You are on page 1of 2

Purok 8 Pagkakaisa Village, Lubogan, Toril, Davao City

Tel. No.: 291-2556, 291- 2512 Mobile: 09283232892


Email add: bc_toril@yahoo.com

ELEMENTARY DEPARTMENT
Lingguhang Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6
SY 2020-2021

Department : ( ) J HS (√ ) Elementary ( ) Preschool


Time : 10:30 – 11:30 am
Day : Lunes – Biyernes
Month : Pebrero
Week : ( ) 1st ( ) 2nd ( ) 3rd (√ ) 4th

I. ITINATAKDANG LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. nasisiyasat ang mga programa ng Pamahalaang Ramos, Estrada, at Arroyo sa pagtugon ng mg
hamon sa pagkabansa ng Pilipinas mula 1992 hanggang sa kasalukuyan;
2. nasusuri ang mga patakaran at programa ng Pamahalaang Ramos, Estrada, at Arroyo tungo sa pag-
unlad ng bansa; at
3. naihahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa mga programa ng mga nabanggit na presidente.

II.MGA NILALAMAN NG PAGKATUTO


Aralin: Pagtugon sa mga Hamon ng Pagkabansa
Pagpapahalaga: Service
Kagamitan: Pantulong Biswal, Aklat
Sanggunian: Antonio, Banlaygas, Lagarto (2016). Kayamanan, Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan. Rex Book Store, Inc. (RSBI). Quezon City.

III. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Pang-araw-araw na Gawain: Panalangin, Pagtatala ng mga lumiban, uniporme at kalinisan at kaayusan
ng silid-aralan.

A. PANIMULANG GAWAIN
Balik-aral
Pagganyak

Gawain 1
Ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan. Itanong sa kanila ang mga nakikta sa larawan.
Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang isang paglalahat na nabuo mula sa nakita sa
larawan.

B. INTERAKSYON

Gawain 1 (Alignment: LT 1 at LT 2)
Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral sa tatlo. Patnubayan ang mga pangkat na pag-aralan ang
mga sumusunod na pangalan:
1. Fidel Ramos
2. Joseph Estrada
3. Gloria Arroyo
Ganyakin silang isulat ang mga nagawa kabilang na ang mga programa at patakaran ng mga
pangulong ito. Atasan ang bawat miyembro ng bawat pangkat na magtanda ng isang
pangungusap sa loob ng 15 segundo at pabilisang matapos ang bawat pangkat.

Gawain 2 (Alignment: LT 3)
Ganyakin ang mga mag-aaral na sagutin ang sumusunod na katanungan. Ipasulat ito sa isang
buong papel at ipahalad sa buong klase pagkatapos.
1. Sa mga nabanggit na pangulo ng bansa, kaninong Programa ka sumasang-ayon? Bakit?
2. Kaninong programa ka naman tumututol? Bakit?

INTEGRASYON
Gawain:
Isa kang mamamahayag. Makikipagpanayam ka sa isang mangangalakal. Aalamin mo ang kanilang
kalagayan at mungkahi sa paglutas ng mga suliraning pangkabuhayan. Batay dito, gagawa ka ng
hakbang para sa pag-unlad ng bansa. Ipapakita mo sa telebisyon ang iyong pakikipagpanayam sa
susunod na lingo sa isang segment ng Failon Ngayon.

Role: Mamamahayag
Audience: Taumbayan
Product/s: Panayam
Standards: Kawastuhan – 10 puntos Panghihikayat - 10 puntos
Paglalahad – 10 puntos

IV. EBALWASYON
Sagutan ang Tiyakin sa pahina 276.

V. TAKDANG-ARALIN

Sagutan ang Linangin A at B sa pahina 283-284.

Inihanda ni: Sinang-ayunan ni:

CEDRICK A. AVERILLA, LPT AL FRANCIS B. VERBAL, LPT


Elementary Faculty Preschool-JHS OIC Principal

Nasuri ni:

LEAH MAE G. REBUSA, LPT


Elementary Coordinator

You might also like