You are on page 1of 3

BALITA:

Pagsulat, galing sa puso- SDS Batan

“Galing sa puso when you write”

Ito ang mariing sinabi ni Virgilio P. Batan Jr. EdD, CESO V, Schools Division Superintendent sa
harap ng mga estudyanteng manunulat at tagapayo ng paaralang pahayagan na lumahok sa
Congressional Schools Press Conference (CSPC) sa Diplahan National High School (DNHS) ngayong
Pebrero 14-15 na may temang “Charting Truth Journalism as a Catalyst of Positive Change in Media
Landscape 2024”.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng panalangin at sinundan naman ito ng Pambansang


Awit mula sa Celestial Harmonic Ambassador.

Naglaban ang mga kalahok sa patimpalak na Pagsulat ng Balita, Pagsulat ng Lathalain, Pagsulat
ng Balitang Pampalakasan, Pagsulat ng Editoryal, Pagguhit ng Kartong Editoryal, Agham at Teknolohiya,
Pagwawasto ng Kopya, at Pag-uulo ng Balita, Pagkuha ng Larawan kasali rin ang Pangkatang patimpalak
na Radio Broadcasting, Collaborative Publishing, Online and Desktop Publishing.

Bandang huli at itatanghal ang mga kampeon at kwalipikado na tutungo sa Kabasalan National
High School (KNHS) upang makipagsapalaran sa Division Schools Press Conference (DSPC) ngayong
darating na Pebrero 26-27, 2024.
LATHALAIN:

Noon at Ngayon

Kung noon ay kailangan na mag-aral at magbasa ng libro upang makasagot sa takdang aralin at
sa pagsusullit, ngayon dere-deretcho nalang sa google. Kung noo, kailangan mo pang magpadala ng
mensahe gamit ang papel at ballpen, ngayong isang pindot mo lang ng “send” sa social mediaay agad ng
matanggap kahit malayo ka. Maraming nagbago pagdating sa makabagong teknolohiya lalong-lalo na sap
ag-aaral ng mga bata. Bakit ng aba mahalaga ang teknolohiya para sap ag-aaral?

Hindi naman talaga masasabi na napakahalaga ang paggamit ng teknolohiya sa ating pang-araw-
araw lalong-lalo na sa pag-aaral. Kaya naman natin minsan kahit walang gamit na teknolohiya. Ngunit sa
makabagong panahon, ang social media sa cellphone, tablet, at iba pang gadyet ay nakatutulong para sa
ating pag-aaral ngunit kailangan nating maingat dito dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit natin
napabayaan ang ating sarili sa pag-aaral. Mayroong humigit-kumulang 4.74 bilyon ang aktibong
gumagamit ng social media sa buong mundo. Hindi masama ang paggamit ng teknolohiya kung
gagamitin natin ito sa mabuting paraan.

Mahalaga ang teknolohiya sa ating pag-aaral ngunit dapat tayong maging maingat dito dahil isa
ito sa dahilan kung bakit natin napabayaan ang ating sarili at ang ating pag-aaral. Ang tamang gabay ng
ating magulang ay higit na makatutulong kung paano gagamitin ang gadyet sa pag-aaral.
LATHALAIN:

Wala sa mga bagay o panahon maipapakita ang pagmamahal

“Bumili ka na ng bulaklak sa akin! Mura lang!” “Matamis na tsokolate ang bilhin Ninyo!
Pagsaluhan ninyo ng pagbibigyan mo!” Couple shirt! Pangregalo mo sa crush mo!”

Tuloy-tuloy ako sa paglalakad dito sa palengke. Hindi ko pinapansin ang mga nag-aalok sa akin.
Ordinaryong araw lang naman ngayon. Pakialam ko kung February 14 ngayon? Basta ako, papasok ako sa
eskwelahan.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit maraming nagtitinda ng hugis puso na tsokolate at mga
couple shirt. Hanggang sa dumating ako sa paaralan at doon ko naalala na hindi pala ordinaryong araw
lang ngayon. Naalala ko na Araw ng mga Puso ngayon kung saan nagpapakita ng pagmamahal ang mga
tao, kumakain sa labas, nagbibigay ng tsokolate, nagbibigay ng mga regalo at nagbibigay ng mga sulat.
Hindi ko talaga kayang paniwalaan na nakalimutan ko ang araw na ito. Dahil sa nakalimutan ko ang araw
na ito, hindi ko natupad ang aking pangako sa aking kaibigan na bibilhan at reregalohan ko siya. Nang
dahil sa nakalimutan ko rin ang araw na ito ay hindi ko nagawa ang pinapagawa sa amin ng aming guro
na gumawa ng “Valentines Card”. Humingi ako ng tawad at bumawi na lamang ako. Binigyan ako ang
aking guro ng isang pagkakataon para gawin ko ang aking takdang aralin. Nakabawi naman ako sa aking
kaibigan.

Ngunit hindi lamang tuwing Valentines ang pagsulat ng liham, pagbibigay ng bulaklak ang
tsokolate. Dapat natin ipakita sa kanila araw-araw, oras-oras ang totoong pagpapakita ng pagmamahal.
Dapat tayo magmahalan sapagkat ang pagmamahal ng isang tao ay isang regalo na hindi kailanman
makukuha at hindi kailanman malilimutan.

You might also like