You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Anonas St., Sta Mesa, Manila

Epekto ng Kasiyahan sa Trabaho sa Pagtugon sa Tungkulin ng mga Guro sa


Cristobal S. Conducto Memorial Integrated National High School

Ipinasa ni:

Urrera, Hannah Mae F.

BSMA 1-12

Ipinasa kay:

Prop. Ma. Victoria R. Apigo

Setyembre 18, 2018

1
Unang Kabanata

Panimula

Kasiyahan sa trabaho ang ginagamit na pariralang tumutukoy at


sumusukat sa pagiging kuntento o pagiging masaya ng isang manggagawa sa
kanyang trabaho at organisasyong kinabibilangan. May mga kadahilanan o
factor na nakakaapekto sa kasiyahan o pagkadismaya ng isang
manggagawa. Maari itong maging personal na dahilan gaya ng pagkakaroon
ng pagkakataong mapa-unlad ang career at pagtatrabaho sa pangarap na
kompanya. Maaari rin itong maging dulot ng organisasyong kanyang
kinabibilangan kagaya na lamang ng magandang relasyon sa mga ka-
trabaho.

May signipikong epekto ang kasiyahan sa trabaho sa pagtugon sa


tungkulin at trabaho ng isang manggagawa. Ang isang masayang
manggagawa, ay isang produktibong manggagawa. Kung siya ay masaya sa
kaniyang trabaho, ganado at determinado siyang paghusayan ang kaniyang
trabaho. Samantala, kung siya ay hindi masaya at dismayado sa kanyang
trabaho at organisasyong kinabibilangan, negatibo ang epekto nito sa
kaniyang pagtugon sa trabaho na magdudulot ng mababang antas ng
pagiging produktibo.

Isa sa pinakarespetado at tinitingalang mga propesyonal dito sa Pilipinas


ay ang mga guro. Ang mga guro ang nagtuturo ng mga karunungang dapat
malaman ng isang estudyante, maging pang-akademiko man ito o leksyon sa
buhay. Sila ang nagiging modelo at madalas na hangaan sapagkat isa sila sa
mga kinakikitaan ng mga mag-aaral ng pag-asa sa buhay. Sa panahon
ngayon, ang mga guro ang itinuturing na lakas at pundasyon ng nasyon.

Mahalagang ang mga guro ay nakakaramdam ng kasiyahan at


kakuntentuhan sa kaniyang trabaho at paaralang kinabibilangan. Ang isang
gurong may positibong persepsyon sa pagtuturo ay mas nakakapagturo ng
mas mahusay at epektibo sa mga mag-aaral niya. Samantala, kung ang isang
guro ay dismayado at walang gana sa kaniyang pagtuturo, negatibo ang
epekto nito sa pagtugon niya sa kaniyang sinumpaang tungkulin at trabaho.

2
Paglalahad ng mga Suliranin

Ang kasiyahan sa trabaho ng isang guro ay may kaukulang epekto sa sa


kaniyang pagtugon sa tungkulin at sa kabuuang perpormans ng paaralang
kaniyang kinabibilangan. Ang pananaliksik na ito ay may layong
makapagbigay ng kasagutan sa mga sumusunod na katanungan:

1. Paano natatamo ng isang guro ang kasiyahan sa kaniyang trabaho


pagdating sa mga personal o internal na kadahilanan?
2. Paano nagkakaroon ng kasiyahan ang isang guro sa kaniyang trabaho
pagdating sa organisasyonal o eksternal na mga kadahilanan?
3. Ano ang relasyon ng kasiyahan sa trabaho sa perpormans o pagtugon sa
tungkulin ng isang guro?

Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang kasiyahang taglay at


nararamdaman ng mga guro sa Cristobal S. Conducto Memorial Integrated
National High School at ang mga kadahilanan kung bakit sila nagiging masaya
o dismayado sa kanilang trabaho at paaralang pinagtatrabahuhan. Layunin
din ng pananaliksik na mapatunayan na may kaukulang relasyon ang
kasiyahan o pagkadismaya ng isang guro sa kaniyang perpormans sa trabaho.
Nais mapatunayan ng mananaliksik na positibo ang epekto ng pagkakuntento
at kasiyahan ng isang sa kanyangurog perpormans sa trabaho at negatibo
naman ang kaukulang epekto sa perpormans sa trabaho kapag
nakakaramdam ng hindi pagkasaya at dismayado ang guro.

Nais din ng mananaliksik na makatulong ang pag-aaral na ito sa pagbuo


ng bagong mga polisiya o sistema na may kinalaman sa trabaho ng mga guro
sa Cristobal S. Conducto Memorial Integrated National High School kung
magkakaroon man ng karagdagan o pagbabago.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay kumuha at limitado sa bilang na apat na


respondante, Sinasaklaw ng pananaliksik na ito ang apat na mga gurong
nanggaling sa Cristobal S. Conducto Memorial Integrated National High School.
Ito ang napiling mga respondante ng mananliksik dahil sila ay may mabungang
karanasan sa kanilang tagal na sa pagtuturo.

3
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may maaaring magbigay benepisyo sa mga


sumusunod:

Sa mga guro ng Cristobal S. Conducto Memorial Integrated National High


School, na siyang pangunahing benepisyaryo ng pag-aaral na ito na nabigyan
ng pagkakataong at posibilidad na mai-address ang kanilang mga concern.

Sa administrasyong namumuno sa Cristobal S. Conducto Memorial


Integrated National High School, maaari nilang gamitin ang pananaliksik na ito
sa paggawa at pagbago ng mga polisiya na maaaring makaapekto sa
pagtugon sa tungkulin ng mga guro nito.

Ikalawang Kabanata

Metodo ng Paglikom ng Impormasyon

Interbyu at obserbasyon ang ginamit na metodo ng mananaliksik sa


paglilikom ng kailangang impormasyon. Nagsagawa ng interbyu ang
mananaliksik upang makalikom ng sapat na gagamiting datos at impormasyon
tungkol sa perspektibo ng mga guro sa kanilang kasiyahan sa trabaho. Ang
sagutang interbyu ay sariling gawa ng mananaliksik at nasa anyong
unstructured o malayang magbigay ng kasagutan ang mga respondante sa
sagutang papel.

Karagdagan pa rito, ang paraan ng pagsulat ng pananaliksik ay


kwalitatibo o narrative form at uring deskriptibo. Ito ang napiling gamitin ng
mananaliksik upang mas makapagbigay ng pasalitang paglalahad ng resulta.
Ito rin ay umaayon sa paksang napili ng mananaliksik.

Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Ang paraang ginamit ng pagp[ili ng kalahok ng mananaliksik ay


maginhawang sampling na teknik o convenient sampling. Ito ay isang uri ng
pagpili ng kalahok kung saan ang mga tagatugon ay madaling maabot at
makapanyam ng ng mananaliksik. Napili ang mga kalahok batay sa

4
preperensiya ng mananaliksik kung saan ang mga kalahok na kinuha ay may
sampu o higit pang taon sa serbisyo ng pagtuturo sa Cristobal s. Conducto
Memorial Integrated National High school.

Porma ng Interbyu:
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
Anonas St., Sta Mesa, Manila

Direksyon: Isulat ang iyong kasagutan sa espasyong nakalaan sa bawat katanungan.


Unang Bahagi - Demograpikong Katanungan:
Pangalan:_________________________________________________ Edad:_______________

Kursong Tinapos:________________________________________________________________

Asignaturang Itinuturo:___________________________________________________________

Baitang na Tinuturuan:______________________________ Tagal sa Serbisyo:______________

Ikalawang Bahagi

1. Masaya ka ba sa iyong trabaho at pagtuturo? ___________________________________

2. Bakit ito ang iyong napiling trabaho? _________________________________________

5
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga personal o internal mong kadahilanan na nakakaapekto sa pagiging

masaya o pagkadismaya mo sa iyong trabaho? Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa

iyong pagganap sa tungkulin?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga panglabas o eksternal mong kadahilanan na nakakaapekto sa pagiging

masaya o pagkadismaya mo sa iyong trabaho? Paano ito nakakaapekto sa iyong

pagganap sa trabaho? _____________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

5. Sa kabuuan, gaano kahalaga ang relasyon ng iyong kasiyahan o pagkadismaya sa

trabaho sa iyong pagganap sa tungkulin o trabaho? ______________________________

6
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Ang impormasyong isinulat sa sagutang interbyung ito ay ipinapangakong pangangalagaan

ng mananaliksik.

___________________________________

Lagda at Petsa

Sagot ng mga Kalahok sa Interbyu:

Unang Bahagi - Demograpikong Katanungan:

Pangalan: Myra O. Vitangcol Edad: 55 na taong gulang

Kursong Tinapos: BSED – Home Economics

Asignaturang Itinuturo: TLE – H.E.

Baitang na Tinuturuan: Baitang 9 & 10 Tagal sa Serbisyo: 22 taon

Ikalawang Bahagi

1. Masaya ka ba sa iyong trabaho at pagtuturo? Masaya naman ngunit

kung minsan ay hindi.

7
2. Bakit ito ang iyong napiling trabaho? Hindi talaga ito ang nais kong

maging linya ng trabaho. Dala lang marahil ng kung ano ang mayroon

ako/kami para makapagtapos ng pag-aaral.

3. Ano-ano ang mga personal o internal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa

tungkulin? Isang malaking fulfillment sa akin ang makapagturo sa mga

bata kung kaya ako ay determinado sa trabaho bagaman di sapat

natatanggap na sweldo na siyang nakakapagbigay ng pagkadismaya

sa akin.

4. Ano-ano ang mga panglabas o eksternal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa trabaho?

Maayos naman ang relasyon ko sa aking mga kapwa guro, ang

nakakadismaya lamang ay ang mga polisiya ng DepEd sapagkat di pa

rin nabibigyan ng sapat na pansin ang mga isyu sa edukasyon na may

kinalaman sa mga pag-aaral, guro, at mga estudyante.

5. Sa kabuuan, gaano kahalaga ang relasyon ng iyong kasiyahan o

pagkadismaya sa trabaho sa iyong pagganap sa tungkulin o trabaho?

Mahalaga ito dahil kung masaya ang guro, mas nagiging produktibo siya.

Samantalang sa mga kagaya kong nasa gitna lamang, nagagampanan

8
naman naming ang tungkulin ngunit hindi ganoon ka-determinado at

kasing gana ng mga masasayang guro.

Unang Bahagi - Demograpikong Katanungan:

Pangalan: Richard Bueta Edad: 39 na taong gulang

Kursong Tinapos: Bachelor of Science in Business Education

Asignaturang Itinuturo: Business Arts and ICT

Baitang na Tinuturuan: Baitang 12 Tagal sa Serbisyo: 18 taon

Ikalawang Bahagi

1. Masaya ka ba sa iyong trabaho at pagtuturo? Oo naman.

2. Bakit ito ang iyong napiling trabaho? Ito ang napili kong trabaho dahil

passion ko ang pagtuturo at nais kong makatulong sa kapwa ko.

3. Ano-ano ang mga personal o internal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa

tungkulin? Ang mga estudyanteng nakaka-appreciate sa akin ay

nakakapagpa-inspire upang mas husayan ko at ganahan pa lalong

magturo. Nakakadismaya lamang sa akin ay ang dami ng mga sulating

ipinapagawa sa guro. Isa pa, hindi lamang kamisa DepEd kabilang.

Gayundin sa DOH, BFP, NDRRMC, at iba pa.

9
4. Ano-ano ang mga panglabas o eksternal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa trabaho? Ang

acknowledgement ng lipunan, nakakataba ng puso tuwing tatawagion

ako ng mga tao na Sir dahil ramdam ko ang paghanga at paggalang

nila sa aking propesyon. Nakakatuwa ito kung kaya nakaka-inspire ito lalo

na sa aking pagtuturo.

5. Sa kabuuan, gaano kahalaga ang relasyon ng iyong kasiyahan o

pagkadismaya sa trabaho sa iyong pagganap sa tungkulin o trabaho?

Napakahalaga ng relasyon ng dalawang ito dahil kung masaya ang

isang indibidwal, maayos ang performance sa trabaho. At kung hindi,

hindi maayos na nakakapagturo ang guro. Kung ako ay tatanungin, ako

ay nasa panig ng masaya.

Unang Bahagi - Demograpikong Katanungan:

Pangalan: Alex N. Castillo Edad: 48 na taong gulang

Kursong Tinapos: BSED – Major in Physical Education

Asignaturang Itinuturo: MAPEH (PE & Health)

Baitang na Tinuturuan: SHS – Baitang 11 & 12 Tagal sa Serbisyo: 10 taon

Ikalawang Bahagi

1. Masaya ka ba sa iyong trabaho at pagtuturo? Oo masaya ako.


10
2. Bakit ito ang iyong napiling trabaho? Dahil BSED ang aking natapos na

kurso at oara makatulong sa aking pamilya. Higit sa lahat, nais kong

maibahagi ang aking mga kaalaman sa mga mag-aaral.

3. Ano-ano ang mga personal o internal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa

tungkulin? Sa dami ng mga sulating papel o paper works na

ipinapagawa sa amin, doon ako nadidismaya. Nakakaapekto ito sa

aking tungkulin dahil sa halip na magturo na lamang ay marami pang

sulating papel ang ipinapagawa at pinauuna.

4. Ano-ano ang mga panglabas o eksternal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa trabaho? Isa sa

mga dahilan kung bakit ako masaya bilang guro ay dahil na rin sa aking

mga kapwa gurong kasama ko sa pagtuturo. Kahit pa paano ay

nababawasan ang stress na aking nararamdaman dahil sa aming

munting mga biruan.

5. Sa kabuuan, gaano kahalaga ang relasyon ng iyong kasiyahan o

pagkadismaya sa trabaho sa iyong pagganap sa tungkulin o trabaho?

Mahalaga ang relasyon ng mga ito dahil sa aking paniniwala, kapag ang

guro ay palaging galit, malungkot o stressed ay hindi niya

magagampanan ng maayos ang tungkulin niya. Sa kabilang banda,

11
kung ang guro ay masigla, mas nakakapagturo ito at na-iinspire pa ang

mga estudyante. Sa aming kaso, bilang PE Teacher, kailangang palagi

kaming masaya at maiglas upang ang daloy ng mga aming klase ay

maging masaya at maayos.

Ikatlong Kabanata

Resulta ng Interbyu

Mula sa pangagalap ng datos ng mananaliksik sa mga respondante, ang


mga sumusunod ang naging resulta:

1. Masaya ka ba sa iyong trabaho at pagtuturo?

Dalawa, sa mga respondante ang sumagot ng masaya sila sa kanilang

trabaho. Samantalang ang isa naman ay sumagot na minsan siya ay

masaya at kung minsan ay hindi.

2. Bakit ito ang iyong napiling trabaho?

Lahat ng mga respondante ay kapwa nagtapos ng batsilyer na kursong

may kinalaman sa pagtuturo o edukasyon kung kaya’t pagiging isang

guro ang kanilang propesyon. Bagaman ang isa sa kanila ay hindi talaga

ninais na maging guro at dala lamng ng pangangailangan kung kaya

kinuha niya ang kursong pang-edukasyon at naging guro.

12
3. Ano-ano ang mga personal o internal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Sa paanong paraan ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa

tungkulin?

Ang unang respondante ay sumagot na ang pagtuturo ay isang

malaking pagsasaktuparan sa kaniyang nais bagamat hindi niya pinili

talagang maging guro. Marahil, isa itong pagsubok sa kaniya at isang

achievement ang maayos niyang pagtuturo. Isa itong dahilan para sa

kanya upang maging determinado pa lalong galingan sa pagtuturo. Ang

nakakadismaya lamang sa kanya ay mababa ang kanyang

natatanggap na sweldo. Ang ikalawang respondante ay sumagot na

nakakapagpasaya sa kanya ang mga estudyante niyang nakaka-

appreciate sa kaniyang pagtuturo na siyang may positibong epekto sa

kaniyang pagtugon sa tungkulin. Sa kabilang banda,

nakakapagpadismaya sa kanya ang dami ng sulating papel na

ipinapagawa sa kanya. Ang huling respondante ay sumagot na

nakakadismaya sa kaniyang trabaho ang dami ng sulating papel na

nakakaudlot sa dapat niyang klase.

4. Ano-ano ang mga panglabas o eksternal mong kadahilanan na

nakakaapekto sa pagiging masaya o pagkadismaya mo sa iyong

trabaho? Paano ito nakakaapekto sa iyong pagganap sa trabaho?

13
Sinagot ito ng unang respondante na bahagyang nakakadismaya ang

mga polisiya ng Kagawaran ng edukasyon. Ang ikalawang respondante

ay sumagot ng nakakataba ng puso tuwing kinikilala siya bilang isang

respetadong guro ng mga tao sa lipunan. Ang ikatlong respondante ay

sumagot na isa sa mga dahilan kung bakit siya masaya sa trabaho ay

dahil sa mga kapwa guro nyang nakakatrabaho sa paaralan.

5. Sa kabuuan, gaano kahalaga ang relasyon ng iyong kasiyahan o

pagkadismaya sa trabaho sa iyong pagganap sa tungkulin o trabaho?

Ang lahat ng respondante ay sumagot na napakahalaga na ang guro

ay dapat masaya sa kaniyang trabaho. Naniniwala silang ang masayang

guro ay mas nagiging produktibo sa pagtuturo.

Konklusyon

Nang dahil sa interbyung naganap, nakuha ng mananaliksik ang sagot sa


tatlong suliranin ng pag-aaral na ito.

1. Paano natatamo ng isang guro ang kasiyahan sa kaniyang trabaho


pagdating sa mga personal o internal na kadahilanan?
Sa katanungang ito, nalaman ng mananaliksik na isang personal na
dahilan ng mga guro kung paano nila natatamo ang kanilang kasiyahan sa
kanilang pagtuturo ay tuwing nakikita nilang natututunan ng maayos ng
kanilang mga mag-aaral ang kanilang mga lektura. Para sa kanila, ito ay
nakakapagpasaya sapagkat tila nababawi nila ang hirap, pagod, at puyat
para lamang maituro nila ng maayos ang kanilang aralin. Sa kabilang banda,
nakakapagpadismaya sa kanila ang dami ng mga sulating papel na
ipinapagawa o gawain nila. Ayon sa mga respondante, ito ay nagiging isang
hadlang sa kanila upang makapunta sa klase at karamihan sa mga ito ay

14
kailangang ipasa sa madaling panahon bagaman ito ay kabibigay pa lamang
sa kanila.

2. Paano nagkakaroon ng kasiyahan ang isang guro sa kaniyang trabaho


pagdating sa organisasyonal o eksternal na mga kadahilanan?

Natuklasan ng mananaliksik na isa sa mga nakakapagpasaya sa mga


guro sa kanilang trabaho sa pagdating sa eksternal o walang kinalaman sa
mismong trabaho nila ay ang pagkilalang natatanggap nila mula sa mga tao
sa lipunan. Ayon sa isa sa mga respondante, may mga ilan kasing mababa ang
tingin sa kanilang mga guro. Tinitingnan sila na mababa dahil mas mataas ang
sahod na nakukuha ng iba sa kanila. Kung kaya tuwing may tumatawag sa
kanilang, “Sir/Ma’am” ay tumataba ang kanilang puso dahil nararamdaman
nila ang respeto at pagkilala sa kanilang mga ginagawa. Isa pang aspetong
nakapagpapasaya sa kanila ay ang magandang relasyon sa mga ka-trabaho.
Ayon sa kanila, ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa mga ka-trabaho ay
nakakabawas ng stress na kinakaharap nila dahil nagagawa nilang magbiruan,
magkaroon ng pagkakaisa, at magtulungan sa pagsasakatuparan ng kanilang
misyon at bisyon.

Sa kabilang dako, nakakapagpadismaya sa mga guro ang hindi mabilis


na pagtugon sa pangangailangan ng mga guro at estudyante sa pag-aaral.
Isa na lamang sa mga ito ay ang kakulangan sa mga libro at silid-aralan. Isa
itong malaking hamon sa kanila sa pagtuturo dahil maaari itong makaapekto
sa perpormans ng isang mag-aaral sa klase.

3. Ano ang relasyon ng kasiyahan sa trabaho sa perpormans o pagtugon sa


tungkulin ng isang guro?

Napagalaman ng mananaliksik na magkakatulad ang pananaw ng mga


respondante sa relasyon at kahalagahan ng pagkasiya ng isang guro sa
kanyang pagtugon sa trabaho. Napatunayan ng mananaliksik na positibo ang
epekto ng pagiging masaya ng isang guro sa kanyang pagtugon sa trabaho.
Ang guro ay nagiging determinado, humahaba ang pasensya, at mas lalong
hinuhusayan ang pagtuturo kung siya ay masaya. At kung hindi naman
malugod para sa kanya ang kinahihinatnan ng kanyang pagtuturo, ang
pagtugon ng guro sa kaniyang tungkulin ay bumababa ang pagiging
produktibo. Mahalagang ang mga guro sa ating paaralan ay natatamo ang
kasiyahan sa trabaho upang ang mga mag-aaral ay mas lalong matuto,

15
ganahan sa pag-aaral, at maging determinadong makakuha ng matatataas
na marka.

Karagdagan pa rito, napagalaman ng mananaliksik na hindi lahat ng


guro sa Cristobal S. Conducto Memorial Integrated National High School ay
masaya sa kanilang trabaho. Hindi lamang dahil sa mismong trabaho nila ngunit
ito ay dahil sa mga eksternal na mga bagay gaya ng mga polisiyang hindi nila
kontrol at mababang pagtingin sa kanila ng ilang mga tao sa lipunan. Maaari
ring makaapekto sa kasiyahan ng guro ang tunay niyang nais na maging
trabaho. Kung ito ay malayo sa kaniyang pangarap,

Rekomendasyon

Ang mananaliksik ay may ilang mga rekomendasyon sa mga nais


gumawa rin ng pag-aaral ukol dito upang mas maging impormatibo ang pag-
aaral na gagawin, ang mga rekomendasyong ito ay ang mga sumusunod:

1. Gumamit at kumuha ng mas maraming respondante upang mas maging


accurate ang impormasyong magagamit sap ag-aaral.
2. Maglaan ng maraming oras sa paggawa ng pananaliksik.
3. Maghanap ng pinakamalapit na pangsuportang artikel o pag-aaral
upang mas maging mahusay at buo ang gagawing pananaliksik.

Sanggunian

Usop, Annierah M. et al., (2012, January). Work Performance and Job


Satisfaction among Teachers.

16

You might also like