You are on page 1of 2

West Visayas State University

Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo

FIL-ED 213 – ANG MGA TUNGGALIANG IDEOLOHIKAL

(Ang Diskurso ng Kulturang Popular sa Panahon ng Komersyalismo)

RICHELL LARROZA ADONES OROFEO


Taga-Ulat Guro

Ano ang Komersyalismo?


-Ang pag-uugali o kilos ng mga taong naiimpluwensiyahan ng labis sa pagnanasang kumite ng pera o bumili ng mga
kalakal, kaysa sa iba pang mga halaga.

 Ang kulturang popular ay realidad ng tao: inaangkin bago ang lahat at pinapalaganap mula sa sensibilidad ng tao
dahil sa kaniyang pagnanasa sa buhay patungo sa kamalayang naghahari ang makabago, mapusok, marangya at
makapangyarihan.

Sinabi ni Tolentino: Makikilala lamang ang produkto ng kultura kung ito ay naipapalaganap. Kinakailangan ng
mga teknolohiya para maipaabot ito sa mga tao.

 Ang kulturang popular ay pagsasabuhay ng bagay, imahe, simbolo, pananda, paninda at komoditi sa karanasan ng
tao na namulat sa mabilisang pagbabago ng sibilisasyon. Tinatangkilik ito dahil sa popular at higit sa lahat
tinatangkilik ito dahil sa tao ang una at huling puntirya.

Mga Teknolohiyang Maaring Gamitin sa Paglaganap ng Komersyalismo:


1. Media
2. Film
3. Broadcast
4. Computer at iba pa

Apat na Mahahalagang Sangkap sa Komersyo:


1. Industriya
2. Imprastraktura
3. Telekomunikasyon
4. Merkado

 Napasimulan ang lahat ng ito sa pagpasok ng mga Amerikano na sila ang nagpalakad at nakinabang sa
negosyong Pambansa ng Pilipinas sa panahon ng Komonwelt at Unang Republika, partikular ang pagbibigay
ng pantay na Karapatan sa mga amerikano sa Negosyo at kalakalan (Parity Rights) sa panunungkulan ni
dating Pangulong Roxas.
 Bell Trade Act (1946)- naglalahad ng detalye tungkol sa magiging ugnayan pang-ekonomiya ng Pilipinas at
Amerika matapos makamit ng Pilipinas ang kasarinlan noong 1946 at dito nakapaloob ang Parity Rights.
 Ang implikasyong ekonomiko nito sa usapin ng uring panlipunan ay umiikot (at umiikot hanggang ngayon)
sa namumuhunan, sa mga negosyanteng may salapi. Kung kaya’t ang teknokrasya ay ginagamit para
mapanatili pa lalo ang sangkalan at kapritso ng mga kapitalista.
 Ayon kay Tereseta Marceda (1999) binaha ng mga produktong buhat sa Amerikanong kulturang popular
ang Pilipinas at dahil dito nagsisimulang hindi makatakas sa amerikanisasyon ang masa kahit hindi na sila
natutong lahat sa Ingles o nakapag-aral.
 Kung dadalumatin ang salitang kulturang popular, dalawa ang kategoryang bumubuo rito: kultura at
popular
 Ang kultura ay isang pinagsaluhang praktika at mentalidad ng tao. “ Culture is both the ‘arts’ and values,
norms and symbolic goods of everyday life. While culture is concerned with tradition and social reproduction,
it is also a matter of creativity and change” (Barker, 2000: 4-5)
 Sinasabi naman ni Tolentino (2001) na ang kultura ay isang kamalayan na gumaganap sa cohesion o kabuuan
ng isipan sa mga kilos at bagay-bagay na likha nito o nilika para rito. Pahayag niya: “Ito ay tumutukoy sa
afinidad ng indibidwal na kaisipan sa iba pang kolektibong kaisipan. (H)alimbawa ang hindi namang
magkakakilalang mga tao ay nagkakaroon ng di-malay (unconscious) na ugnayan dahil sa parehong balitang
kanilang nabasa sa pahayagan o napakinggan sa radio tungkol sa pambansang isyu” (2001: 4-5)
 Ayon naman kay Raymond Williams ang salitang popular ay isang pang-uri na nangangahulugang
“kinagigiliwan, nagugustuhan ng nakakaraming tao.” (1983: 87, salin) Sa isang banda, ang salitang popular
ay tuwirang tumutukoy sa tao mula sa salitang populus (“people” sa Ingles) sa wikang Latin.
 Ang kulturang popular ay unang lumitaw at naintindihan sa pagsapit ng modernong panahon sa Europa bilang
kabaliktaran ng mataas na Kultura. Kultura ng namamayaning kaayusan at inaangkin ng naghaharing uri sa
lipunan. Tinaguriang kanon at klasiko, samantalang ang kulturang masa ay bakya at mababang uri. (Adorno
at Horkeimer, sa during 2000)

-Tunay nga na buhat sa kulturang popular ay laganap at umuusbong ang komersiyalismo. At sa tulong na rin ng
teknolohiya ay mas madaling naipapabatid sa madla ang mga nauusong kagamitan o ano pa na humihikayat sa
kanila na bilhin at tangkilikin dahil nga ito ay ginagamit ng karamihan at mapipilian sila o kaya’y maiingganyo
talagang sumubok rin upang hindi mahuli sa uso.

You might also like