You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: I QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 1


Date: ___________________

COMPETENCY & Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay simula
OBJECTIVES isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at timeline.

Specific Objectives:

1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata mula


: pagsilang hanggang dalawang taong gulang.

2. Naiisa-isa ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay ng isang bata mula


pagsilang hanggang dalawang taong gulang.

3. Napapahalagahan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata


mula pagsilang hanggang dalawang taong gulang.

CONTENT : Ang Kuwentong Buhay

LEARNING Araling Panlipunan Patnubay ng Guro pp. 12-13


RESOURCES
MELC, 2020 p. 6
:
SLM, Week 3

LAS, Week 3 – Day 1

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

1. Balik-aral:

Anu-ano ang mga pansariling pangangailangan natin?

2. Paghahawan ng Balakid: (Gamit ang larawan)

Kambal- magkapatid na ipinanganak nang halos magkasabay o

ilang sandali lamang ang pagitan


masayahin- ang taong palaging masaya

B. Pagganyak: (Motivation)

Magpakita ng larawan ng mga batang isa hanggang dalawang taong gulang.

Pagganyak na Tanong: Ano ang ginagawa ng bata? Ilang taong gulang kaya ang
bata?

C. Paglalahad: (Presentation)

Ilahad ang kuwentong “Si Noel at Ana” na nasa SLM, Week 3-Day 1.

Basahin ito ng guro.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Talakayin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Sinu-sino ang pinag-uusapan sa kuwento?

2. Anu-ano ang nagagawa ni Noel at Ana noong isang taong gulang pa lamang
sila?

3. Anu-ano naman ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay nila noong


dalawang taon na sila?

E. Paghahasa (Exercises)

Sagutan ang Activity 2 na nasa LAS, Week 3 Day 1.

F. Paglalahat: (Generalization)

Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang bata mula pagsilang
hanggang dalawang taong gulang?
G.Paglalapat (Application)- (Oral Activity)

Sabihin ang Oo kung ang pangyayari ay nagaganap sa buhay ng bata mula


pagsilang hanggang dalawang taong gulang.

1. Umiinom ng gatas gamit ang bote.

2. Nakakapagsalita na nang maayos.

3. Nagsisimula nang matutong lumakad.

4. Gumagapang kapag may gusting abutin.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Pagtambalin ang kolum A at kolum B.

A B

1. A. isang taong gulang

2. B. Dalawang taong gulang

3. C. anim na buwan

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Gumupit ng isang larawan mula sa magasin ng isang batang bagong silang pa


lamang hanggang dalawang taon.

You might also like