You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Northwest Samar State University


Rueda St., Calbayog City 6710
Website: http//www.nwssu.edu.ph
Email: main@nwssu.edu.ph
Telefax: (055) 2093657
ISO 9001:2015 Certified

COLLEGE OF EDUCATION

Pangalan: Degamon, Ma. Jean Rose B. Kurso – Taon: BSED Filipino 3


Sabjek: Dulaang Filipino Petsa: Ika-12 ng Mayo, 2023
Gawain: SURING DULA (Stage Production)

“TATLO BUO (The Second Chance)”

I. PANIMULA

Tunay ngang mahiwaga ang mundo ng sining. Binabalot ito ng mahika


sapagkat kaya ka nitong dalhin sa isang panibagong dimensiyon na nilikha ng
makulay, malikhain, at malawak na imahinasyon. Isa ang ‘dula’ sa mga panitikang
patanghal na patuloy na namamayagpag hanggang sa kasalukuyan, lalong-lalo na
ang Dulang Filipino. Pinatunayan ito ng Hiraya Theatre Production nang
magtanghal sila sa lungsod ng Calbayog noong ika-8 ng Mayo, taong 2023, at isa
ako sa mga mapapalad na indibidwal na nakasaksi sa napakahusay na
presentasyong inihandog ng naturang grupo ng manananghal. Binigyan nila ng
pagkakataon ang mga Calbayognon na matunghayan ang isa sa mga
ipinagmamalaki nilang obra, ang “Tatlo Buo” sa direksiyon at panulat ni Ginoong
Rommel “Chaps” Manansala. Isang makabagbag-damdaming kuwento ang aking
napanood at katulad ng iba pang manonood ay hindi rin napigilan ng aking mga
mata na maluha sa pambihirang istoryang bumihag at kumiliti sa aming mga puso.
Animo’y nakasakay ako sa sasakyang rondilyo o rolerkoster sapagkat sari-saring
emosyon ang aking nadama habang nanonood. Sa pagsisimula ng kwento,
bumuhos agad ang mga luha at maraming naiyak, at habang nagpapatuloy ang
istorya ay nakaramdam ako ng awa, tuwa, panghihinayang, labis na kalungkutan,
galit, at marami pang iba. Tila binaybay ng mga nagsipagganap ang riles ng aking
damdamin at tumawid sa kurbadang pakaliwa’t pakanan, taas at baba. Hindi ko
nga namalayang kusang pumapalakpak ang aking mga kamay sa labis na
paghanga. Ito kasi ang unang beses na nakasaksi ako ng live performance ng
dula kaya naman ibang-iba ang pakiramdam at maituturing kong isa ito sa mga
magagandang karanasan na maibabahagi ko sa aking mga kakilala. Nakakatuwa
rin dahil nagkaroon pa sila ng ‘mini variety show’ pagkatapos ng dula kung saan
napuno ng tawanan at sigawan ang madla nang lumabas ang mga komedyante,
mananayaw ng Hiraya productions, at ilan sa mga sikat na personalidad sa
telebisyon na nagbahagi rin ng kanilang talento sa pag-awit at pagsayaw. Hindi
hinayaan ng buong Hiraya production team na umuwi ang kanilang manonood na
hilam ng luha ang mga mata dulot ng mga madamdaming tagpo sa kwento, kaya
naman naghandog din sila ng mga pampasiglang bilang upang ibalik ang ngiti ng
lahat. Kahanga-hanga ang buong pagtatanghal kaya naman saludo ako sa lahat
ng mga nasa likod nito. Tunay ngang mahuhusay ang mga Pilipino, iba talaga ang
galing ng mga Pinoy!
II. ELEMENTO NG DULANG PAGTATANGHAL (Stage Production)
A. Direksyon (Direction):

o Kabuuang Direksyon

Mahusay ang istilo ng pagdidirehe ni Ginoong Rommel Manansala


sapagkat nagawa niyang palutangin ang mga inaasahang emosyon ng mga
tagaganap at ikintal ang diwang nais niyang mamayani sa mga manonood.
Nagustuhan ko rin kung paano niya binigyan ng kaniya-kaniyang panahon ang
mga pangunahing tauhan na isalaysay ang sarili nilang karanasan. Sila mismo
ang nagkuwento ng kanilang mga pinagdaanan sa malikhaang pamamaraan
sa halip na tagapagsalaysay, kaya naman nagkaroon sila ng makabuluhang
eksposyur sa entablado. Maganda rin ang eksena ng pagbabalik-tanaw ng
tauhan na si Mang Kanor kung saan inilalarawan niya ang mga sitwasyon na
kaniyang kinasangkutan at iba ang nagsasabuhay ng mga kilos kaya
nagkaroon siya ng pagkakataon na ilabas ang nararapat na emosyon at ibato
ang kaniyang mga linya nang mahusay. Kahanga-hanga rin ang mga tagpo
kung saan naroon ang dalawang Steven galang sa entablado – ang nakaraan
at ang kasalukuyan. Maganda rin na gumamit ng mga simbolismo ang director
kagaya na lamang ng mga itim na piraso ng tela, mga kandila, maskara,
puting tela, Napakagaling ng atake, nakakapanindig-balahibo ang batuhan ng
mga linya, at talaga namang saktong-sakto ang paglabas-masok ng mga
tauhan kaya naman naging pambihira ang kabuuan ng pagtatanghal.

o Mga Aktor/Aktres
o Blocking
o Lighting
o Musika
o Desinyo at Kasuotan
B. Pagganap (Performer):
Suri sa mga tauhan at papel na ginanpanan
C. Manonood (Audience):
D. Panulat (Script/Text):
o Kabuuang Suri
o Banghay:
E. Ganapan (Theater Space):

III. REPLEKSYON
IV. DOKUMENTASYON

PAMANTAYAN

Nilalaman 30%
Nakakitaan na pag-unawa sa dulang napanood batay sa pagsusuri na
nakapupukaw ng interes ng mambabasa.

Organisasyon 20%
Mahusay at mabisa ang pagkakasunod-sunod ng mga detalyeng inilahad.
Kawastuhan 20%
Wasto at angkop ang mga deyayeng inilahad sa pagsusuri ng dula

at
malikhain ang
paggamit ng mga
salita
Pagkakasulat 15%
Wasto ang gamit ng mga bantas, may wastong gramatika at malikhain ang
paggamit ng mga salita

Orihinalidad 15%
Ang pagsusuring papel ay orihinal na isinulat at hindi kakikitaan ng anumang
akma ng panggagaya.

You might also like