You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: I QUARTER: 1 WEEK: 3 DAY: 2


Date: ___________________

COMPETENCY Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari at pagbabago sa buhay simula isilang
& OBJECTIVES hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan at timeline.

Specific Objectives:

1. Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay ng isang bata mula


: dalawa hanggang tatlong taong gulang.

2. Naibibigay ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay ng isang bata mula


dalawa hanggang tatlong taong gulang.

3. Napapahalagahan ang mga pagbabagong nararanasan sa buhay ng isang bata


mula dalawa hanggang tatlong taong gulang.

CONTENT : Ang Kuwentong Buhay

LEARNING Araling Panlipunan Patnubay ng Guro pp. 12-13


RESOURCES
MELC, 2020 p. 6
:
SLM, Week 3

LAS, Week 3 – Day 2

PROCEDURE A. Paghahanda: (Preparation)


:
1. Balik-aral:

Ano ang nagagawa ng batang bagong silang pa lamang? isang taong gulang?

2. Paghahawan ng Balakid: (Modelling)

takbo lakad magulang

B. Pagganyak: (Motivation)
Picture Puzzle

Ano ang nabuong larawan? Pag-usapan ito.

Ilang taong gulang kaya natutong tumakbo ang

isang bata?

C. Paglalahad: (Presentation)

Ipagpatuloy ang pagbasa sa kwento ni Noel at Ana noong sila ay dalawa at tatlong
taong gulang.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Ang isang bata ay may pagbabagong nagaganap sa buhay habang sila

ay lumalaki. Kung sila ay nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang na natuto
na silang tumayo at lumalakad na. Sa edad na tatlong taon, ang isang bata ay
nakakalakad nang hindi nangangailangan ng gabay ng magulang o nakakatanda. Sila
ay natuto na ring maglaro.

E. Paghahasa (Exercises)

Sagutan ang Activity na nasa LAS, Week 3 Day 2.

F. Paglalahat: (Generalization)

Batay sa iyong karanasan, ano-ano ang mga pagbabagong nagaganap noong


kayo’y dalawa hanggang tatlong gulang pa lamang?

Pagpapahalaga:

Sa iyong palagay, mahalaga bang malaman mo ang mga pagbabagong ito?


Bakit?

G.Paglalapat (Application)-
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang larawan ay nagpapakita ng
kaganapan sa buhay ng isang bata noong nasa dalawa hanggang tatlong taong
gulang, ekis (X) naman kung hindi.

________1. ________3.

_________2. ________4.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Sagutan ang Activity 2 na nasa LAS, Week 3-Day 2.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)

Magtanong sa iyong mga magulang kung ilang taong gulang kayo natutong
lumakad na hindi nangangailangan ng gabay sa matatanda.

Pag-usapan ito sa klase sa susunod na araw.

You might also like