You are on page 1of 25

MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2 m


Ikaapat na Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Unang Araw

MELC: Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga kasapi ng


komunidad.

Tiyak na Layunin: Natutukoy ang epekto sa karapatan ng pagganap sa


pagpapatupad ng mga paglilingkod/serbisyong na nararapat matamo ng
mga kasapi nito

HANDA NA BA KAYONG MATUTO?

Ang bawat tao ay may karapatan. Anu-ano nga ba ang mga karapatan
mo na ating tinalakay sa mga nakaraang aralin? Ilan sa mga karapatang ito
ay pagkakaroon ng sapat na edukasyon, pagkakaroon ng pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain, kasuotan at tirahan, pagkakaroon ng
kapayapaan at kaligtasan, pagkakaroon ng maayos na kalusugan, at marami
pang iba.

Ang mga karapatang ito ay di maaaring kunin ninuman at ito ay dapat


na maibigay sa tao pagkatapos siyang isilang. Ang karapatan ay pantay-
pantay sa lahat ng tao, babae man o lalaki, bata man o matanda, mayaman
man o mahirap.

Atin na ring natalakay na ang bawat kasapi ng isang komunidad ay may


kanya-kanyang tungkulin/serbisyong dapat gampanan. Sino-sino ba ang mga
kasapi ng komunidad na may paglilingkod/serbisyong dapat gampanan?

Kayo bilang bata/mga anak, ang ating mga magulang, ang kapitan at
mga tanod, ang mga pulis at sundalo, ang mga guro, ang mga doktor at nars,
at marami pang iba ay ilan lamang sa mga kasapi ng komunidad na
mayroong mga paglilingkod/serbisyong dapat na gampanan ng maayos.

Gaano kahalaga ang pagganap sa mga paglilingkod/serbisyong ito sa


komunidad? Paano napoproteksyonan ng tamang pagganap ng
paglilingkod/serbisyo ang ating mga karapatan?

Page 1 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Kung ang lahat ng tao ay maglilingkod ng tama sa komunidad, magiging


maayos at mapayapa ang buhay ng tao. Ang tamang pagganap sa ating
paglilingkod/serbisyo ay nagbibigay sa mga kasapi ng mga karapatan at
pribilehiyo na nagpapakita ng kanilang kalayaan. Magiging maunlad din ang
komunidad kung nagagampanan ng maayos ang mga paglilingkod/
serbisyong nabanggit.

BASAHIN AT PAG-ARALAN:

Ako po ay si Ana. Isinilang akong malusog.


Binigyan ng pangalan at ipinarehistro sa tulong
ng aming komadrona sa Barangay. Hindi ako
nahirapan sa pagpapatala sa aking paaralan
dahil mayroon akong birth certificate.

Kami ay magkaibigan at
magkababata. Natapos namin
ang aming pag-aaral kahit kami
ay mahirap lamang dahil na rin sa
libreng pagpapaaral sa aming
komunidad. Maaari na kaming
makatulong sa aming pamilya
upang makaahon sa kahirapan.

Siya ay si SPO1 Rommel Alcantara. Siya ay


kapitbahay namin. Tapat siyang pulis at marami na
siyang nahuling mga masasamang loob kung kaya’t
kami ay nakasisiguro sa aming katahimikan at
kaligtasan sa aming komunidad.

Ginampanan ba ng komadrona ang kanyang paglilingkod/serbisyo


bilang isang kasapi ng komunidad? ang pinuno ng paaralan? ang pulis?

Upang lalong maintindihan ang ating aralin ay atin ng sagutan ang mga
pagsasanay at pagtataya

Page 2 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

ORAS NA NG PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Lagyan ng tsek (/) ang mga sitwasyong nagpapahayag ng magandang


epekto dahil sa pagganap sa paglilingkod/serbisyo.

_____ 1. Hindi ako nahirapan sa pagpapatala sa aking paaralan dahil ako

naiparehistro at mayroon akong birth certificate.

_____ 2. Magiging maunlad ang komunidad.

_____ 3. Kami ay nakasisiguro sa katahimikan at kaligtasan sa aming

komunidad dahil hinuhuli ng mga pulis ang mga masasamang-loob.

_____ 4. Magiging maayos at mapayapa ang buhay ng tao.

_____ 5. Maaari na kaming makatulong sa aming pamilya upang makaahon sa

kahirapan dahil nakapag-aral kami ng libre.

Pagsasanay 2

Bilugan ang mga larawang nagpapakita ng epekto ng pagganap sa


paglilingkod/serbisyo.

Page 3 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGLALAHAT

Tandaan:

 Kung gagampanan ng bawat kasapi ng komunidad ang


tamang paglilingkod at serbisyo ay magiging maayos at
mapayapa ang buhay ng tao.
 Ang tamang pagganap sa paglilingkod/serbisyo ay nagbibigay
sa mga kasapi ng mga karapatan at pribilehiyo na nagpapakita
ng kanilang kalayaan.
 Magiging maunlad din ang komunidad kung nagagampanan
ng maayos ang mga paglilingkod/ serbisyong nabanggit.

PAGTATAYA

Basahin ang unawain ang mga sumususnod. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

_____ 1. Alin sa mga larawan ng nagpapakita epekto ng pagganap sa


paglilingkod/serbisyo?

A. B. C.

Page 4 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 2. Ano ang epekto kung tama ang pagganap ng mga magulang sa
kanilang paglilingkod/serbisyo?

A. B. C.

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng epekto ng pagganap sa


paglilingkod/serbisyo?
A. Magiging maunlad ang komunidad.
B. Magiging mahirap ang komunidad.
C. Magiging magulo ang komunidad.

_____ 4. Kung gagampanan ng bawat kasapi ng komunidad ang tamang


paglilingkod at serbisyo ay magiging maayos at mapayapa ang buhay
ng tao.
A. Di ko alam B. Mali C. Tama

_____ 5. Si Marlon ay batang sakitin. Mahirap lamang sila pero palagi siyang
ipinagagamot ng kanyang ina sa health center at laging nabibigyan ng
gamot at bitamina. Ngayon ay isa na siyang pulis. Bakit kaya nangyari
ito?
A. Hindi ginampanan ng kanyang ina ang kanyang serbisyo.
B. Hindi ginampanan ng mga doktor at nars ang kanilang
paglilingkod.
C. Hindi nagkulang na gumanap sa paglilingkod/serbisyo ang mga
taong nakapaligid kay Marlon.

Inihanda ni: FEBIE G. DELOS REYES


Timoteo Paez Elementary School

Reference
 Araling Panlipunan 2, Kagamitan ng mga Mag-aaral, pahina
 Edukasyon sa Pagpapakatao 2, Kagamitan ng mga Mag-aaral, pahina
 Shutterstock.com (pictures)
 www.google.com

Page 5 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ikaapat na Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikalawang Araw

MELC: Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga kasapi ng


komunidad.

Tiyak na Layunin: Natutukoy ang epekto sa karapatan ng di pagganap sa


pagpapatupad ng mga paglilingkod/serbisyo na nararapat matamo ng mga
kasapi nito

HANDA NA BA KAYONG MATUTO?

Natalakay na natin ang epekto sa karapatan ng pagganap sa


pagpapatupad ng mga paglilingkod/serbisyo na nararapat matamo ng mga
kasapi nito at natutunan natin na ito ay may magandang epekto para sa mga
kasapi.

Ano naman kaya ang magiging epekto nito sa karapatan kung di


magampanan ng mga kasapi ang kanilang paglilingkod/serbisyo?

BASAHIN AT PAG-ARALAN

Karapatan ni Moy

Siya si Moy. Nasa ikalwang baitang na sana siya


ngayon. Kaya lang hindi siya pinapasok ng kanyang
mga magulang sa paaralan dahil wala raw silang
pera na isusuporta sa mga kailangan ni Moy sa
paaralan.

Page 6 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Araw-araw ay makikita si Moy sa kalye. May dala


siyang kariton at pumupunta sa bahay-bahay upang
humingi ng bote, plastik at papel.

Napadaan siya minsan sa isang lugar na may


mga bata na masayang naglalaro. Gustong-gusto ng
makipaglaro ni Moy kaya lang naisip niya na kailangan
marami siyang makuhang bote, plastik at papel. Wala
silang kakainin kapag hindi niya naipagbili ang mga
ito.

Kapag napagod siya sumasampa na lang siya


sa kariton at doon natutulog. Minsan inaabot na
siya doon ng gabi hanggang umaga dahil sa
sobrang pagod.

Ang magiging epekto sa karapatan kung di


magampanan ng mga kasapi ang kanilang paglilingkod/serbisyo ay taliwas sa
mga epektong natalakay natin sa nakaraang aralin.

ORAS NA NG PAGSASANAY
Ating alamin ang epekto ng di pagganap sa
pagpapatupad ng mga paglilingkod/serbisyo.

Pagsasanay 1

Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa mga tanong sa


patlang.

_____ 1. Ano ang masasabi mo kay Moy?

A. Isang tamad na bata.

B. Isang mabait at masipag na bata.

C. Isang batang pumapasok sa paaralan.

Page 7 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 2. Naibigay ba kay Moy ang kanyang mga karapatan na dapat

tamasahin?

A. Ewan ko po B. Hindi po C. Opo

_____ 3. Hindi nag-aaral si Moy, Sino kaya ang dapat na magbigay sa kanya ng

karapatang makapag-aral?

A. mga kapatid B. mga kapitbahay C. mga magulang

_____ 4. Ano ang maaaring ibunga ng di pagganap sa paglilingkod/serbisyo

ng mga taong nakapaligid kay Moy?

A. Magiging matagumpay si Moy.

B. Mabubuhay ng maralita si Moy.

C. Makapag-aaral si Moy.

_____ 5. Gusto mo bang matulad kay Moy?

A. Ewan ko po B. Hindi po C. Opo

Pagsasanay 2

Lagyan ng ekis (X) ang mga sitwasyong nagpapahayag ng epekto dahil


sa HINDI pagganap sa paglilingkod/serbisyo.

_____ 1. Hindi magkakaroon ng magandang hanapbuhay ang isang tao.

_____ 2. Magiging maunlad ang komunidad.

_____ 3. Walang katahimikan at kaligtasan sa komunidad.

_____ 4. Magiging maayos at mapayapa ang buhay ng tao.

_____ 5. Mahihirapan makapagpatala ang mga bata sa paaralan.

Page 8 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGLALAHAT

Tandaan:

 Kung hindi gagampanan ng bawat kasapi ng komunidad ang


tamang paglilingkod at serbisyo ay hindi magiging maayos at
mapayapa ang buhay ng tao.
 Ang hindi pagganap sa paglilingkod/serbisyo ay hindi nagbibigay sa
mga kasapi ng mga karapatan at pribilehiyo na nagpapakita ng
kanilang kalayaan.
 Hindi magiging maunlad ang komunidad kung hindi nagagampa-
nan ng maayos ang mga paglilingkod/ serbisyong nabanggit.

PAGTATAYA

Basahin ang unawain ang mga sumususnod. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

_____ 1. Alin sa mga larawan ng nagpapakita epekto ng di pagganap sa


paglilingkod/serbisyo?

A. B. C.

_____ 2. Ano ang epekto kung hindi tama ang pagganap ng mga magulang
sa kanilang paglilingkod/serbisyo?

A. B. C.

Page 9 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng hindi pagganap sa


paglilingkod/serbisyo?
A. Magiging maunlad ang mga tao sa komunidad.
B. Magiging mahirap ang mga tao sa komunidad.
C. Magiging masaya ang mga tao sa komunidad.

_____ 4. Kung hindi gagampanan ng bawat kasapi ng komunidad ang tamang


paglilingkod at serbisyo ay magiging maayos at mapayapa ang buhay
ng tao.
A. Di ko alam B. Mali C. Tama

_____ 5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagsasaad ng hindi


pagganap sa paglilingkod/serbisyo?
A. Naniningil ng bayad sa check-up ang doktor sa health center.
B. Mabilis kumilos ang mga bumbero kung may sunog.
C. Hinuhuli ng pulis ang masasamang loob.

Inihanda ni:
FEBIE G. DELOS REYES
Timoteo Paez Elementary School

Reference
 Araling Panlipunan 2, Kagamitan Ng Mga Mag-aaral, Ikaapat na Markahan
 www.google.com
 Shutterstock.com
 Gograph.com

Page 10 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ikaapat na Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikatlong Araw

MELC: Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga kasapi ng


komunidad.

Tiyak na Layunin: Nabibigyan ng komendasyon ang pagpapatupad ng mga


paglilingkod/serbisyo na naaayon sa karapatan ng mga kasapi ng komunidad.

HANDA NA BA KAYONG MATUTO?

BASAHIN AT PAG-ARALAN:

Isang araw sa pagpupulong ng mga kapitan ng barangay at ng alkalde


na ginanap sa isang lungsod….

Binabati ko ang mga pinuno ng bawat


barangay dito sa ating komunidad. Dahil sa
kanilang katapatan sa pagtupad sa paglilingkod
at serbisyo iniatang sa kanila ay tinatamasa ng
mga kasapi ang kanilang karapatan.

Unang una na sa kanilang serbisyong


ginampanan ay ang pagpapatupad ng protocol
na pagpapasuot ng face mask at face shield pati
na rin ang pagpapairal ng social distancing at
curfew hours. Katapatan para sa kaligtasan ng
kanilang nasasakupan.

Isa pang paglilingkod at serbisyong kanilang


ginampanan ay ang pamimigay ng mga
pangunahing pangangailangan tulad ng bigas at
iba pang pagkain na nakatulong sa mga kasapi
ORAS NA NG PAGSASANAY
ng komunidad lalong lalo na ang mga nawalan
ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya.

Page 11 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Nagsalita rin ang mga kapitan ng barangay…..

Pinasasalamatan ko ang aking mga


barangay tanod dahil sila ay masisipag na
ginampanan ang kanilang serbisyo. Araw at
gabi silang umiikot sa aming barangay upang
matiyak na walang nakatambay na kasapi sa
labas ng bahay. Dahil doon ay ligtas ang
mga tao sa amin sa Covid 19.

Nais ko namang purihin ang mga magulang


sa aming barangay dahil binantayan nila ang
kanilang mga anak. Pinanatili nilang nasa loob
lamang ng bahay ang mga ito at tinuruan sa
kanilang mga aralin dahil hindi sapat ang
pagtuturo ng mga guro sa online class.

Kapareho ninyo ay tumupad din sa serbisyo


ang mga tanod ko at ang mga magulang. At
bilang karagdagan, nais ko ring purihin ang mga
social workers sa aming barangay sa pagtulong
nila sa pamimigay ng mga ayuda para sa mga
kasapi. Natapos ang pamimigay ng maayos at
tahimik.

Bilang karagdagan sa komendasyong ito


ay nais ko namang purihin at pasalamatan ang
mga guro: sila ay patuloy sa pagganap sa
kanilang serbisyo kahit sila ay nasa tahanan din.
Gumagawa sila ng paraan upang matuto ang
bata at anumang oras na kailangan sila sa
paaralan sila ay dumarating, ang mga pulis at
sundalo: na halos di na makita ang pamilya
para lamang magampanan ang kanilang
paglilingkod at serbisyo.

Page 12 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Ang pagpupulong na naganap ay upang bigyang komendasyon ang


pagganap sa paglilingkod o serbisyo ng mga kasapi ng komunidad para sa
karapatan ng bawat isa.

Ano ba ang komendasyon?

Ang komendasyon ay pagpuri sa publiko ng mga magagandang gawain


ng isang tao o mga tao.

Ikaw, kaya mo bang magbigay ng komendasyon sa mga taong


nabanggit sa ating aralin?

ORAS NA NG PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Kilalanin kung sino ang nagbigay ng komendasyon. Piliin sa loob ng


kahon at Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. C. E.

B. D.

_____ 1. “Nais ko ring purihin ang mga social workers sa aming barangay sa
pagtulong nila sa pamimigay ng mga ayuda para sa mga kasapi ng
komunidad”.

_____ 2. “Nais ko namang purihin at pasalamatan ang mga guro, pulis at


sundalo”.

_____ 3. “Nais ko namang purihin ang mga magulang sa aming barangay dahil
binantayan nila ang kanilang mga anak. Pinanatili nilang nasa loob
lamang ng bahay ang mga ito at tinuruan sa kanilang mga aralin”.

_____ 4. “Pinasasalamatan ko ang aking mga barangay tanod dahil sila ay


masisipag na gampanan ang kanilang serbisyo”.

Page 13 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 5. “Binabati ko ang mga pinuno ng bawat barangay dito sa ating


komunidad. Dahil sa kanilang katapatan sa pagtupad sa paglilingkod at
serbisyo iniatang sa kanila ay tinatamasa ng mga kasapi ang kanilang
karapatan”.

Pagsasanay 2

Pagtambalin ang mga larawan sa Hanay A at ang mga ipinatupad ng


mga kasapi ng komunidad na paglilingkod at serbisyo para sa Karapatan ng
mga tao sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

_____ 1. A. pagsusuot ng facemask

_____ 2. B. social distancing

_____ 3. C. stay at home

_____ 4. D. online class

_____ 5. E. pagsusuot ng faceshield

PAGLALAHAT

Tandaan
Ang komendasyon ay pagpuri sa publiko ng mga magagandang
gawain ng isang tao o mga tao.
Ang pagbibigay ng komendasyon sa mga tapat na kasapi ng
komunidad ay nararapat lamang bigyan ng komendasyon dahil ito ay
napakalaking tulong para makamit ng bawat isa ang kanilang karapatan.

Page 14 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

Basahin ang unawain ang mga sumusunod. Isulat ang T kung wasto ang
isinasaad at M naman kung mali.

_____ 1. Ang pagkukuwento sa mga kaibigan ng mga nagawa at


pagpapakasakit ng mga magulang ay isang paraaan ng pagbibigay ng
komendasyon.

_____ 2. Ang larawang ito ay nagpapakita ng pagganap


ng guro sa kanyang serbisyo o paglilingkod.

_____ 3. Ang stay at home ay pagganap ng magulang sa kanilang


paglilingkod para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.
_____ 4. Ang pagpapasuot ng facemask at faceshield ay dapat gampanan ng
mga tanod lamang.
_____ 5. Hindi na kailangang ipatupad ng mga barangay captain ang social
distancing dahil hindi naman delikado ang Covid 19.

Inihanda ni: FEBIE G. DELOS REYES


Timoteo Paez Elementary School

Reference
 ppsc.gov.ph, m.facebook.com, dreamstime, freepik, shutterstock.com, www.google.com

Page 15 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ikaapat na Markahan/ Ikaanim na Linggo/Ikaapat Na Araw

MELC: Natatalakay ang mga paglilingkod/serbisyo ng mga kasapi ng


komunidad.

Tiyak na Layunin: Nakagagawa ng panata sa pagtataguyod ng karapatan sa


pagpapatupad/ pagganap ng paglilingkod/ serbisyong nararapat tamasahin
ng komunidad.

HANDA NA BA KAYONG MATUTO?

Ang pagganap ng buong katapatan sa paglilingkod o serbisyo ay dapat


na mabigyan ng komendasyon dahil ang pagtupad na ito ay nangangahu-
lugang makakamtan ng bawat kasapi ang kanilang karapatan sa komunidad.
Ito ay ating tinalakay sa nakaraang aralin.
Ngayon naman ay tatalakayin natin kung paano gumawa ng panata sa
pagtataguyod ng karapatan sa pagpapatupad/ pagganap ng paglilingkod/
serbisyong nararapat tamasahin ng komunidad.
Ang panata ay isang pangakong taos pusong tinutupad sa tamang
panahon.
BASAHIN AT PAG-ARALAN:
Siya si Rommel. Si Rommel ay isang batang mapagma-
sid sa kanyang paligid. Minsan ay nakita niya ang mga

batang pulubi . Naawa siya sa kalagayan ng


mga ito at nasabi niya sa kanyang sarili ang ganitong mga
salita:“ Kapag ako ay lumaki na at nagkaroon ng anak,
gagawin ko ang lahat tulad nina nanay at tatay para
mabuhay ng maayos ang aking anak. Bilang magulang
gagampanan ko ng tapat ang aking serbisyo para sa
karapatan ng aking anak.

Page 16 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Isang araw naman ay nakita niyang may isang ginang na hinablutan ng

bag ng isang lalaki . Sumigaw ang ginang at humingi ng tulong


subalit walang nagtangkang tumulong. Pagdating ko sa kanto ay naroon ang
mga pulis, sila ay nagtatawanan at nagkukuwentuhan kung kaya hindi nila
narinig ang ginang na humuhingi ng tulong. Naibulong niya sa sarili ang ganito:
“Paglaki ko ay nais kong maging pulis,bilang pulis ay gagampanan ko ang
aking serbisyo upang mapanatili ang katahimikan ng komunidad at para na rin
sa kaligtasan ng mga taong naninirahan sa aking komunidad.
Isa sa kanyang kamag-aral ay tumigil sa pag-aaral dahil wala na daw
trabaho ang ama nito at wala na silang pera para suportahan ang pag-aaral

nito . Gusto niyang tulungan ang kanyang kamag-aral kung kaya’t


sinabi niya ito: Bukas ng umaga ay tutungo ako sa punongguro upang
pakiusapan na tulungan ang aking kamag-aral na makapagpatuloy sa pag-
aaral. Agad namang pumayag ang punongguro ng malaman ang sitwasyon
ng kanyang kamag-aral. Pinangako niya sa kanyang sarili na kapag mayroon
na siyang hanapbuhay, siya ay magbibigay ng donasyon para sa libreng pag-
aaral ng mga kabataan.
Minsan ay mayroong ipinamigay na libreng bigas at pagkain sa kanilang

barangay. Nakita niyang naubusan ang mahirap na pamilyang ito .


Sila ay naubusan ng bigas dahil mas nauna pang nabigyan ang mga kaibigan
ni kapitan. Naawa siya sa pamilyang ito at nangako siya sa sariling: “Uunahin
kong mabigyan ang mga taong walang wala bago ang iba, sasabihin ko ito
kay kapitan”.
Isang araw, sa kanilang silid-aralan ay narinig niya ang isang ina na
nakikiusap sa kanyang guro na payagan ng makapagpatala ang kanyang
anak kahit wala pang birth certificate. Mabait ang kanyang guro kung kaya
tinanggap nito ang bata subalit pinapangako niya ang ina nito na asikasuhin

Page 17 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

ang pagpaprehistro ng pangalan nito. Ayon sa ginang ay hindi ito inasikaso


ng komadrona na nagpaanak sa kanya sa dahilang kapos sila noon at kulang
ang ibinayad niya dito. Naisip niya ang kanyang tiya na isang komadrona at
sinabi niya sa sariling: “Pakikiusapan ko si Tiya Ella na asikasuhin ang pagpapa-
rehistro sa lahat ng batang ipapanganak sa tulong niya upang hindi na maulit
ang problema ng mag-inang ito sa darating pang panahon”.
Marami siyang naging panata na tutuparin sa mga darating na araw
para sa pagtataguyod ng karapatan sa pagpapatupad/ pagganap ng
paglilingkod/ serbisyong nararapat tamasahin ng komunidad. Kayo ba ay
mayroon ding panata?

ORAS NA NG PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Gumuhit ng tsek (/) kung ang mga sumusunod ay panata para sa pag-
tataguyod ng karapatan sa pagpapatupad/ pagganap ng paglilingkod/
serbisyong nararapat tamasahin ng komunidad at ekis (x) naman kung hindi.

_____1. “Pakikiusapan ko si Tiya Ella na asikasuhin ang pagpaparehistro sa


lahat ng batang ipapanganak sa tulong niya upang hindi na maulit ang
problema ng mag-inang ito sa darating pang panahon”.

_____ 2. “Gagampanan ko ang aking serbisyo bilang magulang para sa


magandang buhay ng aking mga anak”.

_____ 3. “Magbibigay ako ng donasyon para sa libreng pag-aaral ng mga


kabataan”.

_____ 4. “Uunahin kong mabigyan ang mga taong walang wala bago ang iba,
sasabihin ko ito kay kapitan”.
_____ 5. “Bilang isang pulis ay pababayaan ko ang mga masasamang loob
upang hindi ako madamay sa problema ng iba”.

Page 18 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagsasanay 2
Sumulat ng isang panata sa pagtataguyod ng karapatan sa
pagpapatupad/ pagganap ng paglilingkod/ serbisyong nararapat tamasahin
ng komunidad.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Tandaan:
Ang panata ay isang pangakong taos pusong tinutupad sa tamang
panahon.
Bilang isang kasapi ng komunidad, dapat tayong gumawa ng panata
sa pagtataguyod ng karapatan sa pagpapatupad/ pagganap ng
paglilingkod/ serbisyong nararapat tamasahin ng komunidad.

PAGTATAYA

Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang mga tanong ayon sa mga
panata ni Rommel. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Sino ang dapat unahin kapag may libreng bigas at pagkain sa
komunidad?

A. B. C.

_____ 2. Sino ang dapat na magparehistro sa mga batang ipinapanganak?


A. guro B. komadrona C. pulis

Page 19 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q4-W6-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

_____ 3. Ano ang kanyang panata sa sitwasyong ito ?


A. “Gagampanan ko ang aking serbisyo bilang magulang para sa
magandang buhay ng aking mga anak”.
B. “Magbibigay ako ng donasyon para sa libreng pag-aaral ng mga
kabataan”.
C. “Bilang isang pulis ay gagampanan ko ang aking serbisyo upang
mapanatili ang katahimikan ng komunidad at para na rin sa
kaligtasan ng mga taong naninirahan sa aking komunidad”.

_____ 4. Ano naman ang panata ni Rommel sa ganitong sitwasyon ?


A. “Gagampanan ko ang aking serbisyo bilang magulang para sa
magandang buhay ng aking mga anak”.
B. “Magbibigay ako ng donasyon para sa libreng pag-aaral ng mga
kabataan”.
C. “Bilang isang pulis ay gagampanan ko ang aking serbisyo upang
mapanatili ang katahimikan ng komunidad”.

_____ 5. Dapat tayong gumawa ng panata para sa pagtataguyod ng


karapatan sa pagpapatupad/ pagganap ng paglilingkod/ serbisyong
nararapat tamasahin ng komunidad
A. Ewan ko po B. Mali po C. Tama po

Inihanda ni: FEBIE G. DELOS REYES


Timoteo Paez Elementary School

Reference
 www.google.com, istockphoto.com, familyscopes.blogspot.com, shutterstock.com

Page 20 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q3-W7-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 2


Ikaapat na Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikalimang Araw

MELC: Natutukoy ng mga namumuno at ang mamamayang nag-aambag sa


kaunlaran ng komunidad.

Tiyak na Layunin: Napahahalagahan ang mga taong nag-aambag para sa


kapakanan at kaunlaran ng komunidad .

HANDA NA BA KAYONG MATUTO?

BASAHIN AT PAG-ARALAN:

Ito ang Barangay Mapayapa, ito ay


kilala na isang maunlad, malinis at tahimik
na komunidad.

May naninirahan ditong mag-


asawang doktor at nars na sina G. at Gng

Reyes . Sila ay nagtutulu-


ngan para sa kalusugan ng mga tao dito. Ang kapitbahay nilang si Aling Rosa

na isang barangay health worker ay masipag ding umikot sa kanilang


barangay para sa mga impormasyong pangkalusugan para sa lahat.

Sa kabilang kanto naman ay nakatira si kapitan Maria at ang

kanyang anak na pulis na si SPO2 Trinidad . Nagsisilbi silang mag-ina sa

komunidad para sa kapayapaan ng lugar. Ang mga tanod ni

Page 21 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q3-W7-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

kapitan Maria ay laging handa anumang oras na sila ay tawagin para sa

barangay. Si Mang Berto na isang kaminero ay masipag magwalis ng


kalsada araw-araw kung kaya napapanatili ang kalinisan sa Barangay
Mapayapa.

Dahil sa pagtutulungan ng mga taong ito ay nananatiling maunlad,


malinis at tahimik ang kanilang barangay.

Sa komunidad nyo ba ay may mga tao ring tulad nila na nag-aambag


para sa kapakanan at kaunlaran ng inyong barangay? Kilala mo ba kung sino-
sino sila?

Mahalaga ba sila sa isang komunidad? Dapat natin silang pasalamatan


sa mga iniaambag nila sa ating komunidad.

Dahil sa kanila ang komunidad ay:

 palaging malinis
 naiiwasan ang mga sakit
 may katiwasayan at kapayapaan ang mga tao
 may disiplinadong mamamayan
 maunlad

ORAS NA NG PAGSASANAY

Atin nang natalakay ang kahalagahan ng mga taong nag-aambag


para sa kapakanan at kaunlaran ng komunidad. Ngayon ay maaari na tayong
sumagot ng mga pagsasanay, Tara!

Page 22 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q3-W7-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagsasanay 1

Pag-ugnayin sa pamamagitan ng guhit ang larawan at ang kanilang


kahalagahan sa komunidad. Maaaring madoble ang sagot.

1. . pagpapanatili ng kalusugan

2.

3. . pagpapanatili ng kalinisan

4.

5. . pagpapanatili ng katahimikan

Page 23 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q3-W7-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pagsasanay 2

Kulayan ang mga salitang makapaglalarawan sa maayos at


mapayapang komunidad.

 May pakikipagkapwa-tao ang bawat isa .


 Maraming nagkalat na mga basura sa paligid.
 Ang lahat ay may pagkakaisa sa mga proyekto ng
barangay.
 Ang bahay ni Mang Kanor ay nilooban ng masasamang tao.
 Si Lola Dalia ay sinimahan ng kapitbahay para mag
pacheckup sa Health Center
 Si Kapitan Santos ay masipag sa pagiikot upang alamin ang
kaniyang nasasakupan.
 Laging nagtutulungan ang magkakapitbahay sa oras ng
kagipitan.

PAGLALAHAT

Tandaan

Mahalaga ang mga taong nag-aambag para sa kapakanan at


kaunlaran ng komunidad. Dahil sa kanila napananatili ang:

 kapayapaan at katahimikan ng komunidad

 kalusugan ng mga mamamayan

 kalinisan at kaaya-ayang kapaligiran

Page 24 of 25
MODULE CODE: PASAY-AP2-Q3-W7-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PAGTATAYA

Isulat an T kung ang isinasaad ay wasto at M naman kung di wasto.

_____ 1. Mahalaga ang mga taong nag-aambag para sa kapakanan at

kaunlaran ng isang komunidad.

_____ 2. Hinuhuli ng mga pulis ang mga magnanakaw kung kaya’t

napapanatili ang katahimikan sa isang komunidad.

_____ 3. Malaking tulong ang naibibigay ng mga kaminero sa komunidad dahil

napapanatili nila ang katahimikan ng lugar.

_____ 4. Napapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan dahil sa tulong na

ibinibigay ng mga barangay tanod.

_____ 5. Ipinatatawag ng kapitan ang mga taong may paglabag na ginawa

para kausapin at pangaralan. Ito ay nakatutulong upang madisiplina

ang mga tao sa isang komunidad.

Inihanda ni: FEBIE G. DELOS REYES


Timoteo Paez Elementary School

Reference
 Classroomclipart.com

Page 25 of 25

You might also like