You are on page 1of 2

Marso 12, 2024

Minamahal Naming Kalahok!

Isang Mapayapang Pagbati!


Kami ay isang pangkat ng mga mag-aaral sa St. John of God na kasalukuyang kumukuha ng
asignaturang Filipino 2. Isa sa mga pangangailangan ng nasabing asignatura ay ang pagsulat
ng isang pananaliksik.
Sa kasalukuyan, kami ay nagsusulat ng isang pananaliksik na may pamagat na “Henerasyon
ng Pagbabago: Pananaw ng mga Mag-aaral sa SHS sa mga Kulturang Pilipino” na naglalayong
masuri ang mga pananaw ng mga ika-labingisa (11) at ika-labingdalawang (12) baitang ng
UA Senior High School tungkol sa kulturang Pilipino.
Kaugnay nito, inihanda ng aming grupo ang isang talatanungan upang makapangalap ng mga
datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kami ay humihingi ng iyong pahintulot na
maging isa ka sa mga kalahok sa isinusulat na pananaliksik.
Ang iyong partisipasyon sa pag-aaral ay boluntaryo lamang at maaaring kang tumanggi na
maging bahagi nito. Tinitiyak naming magiging kompidensyal na impormasyon ang iyong
mga kasagutan dahil kinikilala namin ang aming responsibilidad sa ilalim ng Republic Act
No. 10173 o ang Data Privacy Act of 2012. Lahat ng mga kasagutan ay gagamitin lamang sa
layunin masagot ang aming mga layunin sa pananaliksik.
Kung ikaw ay sumasang-ayon, mangyaring punan ang kasunod na slip na nagpapatunay na
ikaw ay sumasang-ayon at nabasa ang mga nakasaad sa liham na ito. Ang iyong pagtugon sa
aming kahilingan ay lubos na makatutulong sa ikatatagumpay ng aming pag-aaral.
Maraming Salamat!
Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik:

Dagdag, James Daniel Q. Manankil, Raven Earl R.

Gonzales, Micaela Chloe P. Quiambao, Zaimer Ane M.

Tolentino, Aya Nicole Y. Tiangco, Hannah Sofia P.


Binigyang-pansin ni:
Gng. Eloisa P. Sanchez
Guro sa Filipino 2
Pahintulot na Makilahok sa Pananaliksik

Ako, ___________________________________________ ng ________________________


(Buong Pangalan) (seksyon/depatamento)
ay nagbibigay ng aking permiso na maging isa sa mga kalahok sa pananaliksik na may pamagat na “Pag-aaral
at Palaro: Pagsusuri sa Akademikang Pagganap ng mga Atleta sa SHS”, na ibinibigay na kasiguruhan na ang
aking pagkakakilanlan ay ituturing na may kahalagahan at ang aking mga sagot ay magiging kumpidensyal at
gagamitin lamang pang-akademikong layunin. Bukod dito, ang aking lagda ay nangangahulugang nabasa ko ang
lahat ng mga tuntunin at kondisyon na nakasaad sa liham.

______________________________________

Pangalan at Lagda

Pagsang-ayon na makilahok sa pananaliksik

Ako,___________________________________magulang/tagapagalaga ni__________________________
(pangalan ng magulang/tagapangalaga) (pangalan ng anak)

mula sa _______________________________________ na may edad 17 pababa ay nais ipaalam na:


(baitang at seksyon)

Hindi ko pinapayagan ang aking anak na lumahok sa pag-aaral na ito.

Pinapayagan ko ang aking anak na lumahok sa pag-aaral na ito.

______________________________________

Pangalan at Lagda ng Magulang

_____________________________________
Petsa

You might also like