You are on page 1of 9

School BALUGO ELEMENTARY Grade Level FIVE

SCHOOL
Grade 4-6
Teacher KARIN J. PAYOSAN Learning AP
COT Area
Date & Time Quarter 1st /w2

I. LAYUNIN

A. Pamantayang, Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa


Pangnilalaman kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino
upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay… naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng


Pagganap mga sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at
mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga
teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino

C. Mga kasanayan *Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa a. Teorya (Plate Tectonic
sa Pagkatuto, Theory) b. Mito c. Relihiyon. AP5PLP- Id-4
Isulat ang code ng
bawat kasanayan

II. NILALAMAN Ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa:


a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon

A. Sanggunian Hiyas ng Silangan 5, Batayan at Sanayang Aklat sa AP by Edna M. Abihay


Modyul AP 5, Q1, w2-Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Teorya, Mito at
Relihiyon

B. Iba pang LM, TG, CG, POWEPOINT PRESENTATION, PROJECTOR


kagamitang
Panturo

IV. PAMAMARAAN MGA AKTIBIDAD ANOTASYON

A. Paunang Gawain *Prayer In this area,


indicator #5 was
*Classroom Rules observed.
“Established safe
*Checking of Attendance
and secure learning
environments to
enhance learning
through the
consistent
implementation of
policies, guidelines
and procedures.”

B. Balik-Aral / o Subukan Natin! In this area,


pagsisimula ng indicator #2 was
bagong aralin. 1. Ang teoryang ito, sang-ayon sa heologo, ang mundo ay binubuo ng observed. “Used
magkakadikit-dikit at malalaking tipak nga tulad ng malalapad na a range of
bato. teaching
a. Teoryang ng Tectonic Plate strategies that
b. Teoryang Continental Drift. enhance learner
c. Teorya ng paglikha achievement in
d. Teorya ng kapuluan literacy and
numeracy skills.
2. Ito ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na
binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
a. Mito
b. Relihiyon
c. Teorya
d. Alamat

3. Sang-ayon sa Teorya ang bansa ay may lumalang na Diyos.


a. Teoryang Continental Drift
b. Teoryang Tectonic Plate
c. Teorya ng Paglikha
d. Teorya ng Kapuluan

4. Sang-ayon sa mito ang bansang Pilipinas ay sinasabi na ang tatlong


kapuluan ay naipangalan sa anak ng isang ________________.
a. Tikbalang
b. higante
c. dwende
d. Diwata

5. Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga


bulkan sa paligid ng Pacific Basin.
a. Teorya ng Continental Drift
b. Teoryan ng Bulkanismo
c. Teorya ng Tectonic Plate
d. Teorya ng Tulay na lupa

C) Paghahabi sa
layunin ng aralin Panoorin at basahin.

Panoorin:
Plate Tectonics
The Creation

Basahin
Alamat ng Pilipinas (tumawag ng isang bata na magbasa)

PAMAGAT: ALAMAT NG PILIPINAS


MAY AKDA: Pinoy Collection

TAUHAN:
Higante - ama nina Lus, Minda at Bisaya Minda – ang may
pinakamatigas ang ulo sa magkakapatid Lus at Bisaya – ang
magkapatid na tumulong sa pagligtas kay Minda sa dambuhalang
alon LUGAR NG PINANGYARIHAN

Ang kwento ay nangyari noong unang panahon sa bansang Pilipinas


noong hindi pa ito bahagi ng mundo at kung saan may higanteng
nakatira sa kweba. PANGYAYARI: Suliranin Ang suliranin sa
kwento ay kinakailangan umalis ng amang higante upang mangaso sa
kabilang pulo. Kailangang maiwan ang tatlong magkakapatid kaya
lang si Minda ay hindi masunurin sa ama. Solusyon Ang solusyon sa
kwentong ito ay dapat nakinig si Minda sa kanyang amang higante
upang hindi kasamang napahamak ang mga kapatid nya sa katigasan
ng kanyang ulo. Sana ay hindi sila nalunod tatlo kung na sa loob
lamang sila ng kanilang pamamahay. KATAPUSAN Ang katapusan
sa alamat ng Pilipinas ay naging tatlong malalaking pulo ang
magkakapatid na tinatawag natin ngayong Luzon, Visayas at
Mindanao kung saan matatagpuan natin sa katimugang Asya ARAL
SA KWENTO Ang alamat ng Pilipinas ay nagbibigay aral na huwag
magiging matigas ang ulo dahil nagdudulot ito ng kapahamakan sa
tao. Pagkaminsan pa nga ay kapahamakan din ang dulot nito sa iba.

Ang mga pinanood natin at binasa natin ay kung saan sinasabing


diyan nagsimula ang bansa.

Pag-aralan natin ito ng maigi.

D) Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa Talakayin natin!
bagong aralin
Mga Teorya tungkol sa Pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas
Batay sa siyensiya, ang daigdig ay sinasabing may ilang bilyong taon
na. Kaugnay nito, may ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo
ng mga lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong anyo matagal na
panahon na ang nakarararaan. Ang siyentista ay may iba’t ibang
paliwanang tungkol sa pinagmulan ng mga kalupaan sa daigdig.
 Ang teorya ay isang kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan
ng pananaliksik.
 Ang ibig sabihin ng mito o mitolohiya (myth) ay kumpol ng
mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala.

Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga


Diyos at nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa likas na
kaganapan. May kaugnayan ang mito o mitolohiya sa
alamat at kuwentong bayan
 Ang relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang
paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na
nag-uugnay ng sangkatauhan sa espiritwalidad at minsan ay
sa moralidad

Mga Pinagmulan ng Pilipinas:


1. Teorya ng Tectonic Plate o ang Paggalaw ng mga Kalupaan
In this area,
Batay sa siyensa, ang daigdig ay sinasabing may ilang bilyong
taon na. indicator #4 was
observed.
 May ilang paghihinuha na ang kasalukuyang anyo ng mga “Displayed
lupain sa daigdig ay iba sa dati nitong anyo matagal na proficient use of
panahon na ang nakaraan. Mother Tongue,
Bahagi rin ng mga lupain sa Filipino and
daigdig ang kapuluan ng Pili- English to
pinas na pinaniniwalaang du- facilitate teaching
maan din sa matagal na pro- and learning.”
seso ng pagbabagong pisikal
bago ito humantong sa kasa-
lukuyang anyo nito.

 Ang Teorya ng Plate Tectonic ay iniuugnay sa pinagmulan


ng kapuluan ng Pilipinas.
 Ipinaliliwanag ng teoryang ito
ang paggalaw ng kalupaan.
 Ayon dito, ang crust ay naha
hati sa malalaki at makaka-
pal na tipak ng lupa na tina-
tawag na mga tectonic
plate.

 Alam mo ba na patuloy ang paggalaw ng ng mga kontinente sa


kasalukuyan? Gumagalaw ang mga tectonic plate mula sa isa
hanggang sampung sentimetro bawat taon.
 Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic
plate – sa
athenosphere
(sa mantle)
ay napapagalaw
rin ang
mga tectonic
plate pala-
yo, pasalubong,
at pagilid
sa isa’t-isa.

Ang ganitong paggalaw ay naging sanhi ng pagkakabaluktot


ng plato. Nagkaroon ng guwang sa pagitan nito na siyang
lumikha ng mga malalim na bahagi ng karagatan (trenches) at
pag-angat ng ilang bahagi ng plato.
Ang paggalaw ng init ng asthenosphere ang nagdudulot ng
paggalaw ng tectonic plate.

Naging sanhi rin ito ng matitinding lindol at malalakas na


pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan. Ang
mga volcanic material na ibinuga ng mga bulkang ito ay unti-
unting naipon at naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng
dagat.
Sinasabing ang Palawan, Kanlurang Luzon, Timog ng Bundok
Sierra Madre at Bundok ng Cordillera ay bunga ng prosesong
plate tectonic.
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Mito
Samu’t saring mga kuwento o alamat naman mula sa ating mga
ninuno ang maiuugnay sa pinagmulan ng Pilipinas.
 Ayon sa mito ng mga Bagobo, ang kanilang diyos na si Melu
ang may gawa ng daigdig gamit ang kanyang sariling
libag sa katawan at iyon daw ang naging mga kapuluan.
 Para naman sa mga Manobo ang daigdig ay mula naman daw
sa kuko ng kanilang diyos.
 Isang palasak na kuwento naman sa Luzon, ang nagsabi na
wala pang nilikha sa daigdig kundi ang langit, dagat, at isang
uwak na lilipad-lipad na naghahanap ng matutungtungan
sa lawak ng karagatan. Wala siyang makita kaya siya’y
umisip ng paraan at pinaglaban ang dagat at langit. Ininugan
at ibinulwak ng dagat sa langit mang kanyang tubig. Bilang
ganti, ang langit nama’y naghulog ng mga bato at lupa sa
tubig kaya’t napahinto ang alon at nagkaroon ng mga …pulo
na mapapagpahingahan ng uwak.

 Ayon naman sa Matandang Panay sa Visayas, mayroon ding


ibong tinatawag na Manaul na siyang
pinakamakapangyarihan sa kalangitan. Ayon sa alamat,
pagod na pagod na sa pakikipaglaban sa dagat ang langit kaya
siya’y dumalangin sa ibon. Binungkal ni Manaul sa ilalim ng
dagat ang kimpal-kimpal na lupa at inihagis sa dagat. Ito ang
kauna-unahang pulo.
 May ilang nagsasabi naman na ang Pilipinas ay nabuo dahil
sa tatlong higante na naglaban. Sila raw ay naglaban gamit
ang mga bato at mga dakot na lupa na nahulog sa dagat na
siyang bumuo sa kapuluan.
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Relihiyon
 Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging relihiyoso at
paniniwala sa tinuturing nating makapangyarihan sa lahat
tulad sa mga Kristiyano na naniniwala sa Panginoong Diyos
Ama (Jehova) at kay Hesu Kristo at si Allah naman para sa
mga Muslim.

Ang Diyos ang lumikha ng ating Daigdig ayon sa Biblia na


matatagpuan sa Genesis 1:8-15.

7 na araw na Paglikha ng Diyos sa Daigdig

Unang araw Paglikha ng daigdig at


liwanag
Ikalawang araw Paghihiwalay ng tubig sa
kaitaasan at sa ibaba at
pagkakaroon ng
kalawakan
Ikatlong araw Paglalang ng mga
halaman
Ika-apat na araw Paglalang ng araw,
buwan at bituin
Ikalimang araw Paglalang sa mga isda at
mga hayop na lumilipad
Ika-anim na araw Paglalang ng mga hayop
sa lupa at tao
Ikatpitong araw Natapos na ang
paglalang at ang
Panginoon ay
nagpahinga at
binendisyonan ang araw
na ito.

 Magkakaiba-iba man ang paniniwala ng mga Muslim at


Kristiyano ngunit parehong naniniwala na ang kanilang
sinasamba ang may likha sa mundo at kabilang na rito ang
Pilipinas. Sa mga kristiyano nakasaad ang paglalang ng
Diyos sa sandaigdigan sa Genesis sa Bibliya samantalang sa
Qur’an naman sa mga Muslim.

E) Pagtatalagay ng Pangkatang Gawain (4 groups)


bagong konsepto sa
Crossword puzzle: Gamitin ang worksheet na ibibigay sa inyo. In this area,
paglalahad ng bagong
indicator #9 was
kasanayan #1
observed. “Used
strategies for
providing timely,
accurate and
constructive
feedback to
improve learner
performance.”

F) Pagtalakay ng
bagong konsepto at
Isahang Gawain
paglalahad ng bagong
kasanayan #2 Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pinagmulan ng Pilipinas. In this area,
Tukuyin kung ito ay mito o relihiyon. Isulat sa papel ang tamang indicator #6 was
sagot. observed.
“Maintained
_____________1. Labanan ng langit at dagat
learning
_____________2. Paglalaban ng tatlong higante gamit ang mga bato environments that
lupa promote fairness,
respect and care
_____________3. May higit na puwersa na naglalang sa daigdig to encourage
_____________4. Paghiling ng Punong Pinagmulan na magkaroon ng learning.”
lupa at kagubatan na madapuan ng ibon.
_____________5. Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan.

G) Paglinang ng Para sa lahat: Ipaliwanag sa klase.


kabihasaan (tungo sa
Alin sa mga teorya ang may ebidensiyang katanggap tanggap sa iyo? In this area,
Formative
At bakit? indicator #3 was
Assessment)
observed.
“Applied a range
of teaching
strategies to
develop critical
and creative
thinking, as well
as other higher-
order thinking
skills.?

H) Paglalapat ng Paglalapat sa pang-araw araw na buhay.


aralin sa pang-araw-
Tectonic Theory
araw na buhay
Pag-unawa sa mga natural na kalamidad. Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa isang seismically active na rehiyon, kaya ang pag-
unawa sa tectonic theory ay makakatulong sa mga tao na maunawaan
ang mga sanhi ng mga natural na kalamidad tulad ng lindol at
tsunami. Ang kaalamang ito ay magagamit upang mapagaan ang mga
epekto ng mga sakuna na ito at magligtas ng mga buhay.
Paggalugad ng likas na yaman. Ang teoryang tectonic ay maaari ding
gamitin upang tuklasin ang mga likas na yaman tulad ng langis at gas.
Sa pamamagitan ng pag-unawa kung paano nabuo ang crust ng Earth,
matutukoy ng mga siyentipiko ang mga lugar kung saan malamang na
matagpuan ang mga mapagkukunang ito.
Pagpaplano para sa hinaharap. Ang tectonic theory ay maaari ding
gamitin sa pagpaplano para sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pag-
unawa kung paano nagbabago ang crust ng Earth, mahuhulaan ng
mga siyentipiko kung saan maaaring mabuo ang mga bagong landmas
o kung saan maaaring lumubog ang mga umiiral na landmas. Ang
impormasyong ito ay maaaring gamitin upang magplano para sa
hinaharap na pag-unlad at upang maprotektahan ang mga komunidad
mula sa mga epekto ng mga natural na kalamidad. In this area,
indicator #7 was
Mito at Relihiyon observed.
Pag-unawa sa pamanang kultural. Ang mga mito at relihiyon ng “Established a
Pilipinas ay makakatulong sa mga tao na maunawaan ang pamanang learner-centered
kultura ng bansa. Ang mga kwentong ito ay kadalasang naglalaman culture by using
ng impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas, pagdating ng teaching
mga unang tao, at pag-unlad ng iba't ibang kultura na umiiral ngayon. strategies that
respond to their
Pagsusulong ng kultural na turismo. Ang mga mito at relihiyon ng linguistic,
Pilipinas ay maaari ding gamitin upang isulong ang kultural na cultural, socio-
turismo. Sa pamamagitan ng pagbisita sa mga lugar kung saan economic and
itinakda ang mga kuwentong ito o sa pamamagitan ng pag-aaral religious
tungkol sa mga tradisyong nauugnay sa kanila, mas malalalim ang backgrounds.”
pagkaunawa ng mga tao sa mayamang pamana ng kultura ng
Pilipinas.
Pagbuo ng katatagan ng komunidad. Magagamit din ang mga mito at
relihiyon ng Pilipinas sa pagbuo ng katatagan ng komunidad. Sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kuwentong ito, matututunan ng
mga tao ang tungkol sa mga hamon na hinarap ng kanilang mga
ninuno at kung paano nila napagtagumpayan ang mga ito.
Makakatulong ang kaalamang ito sa mga tao na makayanan ang mga
hamon ng kasalukuyang panahon at bumuo ng mas matatag na
kinabukasan para sa kanilang mga komunidad.

I) Paglalahat ng Tandaan:
Aralin
Ang pinagmulan ng Pilipinas ay maaaring ipaliwanag sa
pamamagitan ng iba't ibang mga lente, kabilang ang tectonic theory,
mito, at relihiyon.
Ang teoryang tectonic ay nagbibigay ng siyentipikong paliwanag sa
pagbuo ng Pilipinas. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang Pilipinas nang
magbanggaan ang Philippine Sea Plate at Eurasian Plate. Ang
banggaan na ito ay naging sanhi ng pag-angat ng kalupaan at nabuo
ang mga isla ng Pilipinas.
Ang mga alamat ay nagbibigay ng higit pang kultural na paliwanag sa
pinagmulan ng Pilipinas. Maraming alamat ng Pilipino ang
nagsasalaysay kung paano nabuo ang mga isla ng mga diyos, espiritu,
o iba pang supernatural na nilalang. Ang mga alamat na ito ay
madalas na sumasalamin sa mga kultural na halaga at paniniwala ng
mga mamamayang Pilipino.
Ang relihiyon ay nagbibigay din ng lente upang makita ang
pinagmulan ng Pilipinas. Maraming relihiyong Pilipino ang
naniniwala na ang mga isla ay nilikha ng isang pinakamataas na
nilalang o diyos. Ang mga relihiyong ito ay madalas na nagtuturo na
ang Pilipinas ay isang espesyal na lugar na nilikha para sa
mamamayang Pilipino.
Bagama't ang bawat isa sa mga lente na ito ay nagbibigay ng ibang
pananaw sa pinagmulan ng Pilipinas, lahat sila ay nag-aalok ng mga
pananaw sa mayamang kasaysayan at kultura ng bansa.
Sa huli, nasa bawat indibidwal na magpasya kung aling ang pinaka-
nakakahimok sa na nakatanggap tanggap sa kanilang sarili.
Magsaliksik pa.

J) Pagtataya ng Aralin Pagtataya


Piliin ang tamang sagot. Isulat sa inyong notebook ang titik lamang:
1. Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang
konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng
pananaliksik.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon
2. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust
a. asthenosphere b. tectonic plate
c. mantle d. bulkan

3. Tumutukoy sa kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga


kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon

4. Nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan sa mundo


a. Lindol b. pagputok ng bulkan
c. teorya ng Plate Tectonic d. mito

5. Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala ng mga sistemang


kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa
epirituwalidad at minsan sa moralidad.
a. teorya b. siyensiya c. mito d. relihiyon

K) Karagdagang Takdang aralin: Pagpapaliwanag


Gawain para sa
Sagutin mo.(10 puntos)
takdang aralin at
remediation Sa araling ito, ano ang pinakamahalaga mong natutunan? Bakit?

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY “Nakadepende ang pagiging maligaya sa buhay hindi sa kung anong meron ka, kundi sa kung ano
ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.”

A. Bilang ng
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation

E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin
ang aking naranasan
na solusyonan sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

You might also like