School Year 2023- 2024 Pangalan:__________________________________________________ Iskor:____________ Baitang at Seksyon: __________________________________________ Guro: Bb. Alexes A. Amaro DLP 2.3 Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang ang iyong sagot.
___________________1. Mga kwento ng kabaitan, katapangan, katalinuhan ay magagamit upang makakuha ng
boto ayon kay Sheila Coronel. _________________2. Puno ng isang politikong pamilya ay kinikilalang _______ na may malawak na impluwensiya maging sa pagpili ng kandidatong ipapahalal. _________________3. Sadyang panloloko sa iba upang magkaroon ng illegal na bentaha o sariling pakinabang. _________________4. Ito ay tumutukoy sa sabwatan ng dalawang tao o Partido para sa kanilang pansariling interes na labag sa isinasaad ng batas. _________________5. Ang ________ ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa pagkilala sa kabutihang ginawa at pagbalik nang higit pa sa kabutihang tinanggap mula sa nagbigay. __________________6. Inilalarawan nito ang relasyon ng mga makapangyarihang pamilya, kanilang mga kaanak, at mga tagasunod sa pagpapalawig ng kanilang interes sa politika. _________________7. ng _________ ay paraan ng pagbuo ng ugnayan sa pagitan ng magkaibigan o ng mga maimpluwensyang tao sa pamamagitan ng pagiging padrino sa binyag, kasal, o kumpil. __________________8. Tuwing nalalapit ang halalan, makikita natin sa mga patalastas o anunsiyo sa telebesiyon, radio at internet ang mga taong nagnanais mailuklok sa ating pamahalaan. Alin sa 7Ms ni Sheila Coronel ang maiuugnay sa pangungusap. _________________9. Hindi lingid sa ating kaalaman, sa tuwing nalalapit ang halalan may mga politiko na gumagamit ng dahas upang sapilitang silang iboto ng mga mamamayan. Alin sa 7Ms ni Sheila Coronel ang maiuugnay sa pangungusap. __________________10. Sa pamamagitan ng ______ nakabubuo ng alyansa ang mga pamilyang makapangyarihan sa politika at sa kabuhayan.