You are on page 1of 42

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 8

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na
Pagganap papel ng pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilyang nagpapakita ng pagtulong sa
Pagkatuto. Isulat ang code kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong
ng bawat kasanayan panlipunan (papel na pampolitikal). EsP8PB Ig – 4.1
2. Naipakikita ang pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at pagbabantay sa mga batas at
institusyon sa lipunan.
3. Napahahalagahan ang mga gawain o karanasan ng pamilya sa pagtulong sa kapitbahay o
pamayanan at pagbabantay sa mga batas at institusyon sa lipunan.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 69-78


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 75-102


Kagamitang Pang-Mag-

126
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/search?query=edukasyon+sa+pagpapakatao+modyul+4&page=2


mula sa portal ng Learning http://lrmds.deped.gov.ph/detail/5535
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturong Biswal: LCD projector, laptop


Panturo
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Tumawag ng apat na mag-aaral. Ipabasa at pasagutan ang mga tanong na nakasulat sa
aralin at pagsisimula ng metastrips.
bagong aralin. a. Ano ang papel ng pamilya sa lipunan?
b. Bakit kailangan ng isang matatag na pamilya sa maunlad na lipunan?

2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 10


minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isualt ang tititk ng pinakatamang sagot sa iyong
notbuk.

127
_____1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabantay sa karapatan ng pamilya?

_____2. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa
pagpapatatag ng mga pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at
pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may saki na magtamo ng pisikal, panlipunan,
pampolitikal at pang-ekonomiyang seguridad;

_____3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at tungkulin nito?
a. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.

128
b. Hindi maisusulong at maproprotektahan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya
kung hindi nito alam kung ano-ano ang karapatan at tungkulin nito.
c. Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
d. Maraming pamilyang karapatan lamang ang ipinaglalaban ngunit hindi ginagampanan
ang tungkulin.

_____4. Ano ang implikasyon ng pangungusap? “Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang
pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta
sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”
a. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga karapatan at
tungkulin nito.
b. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang
proteksyon sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at
maging ganap na tao sa pinakamabuting kapaligiran.
c. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa pamilya; hindi
kailangang sumabay sa mga pagbabagong ito ang pamilya.
d. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil napapabayaan na ng
pamahalaan ang pangangalaga sa mga karapatan nito.

_____5. Suriin ang mga larawan. Iayos ang mga ito ayon sa maaaring maging pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.

129
_____6. Sa iyong palagay, anong tanong ang kaugnay ng likas-kayang pag-unlad o sustainable
development ang angkop na itanong tungkol sa mga larawan sa bilang 5?
a. Ano ang epekto sa ating hinaharap ng mga basurang likha ng mabilis na pagbabago
sa teknolohiya?
b. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na basurang likha ng mabilis na
pagbabago sa teknolohiya?
c. Paano makatutulong ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa pagpapanatili ng
mga likas na yaman ng daigdig?

130
d. Ano ang epekto ng kawalan ng kaalaman sa makabagong teknolohiya?

B. Panuto: Tulungan ang pamilya Salve na makatawid sa kabila ng palaisipang ito. Ang bawat
sitwasyon o pahayag ay may katapat na daang nagtatapos sa Tagpuan ng mga
Dahilan. Tulungan ang bawat miyembro ng pamilyang makauwi sa kanilang tahanan sa
pamamagitan ng pagpili ng tamang dahilan o konsepto kaugnay ng naunang sitwasyon
o pahayag. Isulat sa patlang ang tamang titik ng angkop na dahilan o konsepto sa
bawat sitwasyon o pahayag. Ginawa na ang unang bilang para sa iyo.

Mga Sitwasyon at Pahayag


1. Ang ama ang nagsisilbing haligi ng tahanan; siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya.
Nakahanda siyang magtiis ng pagod at hirap para lamang maitaguyod ang kanyang asawa at

131
mga anak.
2. Hindi positibo ang pagiging labis na makapamilya. Sa halip na makiisa sa lipunan ay
pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ang nililikha nito.
3. Dapat na tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng tulong ng
pamahalaan.
4. Ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na isaisip ang kabutihan ng
lahat ng tao.
5. Si Ka Desto ang pinakamatanda sa magkakapatid na Reyes. Lahat sila ay may kanya-kanyang
pamilya. Tuwing sasapit ang eleksyon ay nagkakaroon ng pagpupulong ang magkakapatid at
kani-kanilang mga pamilya tungkol sa mga kandidatong kanilang susoportahan sa eleksyon.

Mga Dahilan at Konsepto


a. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig at iba
pang nilikha.
b. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at mga institusyong
panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at
tungkulin ng pamilya.
c. Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapwa kaysa sa debosyon sa pamilya.
d. Ang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya ay dapat na pangibabawan ng batas ng
malayang pagbibigay.
e. Nagagampanan ng pamilya ang kanyang tungkuling panatilihin at paunlarin ang kanyang
lipunang ginagalawan

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilyang nagpapakita ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong
panlipunan (papel na pampolitikal).
2. Naipakikita ang pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at pagbabantay sa mga batas at
institusyon sa lipunan.

132
3. Napahahalagahan ang mga gawain o karanasan ng pamilya sa pagtulong sa kapitbahay o
pamayanan at pagbabantay sa mga batas at institusyon sa lipunan.

B. Ipakita ng guro ang sumusunod na larawan. Suriin ito at sagutin ang mga gabay na tanong.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Integrative Approach)

1. Ano-ano ang gawaing nakikita mo sa larawan?


2. Saan karaniwang nagaganap ang mga gawaing nasa larawan?
3. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong sumama sa mga ganitong gawain? Ibahagi ang iyong
mga naging karanasan.
4. Nakikibahagi ba ang iyong pamilya sa mga gawaing tulad nito? Bakit mahalagang makibahagi
ang pamilya sa ganitong mga gawain?
5. Kasapi ba ng isang samahan ang iyong pamilya sa inyong lugar? Paano nakatutulong ang

133
pagiging kasapi ng samahang ito sa iyong pamilya? Paano nakatutulong ang iyong pamilya sa
samahang inyong kinabibilangan? Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga Ipabasa sa mga mag-aaral ang sumusunod na sitwasyon. Pasagutan ang mga tanong na nasa
halimbawa sa bagong ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
aralin
Isang nakaeeskandalong billboard ad ng alak ang labis na tinutulan ng isang pampamilyang
organisasyon. Nagpapakita kasi ito ng pang-aabuso sa mga kabataan, maling pananaw sa
sekswalidad, at pagpapahalagang nakasisira sa integridad ng pamilya. Ang organisasyong ito ay
sumulat sa pamahalaan, nagbayad ng anunsyo sa dyaryo tungkol sa kanilang pagtutol sa billboard
ad na ito at hiniling nilang ipatanggal ito sa pambansang lansangan ng EDSA. Ang ingay na nilikha
ng organisasyong ito ay nakatawag ng pansin ng mga nasa pamahalaan at ng iba pang mga
organisasyon at pribadong grupo. Dahil sa mahigpit na pagbabantay ng organisasyong ito ay
nabigyan ng aksyon ang kanilang hinaing at dahil na rin sa nakitang di magandang pagtanggap sa
kanilang billboard ad ay kusang ipinatanggal ito maging sa mga lathalain ng mismong nagpagawa
rin ng anunsyong ito.

1. Ang pamilya mo ba ay mapagbantay rin?


2. May katulad ka bang karanasan kasama ang iyong pamilya kung saan iginiit ninyo ang tama at
ang makabubuti sa pamilya at sa pamayanang inyong kinabibilangan?
3. Sa iyong palagay, ano-ano ang karapatan ng pamilyang kailangan nitong bantayan?

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlong grupo. Punan ang tsart na nasa ibaba. Tingnan ang halimbawa.
konsepto at paglalahad ng Iulat sa klase ang natapos na gawain ng bawat pangkat. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
bagong kasanayan #1 (Reflective/Constructivist Approach)

134
Mga Kaugnay na
Isyu o Insidente ng
Mga Karapatan at Tungkulin ng Paglabag sa Paano Ito Binantayan, Iginiit o
Pamilya Karapatan at Ipinaglaban
Tungkulin ng
Pamilya
Halimbawa: Ang aking pamilya Nakipag-usap ang aking mga
Ang karapatan sa paniniwala at ay Katoliko, ngunit magulang sa ilan pang pamilyang
pagpapahayag ng pananampalataya walang simbahan o Katoliko sa pamayanan at lumiham
at pagpapalaganap nito kapilyang malapit sa sa Obispo ng Diosesis upang
Ang karapatang palakihin ang mga aming tirahan o mapatayuan ng kapilya at
anak ayon sa mga tradisyon, barangay. magkaroon ng paring magmimisa
pananampalataya, at rito.
pagpapahalaga at kultura sa Nakipagtulungan kami sa ibang
pamamagitan ng mga kailangang mga pamilya rito upang
kagamitan, pamamaraan, at makapagtayo ng maliit na kapilya
institusyon sa isang bakanteng lote malapit sa
Barangay Hall.

Ikaw naman:

Mga Karapatan at Mga Kaugnay na isyu o insidente ng Paano ito binantayan,


Tungkulin ng Pamilya paglabag sa karapatan at tungkulin ng iginiit o ipinaglaban
pamilya

135
E. Pagtalakay ng bagong Gamit ang dating pangkat, bumuo ng dula-dulaang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga
konsepto at paglalahad ng gampanin ng pamilya sa kapitbahay/pamayanan at pagbabantay sa mga batas at institusyon sa
bagong kasanayan #2 lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)

Unang grupo - Pagpapahalaga sa mga Gampanin ng Pamilya


Ikalawang grupo - Pagpapahalaga sa Kapitbahay at Pamayanan
Ikatlong grupo - Pagbabantay sa mga Batas at Institusyon sa
Lipunan
F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong mga sagot sa notbuk.
(Tungo sa (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
Formative Assessment) 1. Ano ang papel ng pamilya sa lipunan?
2. Ano-ano ang mga karapatan ng bawat miyembro ng pamilya. Ipaliwanag.
3. Paano maiiwasan ang pang-aabuso ng karapatan ng bawat isa? Ipaliwanang.

G. Paglalapat sa aralin sa Itala ang kahalagahan ng pagtulong ng pamilya sa pamayanan upang magkaroon ng maunlad at
pang-araw-araw na buhay mapayapang lipunan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1.________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
4. ________________________________
5. ________________________________

H. Paglalahat sa aralin Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigayang dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw-araw.
Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natutuhan sa loob ng tahanan.

I. Pagtataya ng Aralin Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga paraan ng pagtulong ng pamilya salipunan. Gamitin

136
ang kraytirya sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
Kraytirya:
a. Angkop sa Paksa 40%
b. Paggamit ng Salita 30%
c. Orihinalidad 20%
d. Kalinisan 10%

J. Karagdagang gawain para Isagawa ang alinman sa sumusunod.


sa takdang-aralin at 1. Magsagawa ng survey sa inyong pamayanan o barangay. Itanong ang sumusunod sa limang
remediation pamilya.
a) Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?
_____ Oo. Kung Oo, itanong ang mga katanungan mula b hanggang d.
_____ Hindi. Kung Hindi, itanong: Bakit po? Dahilan: ______________
________________________________________________________
b) Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?
c) Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?
d) Sa inyong palagay, ano-ano po ba ang mga pangangailangan ng pamilya?
e) Sa inyo pong palagay, natutugunan po ba ng ating pamahalaan ang mga pangangailangan
ng pamilyang Pilipino?

2. Humanda sa pagbabahagi sa klase.


IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na

137
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

138
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaralang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaralang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel
Pagganap ng pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampolitikal na
Pagkatuto. Isulat ang papel nito. EsP8PB - Ig – 4.2
code ng bawat 2. Naipakikita ang gampaning panlipunan at pampolitikal ng pamilya.
kasanayan 3. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga pangunahing kontribusyon ng pamilya sa
lipunan.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 69-78


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 75-102


Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

139
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/search?query=edukasyon+sa+pagpapakatao+modyul+4&page=2
mula sa portal ng http://lrmds.deped.gov.ph/detail/5535
Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang https://youtube/OqK8mYmlhiM


Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Isulat sa kahon ang mga karapatan ng pamilya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
aralin at pagsisimula ng Approach)
bagong aralin.

Karapatan ng Pamilya

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampolitikalna
papelnito.
2. Naipakikita ang gampaning panlipunan at pampolitikal ng pamilya.
3. Naipahahayag ang sariling damdamin ukol sa mga pangunahing kontribusyon ng pamilya sa
lipunan.

B. Panoorin ang video presentation tungkol sa 3 Misyon ng Pamilya sa Lipunan.

140
https://youtube/OqK8mYmlhiM. Habang nanonood ng video presentation, ipamahagi ang meta
cards at ipasulat sa mga mag-aaral ang tatlong misyon ng pamilya sa lipunan attumawag ng
ilang magpapaliwanag sa bawat misyong nabanggit. Pasagutan ang mga tanong sa ibaba.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ano-anong mahahalagang impormasyon ang ipinahayag sa video presentation?


2. Paano mo maisasakatuparan ang bawat misyon bilang miyembro ng pamilya? Ipaliwanag.

C. Pag-uugnay ng mga Sa pamamagitan ng powerpoint presentation, basahin at unawain ang sanaysay. Tumawag ng mga
halimbawa sa bagong mag-aaral na magsasagot sa mga tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
aralin
Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

“Ang tao ay hindi lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay isang panlipunang nilalang, likas
na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak o mananatiling buhay kundi sa pamamagitan
ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang tao ay bahagi ng kanyang pagiging tao.” (Sheen, isinalin
mula sa Education in Values: What, Why and For Whom ni Esteban, 1990).
“Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigayang dapat na bahagi ng buhay pamilya sa pang-araw-araw.” Lahat ng tao ay
ipinanganganak na sanggol na walang kakayahan at walang muwang. Kaya nga’t ang tao ay
ipinanganganak sa isang pamilya. Ang tao kailanman ay hindi makapagpaparami nang mag-isa sa
natural man o artipisyal na paraan. Hindi rin siya mabubuhay nang walang nag-aaruga sa kanya
hanggang sa siya ay lumaki, magkaisip, at maghanapbuhay. Upang maging ganap ang pagkatao,
kailangan niyang maranasan ang magmahal at mahalin; at sa huling sandali ng kanyang buhay ay
kailangan niya ng kalinga ng iba, lalo’t siya’y matanda at mahina na. Kaya nga kailangan ng tao ang
kanyang kapwa; dahil dito kailangan niyang matutong makipagkapwa. Ang pakikipagkapwa, tulad
ng maraming bagay kaugnay sa kanyang pagkatao ay kailangang matutuhan ng tao. Hindi mo
maibibigay ang isang bagay kung wala ka nito. Hindi mo maipakikita ang isang ugaling hindi mo
naranasan at natutuhan sa loob ng iyong pamilya. Ngunit hindi natatapos sa pagpaparami at

141
pagtuturo ng mga pagpapahalaga at birtud sa pakikipagkapwa ang halaga at tungkulin ng pamilya.
Isa sa anim na tungkulin at halaga ng pamilya ang paghubog ng pagiging mapanagutang
mamamayan. Ayon kay Esteban (1989), ang isang pamilya sa isang munting lipunan.
Upang umunlad ang kanilang buhay, kailangan ng pamilya ang makipag-ugnayan sa ibang pamilya
at ibang sektor ng lipunan. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon siya ng gampanin sa lipunan. Bukod
sa pagiging ama, ina, o anak, sila ay mga mamamayang maaaring maging punong-guro, doktor,
abogado, at iba pang propesyon sa lipunan. Bilang bahagi ng lipunan, tungkulin ng pamilyang
panatilihin at paunlarin ang lipunang kanyang ginagalawan. Magagawa ito ng pamilya sa
pamamagitan ng pagtupad sa kanyang papel sa lipunan.

Sagutan ang sumusunod na tanong


1. Paano naipakikita ang papel na panlipunan ng pamilya? Ipaliwanag.
2. Paano naipakikita ang pampolitikal na papel ng pamilya? Ipaliwanag.
3. Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan? Pangatwiranan.

D. Pagtalakay ng bagong Batay sa nasaliksik sa takdang-aralin tungkol sa survey sa inyong pamayanan o barangay,
konsepto at paglalahad ng ipahayag ang damdamin sa ginawang pagtulong ng pamilya sa kanilang pamayanan sa
bagong kasanayan #1 pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)

1. Paano tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?


2. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o simbahan?
3. Sa inyong palagay, ano-ano ba ang mga pangangailangan ng pamilya?
E. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlo. Mula sa nasaliksik na survey, ipakita ang mga ginawang pagtulong ng
konsepto at paglalahad ng pamilya sa lipunan sa pamamagitan ng dula-dulaan. Gamitin ang Kraytirya sa ibaba. (Gawin sa
bagong kasanayan #2 loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya
a. Husay ng pagganap - 40%
b. Kooperasyon at Disiplina - 30%

142
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan) - 30%

F. Paglinang sa Itala ang mgaPangunahing Kontribusyon ng Pamilya sa Lipunan. Gawin ito sa inyong notbuk.
Kabihasahan (Tungo sa (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
Formative Assessment) Pangunahing Kontribusyon ng Pamilya sa Lipunan
1. _______________________________________________
2. _______________________________________________
3. _______________________________________________
4. _______________________________________________
5. _______________________________________________

G. Paglalapat sa aralin sa Basahin ang sumusunod na pahayag mula sa konteksto ng paksa at ipaliwanag ang bawat isa.
pang-araw-araw na buhay (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

1. Ang isang pamilya sa isang munting lipunan ay kailangang makipag-ugnayan sa ibang pamilya at
iba pang sektor ng lipunan.
2. Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at
pagbibigayang dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw.
3. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan.
4. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at
ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang.
5. Kaya nga kung may pinintasan sa iyong kapamilya ay parang ikaw na rin ang napintasan.” (Dy,
2012)

H. Paglalahat sa aralin Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad at ang diwa ng bayanihan. Ngunit
hindi sapat na panatilihin lamang ang mga ito sa loob ng pamilya. Kaya nga may pagkakataon na
hindi nagiging positibo ang pagiging labis na makapamilya ng mga Pilipino. Imbes na makiisa sa
lipunan ay pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ang nililikha nito. Ang labis na pagkiling sa
pamilya ay maaaring mangahulugan ng paggamit ng posisyon at kapangyarihan para sa

143
kapakanan ng pamilya. Nagiging sanhi rin ito ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga
posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya lamang. Ang
nangyayari ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya.

I. Pagtataya ng Aralin Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kalahating bahagi ng iyong
papel. (5 puntos bawat tanong) (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Ano ang kahalagahang malaman ang papel ng pamilya sa lipunan?
2. Ano ang maidudulot sa pagkatao ng pakikilahok sa mga samahang boluntaryong naglilingkod sa
pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad. Bigyang katuwiran ang kasagutan.
3. Paano mo maipakikita ang buong pusong pagtanggap, pag-uusap, bukas-palad at paglilingkod
nang bukal sa puso at matibay na bigkis at pagkakaisa sa iyong kapwa?

J. Karagdagang gawain para Gamit ang graphic organizer, sagutan ang mahalagang tanong. Bakit mahalagang magampanan ng
sa takdang-aralin at pamilya ang kanyang mga papel na panlipunan at pampolitikal?
remediation

144
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking

145
punong-guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

146
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikang papel
ng pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanansa
Pagkatuto. Isulat ang code pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay
ng bawat kasanayan sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). EsP8PB-Ih4.3
2. Naipadadama ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pangangalaga ng kalikasan.
3. Naisasagawa ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan, pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na
panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 69-78


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 75-102

147
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/search?query=edukasyon+sa+pagpapakatao+modyul+4&page=2


mula sa portal ng Learning http://lrmds.deped.gov.ph/detail/5535
Resource

B. Iba pang Kagamitang https://www.youtube.com/watch?v=iqhwDrOO2bI


Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Ipakita ang graphic organizer na sinagutan ng bawat pangkat sa nakaraang takdang
aralin at pagsisimula ng aralingnaglalaman ng mga mahahalagang gampanin ng pamilya sa lipunan at maging gampanin
bagong aralin. ng pamilya sa politika. Tumawag ng mag-uulat mula sa bawat pangkat. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective/Collaborative Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay
sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na pampolitikal).
2. Naipadadama ang pananagutan ng pamilya sapagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pangangalaga ng kalikasan.
3. Naisasagawa ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa
pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan, pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na
panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan.

B. Pakinggan at panoorin ang awiting may pamagat na “Kapaligiran” ng Asin mula sa youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=iqhwDrOO2bI. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

148
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

1. Anong linya mula sa awitin ang pumukaw ng iyong isipan? Isa-isahin.


2. Ibigay ang mensahe ng awit na inyong napakinggan at napanood.

C. Pag-uugnay ng mga Pumili ng limang mag-aaral na magsasagawa ng Talk Show na may pamagat na “Kapwa Ko
halimbawa sa bagong Mahal Ko” upang maipadama o maipakita ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng
aralin mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan. Magkaroon ng
talakayan ukol dito. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative/Reflective Appraoch)

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa lima. Magsagawa ng brainstorming at ilista sa tamang kolum ng tsart ang
konsepto at paglalahad ng mga suliraning nakahahadlang sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan o barangay. (Gawin sa
bagong kasanayan #1 loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)

Pangangailangan ng Halaga sa Pamayanan Kakayahang Malutas o


Madaliang Pagkilos Matugunan Ito ng Inyong
Pamilya

E. Pagtalakay ng bagong Sa pamamagitan ng PowerPoint Presentation, ipabasa sa mga mag-aaral ang sanaysay tungkol
konsepto at paglalahad ng sa Pangangalaga sa Kalikasan. Pagkatapos, tumawag ng tatlong mag-aaral upang sagutin ang
bagong kasanayan #2 katanungan. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)

149
Pangangalaga sa Kalikasan

Dapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapwa sa uri ng pamumuhay ng


pamilya. Ang labis na kayamanan ay nakaeeskandalo kung ito ay walang pakundangang
ipinangangalandakan sa harap ng mga taong minsan sa isang araw na lamang kumakain. Ang
walang habas na pag-aaksaya, pamumuhay sa labis na karangyaan at luho ay paglabag sa
tuntunin ng moralidad. Kaya nga mahalaga ang pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng
pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga kay Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa
paglago ng tao at ng sangkatauhan ay ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang
nakaeeskandalong karangyaan sa kabilang bahagi nito. Ang hindi pagkakapantay na ito ay isang
paglabag sa katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilyang sikaping maging pantay ang turing
sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa buhay.

Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa lahat ng Kanyang
nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa. Ang tao ay tagapamahala
lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig, at iba pang nilikha ng Diyos sa
mundo. Kaya nga ang pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng alinman sa mga
elementong ito ay dapat na may kalakip na paalaalang ang mga ito ay kaloob ng Diyos at hindi
likha ng tao. Samakatuwid, ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na
isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao sa paggamit nito. Ang hangin at tubig sa ating himpapawid at
mga karagatan ay hindi dapat abusuhin ng ilang tao, o maging ng mga industriya o korporasyong
karaniwang pag-aari ng ilang mayayamang pamilya; bagkus dapat na gamitin para sa kabutihan
ng lahat ng tao sa mundo. Kaya nga walang karapatan ang mga industriyang dumihan ang hangin
ng maruming usok galing sa kanilang mga pagawaan at dumihan ang mga ilog at dagat ng
polusyong nakalalason sa tubig at pumapatay ng mga nabubuhay rito.

Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat


ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong
nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga

150
proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na
basura, ang 3Rs (reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami
pang iba.
1. Paano makatutulong ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay sa pagpapanatili ng mga likas
na yaman sa daigdig?
2. Sa paanong paraan maipakikita ang pangangalaga ng pamilya sa kalikasan? Isa-isahin.
3. Bakit kailangang pangalagaan ng pamilya ang kalikasan? Ipaliwanag.

F. Paglinang sa Kabihasahan Lagyan ng like sign kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pangangalaga ng kalikasan.
(Tungo sa Formative Lagyan naman ng dislike sign kung ang pangungusap ay hindi nagpapahayag ng pangangalaga
Assessment) ng kalikasan.(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

_______1. Ang palagiang pagputol ng punong kahoy sa aming baranggay


_______ 2. Ang aming paaralan ay naglulunsad ng clean-up drive buwan-
buwan.
_______ 3. Madalas na tinatapon ng aming kaptibahay sa tabing ilog ang diaper na ginamit ng
kanyang sanggol na anak.
_______ 4. Si Shaira ay palaging gumagamit ng spray net lalo nakapag pumupunta sa party.
_______ 5. Ang kanilang tahanan ay maraming mga tanim na gulay.
_______ 6. Ang organisasyong kinabibilangan ng aking tatay ay naglunsad ng tree planting.
_______ 7. Ni-re-recycle ni John ang mga plastik na bote na kanyang ginamit.
_______ 8. Ang mga magsasaka sa aming barangay ay hindi gumagamit ng mga inorganic
fertilizers.
_______ 9. Angaming dating malinis na ilog ay maitim na sanhi ng mga waste mula sa pabrika ng
langis.

151
_______10. Naglalagay ng label sa aming basurahan ng Biodegradablle at Non-Biodegradable,
ang aking kapatid.

G. Paglalapat sa aralin sa Isulat ang hinihinging sagot sa bawat hanay. Pipili ang guro ng ilan sa mga mag-aaral na
pang-araw-araw na buhay magbabahagi sa klase ng kanilang mga kasagutan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
Approach)
Mga Paraan ng Pangangalaga ng Kalikasan ng Pamilya Bilang Miyembro ng Lipunan
1.
2.
3.
4.
5.

H. Paglalahat sa aralin Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat
ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong
nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na nagtataguyod ng mga
proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga nabubulok at di nabubulok na
basura, ang 3Rs (reduce, reuse, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami
pang iba.

I. Pagtataya ng Aralin Sumulat sa journal ng sampu o higit pang pangungusap na nagpapahayag ng mga nagawa mo at
ng iyong pamilya para sa pangangalaga ng kalikasan. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Reflective
Approach)
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%

152
J. Karagdagang gawain para Sa tulong ng iyong pamilya, suriin ang profile ng ilang nakaupong opisyal ng lokal na pamahalaan
sa takdang-aralin at sa inyong lugar. Markahan ang mga ito ayon sa kanilang mga naging plataporma, proyekto at mga
remediation ipinahayag na prinsipyo tungkol sa ilang mahahalagang isyung nakaaapekto sa integridad ng
pamilya tulad ng pabahay, kasal, diborsyo, aborsyon at iba pa. Maghanda para sa pagbabahagi ng
inyong ginawa.
Pangalan at posisyon ng Opisyal : Hon.Dustin Angkop –City Mayor
Mga Karapatan at Plataporma Proyekto Prinsipyo
Tungkulin ng Pamilya
/
Isyu
Halimbawa: / / /
a. Ang karapatang
mapangalagaan ang
mga kabataan, sa
pamamagitan ng
mga institusyon at
batas, laban sa
mapanirang droga,
pornograpiya,
alkoholismo at iba pa /

b. Ang karapatang
umiral at
magpatuloy bilang
pamilya; o ang
karapatan ng lahat
ng tao, mayaman
man o mahirap, na

153
magtatag ng
pamilya at
magkaroon ng sapat
na panustos sa mga
pangangailangan
nito

c. Ang karapatang
isakatuparan ang
kanyang
pananagutan sa
pagpapalaganap ng
buhay at pagtuturo
sa mga anak

d. Ang karapatan sa
pagiging pribado ng
buhay mag-asawa
at buhay pamilya

e. Ang karapatan sa
pagkakaroon ng
katatagan ng bigkis
at ng institusyon ng
kasal

IV. MgaTala
V. Pagninilay

154
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

155
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

156
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa papel ng pamilya sa pamayanan.


Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mga mag-aaral ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikang
papel ng pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya.
Pagkatuto. Isulat ang code EsP8PB-Ih-4.4
ng bawat kasanayan 2. Nakapagsusuri ng profile ng ilang mga nakaupong halal na opisyal ayon sa kanilang mga
naging plataporma, proyekto at mga ipinahayag na prinsipyo tungkol sa ilang mahahalagang
isyung nakaaapekto sa integridad ng pamilya tulad ng pabahay, kasal, diborsyo, aborsyon at
iba pa.
3. Naipahahayag ang nararamdaman ukol sa gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na
papel ng pamilya.

II. Nilalaman Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 69-78


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 75-102

157
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/search?query=edukasyon+sa+pagpapakatao+modyul+4&page=2


mula sa portal ng Learning http://lrmds.deped.gov.ph/detail/5535
Resource

B. Iba pang Kagamitang https://www.google.com.ph/search?q=Duterte++and+his+family


Panturo https://www.google.com.ph/search?q=vp+leni+and+family
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+ordinaryong+pamilya
Youtube video ng awiting Upuan ni Gloc 9 https://www.youtube.com/watch?v=W6_VcN-ITtc
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kani-kanilang mga natutuhan tungkol sa
aralin at pagsisimula ng papel ng pamilya sa aspektong panlipunan at pampolitika. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
bagong aralin. (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya.
2. Nakapagsusuri ng profile ng ilang mga nakaupong halal na opisyal ayon sa kanilang mga
naging plataporma, proyekto at mga ipinahayag na prinsipyo tungkol sa ilang mahahalagang
isyung nakakaapekto sa integridad ng pamilya tulad ng pabahay, kasal, diborsyo, aborsyon at
iba pa.
3. Naipapahayag ang nararamdaman ukol sa gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na
papel ng pamilya.

B. Pagninilayan ng mga mag-aaral ang liriko ng awiting “Upuan” ng Gloc 9 mula sa


Youtube.Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang opinyon at

158
reyalisasyon sa mensahe ng naturang awiting may kaugnayan sa aralin. (Gawin sa loob ng 5
minuto) (Reflective Approach)

Upuan
Gloc 9 ft. Jeazell of Zelle

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo
Baka matanaw,at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh..

Verse 1:

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At
ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At
kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan

159
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan

Chorus:

Kayo po na naka upo,


Subukan nyo namang tumayo,
Baka matanaw,at baka matanaw ninyo
Ang tunay na kalagayan ko

Verse 2:

Mawalang galang na po
Sa taong naka upo,
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping
yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-
uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit kapag ang aking ama ay sumueldo
Pero kulang na kulang parin,
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
O mataas lang ang bakod
O nagbubulag-bulagan lamang po kayo

160
Kahit sa dami ng pero niyo
Walang doktor na makapag papalinaw ng mata niyo
Kaya..
Wag kang masyadong halata
Bato-bato sa langit
Ang matamaay wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata
Wag kang masyadong halata
Hehey,(Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)

C. Pag-uugnay ng mga Gamit ang PowerPoint Presentation, magpapakita ng larawan ng pamilya sa bawat slide.
halimbawa sa bagong Tatawag ang guro ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang saloobin tungkol sa
aralin ipinakitang larawan at sagutan ang sumusunod na tanong. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective Approach)
1. Ano ang masasabi mong katangian ng pamilya sa larawan?
2. Mayroon bang pagkakaiba ang karapatan at tungkulin ng kilala at makapangyarihang pamilya
sa ordinaryong pamilya sa lipunan? Pangatuwiranan.
3. Sa inyong palagay, ano ang tungkulin ng pamilya upang mahubog ang bawat miyembro nito
na makisangkot at makialam sa gawain ng lipunan at politika?

161
https://www.google.com.ph/search?q=Duterte++and+his+family
https://www.google.com.ph/search?q=vp+leni+and+family
https://www.google.com.ph/search?q=larawan+ng+ordinaryong+pamilya

D. Pagtalakay ng bagong Pangkatin ang klase sa tatlo at ipabasa ang sumusunod na karapatan tungkol sa mga Papel na
konsepto at paglalahad ng Pampolitikal ng Pamilya. Hatiin ang iba’t ibang karapatan ng pamilya at italaga ito sa bawat
bagong kasanayan #1 pangkat. Pumiling miyembrong mag-uulat gabay ang mga tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng
10 minuto) (Constructivist Approach)

Pangkat 1

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao,
mayaman man o mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa
mgapangangailangan nito
2. Ang karapatang isakatuparan ang kanyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at
pagtuturo sa mga anak
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan

162
at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon.”

Pangkat II

6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya at
pagpapahalaga at kultura sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan at
institusyon.
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at
pang-ekonomiyang seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon), sa
harap ng mga namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-ekonomiya,
panlipunan o kultural.
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan, upang
magampanan ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at madali

Pangkat III

11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at
batas, laban sa mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo, at iba pa
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng
mga pagpapahalagang pampamilya
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting
pamumuhay

Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang proteksyon


sa lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa
pinakamabuting kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na

163
dapat taglayin ng isang mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ang kapaligirang ito ay may
lugar para sa kanyang sarili na nagpapatatag ng kanyang kakayahang tumayo sa sariling paa at
ng kanyang pagiging mapanagutan. May pagmamahalan dito na nagpapatingkad ng kanyang
pakikibahagi sa lipunan at pakikipagkapwa. Ang pagiging epektibo ng iba pang mga institusyon
sa lipunan ay nakasalalay sa kabutihan ng pamilya. Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang
pangangalaga at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa
integridad ng pamilya sa makabagong panahon. Ang pagsasabatas ng diborsyo, pagpapalaglag
o aborsyon at materyalismo ay ilan lamang sa mga sumisira sa pangunahing institusyon ng
lipunan. Kung tuluyan nang masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na kanlungan ng
moralidad!

Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong malaman ang iba’t ibang karapatan ng
pamilya?
2. Dapat bang pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga
karapatan at tungkulin ng bawat kasapi nito?

E. Pagtalakay ng bagong Mula sa ibinigay na takdang gawain ng guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang naging resulta ng
konsepto at paglalahad ng kanilang pagsusuri tungkol sa profile ng ilang nakaupong opisyal ng lokal na pamahalaan sa
bagong kasanayan #2 kanilang lugar. Ito ay tseklis ng kanilang naging plataporma, proyekto at mga ipinahayag na
prinsipyo tungkol sa ilang mahahalagang isyung nakaapekto sa integridad ng pamilya tulad ng
pabahay, kasal, diborsyo, aborsyon, at iba pa. Dapat makakuha ng 21 tsek (/) upang makapasa
sa tseklis ang bawat namumuno. Tumawag ng tatlo hanggang limang mag-aaral na
magbabahagi ng kanilang ginawa. Tatalakayin ng guro ang mga naging resulta sa klase gamit
ang mga katanungan. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Inquiry-Based Approach)

1. Batay sa iyong mga naging pagsusuri, sino-sino ang nakapasa sa iyong tseklis? Sino-sino
naman ang hindi nakapasa?
2. Sa iyong palagay, dapat pa bang ihalal muli ang mga lokal na opisyal na hindi nakapasa?

164
Pangatwiranan.

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin sa notbuk ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective
(Tungo sa Formative Approach)
Assessment) 1. Ano ang maaari mong gawin upang magampanan ng iyong sariling pamilya ang papel na
panlipunan at pampolitikal?
2. Bakit kailangang bantayan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit sinasabi na, “Kung tuluyan nang masisira ang pamilya, mawawala na rin ang tunay na
kanlungan ng moralidad”? Ipaliwanag.

G. Paglalapat sa aralin sa Suriin kung ano-anong suliranin mayroon sa inyong pamayanan o barangay. Itala ito sa notbuk.
pang-araw-araw na buhay Gumawa ng balangkas o plano kung paano makatutulong ang inyong pamilya sa isa sa mga
suliraning nabanggit. Gawin ang plano sa isang buong papel. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Inquiry-Based/Constructivist Approach)

H. Paglalahat sa aralin Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding maipahayag sa pamamagitan ng
pakikialam sa politika. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na ang mga batas at ang
mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga sa mga
karapatan at tungkulin ng pamilya. Kalakip nito ay dapat na alam din ng pamilya ang mga natural
at ligal na karapatan nito. Dapat din na pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi
magpabaya sa kanyang mga tungkulin.

I. Pagtataya ng Aralin Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Bigyan ng
limang puntos ang sagot na may kaugnayan sa bawat tanong. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective Approach)

1. Paano naipakikita ang papel na panlipunan ng pamilya? Magbigay ng halimbawa.


2. Bakit paglabag sa moralidad ang pagpapamalas ng nakaeeskandalong karangyaan ng ilang
pamilya? Ipaliwanag.

165
3. Paano naipakikita ang pampolitikal na papel ng pamilya sa lipunan? Magbigay ng halimbawa.
4. Bakit kailangang bantayan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya? Pangatwiranan.

J. Karagdagang gawain para sa Maghanda para sa Unang Markahang Pagsusulit.


takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C.Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito

166
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-guro
at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

167

You might also like