You are on page 1of 3

SAN NARCISO DISTRICT 1

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6

Pangalan:____________________________________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: ___________________________________________________ Iskor: ______________________

PANUTO: Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito. Isulat ang
iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
__________ 1. Ano ang sanhi at naisipan ng pari na turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang mga utos?
a. dahil marami siyang parokyang pinupuntahan
b. dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis
c. dahil mahal ang pamasahe sa kanilang lugar
d. upang mapabilis ang kanyang pagpunta sa lugar
__________ 2. Ano ang naging bunga nang sinubukang sumakay ng kanyang kaibigang pari sa kabayo?
a. nagbigay ito ng labis na kasiyahan sa kaibigan
b. natutuhan niyang sumakay sa kabayo at napatakbo ito ng mabilis
c. napahamak ang kanyang kaibigan
d. natupad ang kanyang kahilingan

PANUTO: Unawain ang sumusunod na mga pangyayari sa kuwentong napakinggan at bigyang kahulugan ang kilos ng mga
tauhan. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
__________ 3. Ano ang angkop na pamagat sa kuwento?
a. Ang Masunuring Kabayo c. Ang Pari at ang Kabayo
b. Pagsunod sa Utos d. Ang Palautos na Pari
__________ 4. Ito ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong napakinggan. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa kuwento.
1. Nakalimutan niya ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo.
2. Bumisita ang kanyang kaibigang pari sa parokya.
3. Tinuran niya ang kanyang alagang kabayong sumunod na lamang sa kanyang utos.
4. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang nakarating sila malapit sa bangin.
5. Dahil sa hindi sinasadyang utos, nahulog sila sa bangin
a. 5-4-3-2-1 b. 3-2-5-4-1 c. 3-2-4-5-1 d. 3-2-4-1-5

PANUTO: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.


__________ 5. Ako’y kabataang lalang ng panahon.
a. namumukod b. nabuhay c. nakasama d. nalikha
__________ 6. Mga biyayang handog ng wastong paglingap.
a. pagsisikap b. pagtulong c. pagbibigay d. pag-aalaga
__________ 7 . Totoong bumagsak at di-nagtatagumpay ang mga palalo.
a. mayabang b. masungit c. maramdamin d. pasaway

PANUTO: Tukuyin ang sanhi o bunga ng mga pangyayari.


__________ 8. Anim na taon na ang nakalipas at malapit nang makatapos sa mababang paaralan si Sheryl. Ano sa palagay
mo ang magiging bunga ng kanyang pagsisikap?
a. magpapatuloy siya ng pag-aaral sa mataas na paaralan
b. makapagtatrabaho na siya
c. mamamasyal siya sa Luneta
d. tutulong na muna sa mga gawaing bahay
__________ 9. Nag-aalala si Mang Juan sa paglisan sa kanyang pamilya. Ano kaya ang kanyang dahilan?
a. magkakaisa ang mga kaibigan
b. wala ng katuwang ang kanyang asawa sa pagdisiplina sa anak
c. di na sila magsasaya
d. Magliliwaliw ang pamilya
__________ 10. Si Nena ay niregaluhan ng isang malaking manika ng kanyang Ninang kaya ______________.
a. siya napaiyak c. tumaas ang kanyang mga marka
b. naglulundag sa tuwa d. ipinamigay niya ito sa ibang bata
PANUTO: Basahin ang isang ulat. Piliin at isulat sa patlang bago ang bilang ang titik ng tamang sagot.

Idineklara si Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao sa gitna ng mga armadong bakbakan laban
sa Islamistang pangkat na Maute sa lungsod ng Marawi. Dahil dito, pinayuhan ang mga sibilyan na magdobleng
ingat at kung di kinakailangan ay manatili muna sa kanilang mga tahanan.
__________ 11. Ano ang dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte?
a. Referendum b. Womens Desk c. Batas Militar d. Coup D’etat
__________ 12. Saang lugar sa ating bansa idineklara ang nasabing batas?
a. Pagadian City b. Marantao, Mindanao c. Luneta, Manila d. Marawi, Mindanao
__________ 13. Ano ang pinayo ni Pangulong Duterte sa mga sibilyan?
a. magdasal c. makisali sa kaguluhan
b. manatili sa tahanan d. pumunta sa Maynila

PANUTO: Basahin at ibigay ang angkop na wakas ng teksto. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
__________ 14. Si Rita ay palaging pinaaawit ng guro sa klase. Sa palatuntunan sa Linggo, si Rita ay aawit. Naiibigan ng
mga tagapakinig ang kanyang boses.
a. Masayang natapos ni Rita ang kanta.
b. Hindi na muling naka-awit si Rita.
c. Naging sikat si Rita sa paaralan.
d. Binigyan muli ng isang bahagi sa programang pampaaralan si Rita.
__________ 15. Ang mga bata ay pinaghiwa-hiwalay ng upuan ng guro. May mga lapis at papel sa ibabaw ng sulatan
ng kanilang upuan. Pinagbalik-aral sila sa kanilang mga natutuhan nang nakaraang mga araw.
a. Nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral c. Itinabi ng guro ang mga lapis at papel
b. Umuwi ng maaga ang mga bata d. Nasiyahan ang mga bata sa pag-aaral
May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil marami siyang gamit na
dala kapag siya’y umaalis, naisipan niyang turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang
mg autos upang hindi na siya gumamit pa ng rendang lubid. Maayos ang nagging resulta ng kanyang
pagtuturo sa kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya dahil nagagamit niya ang dalawa
niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag sinabi niyang ”Hay, salamat!” ay kumakaripas
ng takbo ang kabayo at kapag sinabi niyang “Manalangin tayo” ay kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman mula sa kaibigang
pari ang itinuro sa kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi mo,” ang wika nito sa kaibigan.
“hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman ng pagtakbo. Nasiyahan ang pari at
paulit-ulit niya itong inutos sa kabayo na pabilis naman ng pabilis ang takbo. Labis na nasiyahan ang pari
sa kanyang pagsakay hanggang makarating sila sa malapit na bangin. Sa takot ng pari ay nakalimutan niya
ang utos upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid nan g bangin nang maalala niyang sabihing
“Manalangin tayo.” At bigla naming huminto ang kabayo. “Hay, salamat!”, kasunod na wika ng pari...

You might also like