You are on page 1of 2

Mungkahing Programa

Mga Panuntunan:
a. Papiliin ang mga mag-aaral ng isa mula sa mga sumusunod na pangunahing
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya:
· Payak na Daloy ng Ekonomiya
. Sistema ng Pamilihan
· Pamumuhunan
· Pag-iimpok

b. Magpabalangkas ng mungkahing programa ayon sa napiling tema na


sumusunod sa pormat na:

I. General Description o Pangkalahatang Deskripsyon sa Programa


-Ito ay isa hanggang dalawang talata na magbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa
programa.
Mga Gabay Na Tanong
-Tungkol saan ang programa?
-Ano ang kinalaman ng programa sa napiling tema?

II. Program Objectives o Mga Layunin ng Programa


-Ito ay maglalahad ng mga dahilan kung bakit mahalaga o makubuluhan na gawin ang
programa.
Mga Gabay na Tanong
-Bakit kailangang isagawa ang programa?
-Anu-ano ang mga kapakinabangan sa pagsasagawa ng programa?

III.Program Procedure o Mga Hakbang sa Pagpapatupad ng Programa


-Ito ay maglalahad ng step-by-step na pamamaraan sa pagsasagawa ng programa.
Gabay na Tanong
-Anu-ano ang mga tiyak na pagkilos na gagawin upang makamtan ang mga layunin ng
programa?

IV. Budget/Resources o Badyet ng Programa


-Ito ay magpapakita ng tiyak na gastusin para isagawa ang programa (breakdown of expenses)
Mga Gabay na Tanong
-Magkano ang kakailanganin upang mapondohan ang programa?
-Anu-ano ang mga tiyak na pagkakagastusan?

V.Partner Agencies/Organizations o Katuwang na mga Ahensya/Organisasyon


-Ito ay magpapakita ng listahan ng mga ahensya o organisasyon na makakatulong upang
isagawa ang programa.
Mga Gabay na Tanong
-Anu-anong mga ahensya o organisasyon ang magiging katuwang upang isagawa ang
programa?
-Anu-ano ang mga tiyak na gampanin ng bawat ahensya o organisasyon?

VI.Definition of Terms o Mga Terminolohiyang Ginamit


-Ito ay magpapakita ng talaan ng mga mahahalagang salita na ginamit sa programa.
Bibigyang-kahulugan ang mga salitang ito ayon sa kanilang pagkakagamit sa programa

VII.About the Proponent o Tungkol sa Proponent


-Ito ay maglalahad ng pangalan ng tao na nagmumungkahi sa programa at ang inspirasyon sa
likod ng mungkahi.

VIII. References o Mga Sanggunian


-Ito ay magpapakita ng talaan ng mga sanggunian o mga ginamit na batayan sa programa.

You might also like