You are on page 1of 7

GRADES 1 to School LANDOC ELEMENTARY SCHOOL Grade Level 4 Quarter 3rd

12 DAILY Teacher ALMA R. TUCAY Learning Area FILIPINO 4


LESSON PLAN Teaching Date and Time MARCH 6, 2024 / 8:30-9:20 AM

Pamantayang Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-


Pangnilalaman aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan
nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming
angkop sa kaniyang edad at sa kulturang kinabibilangan at
I. LAYUNIN

nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.


Pamantayan sa Pagaganap
Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang code Nabibigyan ng angkop na pamagat ang talatang binasa (F4PB-IIIg-8)
ng bawat kasanayan)
II. CONTENT (Subject Matter/Lesson)
KAGAMITANG MELC
PANTURO
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian SLM sa Ikatlong Markahan – Modyul 6


A. Sanggunian

1.
Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
B. Iba pang kagamitan
A. Balik-aral sa A. Pagbibigay ng mga Tuntunin sa loob ng silid-aralan:
nakaraang aralin at/o Kantahin ang mga tuntunin sa silid-aralan.
pagsisimula ng
bagong aralin
(sa tono ng A Farmer in a Dell)

Mga dapat gawin, mga gawin.


Ito ang mga dapat nating gawin.
Makinig sa guro, makinig sa guro.
Ito ang mga dapat nating gawin.
Itaas ang kamay kung may sasabihin.
Ito ang mga dapat nating gawin.
Umayos nang upo, umayos nang upo.
Ito ang mga dapat nating gawin.
Makinig sa guro, makinig sa guro.
Ito ang mga dapat nating gawin.
IV. PAMAMARAAN

B. Balik-aral
Isulat sa patlang ang angkop na pang-angkop sa bawat
bilang.
1. matalas ______ lapis
2. makabago_____ teknolohiya
3. malinis ______ papel
4. impormasyon___ totoo
5. maayos _____ telepono

B. Paghahabi sa layunin ng Tukuyin kung ano ang pamagat ng sumusunod na larawan:


aralin
1. Si Pagong at si Kuneho
2. Ang Tatlong Maliit na Biik.
3. Si Langgam at Tipaklong
4. Ang Probinsyano
Itanong: Bakit kaya mahalagang malaman ang pamagat ng
isang kuwento o palabas?

C. Pag-uugnay ng mga Pagbasa sa isang komiks


halimbawa sa bagong
aralin

D. Pagtatalakay ng bagong Sagutin ang mga tanong:


konsepto at paglalahad ng 1. Ano ang napulot nina Grace at Dino?
bagong kasanayan #1
2. Ano ang naisip ni Dino na gawin sa pitaka?
3. Bakit hindi sumang-ayon sina Grace at Arjie kay Dino
4. Ano ang ipinakitang kaugalian ng mga bata sa komiks?
5. Magbigay ng isang sitwasyon kung saan maipapakita ang
pagiging matapat.
E. Pagtatalakay ng bagong Itanong:
konsepto at paglalahad ng Ano ang angkop na pamagat ng komiks na binasa mo?
bagong kasanayan #2

Itanong: Ano ang pamagat? Bakit kailangan ng pamagat sa isnag


talata?

Talakayin ang mga paraan ng pagbibibigay ng angkop na pamagat


sa talatang binasa.
1. Upang mapili ang pinaka-angkop na pamagat, kailangang
basahing maigi at unawain ang nilalaman ng teksto. Alamin
mo ang mga pangunahing paksa at diwa , pati na rin ang
mga sumusuportang detalye. Mula rito, makakakuha ka ng
mga pahiwatig kung ano ang pinakamabuting pamagat para
rito.
2. Sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata, ang mga dapat
tandaan upang maging angkop ito ay ang mga sumusunod:
● Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo
muna ang paksang-diwa o paksang pangungusap. Ang mga
ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pangunahing diwa ang pinakabuod ng mga pangyayari sa
talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang
pangunahing diwa ng talata.
● Ginagamit ang malaking letra sa mahahalagang salita sa
pamagat ng talata. Ang unang salita sa pamagat ay
sinisimulan din sa malaking letra.
Halimbawa ng mga pamagat na ginamitan ng malaking letra
sa simula at sa mahahalagang salita:
Isang Masayang Araw
Ang Suliranin sa Basura
Ang Katutubong Kasuotan

3. Makikita na ang umpisa ng salita ay nakasulat ng malaking


letra gayundin ang mga mahahalagang salita.

F. Paglinang sa Kabihasan Basahin at unawain ang talata. Pagkatapos, sagutin ang mga
(Tungo sa Formative tanong.
Assessment)

Si Jerred, mag-aaral sa ikaapat na baitang ay kahanga-hanga


dahil sa taglay niyang mabuting pag-uugali. Kinagigiliwan siya ng
mga tao sa paligid dahil hindi niya nakakalimutang magmano at
sabihin ang “po” at “opo” sa pakikipag-usap. Mahal na mahal siya
ng kaniyang mga magulang at guro dahil sa kanyang kasipagan.
Nag-aaral siya nang mabuti kaya naman ay lagi siyang nangunguna
sa klase. Siya rin ay mapagbigay at maalaga kaya’t marami siyang
kaibigan.

1. Sino ang pinag-uusapan sa talata?


2. Ano-ano ang mga katangiang taglay ni Jerred?
3. Ano kaya ang angkop na pamagat ng talata?

G. Paglalapat ng aralin sa Pangkatang Gawain


pang-araw-araw na buhay A. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pangkatang Gawain:
P – Partisipasyon ang kailangan.
A – Ayusin ang ginagawa.
N – Nakikinig dapat sa nagsasalita
G – Gumamit ng mahinang boses
K- Kailangang i-respeto ang mga kagrupo
A - Alamin kung tama ang ginagawa
T – Tapusin ito sa takdang oras.

B. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pagmamarka sa Pangkatang


Gawain

Pamantayan Puntos C.
5 4 3 2
1. Nakapagbigay ng angkop
na pamagat
2. Nasusunod ang tamang
pagkakasulat ng mga
salita sa pamagat
3. Nakasusunod sa
pamantayan sa
pangkatang gawain
4. Naiuulat ang Gawain
nang maayos
Pagbibigay ng Pangkatang Gawain:
Pangkat A
Basahin ang sumusunod na talata at isulat sa patlang ang
nararapat na pamagat.

_____________________

Maraming Pilipino ang nakilala sa buong mundo dahil


sa angking galing sa larangan ng isports, pag-awit, pagsayaw
at marami pang iba. Hinahangaan ng mga dayuhan ang
sipag, determinasyon at dedikasyon natin kaya nais nilang
makarating sa Pilipinas upang matunghayan ang husay at
galing ng mga Pilipino. Tunay ngang ang mga Pilipino ay
likas na magaling sa iba’t ibang larangan.

Pangkat B
Isulat ang angkop na pamagat ng isang kuwentong
wordless.

Pangkat C
Basahin ang mga sumusunod. Bilugan ang angkop na letra
ng tamang sagot.
1. Maaga akong nagising dahil sa maingay na tahol ng mga
aso. Nagdasal ako nang taimtim upang humingi ng gabay sa
buong araw. Inayos ko ang aking higaan kaya’t malinis at
maayos na ito. Naghanda na ako ng aking almusal dahil
tulog pa si Nanay. Pagkatapos maligo at kumain, naglakad
na ako papunta sa paaralan. Ako ang pinakaunang
dumating sa aming silid kaya kinuha ko ang walis upang
maglinis.
a. Walang Pasok
b. Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
c. Pagliban sa Klase
d. Ang Aking Paaralan

2. Ang Sampaguita ay kilala bilang pambansang bulaklak


nating mga Pilipino. Ito ay napakabango. Puti ang kulay nito
na sumisimbulo ng kalinisan at busilak na puso. Ang
Sampaguita ay sumisimbulo rin sa simpleng pamumuhay
nating mga Pilipino.
a. Ang Sampaguita
b. Ang Puting Bulaklak
c. Ang mga Gamit ng Sampaguita
d. Ang Bulaklak

3. Mahilig mangolekta ng mga basurang puwede pang


mapakinabangan si Alice dahil naniniwala siyang maaari
itong pagkakitaan. Araw-araw niya itong ginagawa kaya
nakakaipon siya ng maraming basura. Tuwing Linggo, siya
ay pumupunta sa junkshop ni Mang Mark upang ipagbili
ang kaniyang mga nakolekta. Tunay ngang may kita sa
basura.
a. Maruming Basura
b. Ang Junkshop
c. May Kita sa Basura
d. Tuwing Linggo
A. Paglalahat ng Arallin Itanong:
Ano ang napag-aralan mo sa araling ito?
Paano sumulat ng isang pamagat?
Bakit kailangang angkop ang pamagat na isusulat?

F. Pagtataya ng Aralin Gawain A.


Panuto: Pakinggan ang babasahing talata ng guro. Tukuyin ang
angkop na pamagat ng bawat talata. Isulat ang letra ng iyong
kasagutan.
1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na
metro o higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat
bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo, at iba pa.
a. ang niyog
b.Ang Niyog
c. Ang mga Gamit ng Niyog
d. ang mga gamit ng Niyog
2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue)
ay ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng
buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat
manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang
buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng
pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.
a. Ang kawanihan ng Rentas Internas
b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas
c. Ang kawanihan ng internas rentas
d.ang kawanihan ng internas rentas
3. Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka o
kambing. Asinan ang gatas, pakuluin nang tatlumpong minuto
habang hinahalo at pagkatapos ay itinggal nang sampung oras.
Magkakaroon ito ng mga buo-buong bahagi na siyang babalutin sa
murang dahon.
a. Paggawa ng Kesong Puti
b. Paggawa ng kesong puti
c. Ang kesong puti
d. Ang Kesong Puti
4. Si Simeon Ola ay isang bayani ng himagsikang Pilipino. Siya ay
rebolusyonaryong Bicolano noong panahon ng mga Amerikano.
Ipinanganak siya sa Guinobatan, Albay. Siya ang pinakahuling
Pilipinong heneral na sumuko sa laban sa hukbong Amerikano.
a. Himagsikang Pilipino
b. Simeon Ola: Ang Huling Heneral
c. Bicolano Ako
d. Rebolusyon
5. Ang Narra ang tinaguriang pambansang puno ng Pilipinas. Ito ay
natatangi dahil sa angking tibay nito. Ang taas nito ay umaabot sa
33 metro. Ang kahoy nito ay ginagamit sa paggawa ng mga bahay
at muwebles. Marami rin ang maaaring paggamitan ng mga dahon
at bulaklak nito.
a. Narra ang Pambansang Puno
B. Ang Pinagmulan ng Narra
c. Ang Bulaklak ng Narra
d. Ang Dahon ng Narra.

Gawain B. Isulat ang angkop na pamagat sa patlang.

1.Ang basura ay maaaring gawing abono. Sa ganitong paraan,


malulutas ang suliranin natin sa basura at mababawasan ang pag-
angkat ng abono sa ibang bansa. Tinatayang sa isang libong
tonelada ng basura, mahigit sa sampung libong sako ng abono ang
maaaring gawin. Kung ang lahat ng ating basura ay magagawang
abono, lalaki ang ani sa mga tanim at magiging mura ang halaga ng
palay at iba pang pananim.
Pamagat: __________________
2. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay idinaraos tuwing
ikatlong Linggo ng Setyembre sa Lungsod Naga, Camarines Sur sa
Bicol. Nagsisimula ang kapistahan sa tinatawag na Traslacion o
paglilipat ng imahen ng Birhen ng Peñafrancia at ng Divino Rostro
mula sa basilika hanggang katedral. Dinarayo rin sa pagdiriwang
ang prusisyon sa ilog ng Naga ng mapagmilagrong imahen ng
Birhen ng Peñafrancia. Ito ay ginagawa sa bisperas ng kapistahan.
Ang angkop na pamagat ng talata ay ______________________
3. Ang Chapel ng Inorogan na matatagpuan sa Lungsod Iriga,
Camarines Sur sa Bicol ay isa sa mga atraksiyon ng lungsod. Bago
ito marating ay kinakailangan munang akyatin ang mahigit
kumulang na 160 hakbang sa kahabaan ng dalisdis ng Mt. Asog. Sa
taas ay matatanaw ang Lawa ng Bato at marami pang iba. Ang
chapel ay iniaalay kay Nuestra Señora de las Angustias na
sinasabing nagligtas sa bayan mula sa pagsabog ng Mt. Asog.
Ang angkop na pamagat ng talata ay ______________________
4. Ang Tinagba Festival ay isang taunang pagdiriwang sa Lungsod
Iriga, Camarines Sur sa Bicol na ginaganap tuwing ika-5 hanggang
ika-11 ng Pebrero. Ang Tinagba ay nangangahulugang pag-aalay ng
unang ani kaya tinatampok ng mahahabang hanay ng mga
karosang de-motor o hinihila ng mga kalabaw ang iba’t ibang mga
produkto. Matutunghayan din sa pagdiriwang ang kompetisyon sa
pagsasayaw sa kalsada at marami pang iba.
Ang angkop na pamagat ng talata ay ______________________
5. Ang Rafflesia Irigaense ay isang uri ng rafflesia o parasitikong
halamang namumulaklak. Ito ay pambihirang bulaklak na
tinaguriang pinakamalaking bulaklak sa buong mundo. Ito ay
natagpuan sa Bundok Iriga sa Lungsod Iriga, Camarines Sur sa Bicol.
Idineklara ng National Museum na bago at natatanging uring ito ng
rafflesia.
Ang angkop na pamagat ng talata ay ______________________

B. Karagdagang gawain para Kumuha ng isang maikling kuwento. Maghandang ibahagi ito sa
sa takdang-aralin at klase. Pagkatapos, ipahula sa kaklase ang pamagat ng kuwentong
remediation
ito.
V. MGA TALA
A. Bilang ng mag-aaral
na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
VI. PAGNINILAY

remedial? Bilang ng mag-


aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Prepared by:

ALMA R. TUCAY
Teacher
NOTED and OBSERVED BY

BELINDA P. RABANILLO
School Head

You might also like