinamagatang “Isang Aral Para sa Sultan”.
3. Sumulat ng mga patunay mula sa
kuwentong-bayan na ito nga ay
sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian
ng lugar na pinagmulan nito.
4. Gumamit ng mga salita o pahayag na
nagbibigay ng patunay.

Gamitin ang pormat:

Mga Tradisyon o Mga bahagi ng


kaugalian mula sa kuwentong-bayanng
kuwentong-bayan magpapatunay na
sumasalamin ito
sa ,mga tradisyon o
kaugaliang inilista
mo

Pamantayan:

Ideya o konseptong nakapaloob sa ipinasa –


10%
Paraan ng pagkakalahad ng mga ebidensya,
tradisyon at kaugalian – 5%
Watong bantas at pagkakaayos ng mga Opo Ma’am
salita sa pagsulat – 5%

Kabuoan : 20 %

Naunawaan po ba ang gagawin?

IV. PAGTATAYA (Indibidwal Gawain)


Panuto: Basahin ang buod ng kuwentong-bayan na Si Monki, si Makil, at ang mga Unggoy.
Isulat ang buod nito at sumulat ng mga patunay mula sa kuwentong-bayan na ito nga ay
sumasalamin sa mga tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Gumamit ng mga
salita o pahayag na nagbibigay ng patunay.

Sundin ang pormat

Pamagat ng Kuwentong-Bayan

Maikling buod nito:


Mga Tradisyon o kaugalian mula sa Mga bahagi ng kuwentong-bayanng
kuwentong-bayan magpapatunay na sumasalamin ito
sa ,mga tradisyon o kaugaliang inilista
mo

Pamantayan:

Ideya o konseptong nakapaloob sa ipinasa – 10%


Paraan ng pagkakalahad ng mga ebidensya, tradisyon at kaugalian – 5%
Watong bantas at pagkakaayos ng mga salita sa pagsulat – 5%

Kabuoan : 20 %

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik ng iba’t ibang halimbawa ng alamat na mula sa Minadano..

You might also like