You are on page 1of 11

Pagdarasal sa

Gawi ng Taize
1
Nakatanghal sa harapan ang Krus ng Panginoon. Maaari ring
maglagay ng imahe ng Mahal na Birheng Maria. Mga kandila lamang
ang magsisilbing liwanag, ang mga ilaw ay nakapatay. Ang mga
makikilahok ay hinihikayat na manahimik at magnilay habang
isinasagawa ang pananalangin.
Babasahin ng namumuno ang panimula.

PANIMULA
Ang krus ng ating Panginoong Hesukristo ay ang pinaka
dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang kapangyarihan ng
krus ay hindi lamang isang katotohanan na nakalipas na, bagkus
magpahanggang ngayon, ang biyaya ng kaligtasan na dulot nito ay
ipinaaabot pa rin sa atin sa pagsasariwa natin sa Misteryo ng ating
kaligtasan. Sa ating pagsariwa tuwi-tuwina ng Misteryo ng Buhay,
Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Hesus, napatutunayan natin
ang dakilang pag-ibig ng Ama para sa atin. Tayo ngayon ay
inaanyayahan na pagnilayan ang ating buhay pananampalataya.
Kumusta na ba ang ating relasyon sa Panginoon? Kasama pa ba
natin siya sa ating buhay? Kumusta ang relasyon natin sa ating
kapwa? Sa ating pamilya? Sa ating sarili? Tinatawagan tayo ng Diyos
na pagsisihan ang ating mga kasalanan at magbalik-loob sa Kanya.
Lumapit tayo sa Kanya at tayo’y bibigyan Niya ng kapahingahan.
Sama sama nating paghandaan ang pagbabago ng ating sarili
kasabay ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Bilang ating pakikiisa sa pananalangin, pinaaalalahanan ang
lahat na panatilihin ang katahimikan at huwag munang makipag-
usap sa kaninuman.

2
Magpapatugtog ng awitin na magsisilbing pambungad na awit.

PAMBUNGAD NA AWIT
Purihin ang ating Diyos!
Purihin ang ating Diyos!
Lahat ng tao, Aleluya!

Purihin ang ating Diyos!


Purihin ang ating Diyos!
Lahat ng tao, Aleluya!

Namumuno: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo


Lahat: AMEN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Manalangin tayo..
Ama naming makapangyarihan,
tinipon Mo kami upang sambahin ang ngalan Mo.
Kami nawang tutunghay sa krus ng anak mong
sa ami’y nagligtas ay gawin Mong isang sambayanang
sa paghahari Mo ay iyong tinawag
para magkaisa sa pananalig at pagka matapat,
sa pamamagitan ni Hesuristo, kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen

3
SALMO
O Hesus, hilumin Mo aking sugatang puso
Nang aking mahango, kapwa kong kasingbigo

Hapis at pait, Iyong patamisin


At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit

O Hesus, hilumin Mo aking sugatang puso


Nang aking mahango, kapwa kong kasingbigo

Aking sugatang diwa’t katawan


Ay gawing daan ng ‘Yong kaligtasan

O Hesus, hilumin Mo aking sugatang puso


Nang aking mahango, kapwa kong kasingbigo

(Tatayo ang lahat)

MABUTING BALITA
Ang Mabuting Balita ayon kay San Mateo
Nang panahong iyo'y sinabi ni Jesus, “Ama, Panginoon ng langit
at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa
marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may
kaloobang tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo.
“Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang
nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama
kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang
nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng
4
kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa
akin sapagkat ako'y maamo at may mababang loob. Makakatagpo
kayo sa akin ng kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking
pamatok at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.”
- Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

AWIT PARA SA PAGNINILAY


Manlamig man sa akin, puso mong maramdamin
Lisanin man ng tuwa, puso mong namamanglaw
Manginig man sa takot masindakin mong puso
Mag-ulap man sa lungkot, diwa mong mapag-imbot

Kapiling mo, akong laging naghihintay sa tanging tawag mo


Pag-ibig kong ito, isang pananabik sa puso ko
Sa’yong pagbabalik sa piling kong puspos ng pagsuyo
Manahimik at making ka’t maging akin muli

‘Di mo rin akalain, tinig mo’y hanap ko rin


Ang ‘yong tuwa at sakit, aking galak at pait
Kung lingid pa sa iyo aking pakikiloob
Tuklasin mong totoo tunay mong pagkatao

(Ulitin ang Koro)

PANALANGIN

Ama ng lahat ng nabubuhay,


hayaan mong isuko namin sa Iyo
ang aming mga sarili sa katahimikan at pag-ibig.
Ang pagsusuko sa iyo ng aming mga sarili
5
ay hindi madali dahil sa aming mga kahinaan.
Subalit namamagitan ka sa kaibuturan ng aming pagkatao at
nagbibigay sa amin ng liwanag at pag-asa.
Tulungan mo kaming patatagin
ang aming pananampalataya sa Iyo
na ngayo’y nanlalamig na.
Tulungan mo kaming maging totoo
sa aming mga ginagawa at gawin ang mga bagay
na naaayon sa iyong kalooban.
Tulungan mo ang bawat isa sa amin
na patuloy na magtiwala sa Iyong mga
pangako at Iyong pagmamahal.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming


Panginoon. Amen.

BANAL NA KATAHIMIKAN
NAMUMUNO: Mahalagang elemento ng pagdarasal sa gawi ng Taize
ang pananahimik. Napakaingay ng mundo, at ang
mga ingay na ito ang gumagambala sa atin at
humahadlang upang mapakinggan ang tinig ng Diyos
na palaging nangungusap sa atin. Sa katahimikan ng
ating mga puso, dinggin natin ang boses ng Diyos na
nakikipag-usap sa atin ngayon.
MGA AWIT SA TAIZE

Sa Pagmamahal

Sa pagmamahal naroroon ang Diyos


Sa pagmamahal naroroon ang Diyos

Sa pagmamahal naroroon ang Diyos


Sa pagmamahal naroroon ang Diyos
6
Sambahin Ka Kristo Hesus

Oooohh
Sambahin Ka, Kristo Hesus
Oooohh
Sambahin Ka, Kristo Hesus

Bless The Lord, my Soul

Bless the Lord, my Soul


And Bless God’s Holy Name
Bless the Lord, my Soul
Who leads me into life

Holy Spirit, Come to Us

Holy Spirit, Come to us


Kindle in us the fire of Your Love
Holy Spirit, come to us
Holy Spirit, come to us

Jesus Remember Me

Jesus, remember me
When I come into Your kingdom
Jesus, remember me
When I come into Your kingdom

Jesus Your Light

Jesus Your light is shining within us


Let not my doubts and my darkness speak to me
Jesus Your light is shining within us
Let my heart always welcome your love
7
(Instrumental)

Magnificat (aawitin kapag tapos na manalangin ang lahat)

Magnificat, Magnificat!
Magnificat Anima Mea Dominum!
Magnificat, Magnificat!
Magnificat Anima Mea!

LITANYA NG PAGTITIWALA

Sa bawat panalangin, ang ating itutugon:


*Iligtas mo ako, Hesus

Mula sa takot na hindi ako karapat-dapat mahalin*


Mula sa maling akala na kaya ko ang lahat ng bagay,*
Mula sa takot na kapag nagtiwala ako sa iyo ay lalo akong
mahihirapan, *
Mula sa pagdududa sa iyong salita at mga pangako, *
Mula sa pagtanggi na maging tila bata na nakasalalay sa iyo, *
Mula sa pag-aatubiling tanggapin ang iyong kalooban, *
Mula sa pagkabagabag sa kinabukasan, *
Mula sa sama ng loob at sobrang pag-iisip sa nakaraan, *
Mula sa maligalig na paghahanap ng sarili sa kasalukuyang sandali, *
Mula sa pagtutol na maniwala sa iyong pag-ibig at presensya, *
Mula sa takot na hingin mo sa akin ang hindi ko kayang ibigay, *
Mula sa paniniwalang ang buhay ko ay walang halaga, *
Mula sa takot sa anumang hihingin sa akin ng pag-ibig, *
Mula sa pagkasiphayo, *

Hesus, nagtitiwala ako sa iyo


Na patuloy mo akong hinahawakan, itinataguyod at minamahal
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
8
Na ang pag-ibig mo ay mas malalim kaysa aking mga kasalanan
at pagkakamali, at nagpapabago sa akin
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ang hindi pagkaalam sa magaganap sa kinabukasan ay
paanyayang sumandig ako sa iyo
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na kapiling kita sa aking mga pagdurusa
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ang aking paghihirap, kaugnay sa iyo, ay magbubunga sa
mundong ito at sa kabila
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na hindi mo ako iiwang ulila, na ikaw ay laging nasa iyong
simbahan
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ang balak mo para sa akin ay higit na mabuti
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na lagi mo akong dinirinig at sa iyong kabutihan ay tinutugon
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na binibigyan mo ako ng biyayang mapatawad at magpatawad
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na binibigyan mo ako ng lahat ng lakas na kailangan ko para sa
aking gawain
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ang aking buhay ay kaloob
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na tuturuan mo akong magtiwala sa iyo
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ikaw ang aking panginoon at Diyos
Hesus, nagtitiwala ako sa iyo
Na ako ang iyong minamahal na anak

Namumuno: Bilang pagsasama-sama ng ating mga panalangin,


ating pag-isahin ang mga ito sa pamamagitan ng panalanging
itinuro sa atin ng ating Panginoon. Magsitayo ang lahat.
9
(Tatayo at aawitin ang Ama Namin)

Ama namin sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo


Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon, ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami, sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad naming, sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Manalangin tayo…
O Maria,
lagi kang nagniningning sa aming landas
bilang tanda ng kaligtasan at pag-asa.
Ipinagkakatiwala namin ang aming sarili sa iyo,
Kalusugan ng Maysakit,
na sa krus ay nakibahagi sa sakit ni Hesus,
na pinananatiling matatag ang pananampalataya.
Ikaw na Kaligtasan ng Sambayanang Pilipino,
alam mo kung ano ang kailangan naming.
Sigurado kaming mamamagitan ka
upang, gaya sa Cana ng Galilea,
maaari kaming bumalik sa kagalakan ng piging
pagkatapos ng panahong ito ng pagsubok.
Tulungan mo kami, Ina ng Banal na Pag-ibig,
upang umayon ang lahat ng aming gawain
sa kalooban ng Ama at gawin ang sinabi sa amin ni Hesus,
na siyang umako sa ating mga pagdurusa
10
at dinala ang ating mga kalungkutan
upang akayin tayo sa pamamagitan ng krus
sa kagalakan ng muling pagkabuhay. Amen.

Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina


ng Diyos. Pakinggan mo ang aming mga kahilingan
sa aming pangangailangan at ipagadya mo kami sa
lahat ng kasamaan, maluwalhati at pinagpalang
Birhen. Amen.

Pangwakas na Awit
LAUDATE OMNES GENTES
Laudate omnes gentes,
Laudate Dominum.
Laudate omnes gentes,
Laudate Dominum.

11

You might also like