You are on page 1of 2

NARRATOR: Isang umaga, naglalakad si Ann Marie sa kalye malapit sa kanila nang masalubong niya ang

kaklaseng si Rachelle.

ANNE MARIE: Oh, Rachelle, saan ka galling?

RACHELLE: Ah, sa computer shop lang, nagpa-print ng mga requirements na kailangan nating ipasa
bukas kay Sir Malcampo.

ANNE MARIE: Ah ganun ba? Sige, una na ako.

NARRATOR: Hindi masabi ni Anne Marie sa kaklase na wala pa siyang gawa. Sa isip-isip lang niya, Mabuti
pa si Rachelle at Nakagawa na, samantalang siya ay walang inatupag kundi ang maglaro ng oline games
at manood ng mga tiktok videos. Kaya naman, nakabuo siya ng isang ideya. Kinabukasan, pumunta siya
sa bahay nina Rachelle.

ANNE MARIE: Tao po! Andyan po ba si rachelle? Kaklase niya po ako.

NANAY NI RACHELLE: Anak, may naghahanap s aiyo. Kaklase mo raw.

RACHELLE: (dudungaw) O, ikaw pala Anne Marie, pasok ka? Ano bang maipaglilingkod ko s aiyo?

ANNE MARIE: May pabor kasi sana akong hihingin s aiyo. Okay lang ba?

RACHELLE: Oo naman, ano ba iyon?

ANNE MARIE: Pwede ko bang tingnan lahat ng mga gawa mong requirements, pagbabasehan ko lang
kung tama ang mga ginawa ko (ipapakita ang nakasarang notbuk).

RACHELLE: Walang problema, sige, heto ang mga requirements ko. Tingnan mo na lang muna at
pupunta lang ako saglit sa tindahan para bumili ng meryenda.

NARRATOR: Lingid sa kaalaman ni Rachelle, na may masamang balak si Anne Marie sa kanya. Akala pa
naman niya ay mabait an ito sa kanya, dahil dati nito itong binu-bully. Walang kaabog-abog na kinuha ni
Anne Marie ang mga papel na gawa ni Rachelle, at iniipit iyon sa kanyang notbuk. Pagkatapos, pinalitan
niya ng ibang printed na papel ang nakaipit sa folder ni Rachelle.

RACHELLE: O, Anne Marie, halika muna, bumili ako ng makakain. Magmeryenda muna tayo.

ANNE MARIE: Ah sige lang, mauna na rin ako. Nakita ko na rin naman. Salamat. May emergency kasi sa
bahay kaya kailangan ko nang umuwi.

RACHELLE: Ganun ba? Sige, inagt ka!

ANNE MRIE: Thanks.

NARRATOR: Pag-uwi ng bahay, agad na itinype ni Anne Marie ang gawa ni Rachelle sa kanyang laptop at
ipinaprint iyon. Nang sumunod na araw na, kung kailan kailangan na nilang pumunta sa paaralan para
magsauli ng module at magpasa ng mga requirements, hindi alam ni Rachelle na pinalitan ni anne Marie
ang kanyang gawa. Nang masalubong ni Anne Marie si Rachelle sa corridor, bigla siyang nakonsensya sa
kanyang ginawa. Nagtatalo ang kanyang isip kung ano nga aba ang dapat niyang gawin. Kapag ibinigay
niya ang papel ay baabgsak siya, pero kapag hindi niya ito ibinigay at inamin, si Rachelle naman na
walang kalam-alam ang babagsak. Sa huli, alam man niyang sa kanya ang magiging negatibong epekto ay
dali-dali niyang kinuha niya sa mesa ng guro ang folder ni Rachelle at ibinalik ang papel ni rachelle na
kinuha niya sa kanilang bahay.

You might also like