You are on page 1of 6

MODYUL 4

ARALIN 6
sa
ARALING
PANLIPUNAN
1
GRADE 1
MODYUL 4
ARALIN 6: Nakikilala ang timeline at ang gamit sa pag-aaral ng mahahalagang
pangyayari sa buhay hanggang sa kanyang kasalukuyang edad.

TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?


Magandang araw! Kumusta ka? Masaya ka ba? Maligayang pagsasamang muli
sa modyul na ito.
Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay makatutulong sa iyo upang malaman
mo ang mahalagang pangyayari sa iyong buhay gamit ang timeline May kinalaman
ang mga ito mula ng ikaw isilang hanggang sa iyong kasalukuyang edad. Pero bago
mo matutunan ang lahat ng iyon, nararapat munang matutunan mo ang mga
pangunahing aralin.

Ano ang matututunan mo sa araw na ito?

Sa modyul na ito, malalaman mo kung ano ang pagbabagong naganap sa iyo


mula nung ikaw ay isilang hanggang sa iyong kasalukuyang edad gamit ang
timeline. Handa ka na ba?

Ano bang alam mo?

Subukin ang iyong galing at sagutan ang gawain sa ibaba.

Suriin mo ang timeline na nagpapakita ng pagbabago ng paglaki ng isang agila.

2
Nasabi mo ba ang mga pagbabagong naganap sa agila? Magaling! May pagbabago
ding nagaganap sa iyo. Maaari mong ilarawan ang pagbabagong iyon sa
pamamagitan ng timeline.

ANONG KAILANGAN KONG MALAMAN?

 Ang timeline ay ginagamit upang maitala ang sunod-


sunod na pangyayari sa buhay, kasaysayan o
anumang gawain na gusto nating ilarawan.

 Tingnan mo ang timeline ng pagbabago sa buhay


nina Mimi at Buboy.

Magaling! Alam mo na kung ano ang timeline. Ngayon naman ay

subukin pa ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng pagsagot ng mga


3
sumusunod na gawain.
Gawain 1

Gupitin at idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayon sa pagkakasunod-


sunod ng mga pagbabagong nagaganap sa isang tao
.
Ang mga Pagbabagong Nagaganap
Sa Buhay ng Isang Tao

Gawain 2

Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa tamang pangyayari. Isulat ang


bilang 1-4 sa loob ng bituin.

4
Gawain 3

Punan mo ang timeline sa ibaba. Iguhit mo ang mga bagay na iyong kahapon.

Gawain 4

Iguhit sa loob ng bulaklak ang mahalagang pangyayari sa buhay mo noong


nakaraang Linggo.

Mga Pangyayari sa Buhay Ko noong nakaraang Linggo

5
Gawain 5

Lagyan ng bilang 1-5 ang mga larawan ayon sa saunod-sunod na pangyayari.

Pagtataya

Napakahusay ng iyong ginawang pag-aaral ngayong araw. Dahil diyan, narito


ang bonus na gawain. 

Punan ng larawan ang timeline na magpapakita ng pagbabagong naganap sa


iyong buhay.

You might also like