You are on page 1of 5

EDUC 106- EXAM

I. URING PAPILI

Panuto: Bilugan ang tamang sagot.

1. Kadalasan itong tumatalakay sa mga tiyak na pook o isang rehiyon ng isang bansa o lupain.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
2. Ilan ang uri ng kwentong bayan?
A. 3
B. 5
C. 4
D. 6
3. Ito ay isang tradisyunal na kwento na karaniwang nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa
likas na kaganapan.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
4. Ang Pabula ay karaniwan din na tinatawag sa pangalan na ito.
A. Kathang kwentong nagbibigay-aral
B. Katang kwento na nagbibigay-aral
C. Katang Kuwento na nagbibigay-aral
D. Nagbibigay aliw na kuwento
5. Marami sa mga ito ang nagmula sa kathang-isip ng mga katutubo.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
6. Ito ay anyo ng panitikan na naging bahagi ng ating katutubong panitikan.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
7. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga uri ng kwentong bayan, maliban sa;
A. Alamat
B. Parabula
C. Epiko
D. Pabula
8. Ang mga kwentong tinatanghal nito ay patungkol sa pinagmulan ng isang bagay, pook, hayop
o pangyayari.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
9. AIto ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento na binubuo ng isang partikular na rehiyon o
paniniwala.
A. Alamat
B. Mito
C. Kwentong Bayan
D. Pabula
10. Ito ay naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral.
A. Alamat
B. Parabula
C. Epiko
D. Pabula
11. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga batang mambabasa.
A. Alamat
B. Parabula
C. Epiko
D. Pabula
12. Ang kwentong ginagamit ng ating panginoong Hesukristo sa kanyang pangangaral.
A. Alamat
B. Parabula
C. Epiko
D. Pabula
13. Karaniwan itong nagtatampok ng mga hayop bilang tauhan.
A. Alamat
B. Parabula
C. Epiko
D. Pabula
14. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang Mito?
A. Malakas at si Maganda
B. Ang alibughang anak
C. Pagong at Matsing
D. Ang alamat ng lansones
15. Ayon sa ating na pag-aralan,Ilan ang katangian ng Kwentong-bayan?
A. 4
B. 3
C. 5
D. 6
16. Ang kwentong bayan ay naglalaman nito, kasama ng mahiwagang pangyayari o pangyayari.
A. Nakakakilabot
B. Nakakapanabik
C. Misteryoso
D. Wala sa nabanggit
17. Ang kwentong bayan ay nasa anyong tuluyan at naglalaman ng mga kaugalian, kultura at
_______.
A. Tradisyon
B. Pinagmulan
C. Pangyayari
D. Paniniwala
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng kwentong-bayan?
A. Ito ay lumalaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang sanhali.
B. Ito ay naglalaman ng gintong aral
C. Naglalahad ito ng sining at kultura
D. Wala sa nabanggit.
II. TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang pahayag at isulat ang tamang sagot kung mali.

1. Tama- Ang kwentong-bayan ay hinggil sa mga likhang isip o kathang-isip.


2. Mali- Sa pamamagitan ng kumpas ay nagpasalin-salin ang kwentong-bayan. (dila)
3. Tama- Si Aesop ay ang ama ng parabula.
4. Tama- Kilala rin si Socrates bilang manunulat ng parabula.
5. Mali- Ang matatalinghagang salita ay ang mga salita na lantaran ang kahulugan. (hindi lantaran)
6. Mali- Ang pabula ay isang uri ng tula. (maikling kwento)
7. Tama- Ang kwentong-bayan ay mayroong makukuhang gintong aral.
8. Tama- Ang parabula ay isang katha ngunit nagbibigay-aral.
9. Tama- Ang karaniwang haba ng epiko ay mula 1,000 hanggang 5,000 na linya.
10. Mali- Tauhan ang nagbibigay-linaw sa paksa, banghay at tauhan. Ito din ang lugar o panahon na
kinikilusan ng tauhan. (tagpuan)
11. Tama- Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko.
12. Tama- Ang Epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipag-
laban ng isa o grupo ng tao laban sa kanilang kaaway.
13. Tama- Ang alamat ay isa sa mga uri ng kwentong-bayan.
14. Tama- Pabula ay isang maikling kwento na nagmula noong unang pahanon kung saan ang mga
tauhan ay hayop ang nagsasalita.
15. Mali- 100 ang natapos isulat ni Aesop bago sya mamatay. (200)
16. Tama- Ang parabula ay kwentong hango sa bibliya.
17. Mali- Si Pagong at Matsing ay isang halimbawa ng maikling kwento. (parabula)
18. Mali- Ang epiko ay may tatlong elemento. (4- Tauhan, Tagpuan, Banghay at Matatalinghagang
Salita)

III. IDENTIPIKASYON

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang hinahanap na
sagot sa bawat tanong.

1. Ang _______ ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Epiko

2. Ito ay tinatawag na epikong makabago o epikong pampanitikan. Epikong Masining


3. Ito ay Kilala rin sa taguring Epikong Pambayani – na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa
pagtataguyod ng isang pambansang layunin o mithiin. Epikong Sinauna

4. Kabalangkas ng epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad at naglalayong na kutyain ang
gawing walang kabuluhan at pag-aaksaya lamang ng panahon ng tao. Epikong Pakutya

5. Saan madalas tumatalakay ang isang epiko sa Pilipinas? Kabayanihan

6. Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘_____’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Epos

7. Sino ang sumulat ng epikong Iliad at Odyssey? Homer

8. Siya ang sumalat ng epikong Mutya ng Silangan. Patricio Mariano

IV. SANAYSAY (5pts)

Magbigay ng Repleksyon sa binasang epiko na Biag ni Lam-ang (Ilocos).

You might also like