You are on page 1of 2

1. Uri ng pagsasaling wika na tumutukoy sa lipunan, siyensya, kalikasan at disiplinang akademiko.

A. Teknikal
B. Pampanitikan
C. Pangkasaysayan
D. Pangkultural
Sagot: C- Ang may kinalaman sa agham, pangkalikasan , panlipunan at pang akademiko ay ang
teknikal. Ito'y nangangailangan pa rin ng paggamit ng espesyalisadong wika.
2. Sa akdang isang dipang langit, anong titulo ang ibinigay sa may akda?
A. Makata ng Masa
B. Makata ng Pag-ibig
C. Makata ng Manggagawa
D. Makata ng Buhay
Sagot: C- Makata ng Manggagawa ang titulong ibinigay sa may akdang si Amado V. Hernandez.
3. Ipinapakita sa dulang ito ang panghahanap ng krus na pinagpakuan kay Hesus.
A. Dupluhan
B. Tibag
C. Karagatan
D. Karilyo
Sagot: B- Ang tibag ay isang dulang patungkol sa paghahanap nina Constantino at Reyna Elena sa
krus kung saan ipinako si Hesukristo.
4. Alin ang itinuturing na pinakamarandang epiko ng mga Pilipino?
A. Hudhud
B. Labaw Donggon
C. Biag ni Lam-ang
D. Alim
Sagot: D- Ang Alim ng mga Ifugao ang ipinagpapalagay na pinakamatandang Epiko.
5. Sino ang may akda ng sanaysay na " Liwanag at Dilim" na gumamit din ng mga sagisag na
Pingkian at Dimas-ilaw?
A. Apolinario Mabini
B. Emilio Jacinto
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Juan Luna
Sagot: B- Si Emilio Jacinto ang gumamit ng mga sagisag-panulat na Pingkian at Dimas-ilaw na
ginamit niya sa pagsulat ng Liwanag at Dilim.
6. Sino ang tinaguriang ama ng klasikang Tagalog ng Panahon ng Kastila?
A. P. Aniceto Dela Merced
B. P. Mariano Pilapil
C. P. Modesto De Castro
D. P. Gaspar Aquino De Belen
Sagot: C- Si Padre Modesto De Castro ang tinaguriang Ama ng klasikang tagalog dahil sa sinulat
niyang Urbana at Feliza.
7. Jose Rizal: El Filibusterismo; Graciano Lopez Jaena: _______.
A. Fray Botod
B. Cadaquilaan ng Dios
C. Nena at Neneng
D. Noche Buena
Sagot: A-Si Jaena ang may akda ng Fray Botod na ibig sabihin ay Bundat na Pari.
8. Akdang kauna-unahang ginawaran ng unang gatimpala sa Palanca Memorial Award for Literature.
A. Isang Dipang Langit
B. Uhaw ang Tigang na Lupa
C. Kwento ni Mabuti
D. Ako Ang Daigdig
Sagot: C- Ang "Kwento ni Mabuti" na sinulat ni Genoveva Edroza Matute ang unang nagkamit ng
unang gatimpala.
9. Siya ang may akda ng maikling kwentong " Binibining Pathupats" .
A. Aurelio Tolentino
B. Rogelio Sikat
C. Juan Crisostomo Sotto
D. Benjamin Pascual
Sagot: C- Sinulat ng kapampangang manunulat na si Juan Crisostomo Sotto ang Binibining
Pathupats.
10. Sino ang kinilalang Ama ng Maikling Kwento sa Pilipino?
A. Edgar Allan Poe
B. Deogracias Rosario
C. Alejandro G. Abadilla
D. N.V.M Gonzales
Sagot: B- Deogracias Rosario ang itinuturing na ama ng maikling kwento sa Pilipino.

You might also like