You are on page 1of 10

Abril 10, idineklarang holiday

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Abril 10, 2024 na regular
holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l FITR o Feast of Ramadan.
Sa Proclamation No. 514 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang deklarasyon ay base
na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
“WHEREAS, Republic Act No. 9177, amending Section 26, Chapter 7, Book I of Executive Order No.
292, declared Eidul Fitr (EidT Fitr) as regular holiday throughout the country”, nakasaad pa sa kautusan.
Ito ay para na rin magbigay ng kaalaman at payagan ang mga Filipino na makiisa sa mga kapatid na
muslim sa kapayapaan at pakikiisa sa pagtalima at selebrasyon ng Eidl Fitr.
_____________________________________________________________________________________
Komprehensibong protocol vs heat index, iminungkahi
MANILA, Philippines — Upang matugunan ang matinding epekto ng climate change o pagbabago ng
panahon sa nararanasang matinding heat index, iminungkahi ni Valenzuela City 2nd District Rep. Eric
Martinez sa gobyerno ang pagkakaroon ng komprehensibong protocol laban sa panahon ng tag-init.
Binigyang diin ni Martinez, dahil sa malaking pagbabago sa weather system dala ng climate change kung
saan apektado rin ang kilos o galaw ng mga mamamayan, marapat lamang na makasunod at matugunan
ang maituturing na ‘new normal’ para na rin sa pangangalaga sa mga komunidad at matiyak ang
epektibong pamamahala.
“This is the new normal with global warming, and PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration) also has to adapt to this new normal,” giit pa ni Martinez.
“Kung may protocol sa tag-ulan, dapat may protocal na rin sa tag-init,” dugtong ng Valenzuela City
solon.
Ayon kay Martinez, kailangang maging maagap ang pagtugon sa mabigat na epekto sa pagbabago ng
panahon at mapalakasin ang kahandaan ng pamahalaan lalo’t ang Pilipinas ay madalas na tinatamaan ng
natural disasters.
Pangunahing iminumungkahi ng Kongresista ang pag-angat sa PAGASA bilang primary authority sa
weather-related decision-making processes.
Ayon sa solon, ang PAGASA ay mayroong malawak na kaalaman at nagtataglay ng maraming reliable
data kumpara sa local government units (LGUs) kaya marapat lamang na ito ang magpatupad ng policy sa
pagsususpinde ng pasok sa eskuwela bunsod ng umiiral na lagay ng panahon, kabilang ang matinding init
o heat index.
DMW: 3 Pinoy sugatan sa lindol sa Taiwan
MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy ang bahagya umanong nasugatan sa magnitude 7.2 na lindol na
tumama sa bansang Taiwan kamakalawa.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge (OIC) Hans Leo Cacdac, isa sa mga
hindi pinangalanang Pinoy ay nagtamo ng bahagyang sugat sa ulo dahil sa bumagsak na kisame.
Isa pa ang nagtamo ng bahagyang sugat sa kamay habang lumilikas at isa naman ang nawalan ng malay-
tao, sa kasagsagan ng lindol.
Tiniyak naman ni Cacdac na lahat ng mga naturang Pinoy ay nasa maayos nang kalagayan sa ngayon.
Nakalabas na aniya ng pagamutan ang dalawa sa kanila habang nananatili pa naman sa pagamutan ang
Pinoy na nawalan ng malay bilang precautionary medical measures. Inaasahan namang kaagad din siyang
makakalabas ng pagamutan.
Samantala, siniguro rin naman ni Cacdac na ang mga nasugatang Pinoy ay tatanggap ng tulong pinansiyal
mula sa pamahalaan.
Wala pa naman aniya sa mga ito ang humihingi ng tulong upang mai-repatriate ng Pilipinas matapos ang
lindol.
Carpio nag-endorso ng amyenda sa economic provisions ng Constitution
MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinuportahan ni dating Supreme Court
Associate Justice Antonio Carpio na isang anti-charter change advocate, ang pagpasa ng resolusyon na
nanawagan ng pag-amyenda sa economic provisions sa 1987 Philippine Constitution.
“I support RBH 6 (of the Senate) and RBH 7 (of the House of Representatives),” ayon kay Carpio sa
isang consultative session sa Charter change na inorganisa ng Democracy Watch.
Ginawa ni Carpio ang pagsuporta sa kondisyon na ito ay may oportunidad sa investment para sa fo reign
investors kung saan siya ay pabor sa balanseng pamumuhunan kung saan ang foreign investors ay
bibigyan ng parehas na pribilehiyo tulad ng tinatanggap ng Filipino investors.
Sa ilalim ng RHB 6 at 7 kapwa nito aamyendahan ang Article 12 (National Economy and Patrimony), 14
(Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports), at 16 (General Provisions).
Layunin umano nito na buksan ang ekonomiya ng Pilipinas at alisin ang restriksiyon laban sa foreign
ownership ng public utilities, educational institutions, media and advertising alinsunod sa isinasaad ng
batas.
Ayon kay Carpio, tumatanggi ang Senado sa joint sessions kaugnay sa Charter change dahil sa pangamba
na matalo sa boto.
Gayunman, kung ang Kongreso ay magkakaroon ng agreement sa RHB 6 at RHB 7 at ipasa ito ay
mapapaaga pa ang inaasam na charter change.
Nanindigan din si Carpio sa kahalagahan ng foreign investments sa mga kritikal na sektor gaya ng
internet infrastructure, dahil kailangan ito ng Pilipinas para manatiling competitive sa global scale sa
pamamagitan ng pagyakap sa technological progress.

Nagkakanlong kay Quiboloy, binalaan ng PNP


MANILA, Philippines — Binalaan ng Philippine National Police (PNP) ang sinumang nagkakanlong kay
Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na mananagot sa batas.
Sinabi ni PNP-Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na mas makabubuti kung hihikayatin si
Quiboloy ng kanyang mga kaibigan at supporters at tulungang harapin ang kaso nito at maging
mahinahon sa magiging proseso ng kanyang pagsuko.
Kumikilos na ang tracker team ng PNP upang madakip si Quiboloy sa lalong madaling panahon.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng Warrant of Arrest ng Davao City Regional Trial Court laban kay
Quiboloy dahil sa kasong child abuse.
Ayon kay Police Regional Office 11 Director, PB Gen. Alden Delvo, gagawin ng PNP ang lahat paraan
upang mahanap si Quiboloy at mapanagot sa batas.
Tila palos si Quiboloy matapos na kasuhan ng kanyang mga inabuso.
Tiwala naman si Delvo na nakausap na ng Pastor ang kaniyang mga abogado at pinayuhan ng mga dapat
gawin sa kanyang WOA.
Naniniwala rin si Delvo na nasa Pilipinas pa si Quiboloy at darating ang panahon na makukumbinsi rin
siya ng kaniyang mga abogado na lumutang.
Mas magiging maayos ang sitwasyon kung makikipag-ugnayan lamang si Quiboloy sa mga awtoridad.
Tinitiyak nila ang seguridad nito sa sandaling sumuko.
Una nang sumuko sa NBI ang tatlo sa limang akusado na mga alagad ni Quiboloy at ito ay sina
Tamayong Brgy. Captain Cresente Canada, Paulene Canada at Sylvia Cemanes pero pinalaya rin sila
matapos na makapag-piyansa.
Top Philippines officials trust, approval inilabas ng RPMD
MANILA, Philippines — Nakatanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mataas na “trust” 79% at
“approval” 76% ratings sa “Boses ng Bayan” survey na ginawa ng RP-Mission and Development
Foundation Inc. (RPMD) noong March 18-23, 2024.
Nakakuha naman si Vice President Sara Duterte ng impresibong 77% “trust” at 74% “approval”.
Samantala sina Senate President Migz Zubiri at House Speaker Martin Romualdez, ay may “trust” na
73% at 75% at “job performance ratings” na 70% at 72%, ayon sa pagkakasunod.
Nakuha ni Marcos ang pinakamataas na 86.0% trust at job approval na 81.6% sa Balance Luzon.
Bumababa ang trend na ito sa Visayas, 75.1% trust at 71.9% approval; NCR, 73.3% trust at 72.1%
approval, at Mindanao, 71.7% trust at 70.6% approval.
Nakatanggap si Duterte ng matibay na trust sa Mindanao, 88.0% at 82.1% approval. Sa Visayas, 74.7%
trust at 72.4% approval; Balance Luzon, 73.6% trust at 71.5% approval, at NCR, 71.7% trust at 70.0%
approval.
Samantala si Zubiri ay nakakuha ng 76.4% trust at 71.2% approval sa Mindanao, habang si Romualdez ay
80.1% trust at 78.1% approval sa Visayas.
Nakamit ng Senado ang trust na 83% at 80% job satisfaction ratings sa unang kwarter habang ang House
ay 78% trust at 75% job satisfaction.
Ang independent at non-commissioned survey ng RPMD ay magpapatuloy bilang “messenger” at “voice
of the people,” ayon kay Dr. Paul Martinez, Global Affairs Analyst at Executive Director ng RPMD.

‘Fake narrative’ ng China vs Pinas, imbestigahan


MANILA, Philippines — Dapat ituloy ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang imbestigasyon ng Senado
sa diumano’y disinformation campaign patungkol sa West Philippine Sea na pinopondohan ng isang
dayuhang bansa.
Ito ang hiling ng grupong Kilos Pinoy Para Sa Pagbabago, sa pagsasabing panahon na para imbestigahan
ang disinformation campaign dahil lumalala ang mga balitang ipinapakalat ng Tsina laban sa Pilipinas.
“Dehado at talo tayo sa kwento ng Tsina laban sa atin. Mukhang may mga pinopondohang bloggers ang
Tsina sa Pilipinas para wasakin tayo”, anang grupo.
Una nang sinabi ni Estrada, chairman ng Senate Committee on National Defense and Security na pawang
kasinungalingan ang iniulat na disinformation campaign ng mga opisyal ng gobyerno, media outlets at
maritime experts, maging ang mga pagtatangka diumano na ilihis ang atensyon ng publiko sa marahas na
aksyon ng China at ituon sa umano’y militarization ng Vietnam sa WPS.
“Habang ang defense department ay patuloy na nagmo-monitor at sinasalungat ang mga maling salaysay
tungkol sa West Philippine Sea, ang kampanya laban sa fake news ay nangangailangan ng matibay na
diskarte ng gobyerno at pakikilahok at edukasyon ng mamamayan para masiguro ang epektibong hakbang
na gagawin natin,” ani Estrada

Bong Go sa mataas na grado sa survey: ‘Patuloy akong magseserbisyo sa Pilipino’


MANILA, Philippines — Matapos ang pinakahuling senatorial survey, lubos na nagpasalamat si Senador
Christopher “Bong” Go sa walang patid na suporta at tiwala na ibinigay sa kanya ng sambayanang
Pilipino
Sa survey ng Pulse Asia sa buong bansa sa mga potensyal na kandidato sa pagka-senador para sa 2025
national midterm elections na isinagawa noong Marso 6-10, nasa 3-4 na puwesto si Go, makaraang
makakuha ng 44.2% sa mga respondent.
Nanggaling sa kanyang paglalakbay mula sa isang abang nakaraan sa Davao City hanggang sa makamit
ang mandato na maglingkod bilang senador noong 2019, muling idiniin ni Go ang kanyang dedikasyon sa
paglilingkod sa mga tao, partikular sa mga nangangailangan.
“Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa patuloy na suporta at tiwala na ibinibigay ng ating mga kapwa
Pilipino sa akin,” ang sabi ni Go na binansagang “Mr. Malasakit” ukol sa positibong resulta sa kanya ng
survey. “Mula noon, hanggang ngayon, hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na makapagserbisyo sa
inyo at maipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino.”
Mula nang maupo sa puwesto, nakatuon na si Go sa kanyang tungkulin sa pagtulong sa mamamayan, lalo
sa mga mahihirap at pinakabulnerableng sektor. Udyok ito ng kanyang paniniwala na ang paglilingkod sa
sambayanan ay paglilingkod sa Diyos.

SC ipinawalambisa 'amnesty revocation' ni Duterte vs Trillanes


MANILA, Philippines — Idineklarang "unconstitutional" ng Korte Suprema ang proklamasyon ni dating
Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabasura sa amnestiyang iginawad noon kay ex-Sen. Antonio Trillanes
IV.
Matatandaang Agosto 2018 nang lagdaan ni Digong ang Proclamation 572 na siyang nagpapawalambisa
sa amnestiyang iginawad kay Trillanes kaugnay ng 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula
Hotel Siege.
"[T]he Supreme Court En Banc ruled that the amnesty granted to former senator Antonio F. Trillanes IV
(Trillanes) is valid and that its revocation through Proclamation No. 572, issued by former President
Rodrigo R. Duterte, is unconstitutional," ayon sa isang pahayag ng SC nitong Miyerkules.
"The Court, speaking through Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ruled that a President cannot
revoke a grant of amnesty without concurrence from Congress."
Tumutukoy ang amnestiya sa kapangyarihan ng presidenteng magpatawad o magpalampas sa mga
reklamong kriminal — kadalasan para sa mga political offenses — ng isang grupo bago makapaglabas ng
hatol. Alinsunod ito sa Section 19, Article VII ng 1987 Constitution.
Ibinase aniya ng Korte ang desisyon nito sa kahalagahan ng Bill of Rights at idiniing hindi nakatataas sa
batas ang gobyerno't mga opisyal nito, kahit na ang presidente.
"The Court ruled that the revocation of Trillanes’ amnesty long after it became final and without prior
notice violated his constitutional right to due process," dagdag pa ng SC.
"Further, Proclamation No. 572, in seeking the revival of the criminal cases against Trillanes after they
had been dismissed with finality, violated his constitutional rights against ex post facto laws and double
jeopardy."
Bakit ni-revoke ang amnestiya noon?
Una nang sinabi ng Proclamation 572 na "hindi naghain ng Official Amnesty Application Form si
Trillanes" kahit nagawaran siya ng amnesty ng gobyerno sa pamamagitan ng Proclamation 75.
Humaharap noon sa paglilitis para reklamong coup d'état si Trillanes sa korte, maliban pa sa mutiny o
sedisyon, conduct unbecoming an officer atbp. sa Military Tribunal.
Pinatototohanan daw ang kawalan nito ng sertipikasyong inilabas ng isang Lt. Col. Thea Joan N.
Andrade, heppe ng Discipline, Law and Order Division ng Office of the Deputy Chief of Staff for
Personnel.
Iginigiit ni Trillanes, na kilalang kritiko ni Duterte, na totoong naghain siya ng application for amnesty
noon. Gayunpaman, sinabi ng proklamasyon ni Duterte na hindi nagpakita ng anumang "guilt" si
Trillanes para sa Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Incident.
Nobyembre 2018 nang sabihin ng Department of Justice na ang kawalan ng guilt ni Trillanes ay
"katumbas ng pagbawi ng amnesty application." Hinihingi raw kasi ng amnesty application para sa
Proclamation 75 na magpahayag ng pagsisisi ang mga gumawa ng krimen.
"Finally, the Court found that there is convincing evidence that Trillanes did file his amnesty application,"
tugon ng SC.
"The Executive’s decision to revoke only Trillanes’ amnesty, notwithstanding the fact that the application
forms of all the other amnesty grantees could similarly no longer be located, constituted a breach of his
right to the equal protection of the laws."
Ang desisyon ng Korte ay pagkilala aniya sa pagbabalanse ng presential prerogatives at proteksyon ng
karapatan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng Saligang Batas.

Korte sa Davao ipinaaaresto Quiboloy dahil sa sexual abuse ng menor de edad


MANILA, Philippines — Naglabas na ng warrant of arrest ang Davao Regional Trial Court (RTC)
Branch 12 ng warrant of arrest laban sa kontrobersyal na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na
si Apollo Quiboloy para sa reklamong sexual at child abuse.
Ang order ay nilagdaan ni presiding judge Dante Baguio nitong ika-1 ng Abril, bagay na ngayong
Miyerkules lang isinapubliko. Para ito sa magkahiwalay na reklamong child abuse at pakikipagtalik sa
menor de edad.
"As what was earlier determined upon judicious examination and perusal of information where it found
probable cause, let the warrants of arrest already issued be implemented immediately," wika ng Davao
RTC Branch 12.
Ang naturang warrant ay una nang kinumpirma ni Sen. Risa Hontiveros, na siya ring chair ng Senate
Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Ika-14 ng Marso pa nakitaan ng probable cause ng korte si Quiboloy kaugnay ng child abuse o Section
10(a) ng Republic Act 7610 at sexual abuse ng bata sa ilalim ng Section 5(b) ng RA 7610. Gayunpaman,
ngayon lang naging epektibo ang warrant.
Tanging si Quiboloy lang ang akusado kaugnay ng sexual abuse habang kasama niya naman ang mga
sumusunod para naman sa child abuse:
Jackielyn W. Roy
Cresente Canada
Paulene Canada
Ingrid C. Canada
Sylvia Cemañes
Una nang naghain ng motion to defer/suspend proceedings and hold in abeyance issurance of warrant of
arrest ang mga abogado ni Quiboloy kaugnay ng mga reklamo.
"Acting on the said Motion, the Court issued an Order, likewise on the same date, granting the Motion but
only as to the fact that accused filed their Motion for Reconsideration to the Department of Justice'
Resolution indicting them as charged," sabi ng korte.
"Further as stated in that Order, the proceedings were, for the meantime suspended within a reasonable
time, pending resolution of accused 'Motion for Reconsideration to the effect that the implementation of
the warrants of arrest was held in abeyance,'" dagdag pa nito.
"Now that more than reasonable time has lapsed, the Court did not receive any resolution of the accused
'Motion for Reconsideration by the [DOJ] neither a copy of the same was furnished to the Court by
accused' counsels nor a manifestation was duly filed, at the very least."
Aniya, isinang-alang-alang ng korte sa desisyong ito ang karapatan sa mabilis na disposisyon at paglilitis
ng mga kaso kung kaya't hindi na inantay ng RTC ang resolusyon ng mosyon nina Quiboloy.
Matatandaang naglabas na rin ng warrant of arrest ang Senado laban kay Quiboloy upang pormal na
tumestigo sa mga pagdinig ng Kongreso kaugnay ng sexual abuse sa loob ng KOJC.
Bukod pa ito sa reklamong qualified human trafficking sa Pasig court at inirekomendang child abuse at
trafficking charges ng DOJ.
Kasalukuyang nagtatago sa batas ang naturang religious leader, na wanted sa Estados Unidos, matapos
sabihing nais siyang ipa-kidnap o ipapatay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pakikipagtulungan ng
Federal Bureau of Investigation (FBI) at Central Intelligence Agency (CIA).
Una nang pinasinungalingan ni Marcos ang paratang habang ineengganyo ang "Appointed Son of God"
na humarap sa mga reklamong nakahain laban sa kanya.

DOH: Patay sa 'whooping cough' lumobo sa 49 katao


MANILA, Philippines — Patuloy pa ring nakapagtatala ng mga kaso ng pertussis o "whooping cough" sa
Pilipinas, ito habang inililinaw ng Department of Health (DOH) na lagpas isang buwan pa bago
maramdaman ang epekto ng vaccination efforts.
Martes nang ibalita ng DOH ang nasa 862 kaso ng pertussis mula Enero hanggang Marso, kabilang na
riyan ang 49 nasawi. Sinasabing 30 na beses itong mas malaki kaysa noong parehong panahon ng 2023.
"The five Philippine regions reporting the most number of cases are MiMaRoPa (187), NCR (158),
Central Luzon (132), Central Visayas (121), and Western Visayas (72)," paliwanag ng kagawaran.
"Of the total Pertussis cases thus far recorded, 79% were less than 5 years old. At least six out of ten
(66%) of these young children were either unvaccinated or did not know their vaccination history. Adults
aged 20 and older account for only 4% of cases."
Pinag-iingat naman ng DOH ang publiko sa pag-intindi sa mga datos na ito lalo na't maaari pa raw itong
magbago dahil sa pagpasok ng late consultations at reports.

Bukod pa rito, maaaring hindi raw makita ang epekto ng pagpapabakuna laban sa sakit hanggang hangga't
wala pang apat hanggang anim na buwan.
Una nang hinikaayat ng DOH ang mga Pilipinong magpabakuna laban sa sakit matapos ng biglaang
pagtaas ng kaso ng pertussis at tigdas, bagay na parehong nakamamatay.
"Time is of the essence. Our DOH Regional Epidemiology and Surveillance Units (RESUs) are in
constant coordination with provincial, city, and municipal health offices to provide scientific advice,"
paliwanag ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa isang pahayag kagabi.
"We are helping LGUs move to break transmission and protect children. Vaccines are available, and more
have been ordered."
Ano ba ang pertussis?
Nagsisimula ang pertussis bilang mahinang ubo at sipon na tumatagal ng hanggang dalawang linggo.
Sinusundan ito ng "paroxysms" na umaaabot ng hanggang anim na linggo.
Merong pag-"huni" na maririnig sa pagitan ng mga ubo lalo na sa tuwing humihinga kapag mayroon ito.
Kaugnay niyan, posible ring makaranas ng:
pagsuka
mababang lagnat
pangangasul tuwing umuubo
Idinudulot ng bacteriang "Bordetella pertussis" o "Bordetella parapertussis" ang whooping cough, bagay
na kayang malabanan ng antibiotics.
Maaaring tumagal ng apat hanggang 14 na araw ang gamutan bago makakita ng pagbabago. Bilang
respiratory disease, naipapasa ito sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng tao.
Ipinapayo tuloy ng DOH ang pagsasapraktika ng good respiratory hygiene sa tuwing gagawin ito gaya na
lang ng pagtatakip ng mga ubo o hatsing, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol,
pagsusuot ng face masks, atbp.
Phivolcs binawi tsunami warning matapos lindol sa Taiwan
MANILA, Philippines (Updated 12:20 p.m.) — Binawi ng Phivolcs ang nauna nitong tsunami advisory
matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama hilagangsilangan ng Taiwan.
Miyerkules nang nagbabala ng "high tsunami waves" ang Phivolcs sa ilang bahagi ng Pilipinas na
kaharap ng Karagatang Pasipiko, kabilang na ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Ilocos Norte at
Isabela.
"Based on available data of our sea level monitoring stations facing the epicentral area, no significant sea
level disturbances have been recorded since 07:58 AM up until this cancellation," sabi ng Phivolcs.
"With this, any effects due to the tsunami warning have largely passed and therefore DOST-PHIVOLCS
has now cancelled all Tsunami Warnings issued for this event."
Kaninang umaga lang nang sabihin ng Phivolcs na bandang 8:33 a.m. hanggang 10:33 a.m. darating ang
mga alon dulot ng naturang lindol.
Una nang inirekomenda ng state seismologists ang pagpapalikas ng mga residente mula sa mga naturang
lugar patungo sa matataas na erya o hindi kaya'y palayo sa mga anyong tubig.
Una nang sinabi ni Wu Chien-fu, direktor ng Seismology Center ng Central Weather Administration ng
Taipei, na ito na ang pinakamalakas na lindol nangyari sa bansa sa loob ng 25 taon.
Setyembre 1999 nang huling magkaroon ng mas malakas na pagyanig dahil sa magnitude 7.6 na lindol,
bagay na pumatay ng 2,400 katao.

Bong Go sa DOH, DBM: Unpaid healthcare workers’ HEA, bayaran na


MANILA, Philippines — Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) at
Department of Budget and Management (DBM) na pabilisin ang pagpapalabas ng matagal nang hindi
nababayarang Health Emergency Allowance (HEA) ng healthcare workers para sa kanilang kritikal na
serbisyo noong pandemya.
Noong nakaraang Kongreso, isa si Go sa may-akda at co-sponsor sa Senado ng Republic Act No. 11712,
na nagbibigay ng mga benepisyo at allowance sa healthcare workers sa panahon ng public health
emergencies, tulad ng pandemya ng COVID-19.
Sa kabila ng pag-aalis ng State of Public Health Emergency sa bansa, patuloy siyang umaapela sa
executive na i-release na ang nakabimbing HEA ng mga kwalipikadong healthcare worker.
Sa pagdinig, binanggit ni Go ang naging sakripisyo ng healthcare workers noong pandemya at inihayag
ang kanyang pangako na tiyakin ang kanilang kapakanan, lalo sa paghimok sa mga kinauukulang ahensya
na i-release ang kanilang HEA.
Sa talakayan, nabatid na mahigit P19 bilyon ang inilaan para sa HEA na may karagdagang P2.3 bilyon
bilang unprogrammed funds.
“So, out of PhP731 billion (unprogrammed funds), P2.3 billion lang po ang inilaan sa unprogrammed
funds ng HEA. Bakit po ganun kaliit?” ang kuwestyon ni Go.
Kapwa naman nangako ang DOH at ang DBM na aayusin ang kanilang mga rekord at titiyaking
mapapabilis ang mga dapat bayaran sa HCWs.

NFA rice distribution iginiit para sa mga magsasakang apektado ng El Niño


MANILA, Philippines — Suportado ng ilang progresibong grupo ang pamamahagi ng bigas mula sa
National Food Administration (NFA) bilang ayuda sa mga magsasaka't mangingisdang apektado ng El
Niño — bagay na nagdulot na ng P1.23 bilyong halagang pinsala.
Ito ang panawagan sa ngayon ng grupong AMIHAN - National Federation of Peasant Women, Bantay
Bigas at National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth) ngayong Miyerkules,
bagay na pare-paaarehong nagprotesta sa tarangkahan ng NFA.
"Dapat nang ilabas ang mga bigas ng NFA sa mga warehouse at ipamahagi sa mga magsasaka at
mangingisdang nawalan ng kita dahil sa El Niño sa halip na pagkakitaan at ibenta sa mga pribadong
trader," ani Cathy Estavillo, secretary general ng AMIHAN at tagapagsalita ng Bantay Bigas.
"Marami na ang dumadaing sa gutom at pagkalugi kaya dapat paspasan ang pamimigay ng ayuda at
kompensasyon."
Ngayong araw lang lang nang iulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC) ang lagpas bilyong halagang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Sinasabing nasa 29,409 magsasaka't mangingisda na ang nasalanta dahil sa mataas na tiyansa ng below-
normal rainfall conditions, bagay na nagdadala ng negatibong epekto sa kabuhayan.
Kasama sa mga napinsala nito ang mahigit 26,731 hektarya ng sakahan: lagpas 2,815 ektarya rito ay wala
na aniyang pag-asang maka-recover.
"El Niño is a climate crisis. The response should be immediate and comprehensive, with short-term and
long-term relief and rehabilitation efforts. What we have seen so far are the usual government programs
already in place before the calamity such as credit assistance, insurance claims and a meager financial
assistance," dagdag pa ni Estavillo.
"The government should also prioritize the development of irrigation systems and irrigation in water
resources allocation. The management of dams and hydroelectric power plants should be regularized to
ensure that it would also benefit agricultural production."
'Bentahan ng buffer stocks' nasilip
Kinastigo rin ng Amihan ang diumano'y kawalan ng update sa anim na buwang suspensyong ipinataw ng
Office of the Ombudsman sa 134 empleyado at opisyales ng NFA, na diumano'y pinararatangan ng
pagbebenta ng 75,000 sako ng rice buffer stocks sa halagang P93.75 milyon.
Una nang pinuna ng COURAGE, isa pang progresibong grupo ng mga empleyado sa gobyerno, ang
kakulangan ng imbestigasyon sa mga nabanggit lalo na't ilan sa mga pinarusahan ay patay na o retirado.
Gayunpaman, sinabi ni Judy ng NNARA Youth na hindi makatarungan ng paag-iimbak ng NFA ng
napakaraming bigas habang nagkakanda-lugi't nagugutom ang mga magsasaka.
"Maling-mali ang iligal na pagbenta ng NFA ng 75,000 kaban ng palay sa mga trader samantalang
pinapabayaan nito ang mga magsasakang apektado ng El Niño," wika ni Bola.
"Ang kawalan ng kagyat na kompensasyon at ayuda para sa nga biktima ng El Niño ay nakakaapekto rin
sa kakayahan ng mga pamilya ng magsasaka na tustusan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan
tulad ng pagkain at edukasyon ng mga anak ng magsasaka."
Nakikiisa aniya ang mga kabataan sa laban ng magbubukid na magkaroon ng kagyat na kompensasyon at
ayuda sa gitna ng El Niño.
Dagdag pa ng NNARA Youth, ang "kapabayaang" ginagawa raw sa ngayon ng gobyerno ay hindi lamang
nagtatapos sa agrikultura ngunit pati na rin sa seguridad sa pagkain ng bawat Pilipino.

March inflation rate sumirit sa 3.7% sa pagmahal ng pagkain, transpo


MANILA, Philippines — Lumobo sa ikalawang sunod na buwan ang inflation rate nitong Marso
patungong 3.7% primarya dahil sa mas matuling pagtaas ng presyo ng "heavily-weighted food and non-
alcoholic beverages," ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ang inflation noong nakaraang buwan kumpara noong Pebrero 2024 na noo'y nasa 3.4%.
Gaya noong Marso, mas mabilis na pagtaas sa presyo ng pagkain din ang dahilan sa pagtaas ng inflation
noon.
"This brings the national average inflation from January to March 2024 at 3.3 percent. In March 2023,
inflation rate was higher at 7.6 percent," wika ng PSA sa isang pahayag ngayong Biyernes.
"The uptrend in the overall inflation in March 2024 was primarily influenced by the higher year-on-year
increase in the heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 5.6 percent during the month from
4.6 percent in February 2024."
Bukod pa riyan, tumaas din ang annual increases sa indices ng mga sumusunod, na siyang parehong nag-
ambag sa upward trend noong nakaraang buwan:
transport: 2.1% (mula sa dating 1.2%)
restaurants and accommodation services: 5.6% (mula sa dating 5.3%)
health: 3.2% (mula sa dating 3%)
recreation, sport and culture: 3.9% (mula sa dating 3.8%)
Sa kabilang banda, nakapagtala naman ng mas mabababang inflation rates para sa mga sumusunod na
commodity groups noong Marso:
Alcoholic beverages and tobacco: 6.7% (mula sa dating 8.6%)
Housing, water, electricity, gas and other fuels: 0.5% (mula sa dating 0.9%)
Furnishings, household equipment and routine household maintenance: 3.2% (mula sa dating 3.3%)
Personal care, and miscellaneous goods and services: 3.6% (mula sa dating 3.8%)
Napanatili naman ng mga nalalabing commodity groups ang kani-kanilang annual rates noong Pebrero.
Samantala, pangunahing nag-ambag sa March 2024 overall inflation ang: pagkain (57.3% share),
restaurants and accomodation (14.6% share) at transport (5.1% share).
Anyare sa food inflation?
"Food inflation at the national level rose to 5.7 percent in March 2024 from 4.8 percent in February 2024.
In March 2023, food inflation was higher at 9.5 percent," dagdag pa ng PSA.
"The acceleration of food inflation in March 2024 was mainly brought about by the slower year-on-year
decrease in vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses index at 2.5 percent in March 2024
from 11.0 percent annual decline in the previous month."
Maliban pa riyan, nakapagtala ng mas mabilis na taunang pagtaas sa 2.% ang karne mula sa dating 0.7%
noong Pebrero 2024.
Tumaaas din ang inflation rate ng cereals at cereal products (bigas, mais, harina, tinapay atbp. bakery
products, pasta products atbp.) patungong 17.3% noong naturang buwan mula sa 17% noong Pebrero.
17-buwang hinawakan noon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture bilang
kalihim dahil sa "krisis sa pagkain" bago niya ito ipaubaya kay Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr.
Matatandaang ipinangako ni Marcos na ibababa sa P20/kilo ang presyo ng bigas habang nangangampanya
pa sa pagkapresidente noong 2022 national elections. Hindi pa rin ito natutupad hanggang sa ngayon.
Enero 2024 lang nang ibalita ng Social Weather Stations na 13 milyong pamilya ang naniniwalang sila'y
mahirap sa pagtatapos ng taong 2023, bagay bumubuo sa 47% ng kabbuang bilang ng pamilyang Pinoy.

You might also like